Monday Oct, 14 2019 06:34:54 AM

NDBC BIDA BALITA (7.20.19)

NDBC BALITA • 18:30 PM Sun Jul 21, 2019
266
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 20, 2019 (SAT)
7:00 AM

HEADLINES:

 

1. BANGKAY ng isa sa dalawang mga turistang taga-Cotabato city na nawala sa Thailand, natagpuan na!

2. Estudyanteng taga-Maguindanao na nakuhanan ng mahigit 50 libong pisong halaga ng shabu, arestado sa Koronadal City

3. North Cotabato, nakapagtala ng pinakamaraming mga kaso ng Degue sa region 12.

4. State of calamity, ideneklara sa South Cotabato dahil sa dengue 

 

 

 

-0-

NATAGPUAN NA ang bangkay ng isa sa dalawang mga Pilipinong turistang pawang mga taga-Cotabato city na ilang araw na ring nawawala matapos tangayin ng malakas na alon sa isang beach sa Phuket, Thailand.

Nadiskubre ang katawan ni Noah “Twitt” Ibay II ng isa pang turista sa Freedom Beach, dalawang araw matapos maiulat na nawawala ito at ang kapwa Pinoy na si Angelo Bien Rafael Cortez.

Sa facebook post ng asawa ni Noah si Maleha Biruar-Ibay kinumpirma rin nito na natagpuan na ang bangkay ng kanyang mister.

Patuloy naman ang paghahanap kay Cortez na isang registered nurse.

Tinangay ng malakas na alon sa beach sina Ibay at Cortez noong Miyerkules ng hapon.

Nabatid na nagbakasyon ang dalawa sa Phuket kasama ang 11 iba pa kabilang ang ama ni Cortez.

 

-0-

 

NAMATAY naman ang isang 57-ayos na babaeng pilgrim sa Mecca, Saudi Arabia kahapon ng umaga.

Sinabi ni National Commission on Muslim Filipinos - public relations and information head Dr. Dimapuno Alonto Datu-Ramos Jr. na ang nasawi ay kinilalang si Sarapia Abalimbona Taha na taga-Lanao del Sur.

Ayon kay Ramos, nag-collapse si Taha habang pumapasok sa Masjid al-Haraam, isang pilgrimage site, bago ang Jumaah o pagdadasal.

Posible umanong inatake sa puso si Taha na ang mga labi ay nasa morge ng Al Noor Hospital at naghihintay na maproseso ang dokumento para ito ay maiuwi sa Pilipinas.

Sinabi ni Ramos na naabisuhan na ang mga kaanak ni Taha sa nangyari.

Noong nakaraang taon ay nasa walong pilgrims din, na karamihan ay matatanda, ang namatay sa gitna ng Hajj.

Sa record ng NCMF, nasa seven thousand, 325 Filipino pilgrims ang kasama sa Hajj ng mga Muslim ngayong taon.

 

-0-

 

SUMUKO sa mga sundalo ang dalawang armadong supporters ng Maute-ISIS Group sa Barangay Matitikop, Tubaran, Lanao del Sur.

Sinabi ni Army’s 103rd Infantry Brigade Commander Brigadier General Romeo Brawner, Jr. na isinuko rin ng mga ito sa Army’s 55th Infantry Battalion ang dalawang cal. 45 pistols at mga bala.

Ayon sa dalawang sumuko na sadyang hindi kinilala sa report, sila umano ang nagbibigay ng supply sa grupo sa napatay ng lider ng Maute Group na si Owayda Marohombsar alyas Abu Dar.

Si Abu Dar at tatlo nitong kasamahan ang napatay ng militar sa mainit na bakbakan sa Barangay Dinaigan, Tubaran, Lanao del Sur.

Ayon pa kay Brawner, malaki ang naitulong ni Tubaran Mayor Khaledyassin Papandayan sa pagsuko ng mga suporter ng Maute-ISIS Group bilang pakikiisa sa kampanya ng pamahalaan laban sa terorismo.

Una rito, kinumpirma rin ni Brawner ang pagkakadakip ng iilang recruiters ng Maute-ISIS group sa Lanao del Sur.

 

-0-

 

MAGBIBIGAY ng isang daang libong pisong pabuya ang lokal na pamahalaan ng Lambayong, Sultan Kudarat sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na makakatulong sa tuluyang pagkakadakip ng mga suspek na bumaril at pumatay sa kawani nitong si Remesyl Valdez.

Matatandaan na angkas ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang mister sa Brgy Poblacion, Lambayong nang pagbabarilin sila ng riding tandem suspects gamit ang cal. 45 pistol.

Nagawa pang tumakbo ng mag-asawa ngunit may tama na sa likod si Valdez kaya’t nahulog sa kanal at doon na tinuluyan ng mga suspek.

Nakaligtas naman ang mister ni Valdez.

Kaugnay nito ay inatasan na ni Lambayong Mayor Ferdinand Agduma ang pulisya na magsagawa ng mas malalim pang imbestigasyon kaugnay sa kaso.

Nabatid na sa ngayon ay may sinusubaybayan ng mga suspek ang Lambayong PNP na posibleng may kinalaman sa pamamaslang sa biktima.

 

-0-

 

Nag-aagaw buhay nang isugod sa ospital ang tatlong taong gulang na batang lalaki matapos umano itong malunod sa isang sapa sa Purok Busain, Barangay Datu Balabaran, Cotabato City.

Kinilala lamang sa pangalang “ALI” ang biktima na residente rin ng nabanggit na Barangay.

Ayon sa lola ng biktima, habang masayang nilalaro ng bata ang kanilang mga alagang manok nang aksidente umano itong mahulog sa sapa.

Malalim at malakas ang agos ng tubig kaya hindi agad nakuha ang biktima.

Ngunit makaraan ang ilang minuto ay nasagip din ang bata at agad na isinugod sa pagamutan.

Hanggang ngayon ay patuloy itong sinusubukang isalba ng ng mga manggagamot sa maselan nitong kalagayan.

 

-0-

 

Pacquiao versus Thurman fight, libreng mapapanood sa Kidapawan Gymnasium bukas

Libre with no commercial breaks na mapapanood ang bakbakang Manny Pacquiao versus Keith Thurman alas 9:00 ng umaga bukas sa Kidapawan City gymnasium.

Ang public viewing ay live na mapapanood mula sa MGM arena sa Las Vegas Nevada USA ang nasabing laban. Susubukang agawin ni Senator Pacquiao- na ‘regular champion’ sa 147 pound Welterweight Division ng World Boxing Association ang ‘super champion’ belt na hawak ng Amerikanong si Thurman.

Magsisimula ang public viewing alas nuwebe ng umaga sa pagbubukas ng mga preliminary bouts bago ang Pacquiao-Thurman Main Event na inaasahang magsisimula ganap na alas dose ng tanghali. Hinihikayat naman ang lahat na manonood bukas na sumunod lamang sa mga gagawing security checks ng mga otoridad bago ang panonood ng libre sa City Gymnasium. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Ilang mga PWD sa bayan ng Kabacan, Cotabato, tumanggap ng tulong mula sa Department of Labor and Employment o DOLE 12

Abot sa dalawampung persons with disability ang tumanggap ng livelihood program mula sa Department of Labor and Employment. Ang nasabing mga PWD ay grupo na mula sa Barangay Poblacion na hindi kabilang sa 4Ps program ang mga napili.

Ayon kay PESO Manager Eufrosina Mantawil ng LGU-Kabacan, abot sa dalawang daang libong piso ang kabuuang natanggap ng dalawampung PWDs sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Emergency Employment Program. Kaugnay nito, mga groceries tulad ng bigas, charcoals, at iba pa ang tinanggap ng mga PWDs upang gawing panimulang pagkakakitaan.

Panawagan naman ng lokal na pamahalaan sa mga gustong maka-avail ng programa at serbisyo ng DOLE na mariing makipag-ugnayan sa PESO office ng bayan. Samantala, inaasahan naman ng DOLE na magsisimula ito ng mas ma-unlad na pamumuhay para sa mga nakatanggap ng ayuda. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Construction worker na wanted person, arestado sa Carmen, North Cotabato

Huli ng PNP ang isang lalaking wanted sa batas sa Purok 4 Barangay Ranzo, Carmen, North Cotabato alas 7:40 kagabi. Kinilala ang suspek na si Arnold Judilla Apostol, 41 anyos, isang construction worker at nakatira din sa nasabing lugar.

Dala ng Carmen PNP ang warrant of arrest na may kasong paglabag sa Republic Act 9262 o anti violence against women and their children act of 2004 na inisyu ni Judge Alandrex Betoya ng Regional Trial Court Branch 16 Kabacan na may petsang June 10, 2019.

Ang suspek ay nakapiit na sa custodial facility ng Carmen PNP habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya. Samantala, arestado din ang isang wanted person na may kasong attempted homicide sa Sitio Nangalid, Barangay Datu Salumay, Marilog District Davao City. Kinilala ang naaresto na si ROMMEL LANGAYLANGAY VILLAFLOR, 30 anyos, isang magsasaka at nakatira sa Sitio Puso Barangay Sinkatulan, Makilala alas 7:00 kagabi.

Ang suspek ay may kasong attempted homicide na may petsang October 6, 2019. Temporaryong nakakulong na si Villaflor sa Marilog Police station 12 at sasampahan ng karampatang kaso sa korte. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

North Cotabato, nangunguna sa may pinakamaraming kaso ng degue sa rehiyon 12 batay sa pinakahuling datus ng DOH

Abot na sa 3,314 dengue cases ang naitala sa probinsya ng North Cotabato sa first and second quarter ng taong 2019 batay na rin sa pinakahuling datus ng Department of Health o DOH.

Napag-alamang nangunguna ang North Cotabato sa buong SOCCKSARGEN region na sinundan ng South Cotabato na may 2,976 cases habang 1,281 sa Sultan Kudarat, 869 sa Saranggani, 535 sa Genaral Santos City at 388 naman sa Cotabato City.

Sa 3,314 dengue cases sa buong North Cotabato labin-apat na dito ang nasawi. Ito ay mataas kumpara sa datus noong nakaraang taon sa kaparehong panahon. Sa panayam kay North Cotabato IPHO Head Dr. Joel Sungcad, sinabi nitong ang Kidapawan City ang may pinakamaraming kaso ng dengue sa buong north Cotabato. Samantala, patuloy naman anya nilang pinalalakas ang kampanya kontra dengue at gawin ang enhance 4S maging ang pagsira ng mga pinupugaran ng lamok na may dalang sakit na dengue lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.  NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Aprubado ng Committee of the Whole ng Sangguniang Panlalawigan sa kanilang special session kahapon ang resolosyon na nagdedeklara ng State of Calamity sa buong South Cotabato.

Tugon ito ng konseho sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC na pinamumunuan bilang Chairman ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. Layunin nito na magamit ang P5 million pesos sa mahigit P30 million na quick response fund ng lalawigan sa pagpapaigting ng mga programa kontra dengue.

Kasunod ito ng pagdeklara rin ng State of Calamity ng lima sa labinisang local government unit sa lalawigan. Nagdeklara ng State of Calammity dahil sa dengue outbreak ang mga bayan ng Tantangan, Surallah, Banga, Norala at pinakahuli ang Sto. Nino.

Ayon kay South Cotabato Provincial Dengue Program Coordinator Jose Barroquillo, malaking tapyas ng nasabing pondo ay ibibili ng mga fogging at misting machine at mga chemical na ginagamit sa mga ito.

Ang Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU ay nakapagtala ng 3,348 dengue cases sa South Cotabato mula January hanggang July 13,2019. Ito ay mas mataas ng 149% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Umabot na rin sa 21 ang nasawi dahil sa dengue fever sa lalawigan ng South Cotabato ngayong taon.

-0-

 

Huli ng PNP ang isang 40 anyos na beautician sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Public Market, Barangay Poblacio, Makilala North Cotabato alas 7:25 kagabi.

Kinilala ang suspek na si Guillermo Calinggan alyas Joan, 40 anyos at residente ng Lanao, Kidapawan City. Nakuha mula sa kanya ang isang malaking pakete ng pinaghihinlaang shabu at 500 peso bill na siyang ginamit na buy-bust money.

Nahaharap ang suspek sa kaosng paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs Act of 2002. Siya ay temporaryong nakapiit sa custodial facility ng Makilala PNP at nakatakdang sasampahan ng kaso ngayong araw. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dengue Fastlane sanhi ng tumataas na dengue cases, pinalalagay ng alkaloe sa mga pambpulikong ospital sa General Santos City

Maglagay ng dengue fastlane para laging maging handa sa oras ng emerhensya. Iniutos ito ni General Santos City Mayor Ronnel Rivera sa City Health Office at pamunuan ng Dr. Jorge P. Royeca Hospital sa nasabing lugar.

Ayon kay Rivera bunsod ito ng tumatas na kaso ng dengue fever sa Gensan at karatig lugar. Mariin ding minomontor ng Gensan Health Office ang Dengue cases at tiniyak ang tulong sa lahat ng mga barangay sa syudad.

Ipinahayag ni Rivera na ipinagutos din nito sa mga opisyal ng 26 na barangay sa Gensan na ipatupad ng 4 o’ clock hapit o regular na paglilinis sa kapaligiran tuwing dapit hapon. Naniniwala ang alkalde na pangunahing sanhi ng pagdami ng dengue cases sa Gensan ang mga naipon o nakaimbak na tubig ngayong tagulan. Ang Department of Health 12 ay nakapagtala ng mahigit 500 dengue cases sa Gensan mula Enero hanggang Hulyo 6 nitong taon.

 

-0-

Nanguna sa pagaresto sa drug suspect sa Purok Spring, Barangay Morales, Koronadal si Chief of Police, Lt. Col. Rey Egos kasama ang mga kasapi ng City Police Drug Enforcement Unit.

Kinilala ni Egos ang nahuling drug suspek na si Almansor Panalunsong Kadil alias “Amid”, 23 anyos estudyante. Habang ang kasama naman nitong si Mica Mamasalanang ay nakatakas matapos makipagbarilan sa mga pulis mag-aalas dose ng hatinggabi noong Huebes.

Nakuha ng mgapulis sa kasama nitong si Kadil ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P51,000; 9 mm magazine na may anim na mga bala, motorsiklo na ginagamit umano sa kanilang drug transaction at P500 marked money.

Nabatid na si Kadil at nakatakas na si Mamasalanang ay pawang mga nakatira sa Barangay Tumbao, Mangudadatu, Maguindanao. Inihahanda na ng Koronadal City PNP ang kassong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa dalawang mga drug suspek.

 

-0-

 

Community Police Assistance Center sa Lambayong, Sultan Kudarat, sinunog ng apat katao, ayon sa PNP

Kagagawan ng mga ayaw sa kapayapaan ang pagsunog ng apat na mga suspek sa Community Police Assistance Center o COMPACT sa Lambayong, Sultan Kudarat.

Ito ang ipinahayag ni Lambayong Chief of Police, Captain Herman Luna. Ayon kay Luna mabuti na lamang at naagapan ng mga bombero ang apoy at nasunog lamang ang bahagi ng bubong at bintana ng gusali. Ipinahayag ni Luna na kabilang din sa mga tinupok ng apoy ang ilang mga constuction materials na ginagamit sa pagpapabakod sa nasabing istruktura.

Sinabi ni Luna na ang sinunog na COMPAC ng PNP ay matatagpuan sa boundary ng mga barangay ng New Cebu at Tinumiguez sa nasabing bayan. Dinagdag ni Luna na matapos ang insidente maglalagay na ng tropa ang PNP sa sinunod nilang Compac.

Ayon kay Luna, bawat mamamayan na pumapasok ngayon sa Lambayong ay kailangang makapagpakita ng ID sa kanilang mga checkpoint. Layun nito na mamonitor ang mga pumapasok sa nasabing bayan bunsod ng mga insidente ng pamamaril at pagpatay doon nitong mga nakalipas na linggo.

 

-0-

 

State of Calamity dahil sa dengue outbreak idineklara ng Sangguniang Panlalawigan sa South Cotabato

Aprubado ng Committee of the Whole ng Sangguniang Panlalawigan sa kanilang special session kahapon ang resolosyon na nagdedeklara ng State of Calamity sa buong South Cotabato.

Tugon ito ng konseho sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC na pinamumunuan bilang Chairman ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. Layunin nito na magamit ang P5 million pesos sa mahigit P30 million na quick response fund ng lalawigan sa pagpapaigting ng mga programa kontra dengue.

Kasunod ito ng pagdeklara rin ng State of Calamity ng lima sa labinisang local government unit sa lalawigan. Nagdeklara ng State of Calammity dahil sa dengue outbreak ang mga bayan ng Tantangan, Surallah, Banga, Norala at pinakahuli ang Sto. Nino.

Ayon kay South Cotabato Provincial Dengue Program Coordinator Jose Barroquillo, malaking tapyas ng nasabing pondo ay ibibili ng mga fogging at misting machine at mga chemical na ginagamit sa mga ito. Ang mga ito ayon kay Barroquillo ang magiging counterpart ng provincial government sa mga local government unit.

 

-0-

 

Agricultural Technicians sa region 12 tinuruan ng DA kung papaano maiwasan ang kontaminasyon ng isang uri ng Fungi sa mga pananim

Sinanay ng Department of Agriculture sa Anflatoxin Contamination ang mga Agricultural Technicians ng mula sa iba’t ibang lugar sa region 12. Ang katatapos lang na limang araw na training ay isinagawa sa General Santos City.

Ayon kay DA 12 Regional Regional Executive Director Milagros Casis, layunin ng pagsasanay na mapangalagaan ang kalusugan ng publiko laban sa Anflatoxin. Ang Anflatoxin ay isang uri ng toxin na nagpro-produce ng fungi sa mga produktong pang-agrikultura.

Madalas ay umaatake ang mga ito sa mga mais, mani, cottonseed at tree nuts. Ayon kay Casis sinisira ng Anflatoxin-producing fungi ang mga nasa sakahan, mga naani at maging naimbak na mga agricultural products. Maaring makukuha ng tao ang Anflatoxins sa pamamagitan ng pagkain ng mga agricultural products na nagtataglay nito tulad ng mani.

Mapanganib rin sa kalusugan ang paginom ng gatas mula sa mga hayop na nakakain ng kontaminadong feeds. Ayon kay Casis ang Anflatoxins na maaring magdudulot ng liver cancer ay nakukuha din kapag nalanghap angg alabok mula sa pinoporosesong mga produkto na kontaminado nito.

 

 

 

Karne mula Bulacan patungong Marbel, pinigil sa Tacloban dahil sa ASF scare

TACLOBAN CITY - Abot sa P1.6 million pesos na halaga ng assorted frozen pork meat products mula sa Bulacan ang naharang pasado alas 10:00...

Once troubled Basilan town now has radio station

BASILAN --- Stakeholders will launch Monday a “peace radio” in the former shabu capital of Basilan province whose municipal government got...

3 Soccsksargen hospitals lose PhilHealth accreditation

GENERAL SANTOS CITY -- The Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) has suspended and withdrawn the accreditation...

NGO spearheads outreach program for IPs in Maguindanao

UPI, Maguindanao – In celebration of Indigenous Peoples (IP) Month this October, local officials and non-government organization organized...

No casualty, damage in NoCot magnitude 5 quake: PDRRMC

KIDAPAWAN CITY -- Disaster management officials reported zero casualties and damage to properties from the magnitude 5...