Monday Sep, 23 2019 09:22:28 PM

NDBC BIDA BALITA (7.22.19)

NDBC BALITA • 09:45 AM Thu Aug 22, 2019
260
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. BARANGAY KAGAWAD at misis nito, arestado sa anti-illegal drugs operation ng mga otoridad sa Cotabato City.

2. DRIVER ng motorsiklo at pedestrian, patay sa vehicular crash sa Koronadal City

3. DXND AM Radyo BIDA sa Kidapawan city, nagdiwang ng kanilang ika-55 taong kaarawan.

4. Tulak ng droga sa Carmen, Noreth Cotabato naaresto, P11 libong pisong halaga ng shabu nakumpiska

 

 

AT NGAYON SA DETALYE NG MGA BALITA....

 

-0-

 

ARESTADO ang isang barangay kagawad at asawa nito sa drug raid na ikinasa ng mga otoridad sa bahay nito sa Cotabato City.

Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-BARMM, kinilala ang mga nadakip na sina Abdulbayan Diocolano Kamsa alyas Abduilbayan Diocolano, kagawad ng Barangay Tamontaka 3 at misis nitong si Zuraiba Diocolano.

Sinabi ni PDEA-BARMM Director Juvenal Azurin na nakuha mula sa dalawang mga suspek ang dalawang malalaking pakete ng ipinagbabawal na droga na umaabot sa 340 thousand pesos ang halaga.

Nakumpiska rin mula sa bahay ng mag-asawa ang isang cal. 45 pistol na walang lisensya, tatlong cellphones na hinihinalang ginagamit ng mga ito sa kanilang iligal na gawain at pitakang mjay iba’t ibang ID at mga dokumento.

Ayon kay Azurin, itinuturing na high value target si kagawad Kamsa at matagal ng under surveillance.

Nabatid na sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms ang mga nadakip na suspek.

Ayon pa kay Azurin, na katuwang nila sa kanilang operasyon laban sa mga suspek kamakalawa ang Cotabato City PNP at Army’s 5th Special Forces Battalion.

Samantala, kinasuhan na rin ng paglabag sa RA 9165 sa City Prosecutors Office ang isa pang nahuling drug suspect sa lungsod na si ALLAN TALISAYSAY REYES, 43 anyos, taga Mother Barangay Bagua.

Naaresto ang naturang suspek kamakalawa sa isinagawang Buy Bust Operation ng Police Station 2 at PDEA BARRM.

Nakuha mula kay Reyes ang apat na sachets ng Shabu matapos na napagbentahan nito ang isang pulis na nagkunwaring buyer.

 

-0-

 

LAND CONFLICT o pinag-aagawang lupa ang nakikitang motibo ng pulisya sa pananambang at pagpatay sa tatlong mga magsasaka sa Midsayap, North Cotabato.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Ogie Bantas, 42 years old, Mutalib Tulungon, 27 at Ismael Sumunsang, 37, pawang mga may-asawa at mga magsasaka na taga Sitio Basak, Barangay Tugal, Midsayap.

Sinabi ni Midsayap PNP chief Col. Benito Rutia na pauwi na sana mula sa kanilang sakahan ang tatlo pasado alas otso ng gabi kamakalawa nang abangan at pinagbabaril ng tatlong hindi pa nakikilalang mga suspek.

Dead on the spot ang mga biktima sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Inaaalam na ngayon ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga pumaslang sa mga biktima.

 

-0-

 

PINASOK ng mga pinaghihinalaang magnanakaw ang bahay ng isa sa mga miembro ng BARMM Bangsamoro Transition Authority o BTA sa Peña Francia Village, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City.

Ayon sa biktimang si MODAYAO MACASALONG SACAR, 56 years old, nadatnan na lamang niya ang kanyang bahay kahapon ay sira na ang lock ng kanyang pinto.

Kabilang sa mga ninakaw mula sa bahay ng biktima ay ang isang sakong bigas at ilan pang mga gamit.

SAMANTALA, isang ginang din ang nagtungo sa Police Station 1 ng lungsod para isumbong ang pagpasok ng magnanakaw sa kanyang Sari-Sari Store sa Purok Pinagsamahan, Barangay Rosary Heights 2.

Nakilala ang biktima na si VIVIAN SABAYAN, 45 anyos.

Ayon sa biktima, pasado ala sais ng umaga kahapon nang madiskubre nila na nilooban ang kanilang tindahan ng suspek na nakilala lang sa pangalang Abs Inok, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.

Nakapasok umano ang suspek sa tindahan sa pamamagitan ng paggamit ng kutsilyo at sapilitang binuksan ang bintana sa likuran ng tindahan.

Natangay ng naturang suspek ang ang iba’t ibang mga paninda ni Sabayan pati ang cash na nagkakahalaga ng 24 thousand pesos.

 

-0-

Sugatan ang isang suspek sa pamamaril sa isinagawang hot pursuit operation ng Sultan Kudarat PNP kasama ang Platoon Police Maneuver Force Company sa bahagi ng Barangay Pigkalagan, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ng Sultan Kudarat PNP ang sugatang suspek na si Lumambas Esmail, 35 anyos may asawa na residente rin ng nasabing lugar.

Sinabi ni Police Major Julhamin Asdani ng SK PNP, bago pa man ang nasabing operasyonay pinagbabaril ng nasabing suspek ang isang payong-payong driver pasado alas kwatro ng hapon kamakalawa sa national highway na bahagi ng Barangay Dalumangcob ng nasabing bayan.

Nakilala naman ang biktima na si Amiril Bansil Ulangkaya, 26 anyos at residente ng Brgy. Darapanan.

Tinamaan sa kaliwang balikat ang nasabing biktima dahilan upang dalhin ito sa pagamutan.

Nakuha naman sa suspek ang cal. 45 pistol na may dalawang mga bala at isang fired cartridge.

Sa ngayon ay nagpapagaling pa sa ospital ang suspek na si Esmail at ang biktimang si Ulangkaya.

 

-0-

 

ITINALAGA ng Malacañang bilang bagong miyembro ng Bangsamoro Transition Authority o BTA ng BARMM si dating Marawi crisis spokesman at former RLA-ARMM Assemblyman Ziaurrahman Adiong Alonto Adiong.

Ito ay base sa listahan ng New Presidential Appointees ng Malacañang kamakalawa.

Nabatid na ipinatawag si Adiong sa Malacañang, isang linggo bago ang kanyang appointment upang ipaalam na siya ay magiging bagong miyembro ng Bangsamoro Parliament.

Inaasahang may isa pang ia-appoint si P. Duterte bilang miembro ng BTA sa mga susunod na araw para makumpleto ang nominasyon nito.

80 katao ang kabuuang miembro ng BTA at 40 rito ay mula sa Moro Islamic Liberation Front habang 40 naman ang mula sa pamahalaan.

 

-0-

 

Clean up drive kontra dengue, pinangunahan sa capitol compound ng provincial health office ng South Cotabato

Nanguna sa regular na 4 o’ clock habit sa compound ng kapitolyo ang mga kawani ng Integrated Provincial Health Office o IPHO South Cotabato. Layun nito na simulan ang paglilinis sa mga bagay o lugar na pinamamahayan ng lamok na nagdadala ng dengue sa lugar ng trabaho.

Ito ay ayon kay Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr na naglabas na memorandum hinggil dito. Kaya sa halip na mga medical equipment hawak ng maraming mga kawani ng IPHO tuwing alas kwatro ng hapon ang mga gamit panglinis.

Sa unang araw ng pagpapatupad ng 4 o’ clock habit, ang mga kawani ng IPHO ay nakakolekta ng dalawang plastic bags ng basura. Marami sa mga ito ay pawang mga plastic na maaring pamuhayan ng dengue carrying mosquitoes.

Ang pagsira at paglilinis sa mga breeding sites ng lamok ay bilang pagpapatupad ng “Oplan Kulob” at clean-up drive kontra dengue ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.

Matatandaan na sa ngayon ay umabot na sa mahigit 4000 ang nagkasakit ng dengue sa lalawigan. 22 sa mga ito ay binawian ng buhay. Para masugpo ang dengue inilunsad ng Department of Health 12 ang Sabayang 4 O clock habit sa Koronadal City noong nakaraang linggo.

 

-0-

 

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ang “2019 Search for Cleanest ang Greenest Barangay” sa Koronadal City.

Ayon kay City Mayor Eliordo Ogena, layun nito na maparangalan ang mga barangay sa lungsod na may pinaka epektibong programa sa kalinisan at kaayusan. Ang Koronadal LGU ay magbibigay ng P50,000; P40,000 at P30,000 sa top three barangays.

May naghihintay din na tig P10,000 sa mga makakakuha ng mga special awards na Best Barangay Landscape, Best in Social Participation, at Best in Solid Waste Management Ordinances and Practices. Naniniwala si Ogena na para maresolba ang problema sa basura kailangan ang suporta ng mga mamamayan lalong lalo na sa mga barangay.

Ang “2019 Search for Cleanest and Greenest Barangay” ay bilang kabahagi ng pagpapatupad ng “Basura Attack” Program na inilunsad din sa Koronadal City noong nakaraang buwan.

 

-0-

 

Public OFW Desk Officers isinailalim sa Planning Asessment seminar ng OWWA para masiguro ang maayos na serbisyo sa mga OFW ng region 12

Mahalaga ang assessment sa performance ng mga Public OFW Desk Officers o PODO para matiyak ang dekalidad na serbisyo sa mga OFW sa rehiyon at kanilang pamilya.

Ipinahayag ito ni Overseas Workers Welfare Administration o OWWA 12 OIC Kristine Marie Sison matapos ang dalawang araw nilang 2019 Mid-Year Planning Asessment and Catch-Up Planning cum Stress Debriefing Seminar sa General Santos City. Ito ay dinaluhan ng mahigit 53 PODOs sa region 12.

Sinabi ni Sison na sa tulong ng kanilang mga PODOs naisakatupran ng OWWA ang marami nilang mga target projects sa unang semester pa lang ng 2019. Naging highlight naman ng aktibidad ang pagsasanay sa mga PODO sa stress debriefing .

Ayon kay Sison naging daan din ang aktibidad para masuri ng OWWA ang mga serbisyo nito sa mga OFW at kanilang dependents sa bawat local government unit. Ipinahayag ni Sison na malaki ang naitulong ng mga Public OFW Desk Officers sa pagpapatupad ng mga programa ng OWWA.

Ang PODOs sa mga local government units ay naging sandalan ng mga OFW at kanilang pamilya na humihiling ng tulong sa OWWA.

 

-0-

 

Pondo para sa pagpapaigiting ng kampanya kontra dengue inilian ng lokal na pamahalaan ng Gensan

Gagamitin ng lokal na pamahalaan ang mahigit P5.8 million pesos na pondo para pambili ng mga chemical at gamit sa operasyon kontra dengue sa mga Barangay ng Gensan.

Ito ang ipinahayag ni Gensan City Councilor Rosalita Nunez na siya ring Chairman ng Committee on Health and Sanitation ng konseho. Ayon kay Nunez ang nasabing pondo ay kukunin sa Quick Response Fund ng lokal na pamahalaan.

Ito ay bilang pagtalima na rin sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Managenment Council o CDRRMC. Sinabi ni Nunez na maari pang madagdagan ang pondo kontra dengue ng Gensan. Kasunod ito ng rekomendasyon ni Gensan Mayor Ronnel Rivera na isailalim na sa State of Calamity ang syudad dahil sa dengue.

Sinabi ni Nunez na bagama’t mas mababa ang kaso ng dengue sa Gensan kumpara sa karatig lugar, hindi dapat maging kampante ang lokal na pamahalaan.

Ayon kay Nunez nagbabala kasi ang Department of Health na maari pang lumala ang problema sa dengue fever sa mga darating na buwan.

Kaugnay nito, nananawagan si Nunez sa publiko na para malabanan ang dengue ipagpapatuloy ang clean up drive lalong lalo na sa mga bahay at komunidad. Dinagdag din nito na prayoridad ng misting operations ang mga breeding sites ng mga lamok sa Gensan.

 

-0-

 

Driver ng motorsiklo at pedestrian patay sa vehicular crash sa Koronadal City

Patay ang dalawa katao matapos masangkot sa vehicular crash sa Koronadal City kahapon.

Kinilala ng Koronadal City PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col. Joefel Siason ang driver ng motorsiklo na nasawi na si Datu Omar Sambuto, 64 years old.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na nabangga ng motorsiklong minameneho ni Sambuto ang pedestrian na si Rolando Bungan, 72 years old ng Barangay Saravia, Koronadal.

Ito ay habang papauwi na sa Sultan Village, Barangay Palian, sa karatig bayan ng Tupi. Naganap ang vehicular crash sa national highway, Purok Ilang-Ilang Barangay Saravial.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ng motorsiklo ang driver na si Sambuto at pedestrian na si Bungan ay pawang nagtamo ng matinding mga sugat sa ulo. Sila ay dead on arrival sa isang pribadong ospital sa Koronadal City.

 

-0-

 

North Cotabato Provincial Government, nagbigay na rin ng tulong sa mga pamilyang nasunugan sa Kidapawan City

Nagbigay ng tulong pinasyal ang pamahalaang Panlalawigan sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog kamakailan sa Mariano Cuenco Street, Poblacion Kidapawan City.

Ayon kay OIC Provincial administrator Atty. Nicholas Marasigan, kabilang din sa nagpa-abot ng tulong ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno tulad ng DSWD at PDRRM. Abot sa 15,000 ang tinanggap ng bawat pamilya na makakatulong din bilang panimula, isang sakong bigas at groceries.

Sa kasalukuyan, ang mga evacuees ay pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kaanak sa lungsod habang ang iba ay nakapagsimula na sa pag tayo ng kanilang tahanan.

Nabatid na ang Provincial Disaster Risk and Reduction Management Council sa pangunguna ni PDRRM head Mercedita Foronda ang nagrekomenda sa Pamahalaang panlalawiagan na magbigay ng tulong sa mga apektado matapos isinagawa ang assessment sa nasabing lugar.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dalawang dagdag pang mga ‘balay-silangan’ ang planong itatayo ng Cotabato provincial government para sa mga drug surenderee.

Ito ay kasunod ng tuloy-tuloy pa ring mga anti-illegal drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, Philippine National Police o PNP katuwang rin ang Philippine Army.

Ang pagpapatayo ng ‘balay-silangan’ ay isa sa mga naging laman ng Provincial Anti-Drug Abuse Council o PADAC Meeting nitong lunes, sa Amas, Kidapawan City.

Nabatid na ang paglalagay ng karagdagang balay-silangan ay iminungkahi ni Mlang Mayor Russel Abonado na agad namang inaprubahan ni PADAC Chairman at North Cotabato Governor Nancy Catamco.

Matatandaang isang ‘balay-silangan’ lamang ang naipatayo sa ikalawang distrito ng lalawigan, kung kaya’t hindi nito kakayanin ang libu-libong mga drug surenderees.

Napagkasunduan sa nasabing pagpupulong na isa ang itatayo sa unang distrito at isa rin sa ikatlong distrito.

Ayon pa kay PDEA 12 Regional Director Naravy Daquiatan na malaki ang naitutulong ng mga lokal na pamahaalan lalo sa Community Based Rehabilitation Program sa mga Persons Who Used Drugs o PWUDs lalo pa’t tuloy-tuloy pa rin ang kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.

Kaya’t mas madali aniyang matulungan ang mga drug personalities kung may sapat na pasilidad para sa pag-reporma ng mga ito bago makabalik sa mainstream society.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Babaeng may kasong frustrated murder, inaresto ng PNP sa President, Roxas North Cotabato

Hindi na nakapalag pa ang isang babaeng wanted sa batas matapos maaresto ng pulisya sa Barangay Poblacion, President Roxas Cotabato alas 2:00 ng hapon kahapon.

Nakilala ang naarestong suspek na si Florentina Mandigal Tiad, 56 anyos, may asawa at residente ng Purok 6, Barangay Castillo, Surigao Del Sur.

Dala ng PNP ang warrant of arrest na inisyu ni dating Regional Trial Court Branch 23 Judge Rogelio R. Narisma nga may petsang Abril 26, 2001 na may kasong frustrated murder criminal case number 52-2001. Sa loob ng sampung taon na pagtatago sa batas ng suspek ay nahuli ito sa pakikipagtulungan na rin ng mga residente sa lugar.

Siya ay temporaryong nakapiit na sa custodial facility ng President Roxas PNP habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

Limampu’t limang taon na ang nakalipas ng unang sumahimpapawid ang DXND Radyo BIDA sa isang elementary training department na gusali ng Notre Dame Colleges na ngayon ay Notre Dame University sa Cotabato city, noong August 22, 1964.

Pitong taon makaraang itinatag ang DXMS sa pangunguna ni Bishop Gerard Mongeau ng Oblates of Mary Immaculate.

Hanggang sa inilipat ito dito sa Kidapawan city, makaraang maipasara noong panahon ng martial law. Pebrero 4, 1974 ng opisyal na sumahimpapawid sa ere ang DXND.

Sa limang dekadang paglilingkod sa Mamamayan ay naging sandigan na ng taong bayan pagdating sa balita, impormasiyon at serbisyo publiko ang himpilang ito.

Matapang at walang kinikilingang paghahatid ng mga balita at pangyayari sa lungsod ng Kidapawan, probinsiya ng North Cotabato at mga kalapit na lugar.

Higit na naging matatag ang DXND sa mga hamon ng panahon, kungsaan nalampasan nito ang mga dinaranas na unos, bagyo, kalamidad, pagtaas ng presyo ng gasolina at pinansiyal na aspeto. Hindi rin nakaligtas ang himpilan sa pagbago ng panahon dahil sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya sa panahon ng digital age at ng mga millennial.

Kungsaan napag-iiwanan na ang AM radio sa pag-usad ng social media. Gayunpaman, hindi rin nawawala ang presensiya ng DXND sa social media gaya ng iba pang flat-form nito na facebook, youtube at website na patuloy na naghahatid ng mga Kwentong mag-aangat sa kamalayan ng taumbayan. Kaya naman sa taong ito, nakasentro ang selebrasiyon sa temang: RADYO 55 na, kasabay mo sa bawat Kwento ng Pagbabago.

Kaugnay nito, isa sa gagawing aktibidad bilang bahagi ng selebrasiyon ang Free legal consultation na handog ng Integrated Bar of the Philippines o IBP North Cotabato Chapter sa pangunguna ni Atty. Emma Ferenal Andiano.(Rhod Benez) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

11K na halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa isag tulak-droga sa Carmen, North Cotabato

Arestado ng isang binata matapos inilunsad ang buy-bust operation ng PNP sa Carmen, North Cotabato alas 2:40 ng hapon kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Mohamidin Macalnas na residente ng Kuronan, Pagalungan Maguindanao. Nakuha sa kanya ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabuat ang buy bust money na ginamit sa operasyon. Nang kapkapan ang suspek ang nkuha rin ang malaking sachet ng iligal na droga na nagkakahalaga ng abot sa 11,800 pesos at isang unit ng hand grenade.

Sa ngayon ay nasa kustudiya nan g Carmen PNP ang suspek at sasampahan ng karampatang kaso sa korte. Samantala sa Kidapawan City, arestado din ang isa pang tulak droga sa patuloy na anti-illegal drug operation sa Barangay Poblacion ng lungsod kahapon. Nakilala ang suspek na si Carmelito Sulayman Pinanato alyas Mels na taga Purok 3, Barangay Poblacion ng lungsod.

Isinagawa ng PNP ang operasyon laban sa suspek a nakuhanan ng apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu. Nakakulong na ang dalawang mga suspek sa custodial facility ng PNP at sasampahan ang kasong isasampa laban sa kanila.(Cherr Exim) NDBC BIDA BALITA

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Barangay chairman, companion dead in Kabacan shooting incident

NORTH COTABATO --- Two were killed, one of them a barangay chairman, while two others were wounded in an attack in Kabacan town in this...

Look: Cops haul fish and marine products sold outside Kalamansig town market

KALAMANSIG, Sultan Kudarat - Police authorities here on Sunday hauled containers and fish peddled by fish vendors beside the highway as...

2 MILF members detained for illegal gun possession

MAGUINDANAO --- Two members of the Moro Islamic Liberation Front were arrested Saturday for unauthorized carrying of firearms....

Top ASG member, 2 others yield to gov’t forces

ZAMBOANGA CITY - The WestMinCom’s campaign against violent extremism reaps good results as more terrorists yield to the government forces...

Though our Lord Jesus Christ was rich, he became poor

Reading 1AM 8:4-7

Hear this, you who trample upon the needy
and destroy the poor of the land!
“When will the new moon be over...