Tuesday Jul, 23 2019 03:10:17 PM

NDBC BIDA BALITA (7.2.19)

NDBC BALITA • 16:15 PM Tue Jul 2, 2019
260
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 2, 2019 (TUE)
7:00 AM

HEADLINES:

1. COTABATO CITY mayor Cynthia Guiani, nanumpa na sa kanyang tungkulin kahapon.

2. TATLO katao patay habang 26 na iba pa, sugatan sa vehicular crash sa Pikit, North Cotabato

3. Apat na mga pinaghihinalaang magnanakaw ng motorsiklo, patay sa shootout sa Esperanza, Sultan Kudarat

4. Paggamit ng CR sa terminal ng Koronadal City, libre na

 

-0-

 

Local………………..

HINILING ni Cotabato city mayor Cynthia Guiani ng suporta at kooperasyon sa mga mamamayan ng lungsod sa kanyang unang termino at pormal na panunungkulan bilang alkalde ng syudad.

Sa kanyang oath-taking ceremony at ng buong Team Guiani sinabi nito na hangad niya ang kasiyahan, kaularan at kapayapaan para sa mga mamamayan ng Cotabato city.

Kasabay ng paghihigpit ng seguridad, plano ng kasalukuyang administrasyon na maglagay ng “EYE in the SKY” at ang headquartes ng naturang helicopter ay sa likod umano ng City Hall.

Binigyang-diin din ng akalde na mas magiging madali at mabilis na rin ang mga transaksyon sa loob ng City Hall.

Sabi ni mayor Guiani, tuloy din ang konstruksyon ng Seaport at Airport sa syudad.

Plano rin ni mayor Guiani na magpatayo ng mga dagdag na paaaralan, kontraksyon ng kalsada, mga pabahay, Cotabato-China Technical School, Manufacturing Plants, at iba pang proyekto.

Inaasahan naman itong makakapagbigay ng 30 libong mga ang naghihintay sa pagbubukas ng mga nasabing programa.

-0-

 

SIGNATURE BOMB umano ng Abu Sayyaf Group o ASG ang dalawang sumabog sa kampo ng militar sa Indanan, Sulu.

Sinabi ni Western Mindanao Command commander M/Gen. Cirilito Sobejana na ang naturang uri ng improvised explosive device o IED ang ginamit ng mga ISIS inspired Abu Sayyaf terrorist group sa ginawa nitong pagsalakay sa kampo ng militar sa Indanan, Sulu noong Biyernes, at ang kambal na pagsabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo noong Enero.

Ayon kay Sobejana, parehong-pareho ang istilo ng pagpapasabog ng mga terorista noong Jolo Cathedral twin bombing at ang pinakabagong insidente.

Dagdag pa rito ang ginamit na improvised explosive device na isang cellphone-detonated IED.

Sa ngayon ay bina-validate na ng militar ang ulat na ang isa sa dalawang bombers ay ang anak ng Moroccan na nagpasabog naman sa Lamitan, Basilan.

Nabatid na ang bata na may IED ang siyang pumasok sa loob ng compound ng kampo, habang ang isa pang bomber ay asian-looking na posible umanong Malaysian, Indonesian o Pilipino.

Pero pag-amin ni Sobejana, wala pang Pinoy na gumawa ng suicide bombing mission.

 

-0-

 

Pormal ng sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 kahapon sa City Prosecutors Office ang apat na suspek na sina DATU ALI ADAM ODSONG at MIKE GUIAMDACA, na kapwa nakatira sa Cotabato city at dalawa pa na sina MUHAMAD KUSAIN at DATUMANONG WAHAB na taga-Maguindanao naman.

samantalang kasong paglabag naman sa RA 10591 ang isinampa kay SAMER PIKIT ANDAM matapos na makuhanan siya ng hindi lisensyadong cal. 45 pistol/ dalawang magazine at 18 piraso mga bala.

Magugunitang isang operasyon kontra illegal gambling ang isinagawa sa pangunguna ni Police Station 4 commander Police Capatain Elexon Villa Bona kasama ang kanyang tropa ala sinco kamakalawa ng hapon sa Purok Tahir,Bagua 2, dito sa lungsod na nagresulta sa pagkaka aresto sa mga nasabing suspek.

Nakuha sa mga ito ang mga bet money at mga kagamitan sa pagsusugal kabilang ang nabanggit na baril sa isa sa mga suspek na syang ginamit na mga ebindensya  dahilan para masampahan ng kaso ang mga nahuli.

 

-0-

 

 

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapulbos ang teroristang Abu Sayyaf Group sa Sulu bago mag-December 31 ayon kay Major Gen. Cirilito Sobejana.

Opisyal nang umupo si Sobejana bilang bagong commander ng Western Mindanao Command kahapon, araw ng Lunes.

Ang pahayag ng military official ay kasunod ng dalawang pag-atake sa Indanan, Sulu na ikinasawi ng walo katao kabilang ang tatlong sundalo at pagkasugat ng 22 iba pa.

Ayon kay Sobejana, posibleng isinabay ng ASG ang pagbomba sa kanyang pag-upo sa pwesto bilang Westmincom commander.

Sa ngayon ay hindi pa anya sigurado ang militar kung suicide bombing nga ang naganap o aksidenteng namatay din ang mga umatake sa kanilang pagpapasabog.

Naniniwala si Sobejana na maaaring nais lamang ng ASG na ipakita na sila ay may pwersa pa rin para magsagawa ng terror attacks.

 

-0-

 

Kidapawan City LGU, nakapagtala ng mataas na koleksyon ng buwis sa kalagitnaan pa lamang ng taon

Nakapagtala ng mataas na tax collection efficiency rate ang Kidapawan City government sa target nito na kolekasyon ng buwis sa first at second quarter ng taon.

Ibinunyag mismo ni City Mayor Joseph Evangelista ang naturang development sa pagsisimula ng ebalwasyon ng Cotabato Provincial Government sa City LGU para sa nominasyon nito sa Jose Tuburan Jr. Good Governance Award.

Resulta na rin ng pagpupusrsige ng Lokal na Pamahalaan mula sa pinaigting na koleksyon ng Real Property at Local Taxes ang narehistrong mataas na koleksyon sa buwis at tiwala ng mamamayan sa kakayahan ng Pamahalaang Lokal na magbigay at magpatupad ng proyekto at serbisyo.

82% na collection efficiency rate ang nakuha ng City Government sa koleksyon ng mga buwis sa lupa sa ilalim ng Real Property taxes.

75% naman ang collection rate sa General Collections gaya ng permits and licenses, penalties and surcharges, certifications and clearances at iba pa. Mula sa target na P53.5 Million sa City Share at Special Education Fund sa ilalim ng real property taxes, umabot na sa mahigit P41 Million ang aktwal na nakolekta ng City Government para sa May 2019.

Mula naman sa target na P143.5 Million sa General Collections, abot na sa mahigit P107 Million ang halaga ang nakolekta, ito ay mula na rin sa ipinalabas na datos para sa mga buwan ng Enero hanggang Mayo ng taon ng City Treasurer’s Office. Ang maayos na pagpapatupad ng proyekto at pamimigay ng serbisyo ay nakakahikayat din sa mga investors na maglagak ng kanilang negosyo sa lungsod. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

North Cotabato Governor Catamco may mensahe sa mga kawani ng kapitolyo “Charity begins at home.”

Ito ang isa sa mga mensahe ni Governor Nancy Catamco sa isinagawang flag raising ceremony kahapon at bilang unang araw na rin ng kanyang panunungkulan sa kapitolyo.

Ibig sabihin nito ayon kay Catamco ay ligtas at may demokrasya sa loob ng kapitolyo lalo na ang magandang istruktura sa bawat opisina.

Una-unang sa kanyang gagawing ay ang pagsasaayos kung mayroon mang dapat ayusin at pagandahin sa mga bawat tanggapan.

Binigyan diin din ng gobernadora na ayusin at linisan ang mga banyo dahil aniya, ito ay nagsasalamin sa kabuuang kalinisan ng kapitolyo.

Dagdag rin nito na kung mayroong problema ay agad itong ipaabot sa kanya at huwag nang idaan pa sa social media.

Bawal din sa kanya ang mga kawaning sipsip. May hamon din si Catamco sa mga department head na panindigan kung ano man ang mga report na makarating sa kanya. 

Kahapon din ay isa-isang binisita ng gobernadora ang bawat departamento ng kapitolyo. Kasali rin sa isinagawang flag raising ceremony kahapon ang iba pang mga government line-agencies gaya ng PNP, AFP, DILG, Civil Service Commission, DepEd, TESDA, BJMP, COA at iba pa. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

2 ka tao patay habang 26 iba pa sugatan sa vehicular crash sa Pikit, North Cotabato

Patay ang dalawang mga magsasaka habang 26 na iba pa ang sugatan matapos masangkot sa aksidente ang sinasakyan nilang Elf Truck nang mawalan ng kontrol ang drayber at nahulog sa sementadong kaldasa sa Barangay Nalapaan, Pikit, North Cotabato, alas 7:10 ng umaga kahapon

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Akraman Aluyudan, 43 anyos, magsasaka, Huyaan Mamir, 27 anyos na kapwa nakatira sa Barangay Giling, Alamada, Cotabato. Habang ang drayber ay kinilalang si Esmail Manisin Tambag, 43 anyos at nakatira sa Banisilan North Cotabato.

Agad namang naisugod ang dalawamput anim na iba pang sakay ng naturang sasakyan. Ayon kay Police Corporal Badrodin Omar Manalasal ng Pikit PNP, binabaybay ng elf truck ang National Highway sakay ang mga magkakamag-anak na biktima na patungo sana sa Barangay Amas, Kidapawan City na dadalo umano sa isang seminar.

Nang pagsapit sa pakurbadang daan, sinubukang mag-overtake ng truck pero may isa pang motorsiklo na kasalubong kaya bumalik ito sa kanyang daan hanggang sa mawalan ng kontrol ang drayber. Natumba ang naturang sasakyan at nahulog ang lahat ng mga pasahero na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

 

-0-

 

 

 

Lalaking may kasong murder, arestado sa Pikit, North Cotabato

Huli ng PNP ang isang lalaki na may kasong murder sa Barangay Batulawan, Pikit Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Rex Lipoin Sumilalo alyas Remax Liposin , 37 anyos, isang magsasaka na nakatira sa Barangay Nabundas ng bayan.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib pwersa ng Pikit PNP, at ng CIDG alas 9:30 kahapon ng umaga. Dala ang warrant of arrest na insiyu ni Judge Farncisco Rabang ng RTC Branch 18, Midsayap Cotabato na may petsang March 12, 2003.

Nakapiit na ang suspek sa lock up cell ng Pikit PNP at nakatakdang sasamphan ng kaso ngayong araw. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Infrastructure project prayoridad sa pag-upo ng alkalde ng Pagalungan sa Maguindanao Milyong halaga ng mga infrastructure project ang aasahan ng mga mamayan ng Pagalungan sa Maguindanao.

Ito ang sinabi ni Pagalungan Mayor Salik Mamasabulod sa isinagawang Oath taking at kanduli sa bayan kahapon. Kabilang sa mga proyektong ito ang worth 35 million pesos na public terminal at public market na kasalukuyang sinisimulan na.

Sinisimulan narin ngayon ang 35 million pesos na Municipal Hall ng bayan. 

May bagong mga equipment rin na nagkakahalaga ng 15 million pesos ang ngayo'y pwede ng magamit para mapaayos ang mga daan sa bawat barangay ng Bayan ayon pa kay Mamasabulod. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Nagpapagaling na ngayon sa bahay pagamutan ang isang 23-anyos na magsasaka matapos pagtatagain ng kanyang sariling tiyuhin sa Brgy. Junction, Kidapawan City, alas kwatro ng hapon kahapon.

Kinilala ang biktima na si Menard Agta, single, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar. Habang kinilala naman ang suspek na si Concordio Agta, 50-anyos, may asawa, isa ring magsasaka at residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa kaya humantong sa pananaga ng nasabing tiyuhin sa kanya mismong pamangkin. Nagtamo ang biktima ng sugat sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan na agad namang naisugod sa ospital.

Samantala, nahuli naman ng Special Weapons and Tactics o SWAT team ng Kidapawan City PNP ang suspek matapos ang isinagawang hot pursuit operation. Narekober sa suspek ang isang bolo na siyang ginamit nito sa pananaga.

Kulong na ngayon sa custodial facility ng Kidapawan City PNP ang suspek ang kakaharapin ang kasong isasampa laban sa kanya.

 

-0-

 

National Nutrition Council 12 Regional Coordinator nanawagan sa publiko na maging physically active kasabay ng paglunsad ng National Nutrition Month Celebration sa Koronadal City

Hikayatin ang kanilang mga anak na maging aktibo sa mga physical activities. Ito ang panawagan publiko lalo lalo na sa mga magulang ni National Nutrition Council o NNC 12 Regional Coordinator Araceli Latonio.

Ipinahayag ni Latonio na dahil sa mas nawiwili na sa mga gadget kulang sa ehersisyo ang mga kabataan ngayon. Ayon kay Latonio, ito ay naging sanhi naman ng obesity o sobrang katabaan na makasasama sa kalusugan. Kaya hiling din ni Latonio sa mga kabataan ngayon kumain ng wasto.

Para hikayatin ang mga mellenial na panatilihin ang healthy lifestyle tampok sa paglunsad ng NNC 12 ng Nutrition Month Celebration kahapon ang Zumba exercise. Ito ay ninalahukan ng daang daang mga estudyante at mga guro sa Koronadal National Comprehensive High School.

Tampok din sa programa ang mga palaro na ngangailangan ng physical activities tulad ng Luksong Tinik, Hulahoop Relay, Plate Relay at Serpent. Sinabi ni Latonio na handa ang NNC 12 na suportahan ang mga programa ng mga local government units sa rehiyon ngayong Nutrition Month. Tema ng Nutrition Month Celebration ngayong taon ang “Kumain nang Wasto at Maging Aktibo…Push Natin To”:

 

-0-

 

4 years old na bata patay sa vehicular crash sa Banga, South Cotabato

Dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City ang isang kwatro anyos na bata matapos masangkot sa vehicular crash ang sinakyang motorsiklo sa Banga, South Cotabato.

Kinilala ng Banga PNP na pinamumunuan ni Police Major Joseph Forro III ang biktima na si Joylyn Sen nakatira sa Barangay Lamba sa nasabing bayan. Sugatan naman sa insidente ang nakababatang kapatid nitong dos anyos, at inang si Rosana,28 years old.

Ang amang driver ng sinakyang nilang motorsiklo na si Junjun Sel, 31 years old ay kritikal naman ang kondisyon. Ang driver ng isa pang motorsiklo na nakabangga sa mga biktima na si Rizal Gan, 25 years old na tumakas ay pinaghahanap pa ng mga pulis.

Habang nagpapagaling pa ang mga angkas nitong dalawang menor de edad na anak na sugatan din sa insidente. Lumabas sa insiyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang mga biktima ay pauwi na galing ng family gathering sa karatig barangay ng Derilon nang magkasalpuan ang sinakyan nilang motorsiklo sa Sitio Matlong, Barangay Lamba, Banga.

 

-0-

 

Magsasaka patay sa pamamaril sa Tantangan, South Cotabato

Binaril ang biktima habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Purok Namnama, Barangay Poblacion, Tantangan, South Cotabato. Ito ang lumabas sa follow up investigation ng Tantantangan PNP na pinamumunuan ni Police Captain Romeo Albano Jr.

Kinilala ang biktima na si Jon De Guzman, 48 years old, magsasaka at nakatira sa nasabing barangay na inakala noong una ng pamangkin ay biktima ng vehicular crash.

Si De Guzman ay binaril ng nagabang na salarin sa madilim na bahagi ng farm road sa kanilang lugar pasado alas dose ng hatinggabi kahapon. Ang biktimang si De Guzman ay dead on arrival nang dalhin ng kanyang mga kaanak sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.

Ito ay sanhi ng tama ng bala ng baril sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan. Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang salarin at ano ang motibo nito sa pagpapatay sa magsasakang biktima.

 

-0-

 

Apat na pinaghihinalaang magnanakaw ng motorsiklo patay sa shoot out sa Esperanza, Sultan Kudarat

Inaalam pa ng mga pulis kung may kaugnayan sa carnapping syndicate ang apat katao na umano ay nasawi sa shootout noong Sabado ng gabi sa Esperanza, Sultan Kudarat.

Ito ang ipinahayag ni PRO 12 Regional Director Brig. General Eliseo Tam Rasco. Kinilala ni Rasco ang mga nasawing umano’t magnanakaw ng motorsiklo na sina Gabriel Bothi Maulana, 31 anyos at Tongs Kamidon pawang mga taga Banga, South Cotabato.

Nasawi din ang umanoy mga kasama nilang sina Kadil Tambeg at Kamad Pidiwata ng Lambayong, Sultan Kudarat. Ayon kay Rasco gumanti ang mga pulis sa checkpoint sa Barangay Laguinding, Esperanza nang paputukan ng mga nakamotorsiklong suspek. Naglagay ng dagdag na check point ang mga pulis sa lugar kasunod ng tumataas na kaso ng nakawan ng motorsiklo at hold up incidents.

Narekober ng mga pulis sa mga nasawing suspek ang dalawang 45 pistol at mga bala, granada, anim na pakete ng umanoy’t shabu, cellphone, sling bag, at dalawang pinaniniwalaang nakaw na motorsiklo.

 

-0-

 

Comfort Room sa public terminal, inilibre na ng lokal na pamahalaan ng Koronadal City

Libre nang magagamit ng mga mamamayan ang comfort room sa Integrated Public Terminal ng Koronadal City.

Ito ang ipinahayag ni City Economic Enterprise Development Officer Judith Amido. Ayon kay Amido, ipinatigil ng lokal na pamahalaan ang paniningil sa mga gumagammit ng nasabing comfort room.

Ito ay bilang pagtalima na rin sa matagal nang iniutos ng Land Transportaion Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Nakasaad din sa Memorandum Circular ng LTFRB ang paglalagay sa mga comfort rooms sa mga terminal ng hand dryer,sabon, tissue paper, pabango at exhaust fan.

Dapat ding mayroong hiwalay na CR ang mga persons with disability o PWD. May kagunayan din ito sa pagpapatupad ng Republic Act 11311 na pagkakaroon ng libreng Wi-fi connection at pasilidad sa mga terminal sa bansa.

 

NDBC BIDA BALITA (7.23.19)

NEWSCAST

JULY 23, 2019 (TUE)
7:00 AM

HEADLINES:

1. BARANGAY CHAIRMAN, patay habang...

Power outages cut peoples view of Duterte’s SONA

KIDAPAWAN CITY  – Residents of Kidapawan City and nearby towns of Makilala and Mlang in North Cotabato were dismayed by the turned of events while...

Kidapawan Muay Thai boxers win gold in Butuan tourney

KIDAPAWAN CITY  – Muay Thai boxers from Kidapawan City made its presence felt in the Mindanao leg of Philippine championships recently in Butuan...

Displaced persons revisit home in Marawi affected areas

MARAWI CITY - Escorted by soldiers, 700 displaced families revisited their homes in Marawi affected areas on June 20.

“Soldiers provided...

Soldier hailed for honesty in Zambo City

ZAMBOANGA CITY - He is a well-rounded warrior with exceptional skills, an epitome of a true soldier living up to the Armed Forces of the...