Wednesday Oct, 16 2019 05:51:56 AM

NDBC BIDA BALITA (7.18.19)

NDBC BALITA • 15:00 PM Thu Jul 18, 2019
323
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

MARCH 00, 2019 (MON)
7:00 AM

HEADLINES:

1. PUGANTE ng Cotabato city jail, muling nadakip sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

2. DALAWANG MGA SUNDALO, patay sa pananambang sa Arakan, North Cotabato

3. 20 stalls nasunog sa public terminal ng Tacurong City

4. Lady employee ng Lambayong LGU, patay sa pananambang

5. Street Dancing parade, tampok sa culminating activity ng Tnalak Festival ng So. Cotabato 

 

-0-

 

Local………………..

ARESTADO ng mga otoridad sa Sultan Kudarat, Maguindanao ang isang pugante ng Cotabato city jail na walong taon ng nagtatago sa batas.

Nakilala ang nadakip na si BADRUDIN BANSUAN KAMENSA, 41 anyos, magsasaka, at nahaharap sa kasong estafa.

Nadakip ng Sultan Kudarat PNP si Kamensa sa Brgy. Dalumangcob, Sultan Kudarat at kaagad na inaresto.

Si KAMENSA ay isa sa mga presong pumuga sa city jail noon pang January 20, 2011.

Sa kabilang dako pa, nahuli na rin ng mga pulis sa Cotabato city ang isang rape suspect sa Purok Maunawain, Mother Barangay Rosary Heights ng syudad.

Nakilala ang suspek na ROMEO LARIOSA OBONGA, alyas “MIYO”, 22 anyos, binata, at residente rin ng nabanggit na barangay.

Hindi na nakapalag pa ang suspek nang dakpin siya ng mga pulis mula sa Police Stations 2 and 3 sa kanilang tahanan pasado alas siete ng gabi kamakalawa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge ANNABLLE PIANG.

Nabatid na naganap umano ang panggagahasa ng suspek sa di kinilalang biktima sa tirahan din nito kamakailan.

 

-0-

 

Patay ang isang lalaki sa panibago na namang kaso ng pamamaril sa Cotabato.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si HABIB KADATUAN BALABARAN, 33 anyos na taga- Barangay Datu Balabaran ng lungsod.

Sa inisyal na report ng pulisya, naglalakad lamang ang biktima sa kanto ng Jose Lim Sr. street at Bonifacio street, Barangay Poblacion 6 pasado alas nuebe kagabi nang hintuan ng motorcycle-riding tandem suspects at pinagbabaril gamit ang 9mm pistol.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit di na umabot ng buhay dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

 

-0-

 

ISANG GURO ang pinakahuling nabiktima ng mga kawatan sa Cotabato city.

Nakilala ang biktima na si teacher NORAISA CAMINO, taga Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kwento pa ni Camino sa pulisya, nasa loob lamang siya ng isang tindahan sa Don Rufino Alonzo Street ng lungsod nang malingat siya at nailapag ang kanyang mamahaling cellphone sa mesa.

Hinala ng biktima, nasalisihan siya ng suspek na tumangay ng kanyang cellphone habang naging abala siya sa pamimili.

Agad namang nakipag-ugnayan sa mga otoridad ang biktima upang matingnan ang CCTV footage ng naturang tindahan at matukoy ang taong tumangay ng kanyang cellphone.

 

-0-

 

Pormal nang nai-turnover ng Italian Agency For Development Cooperation at Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform o MAFAR-BARMM sa mga farmer beneficiary ng Barangay Upper Lasangan, General Salipada K Pendatun, Maguindanao ang apat na Solar Dryers at Anim na mga Potable Water System Level I.

Ang seremonya ay pinangunahan ni MAFAR-BARMM Minister Dr. Mohammad Yacob, GSKP Mayor Rafsanjani Ali, Maguindanao Provincial Agrarian Officer Engr. Tommy Biruar, Italian Agency For Development Cooperation National Project Coordinators Engr. Anuar Acop, Engr. Roland Jumalon, Engr. Lucman Umpar, at mga residente ng barangay.

Sinabi ni Yacob na umabot sa 47 million pesos ang halaga ng naturang mga proyekto kabilang na ang gravelling at rehabilitation ng farm to market road, at konstruksyon ng warehouse.

Nagpasalamat naman si Mayor Ali sa proyektong ipinagkaloob sa kanila ng Italian Government at gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng proyekto ng MAFAR BARMM.

Malaking tulong umano ito sa Baranggay Upper Lasangan lalo't pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga mamamayan doon.

 

-0-

 

Kaso ng human trafficking, talamak pa rin ayon Commission on Filipinos Overseas

Dahil sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa human trafficking, hindi maikakaila na marami pa ring mga Pilipino sa ibang bansa na hanggang ngayon ay hindi batid na may batas na umiiral ukol dito.

Ito ay ayon kay Atty. Prosecutor Benjie Samson ng Department of Justice o DOJ, siyang inter-agency council ng Commission on Filipinos Overseas sa panayam nga Radyo Bida.

Sa ngayon aniya ay marami silang kasong hinahawakan na siyang inatasan na mag-imbestiga at humawak ng kaso laban sa human trafficking.

Ipinaliwanag ni Samson na sa maraming pamamaraan ay maaaring isa ka nang biktima nito. Ito ay sa pamamagitan domestic slavery, mail-order bride o pwersahang pagpapakasal, pagbebenta ng mga organs, sex slavery and pornography , child labor at children in armed conflict.

Pero sa Mindanao, ayon kay Samson nangunguna ang kaso ng labor exploilation, at maging sa buong bansa kung saan kadalasang nangyayari ito sa mga bansa ng Middle East. 

Samantala, nabatid naman na nanguguna ang mga bansa sa United States sa may pinakamaraming Filipino immigrants kung saan nagsimula itong sumibol noon pang taong 1980.

Nanawagan namang ang nabanggit na tanggapan na dumulog lamang sa kanilang himpilan kung mayroong mga migration issues at human trafficking. Nabatid kasi na pumapangalawa ang lalawigan ng North Cotabato sa may pinakamaraming migrant workers sa buong SOCCKSARGEN Region.

Batay sa datus, ang iilang mga biktima ng human trafficking na kadalasang na-iintercept sa NAIA Terminal ay nagmumula sa mga bayan ng Matalam, Carmen, Pikit at Pigcawayan. Ang Commission on Filipinos Overseas ay isa sa mga line agencies sa ilalim ng Office of the President na siyang tumututok sa mga Pilipinong umalis ng Pilipinas at may permanent residency sa ibang bansa.

 

-0-

 

Arestado sa isinagawang buy-bust operation ng PNP ang isang babaeng drug suspect sa Mapanao Street, Barangay Poblacion Kabacan, North Cotabato.

Kinilala ang naaresto na si Jennie Valdez Magsanoc alyas Jenny Bb, 22 anyos, isang Guest Relation Officer ng Benjamin Dela Cruz KTV Bar at residente ng Barangay Malamote, Kabacan.

Ang buy bust operation ng PNP at PDEA 12 ay isinagawa alas 7:20 kamakalawa sa mismong KTV bar kung saan nagtatrabaho si Magsanoc.

Nakuha sa kanya ang isang plastic heat sealed sachet ng pinaghihinalaang iligal na droga at 500 peso bill na siyang buy-bust money. Siya ay nakapiit na sa custodial facility ng Kabacan PNP at nakatakdang sasampahan ng kasong paglabag Ra 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Libreng sakay para sa mga manunumpang LET passers sa Davao City ang ibibigay ng lokal na pamahalaan na gagawin sa July 20, 2019. Ito ay hindi lamang sa mga taga Kidapawan City kundi pati na rin sa mga kalapit na lugar sa buong lalawigan ng North Cotabato.

Pero ang nasabing libreng sakayan ay limitado lamang sa apat-naput limang mga pasahero at first come first serve na ang gagamiting sasakyan ay ang mismong bus ng City LGU.

Kaya’t panawagan sa mga gusto na mag-avail ng libreng sakay ay matatagpuan lamang ang LGU bus sa PRC satellite office na sa Overland Terminal ngayong darating na sabado.

Alas 4:30 pa lamang ay magsisimula na sa pagtanggap ng pasahero ang Bus at babyahe patungong Davao City alas 5:00 ng umaga. Gagawin ang oath taking ng mga nakapasa ng LET sa University of Mindanao sa Davao City.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaking motorista matapos na bumangga sa Trailer ang kanyang minamanehong motorsiklo alas 6:35 kagabi sa Sitio Malabuaya, Kayaga Kabacan Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Roger Lozano Laquinario, 44 anyos, may asawa na taga Pagalungan Maguindanao. Sa ulat ng Kabacan PNP traffic section, binabaybay ng dalawang sasakyan ang National Highway na nasa parehong direction at nang pagsapit sa lugar ay bumangga ang motorsiklo sa thriller na minamaneho ni Abdullah Pandian, 48 anyos na taga Datu Montawal, Maguindanao.

Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng sugat sa ibat-ibang parte ng katawan ang drayber ng motorsiklo at mabilis na isinugod sa ospital pero ideneklarang dead on arrival ng mga doktor.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Patay ang dalawang mga miyembro ng 19th Infantry batallion matapos na tambangan ng miyembro ng New People’s Army o NPA sa Sitio Bukatol, Barangay Kinawayan, Arakan North Cotabato alas 4:50 ng hapon kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina PVT Lendo Borja, 26 anyos ng Barangay Balod, Saint Bernard, Southern Leyte at PVT Jame Paul Devara, 24 anyos na taga Barang Socorro, Catbalogan Samar.

Sa naging imbestigasyon ng Arakan PNP sa pangunguna ni PNP Chief Police Captian Jose Mari Molina, lulan ng XRM Motorcycle ang dalawang sundalo patungo sana sa Barangay Kinawayan, nang tambangan ng abot sa limang mga miyembro ng NPA sa ilalim ng guerilla Front 53.

Nagtamo ng tama ng bala ang mga sundalo sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan dahilan ng kanilang agarang pagkamatay. Napag-alamang galing ang dalawang nasawi sa kanilang command post, Alpha company sa Barangay Salasang, Arakan na nakipagcoordinate sa nalalapit na peace rally at deklarasyon ng persona non grata sa Barangay Kinawayan ngayong July 19, 2019.

Narekober sa crime scene ang apat na fired cartridges case at unfired cartridges case ng M16 riffle. Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Tumataas na kaso ng mga nasawi dahil sa dengue sa rehiyon, ikinabahala ng DOH 12.

Nakapagtala ng 42 katao na nasawi sanhi ng dengue fever sa rehiyon ang Department of Health o DOH 12. Ang nasabing bilang ay mula sa 9,363 dengue cases sa SOCCKSARGEN mula Enero hanggang July 6 nitong taon.

Ayon kay DOH 12 Dengue and Measles Prevention Program Focal Person Jenny Panizales, ito ay mas mataas ng 151% sa 3,272 dengue cases na kanilang naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Pinakaraming nasawi dahil sa dengue sa rehiyon na umabot na sa 15 ay nasa South Cotabato, 14 sa North Cotabato, walo sa Sultan Kudarat, tatlo sa Sarangani at pawang tig iisa sa mga lungsod ng Cotabato at General Santos.

Ayon kay Panizales pinakabatang binawian ng buhay sanhi ng dengue sa region 12 ay ang dalawang buwang sanggol at pinakamatanda naman ay 97 years old. Base naman sa pinakahuling tala ng DOH ang pinakaraming kaso ng dengue na umabot sa 3,314 ay nasa North Cotabato; 2,976 sa South Cotabato; 1,281 sa Sultan Kudarat; 869 sa Sarangani; 535 sa General Santos City at 388 sa Cotabato City.

Kaugnay nito, nanawagan si Panizales sa publiko na para masawata ang dengue ipagpapatuloy ang 4S Strategy.

Ang mga ito ay ang Suyurin at Sirain ang lahat na maaring pamugaran ng lamok, Sarili ay Protektahan sa pamamagitan ng pagamit ng pamahid kontra lamok o pagsusuot ng mahabang damit, Sumagguni kaagad sa pagamutang bayan kung nakararanas ng lagnat o pamamantal at Sumang-ayon sa pag-papausok kung bigo ang pamayanan na linisin ang mga lugar na pinamumugaran ng lamok.

Binigyan diin ni Panizales na pinakamabisang paraan pa rin para masawata ang mga lamok na nagdadala ng dengue ang kalinisan sa kapaligiran.

 

-0-

 

Monitoring para mapangalagaan ang Sarangani Bay tiniyak ng Regional Executive Director ng DENR 12

Mariing binabantayan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang mga beach resorts at iba pang mga establisemento malapit sa Sarangani Bay. Layunin nito na matiyak na mananatiling ligtas sa polusyon ang nasabing anyong tubig.

Tiniyak ito ni DENR 12 Regional Executive Director Sabdullah Abubacar. Binigyan diin ni Abubacar na bilang isang protected at water management area nararapat na mapangalagaan ang Sarangani Bay.

Kaya ayon kay Abubucar obligado ang lahat ng mga resort at establisemento sa paligid nito na sundin ang mga nakasaad sa kanilang environment compliance certificate.

Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Environment Management Bureau o EMB 12 Regional Director Alex Jimenez na mariin din nilang binabantayan ang waste water na pinadadaloy sa Sarangani Bay. Tiniyak ni Jimenez na base sa resulta ng kanilang pagsusuri, ligtas pa rin para sa swimming ang lahat ng mga beach sa Sarangani Bay.

 

-0-

 

Street Dancing Competition tampok sa pagtatapos ng 20th T’nalak Festival at Foundation Anniversary ng South Cotabato.

Special Non-working Holiday, idineklara ng Malakanyang sa lalawigan ngayong araw. Humahataw na sa mga oras na ito sa mga pangunahing kalye ng Koronadal City ang mga contingent sa street dancing competition sa 20th T’nalak Festival at 53rd Foundation Anniversary ng South Cotabato.

Ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. Layunin ng aktibidad na ipakita ang pagkakaisa ng mga mamamayan ng lalawigan sa kabila ng magkakaibang kultura.

Tampok sa Madal Be’Lan Street Dancing Competition at Showdown ang kultura ng mga T’boli. Ibinibida naman ng mga B’laan at Maguindanoan ang kanilang kultura sa Kadsagayan A Lalan habang ang mga Kristyano naman ay hahataw sa Kasadyahan sa Kapatagan.

Magtatapos ang street dancing showdown ng siyam na mga contingent sa South Cotabato Sports Complex kung saan magkakaroon ang mga ito ng final showdown kasabay ng closing program.

Magiging panauhing pandangal sa programa si Senator Ferdinand “Bong bong” Marcos Jr. Para mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makisaya sa T’nalak Festival at Foundation Anniversary idineklara naman ng Malakanyang ang Special Non-Working Holiday ngayon sa South Cotabato.

Ibig sabihin nito walang pasok sa mga pampubliko at pribadong mga eskwelahan at opisina sa buong lalawigan ngayong araw.

 

-0-

 

33 dating mga rebelde sa South Cotabato nakinabang sa tulong sa financial at livelhood assistance ng pamahalaan

Natanggap na ng 33 mga dating myembro ng New Peoples Army o NPA ang tulong pinansyal ng pamahalaan. Ang mga ito ay benipisyaryo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP at nabigyan ng P15,000 na tulong pinansyal, P21,000 na reintegration assistance at P45,000 immediate livelihood assistance. Labinisa naman sa mga ito ay nakatanggap ng dagdag na mula P30,000 hanggang 472,000.

Dala kasi ng mga ito sa kanilang pagsuko ang kanilang mga armas. Ang Firearms renumeration na matatanggap ng mga rebel returnees ay nakadepende sa dami at kalibre ng mga isusukong armas. Pinakamalaking mahigit P500,000 ay natanggap ng dating rebelde na si Alyas Ricky Layun ng E-Clip na matulungan sa tuloy tuloy na pagbabagong buhay ang dating mga rebelde.

Ito ay ayon kay Department of the Interior and Local Government o DILG South Cotabato OIC Atty. Michelle Viej o. Maliban sa mga ito pinagaaralan din ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato kung maari ring makinabang sa E-CLIP ang labinisa pang umanoy dating mga NPA member.

Ang mga ito ay sumuko sa militar at prinisinta ng PNP kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. Kahapon.

Ayon kay Regional Mobile Force Battalion 12 Commander, Police Lt. Col Barney Condes, dala ng mga sumukong rebelde ang matataas na kalilbre ng armas, mga bala, Landmine at mga damit na nagpapatunay na sila ay mga myembro ng rebeldeng grupo.

 

-0-

 

20 stalls nasunog sa public terminal ng Tacurong City, Sultan Kudarat

Nagsimula ang apoy sa isang karenderia na agad na kumalat sa mga katabing stalls na pawang gawa rin sa light materials. Ito ang ipinahayag ni Bureu of Fire Protection o BFP Tacurong Fire Marshall, Major Luziel Banac sa sunog na naganap sa Integrated Public Terminal ng nasabing lungsod.

Ayon kay Banac kabilang sa mga nasunog ang mga hilera ng grocery stores, karenderya, computer shops at maraming iba. Nadamay din ang isang multicab at labindalawang mga motorsiklo.

Ayon kay Banac abot sa mahigit P1.5 million hanggang P2 million pesos na halaga ng mga ari arian ang naabo sa sunog. Hinala ng BFP nagkasunog sa lugar dahil sa pumalyang linya ng kuryente sa may kalumaan nang mga istruktura.

 

-0-

Kawani ng lokal na pamahalaan patay sa pamamaril ng riding tandem sa Lambayong, Sultan Kudarat

Naglaan ng P100,000 na pabuya para sa ikadarakip ng mga suspek na pumaslang sa kawani ng Lokal na pamahalaan si Lambayong Sultan Kudarat Mayor, Ferdinand Agduma.

Ipinahayag ito ni Lambayong Chief of Police, Captain Herman Luna. Kinilala ni Luna ang biktima na si Remesyl Valdez.

Ayon kay Luna ang biktimang si Valdez ay sinabayan at binaril ng riding tandem na mga suspek. Ito ay habang angkas sa motorsiklong minamaneho ng kanyang mister.

Ayon kay Luna si Valdez ay pauwi na sana ng maabutan at pagbabarilin ng mga suspek sa Purok Pagasa, Poblacion, Lambayong kahapon. Sinabi ni Luna na ang biktimang si Valdez na patakas na tumakbo kasama ang mister ay dead on the spot. Sanhi ito ng tama ng bala ng baril sa likod at iba pang parte ng kanyang katawan.

Ayon kay Luna bago iwan ang biktima na nahulog sa kanal tiniyak pa ng mga suspek kung ay binawian nan g buhay. Nakaligtas naman sa pamamaril ang kanyang mister. Ayon kay Luna inaalam pa nito kung ano ang trabaho ng biktima sa munisipyo. Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang riding tandem suspek at ano ang motibo ng mga ito sa pagpatay sa nasabing biktima.

 

 

 

Agri and fisheries top industries in the proposed BARMM investments list

COTABATO CITY  -  Agriculture and Fisheries are top industries which the Bagnsamoro region can offer to investors both foreign and local...

Pope names new Sorsogon bishop

SORSOGON - Pope Francis has appointed Fr. Jose Alan Dialogo of the Manila archdiocese as the new bishop of Sorsogon.

The...

Bishops push for greater mining accountability

KIDAPAWAN CITY - Mindanao bishops have joined the initiative for the government to hold mining firms accountable for the environmental and...

The Word of God is living and effective

Reading 1ROM 1:16-25

Brothers and sisters:
I am not ashamed of the Gospel.
It is the power of God for the...

MILF infighting sends civilians fleeing

DATU MONTAWAL, Maguindanao  – A long standing territorial dispute between members of Moro Islamic Liberation Front in Maguindanao erupted...