Wednesday Oct, 16 2019 06:17:55 AM

NDBC BIDA BALITA (7.19.19)

NDBC BALITA • 19:15 PM Fri Jul 19, 2019
258
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 19, 2019 (FRI)
7:00 AM

HEADLINES:

1. DALAWANG MGA BINATILYONG suspek sa pagbaril at pagpatay sa isang lalaki sa Cotabato city, arestado!

2. MGA KAWANI ng President Roxas LGU sa North Cotabato, sumailalim sa surprise mandatory drug test

3. POSIBLENG pagdeklara ng State of Calamity dahil sa Dengue outbreak, pag-aaralan pa ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council

4. South Cotabato provincial board, nakatakdang magpulong upang pagpasiyahan kung isailalim sa state  of calamity ang lalawigan o hindi dahil sa dengue

 

-0-

 

Local………………..

ARESTADO ang dalawang mga binatilyong suspek umano sa naganap na pamamaril na ikinasawi ng isang lalaki sa kanto ng Jose Lim Sr. Street at Bonifacio Street, Barangay Poblacion 6, Cotabato City.

Sadya namang hindi kinilala ang mga nadakip na suspek dahil sila ay pawang mga menor de edad, Grade 9 students, at kapwa mga residente ng Kapinpilan, Mother Barangay Kalanganan ng syudad.

Matatandaang pasado alas nuebe ng gabi kamakalawa nang pinagbabaril at napatay ang biktimang si HABIB KADATUAN BALABARAN, 33 anyos ng Barangay Datu Balabaran matapos umano itong magkaroon ng mainitang pagtatalo sa dalawang mga suspek.

Agad na nasawi si BALABARAN dahil sa tinamong mga tama ng bala ng 40 cal. pistol sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis dahilan para mahuli ang mga suspek.

Kasalakuluyang nasa women and youth custodial facility ng City PNP ang dalawang mga menor de edad na suspek.

 

-0-

 

Local………………….

 

PATULOY PA RING pinaghahanap ngayon ng mga otoridad sa Phuket, Thailand ang dalawang mga turistang Pinoy na pawang mga taga-Cotabato city matapos maanod ang mga ito ng malakas na alon sa Freedom Beach, South of Patong, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang dalawang mga nawawala na sina Angelo Bien Rafael Cortez, 29 years old, at Noah Ibay, 40.

Ang dalawa ay kasama ng 13 pa nilang mga kaibigang nagbakasyon sa Thailand noon pang nakaraang linggo.

Nabatid na dalawa pa sa mga kasama nina Cortez at Ibay na sina John Jerard Tanghal, 30, at Paciano Jose Tanghal, 51 ang nasagip ng mga rescuer at dinala sa Patong Police at sila ay ligtas na.

Nabatid na tumutulong na sa paghahanap sa dalawa ang Kusoldharm Phuket Foundation rescue workers.Pansamantala kasing naantala ang search and rescue operation ng mga otoridad dahil sa malakas na ulan at alon nitong nagdaang araw.

 

-0-

 

TATLONG drug suspects ang nadakip sa nagpapatuloy na anti-illegal drugs operation ng Cotabato city PNP at PDEA BARMM sa lungsod.

Unang nadakip ang dalawang mga suspek na kinilalang sina ONASSIS BANGOD RODRIGUEZ, alyas “ Allan” 43 anyos, at PAO-PAO BASWIT PANANGOLON, 22 na pawang mga taga Barangay Rosary Heights 8 ng syudad.

Nahuli ang dalawa sa isinagawang buy bust operation pasado alas tres ng hapon kamakalawa sa Tanghal Bridge, Mother Barangay Bagua

Sinabi ni Police Station 5 commander Maj. RASID ALBANO LINGOB na tinangka pang tumakas ng isa pang kasamahan ng mga nadakip na suspek na nakilalang si NASRUDIN HASSIM, 23 anyos.

Kaya aniya, nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga otoridad at mga suspek hanggang sa mauwi sa shootout na nagresulta sa pagkakasugat ni Lingob matapos tamaan ng bala at maaresto sa Barangay Rosary Heights 9.

Nakuha sa mga suspek ang isang home-made hand gun; dalawang maliliit at isang malaking sachets ng pinaghihinalaang shabu; drug paraphernalia; ang marked money na ginamit sa operasyon at isang motorsiklo.

 

-0-

 

BOLUNTARYONG sumuko sa mga sundalo ang isang lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at apat pang mga myembro ng ekstremistang grupo sa Maguindanao.

Sa report ng Army’s 6th Infantry Division, sumuko ang mga lima sa tropa ng Army’s 90th Infantry Battalion at sa lokal na pamahalaan ng Talitay, Maguindanao.

Kasama ring isinuko ng mga rebelde ang dalawang garand rifles, isang cal.45 pistol, RPG, isang home-made 60 mm mortar at mga bala.

Sadya namang hindi kinilala ang mga sumukong BIFF member para sa kanilang kaligtasan at ng kanilang mga pamilya.

Napilitan umanong sumuko ang lima dahil sa mas pina-igting na operasyon ng mga sundalo at pulis laban sa BIFF.

Sinabi ni Army’s 6th ID commander Major General Diosdado Carreon na ang mga sumukong rebelde ay makakatanggap ng tulong pinasyal at livelihood assistance mula sa lokal na pamahalaan ng Talitay.

Kasunod nito ay nanawagan naman si Carreon sa mga nalalabi pang mga miembro ng BIFF na nagtatago sa SPMS Box at Liguasan marsh na magbalik-loob na sa gobyerno para magkaroon ng pagkakataong magbagong-buhay.

 

-0-

 

Muling magkakaroon ng voters registration simula sa August 1 hanggang September 30 bilang paghahanda sa magaganap na barangay at Sangguniang Kabataang o SK elections sa May 11, 2020.

Ayon sa Commission on Elections o Comelec, maaaring magparehistro mula Lunes hanggang Sabado, o kahit holiday, mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon sa Office of the Election Officer o anumang satellite registration site kung saan nakatira ang magpaparehistro.

Samantala, sinabihan ng poll body ang lahat ng election officers na magsagawa ng kahit isang satellite registration ng mga botante sa kani-kanilang mga lugar.

Ang naturang satellite registration site ay pwedeng gawin sa barangay hall, public at private school at unibersidad, mall at commercial establishment.

Umaasa ang Comelec na mapapalapit sa mga tao ang proseso ng satellite registration.

 

-0-

Regional Development Council, nagsagawa ng area consultation workshop sa Kidapawan City

Kasama ang ibat-ibang sektor, nagsagawa ng area consultation workshop para sa draft ng SOCCSKSARGEN Regional Development Plan ang National Economic and Development Authority o NEDA sa pamamagitan ng Regional Development Council o RDC sa Kidapawan City.

Sa pamamagitang ng gallery walk, ipinakita sa mga partner stakeholders ang laman ng Regional Development Plan partikular na ang mga nakikitang major challenges na may kaakibat ding mga major strategies.

Sa North Cotabato, prayoridad ng NEDA ang paglalagay ng Regional Consular Office ng DFA sa Kidapawan City, pagsulong sa Public-Private Partnership projects, pagtulong sa pagproseso sa itatayong Central Mindanao Airport, at iba pa.

Ayon kay Gwyneth Grace Collado ng NEDA 12, ang isinagawang pagbalangkas ng RDC kahapon ay siyang pagbabasehan sa mga ipapatupad na plano ng NEDA na una nang ikinunsulta sa ibat-ibang sektor.

Ang tinig Gwyneth Grace Collado ng NEDA 12 sa interview ng Radyo Bida. Lumahok din kahapon ang sector mula sa Energy Development Corporation o EDC, Integrated Bar of the Philippines o IBP, Chamber of Commerce, mga representante mula MKWD, City LGU, Provincial Government at iba pa.

Layun naman ng NEDA ang Matatag, Maginhawa at Panatag na Buhay sa taong 2040.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mga empleyado ng LGU sa President, Roxas North Cotabato, sumailalim sa surprise mandatory drug test Nag negatibo sa iligal na droga ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng President, Roxas North Cotabato matapos sumailalim sa surprise mandatory drug test.

Ito ay isinagawa ng Provincial Drug Enforcement Agency o PDEA region 12, President Roxas- PNP, Rural Health Unit at HRMO ng President Roxas

Matapos din na lumagda si Municipal Mayor Jonathan Mahimpit ng Executive Memorandum Circular No. 1 nitong July 10, 2019 na nagsasabing ino-obliga ang lahat ng public officials at empleyado ng President Roxas LGU na sumailalim sa drug test.

Ang surprise mandatory test ay isinagawa kamakalawa kung saan 100 percent na nag negatibo ang mga empleyado sa ipinababawal na droga. Layon nitong masigurong mailinis ang lahat na mga empleyado at sa hanay ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

North Cotabato DILG Provincial office, nilinaw na hindi pa nakatanggap ng official suspension order laban kay Cotabato Governor Catamco

Muling nilinaw ng kampo ni North Cotabato Governor Nancy Catamco na hindi pa nila natatanggap ang official 90 day suspension order mula sa Sandigan Bayan.

Sa panayam kahapon kay DILG Provincial Director Ali Abdullah, sinabi nitong maging sa kanilang lebel ay wala pang natatanggap na kahit-anumang order mula sa National Office at regional office maging ang ulat na magkukumpirma na kung may suspension order ang gobernadora.

Ipinaliwanag din ni Abdullah ang karaniwang proseso sa pagsisilbi ng suspension order na kadalasang pangungunahan ng Regional DILG office.

Dagdag pa nito nakadepende ang paghahain sa kung ano ang nakalagay sa naturang order. Anya, nakikipag-ugnayan na kanilang tanggapan sa Regional office ng DILG pero hanggang sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na suspension order taliwas naman ito sa mga kumakalat na balita sa mga National Media mula sa ibat-ibang outlet.

Una ng binigyang diin ng legal team ni Catamco na si Atty. Nikki Marasigan na patuloy ang panununkulan ng gobernadora sa kapitolyo upang tuparin ang mga pangako nito sa mga taga North Cotabato.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mahigit sa 700 na indibidwal na may ibat-ibang traffic violations, huli sa isinagawang Oplan Lambat bitag sasakyan ng PNP sa Kidapawan City

Mas pinapalakas pa ngayon ng PNP ang kanilang kampaya kontra sa mga nakaw na motorsiklo sa Kidapawan City. Ang Localized Oplan Lambat bitag sasakyan ay isinagawa ng City PNP sa pakikipagtulungan ng Land Transportation office at Traffic management office sa lungsod.

Ayon kay Kidapawan City PNP Chief Police Lt. Col Ma. Joyce Birrey, layon nitong matulungang mapababa ang tumataas na kaso ng motorcycle theft sa Kidapawan City. Anya, sa ngayon abot na sa 742 na mga indibidwal ang nearesto ng PNP na may ibat-ibang traffic vilations.

347 dito ang nakaimpound na motorsiklo, dalawa ang four wheeled vehicle at isang tricycle. 393 ang narelease ng pulisya na nabigyan ng Temporary Operator’s Permit.

Ang Oplan Lambat bitag sasakyan ay nagsimula noong buwan ng Mayo. Sinabi ng police official, dahil sa nasabing hakbang unti-unti nang bumaba ang mga carnnaping incidents sa Kidapawan City. VC- BIRREY Si Kidapawan City PNP Chief Police Lt. Col Ma. Joyce Birrey. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dating Senator Ferdinand Marcos Jr., naniniwala sa tourism potential ng T’nalak Festival ng South Cotabato

Umaasa si dating Senator Ferdinand “Bong bong” Marcos Jr.na lalo pang dayuhin ng mga turista ang South Cotabato dahil sa T’nalak Festival nito .

Ayon kay Marcos may T’nalak Festival nang pwedeng ipagmalaki ang South Cotabato hindi tulad ng ibang mga lugar sa bansa na naghahanap pa ng “gimik” para dayuhin ng mga turista. Kaya hiling ni Marcos sa mga opisyal at mga mamamayan ng lalawigan, kalimutan na ang eleksyon noong Mayo at balikan ang serbisyo publiko.

Si Marcos ang panauhing pandangal sa closing program kahapon ng 20th T’nalak Festival at 53rd Foundation Anniversary ng South Cotabato. Kaugnay nito Tinanghal na Champion sa Madal Be’Lan Street Dancing Competition ang Koronadal Academy ng bayan ng Tampakan,First Runner-Up ang Sto. Nino National High School ng Sto. Nino at Second Runner-Up ang Santa Cruz Mission Inc.-Dekolon Junior High School ng Lake Sebu.

Sa Kasadyahan sa Kapatagan, Champion ang Koronadal National Comprehensive High School ng Koronadal City at First Runner-Up ang Tupi National High School ng Tupi.

Hindi rin nagpahuli ang Notre Dame of Sto. Nino sa bayan ng Sto. Nino nang mag-champion sa Kadsagayan A Lalan, First Runner-Up ang Edwards National High School ng T’boli, at Second Runner-up ang Christian School of Polomolok, sa bayan ng Polomolok. Ang mga nagwagi ay tumanggap ng P350,000; P300,000 at P250,000. Ang Edwards national High School ng T’boli ay tumanggap ng dagdag na P50,000 matapos makuha ang Special Award na Street Parade Champion.

Best in Music naman ang Notre Dame of Sto. Nino na nanalo ng dagdag na P10,000. Tampok naman sa pagtatapos ng selebrasyon kagabi ang magarbong fireworks display na sinaksihan ng libolibong mga mamamayan sa lalawigan at karatig lugar.

 

-0-

 

Tatlong employer sa rehiyon na bigong bayaran ang contribution ng kanilang ng mga empleyado, kinasuhan ng Philhealth 12

Kinasuhan na ng Philippine Health Insurance Corporation bilang pagpapaiting ng kanilang kampanya kontra anomalya ang tatlong mga employer sa region 12. Ito ay dahil sa kabiguan na bayaran ang Philhealth Contribution ng kanilang mga mga empleyado.

Ayon kay Philhealth XII Legal Office Head Atty Jewel Lubaton nagsampa na sila ng kaso dahil sa patuloy na pagmamatigas ng nasabing mga employer sa nakalipas na sampung taon. Dinagdag ni Lubatan na bigo rin ang Philhealth sa pakikipag negosasyon nito sa mga kinasuhang employer na bayaran ang kanilang obligasyon.

Ang mga kinasuhang employer ay mula sa Koronadal City, General Santos City at Sarangani. Maliban sa civil liability dahil sa kabiguan na pag-remitt ng actual premium pinagbabayad din ang mga ito ng Philhealth ng surcharge at interest.

Binigyan diin ni Lubaton na hindi sila nagkulang ng paalala sa mga kinasuhang employer. Ipinahayag nito na una nilang kinasuhan ang mga employer na may pinakamalaking backlog sa pag-remitt ng Philhealht contribution at hirap makipag-negosasyon sa kanila.

 

-0-

 

Disaster Management Training sa mga kabataan, Tampok sa National Disaster Resilience Month Celebration ng Office of the Civil Defense 12

Natuto ng disaster risk reduction management sa School-based Disaster Resilience Caravan sa Tacurong city, Sultan Kudarat ang daang daang mga estudyante sa region 12. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Office of the Civil Defense o OCD 12.

Ayon kay OCD 12 Assistant Regional Director Jerome Barranco ito ay kaugnay sa National Disaster Month Celebration ngayong Hulyo.

Ayon kay Barranco ang mga participant sa training ay tinuturan ng First Aid ng mga kasapi ng Philippine Red Cross , Fire Safety ng Bureau of Fire Protection, Earthquake Preparedness ng mga taga Phivocs;at Bomb awareness ng Joint Task Force Talakudong.

Tema ng National Disaster Awareness Mont ngayong taon ang “Kahandaan sa Sakuna at Peligro Para sa Tunay na Pagbabago.”

 

-0-

 

Rekomendasyon para sa pagdeklara ng State of Calamity dahil sa dengue outbreak, pagaaralan pa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng South Cotabato

Magsasagawa ng assessement hinggil sa dengue cases sa lalawigan ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC South Cotabato.

Ayon kay PDRRMO OIC Rolly Aquino, layon nito na malaman kung kailangang ideklara na ang state of calamity sa lalawigan dahil sa dengue. Ipinahayag din ni Aquino na kapag na-consolidate na nila ang mga assessment report posibleng irere- komenda nila kaagad ang pagdeklara ng state of calamity sa buong South Cotabato.

Nabatid na sa ngayon tanging mga bayan pa lamang ng Surallah at Tantangan ang nag-declare ng state of calamity dahil sa dengue outbreak sa lalawigan.

Ayon sa datus ng Provincial Epidemiology and Surveillance o PESU ang South Cotabato ay mayroong 3,347 na kaso ng dengue mula Enero hanggang Hulyo 13.

Ito ay mas mataas naman ng 149% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Umabot na rin sa 18 ang binawian ng buhay dahil sa dengue sa South Cotabato.

 

-0-

 

Nutrition Month ipinagdiwang din ng DA 12

Nakikiisa rin sa pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo ang Department of Agriculture 12.

Ayon kay DA XII Regional Executive Director Milagros Casis, ang tema ngayong taon na: "Kumain nang wasto at maging aktibo.... Push natin 'to!" ay napapanahon at akma sa mga adbokasiya at proyektong nasabing ahensiya. Isa na rito ayon kay Casis ang kanilang kampanya na wakasan ang malnutrisyon sa Rehiyon Dose.

Ito ay sa pamamagitan ng Task Force Gatas na isinusulong ang dairy production project sa mga komunidad. Ayon kay Casis, nagsasagawa rin ang task force ng feeding program sa mga paaralang maraming mga malnourish na magaaral.

Sinabi ni Casis na nagpapatuloy din ang pakikipagtulungan ng DA sa Department of Education XII. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gardening tools, vegetable seeds at planting materials para sa kanilang Gulayan sa Paaralan project.

 

 

 

Agri and fisheries top industries in the proposed BARMM investments list

COTABATO CITY  -  Agriculture and Fisheries are top industries which the Bagnsamoro region can offer to investors both foreign and local...

Pope names new Sorsogon bishop

SORSOGON - Pope Francis has appointed Fr. Jose Alan Dialogo of the Manila archdiocese as the new bishop of Sorsogon.

The...

Bishops push for greater mining accountability

KIDAPAWAN CITY - Mindanao bishops have joined the initiative for the government to hold mining firms accountable for the environmental and...

The Word of God is living and effective

Reading 1ROM 1:16-25

Brothers and sisters:
I am not ashamed of the Gospel.
It is the power of God for the...

MILF infighting sends civilians fleeing

DATU MONTAWAL, Maguindanao  – A long standing territorial dispute between members of Moro Islamic Liberation Front in Maguindanao erupted...