Wednesday Oct, 16 2019 05:09:58 AM

NDBC BIDA BALITA (7.16.19)

NDBC BALITA • 15:00 PM Tue Jul 16, 2019
300
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 16, 2019 (TUE)
7:00 AM

HEADLINES:

1. PAGBALANGKAS ng bagong Local Government Code para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

2. Special Investigation Task Group, tinututukan ang tatlong persons of interest sa pagkamatay ng isang broadcaster sa Kidapawan City

3. TESDA 12, may babala sa mga bagong Provincial Director at kawani ng ahensya sa rehiyon

4. Bakuna kontra tigdas, ligtas para sa mga bata, ayon sa IPHO South Cotabato 

 

-0-

 

Local………………..

PINANGUNAHAN ng Ministry of the Interior and Local Government o MILG-BARMM ang panimulang programa para sa pagbalangkas ng Bangsamoro Local Government Code.

Sinabi ni BARMM - Interior and Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo na una nilang rerepasuhin at hihimayin ang Muslim Mindanao Act 25 o ang Local Government Code ng ARMM upang matiyak na magiging angkop sa kasalukuyang sistema sa BARMM.

Ayon kay Sinarimbo, dadaan din sa serye ng konsultasyon at diskusyon ang pagbalangkas ng Bangsamoro Local Government Code upang masigurong tutugon ito sa mga pangangailangan ng bawat lokal na pamahalaang sakop ng BARMM.

Aminado naman si Sinarimbo na malaking hamon para sa kanila ang kasalukuyang setup ng BARMM na isang ministerial government sa ilalim ng unitary o presidential government.

Pero ayon sa opisyal, ipinanunukala na nila ang pagbuo ng Inter-Governmental Relations o IGR mechanism bilang solusyon sa problemang ito.

 

-0-

 

BUMISITA si Pangulong Duterte sa Camp Bud Datu sa Indanan, Sulu, kahapon.

Magugunitang inatake ng suicide bombers ang naturang military base noong June 28 na ikinasawi ng walo katao kabilang ang tatlong mga sundalo.

Kasama ng pangulo sa kanyang pagbisita sina Senator Bong Go, Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez Jr., Defense Secretary Delfin Lorenzana, at Presidential Adviser for Military Affairs Arthur Tabaquero.

Nagkita rin ang presidente at ang aktor na si Robin Padilla sa Jolo Airport.

Dahil sa pagbisita sa Indanan ay hindi natuloy ang nakatakdang pagharap kay Duterte ng 65 na mga kawani ng Bureau of Customs na sinibak dahil sa isyu ng korupsyon.

Ayon kay Go, sa Huwebes na magaganap ang pulong ng presidente at ng BOC employees.

 

-0-

 

KRITIKAL ngayon ang kondisyon ng isang lalaking nagtamo ng maraming mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ito ay matapos umano siyang tagain ng sariling ama sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bayabas, Upi, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si ARGIE MATUTOK, nasa hustong gulang, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na ulat, pasado alas dos ng hapon kamakalawa nang bigla na lamang umanong kumuha ng itak ang ama ng biktima na di kinilala sa ulat at agad siyang pinagtataga sa di pa natukoy na kadahilanan.

Nagtamo ng malalim na sugat sa leeg at kaliwang braso ang biktima na mabilis namang isinugod sa ospital ng kanyang mga kapitbahay.

Gayunman, pinag iisipan pa umano ng biktima kung magsasampa ng karampatang kaso laban sa ama.

 

-0-

 

IBINASURA ng korte ang electoral protest laban kay Pagalungan Mayor Datu Salik Mamasabulod na isinampa ng kanyang naging katunggali noong nakalipas na eleksyon sa bayan na si Mohamad Andoy.

Sa desisyong inilabas ng RTC Branch 27 noong July 11 na nilagdaan ni Judge Annabelle Piang, tuluyang na-dismiss ang kasi dahil wala umanong hurisdiksyon ang naturang korte sa isinampang kaso; hindi umano sapat ang porma at nilalaman ng petisyon; hindi rin umano naisampa ang petisyon at binayaran ang filing fee sa loob ng itinakdang panahon; at wala ring inilagak na cash deposit ang petitioner limang araw matapos ihain ang petisyon.

Samantala, natuwa naman si mayor Mamasabulod sa naging desisyon ng korte.

Pero aniya, hindi na nito pinapansin ang naturang kaso dahil abala na siya sa paglilingkod sa taumbayan.

Hindi naman naglabas pa ng pahayag ang kampo ni Andoy matapos ang naging desiyon ng korte.

 

-0-

 

Tinangay ng hindi pa nakikilalang mga snatcher ang bag ng isang ginang habang nakatayo ito sa Quezon Avenue, Cotabato City pasado alas otso ng umaga kahapon.

Nakilala ang biktima na si KADIJAH LAUBAN, 39 years old, kawani ng DSWD 12, at taga -Mother Brgy. Bagua ng lungsod.

Kwento pa ng biktima sa pulisya, nag hihintay umano siya ng masasakyang tricycle nang biglang hinabalot ng di nakilalang kawatan ang kanyang sling bag na kulay pula saka mabilis na tumakbo ang suspek.

Laman ng kanyang bag ang mga mahahalagang dokumento at cash na nagkakahalaga ng 20 thousand pesos.

Wala ng nagawa ang biktima kundi magtungo na lang sa Police Station 1 para isumbong ang sinapit.

 

-0-

 

Karpintero na top 5 wanted person Kabacan Cotabato, arestado sa Maguindanao

Hindi na nakapalag sa PNP ang isang lalaking wanted sa batas matapos na maaresto sa Sitio Kurungan, Barangay Pagagawan, Maguindanao.

Isinagawa ng pinagsanib pwersa ng Kabacan at Maguindanao PNP ang operasyon laban sa suspek alas 12:30 ng tanghali kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Norman Vorbon Macatabang, 28 anyos, isang karpintero at nakatira sa naturang lugar.

Dala ang warrant of arrest na may kasong paglabag sa Republic Act 6539 o Anti carnapping Law na inisyu ni Judge Alandrex Betoya ng RTC Branch 16, Kabacan Cotabato na may petsang April 25 2017.

Samantala, 180,000 naman ang nakatakdang piyansa para sa kanyang temporayong kalayaan. Si Macatabang ay nakapiit na sa custodial Facility ng Kabacan PNP at sasampahan ng karampatang kaso sa korte.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

New People’s Army o NPA, ideneklarang persona non grata sa buong bayan ng President, Roxas North Cotabato

Ideneklarang persona non grata sa buong bayan ng President Roxas, North Cotabato ang grupong New People’s Army o NPA kahapon. Ayon kay Municipal Mayor Jonathan Mahimpit, ang kanilang isinagawang maiksing programa may temang “Pagkakaisa ng mamayan susi sa kaunlaran”.

Sinunog din ang mga bandila ng CPP-NPA na nagpapakitang iwinawaksi na nito ang idealismo ng kilusan. Layon nitong tuluyan ng makamit ng kada Barangay sa nasabing bayan ang tunay na kapayapaan sa bawat lugar.

Samantala, mahigit sa 230 na mga dating miyembro ng NPA ang sumuko sa mga otoridad kabilang sa isinuko ang kanilang ibat-ibang uri ng armas sa programa kahapon.

Sinisiguro din ng mga pulis at kasundaluhan ang seguridad ng mga sumuko at pagtitiyak ng alkalde na magbibigayan ng livelihood projects ang lahat ng mga sumukong dating miyembro ng New People’s Army. Layon ng programa na tuluyan ng maging mapayapa ang kada lugar at mawaksi din ang takot ng mga sibilyan sa nasabing bayan.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

-0-

 

420 na mga bahay sa Makilala, North Cotabato, nakitaan ng mga bitak matapos ang lindol at mga aftershocks sa bayan

Umabot na sa 420 na mga pamilya ang naapektuhan ng nangyaring pagyanig kamakailan sa bayan ng Makilala, North Cotabato. Ito ay ayon kay Municipal Disaster Risk and Reduction and Management Head Sonny Fontanilla, matapos ang kanilang isinagawang assessment matapos ang insidente.

Bumuo na rin ang LGU ng incident command system na siyang tututok atupang alamin ang kabuuang pinsala at mga apektado ng lindol.

Samantala, isang 27 anyos na lalaki ang nasawi ilang minuto matapos ang nangyaring pagyanig sa kamakailan sa bayan. Kinilala ang nasawi na si Leo Anticamara, 27 anyos na taga Barangay Bulacanon, Makilala. Kinabahan umano si Anticamara nang lumindol at natulog uli pero muli na namang lumindol hanggang sa wala pang tatlumpung minuto ay binawian ito ng buhay.

Maliban sa mga paaralan ay sinusuri din nila ang iba pang mga infrastructure gaya ng mga simabahan at ospital. Ayon sa Philvocs, nakakaranas pa rin ng mga aftershocks ang ilang lugar sa North Cotabato kaya’t payo sa publiko ay wag mag panic kapag nakaramdam ng pagyanig at gawin ang duck, cover and hold.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kasong isinampa kay dating CFCST President Samson Molao, ibinasura ng korte

Ibinasura ng Regional Trial Court Branch 16, ang dalawang kasong isinampa laban kay dating Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST President Dr. Samson Molao. Ito ayon sa kanyang legal team na si atty. Israelito Torreon sa isinagawang pulong balitaan kahapon ng tanghali.

Sa limang pahinang desisyon ay i-dinismissed ni Presiding Judge Henelinda Molina-Diaz ang mga isinampang criminal case Nos. 4712-2018 at 4713-2018 laban kay Malao. Ito matapos na maghain ng ‘motion to quash’ ang mga abogado ni Molao laban sa mga search warrants na ideneklarang ‘void’ o walang bisa ng korte.

Ang kasong ito ay may kinalaman sa section 28b ng RA 10591 o ang illegal possession of firearms and ammunitions at ang 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Naghintay muna ng kampo ni Molao ang 15-araw bago inilabas sa media ang desisiyon sakaling aapela ang taga-usig hinggil sa kaso nito, pero umabot na ng 15 araw kahapon ay bigong makapagsumite ng motion for reconsideration ang naghain ng kaso laban sa dating school official, kaya para kay Atty. Torreon ito ay final at executory na.

Dahil dito, umaasa ang legal team ni Molao na maibalik ito sa pwesto at maibalik din ang mga benepisyong nawala sa kanya. 

Matatandaan na nag-ugat ang nasbaing kaso matapos na salakayin ng mga operatiba ng PDEA ang Presidential Cottage ni Dr. Molao noong Enero 2018 at nakuha ang mga armas at pinaniniwalang illegal na Droga.(Rod Benez) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Special Investigation Task Group, tinututukan ang tatlong mga person of interest sa pagkamatay ng isang broadcaster sa Kidapawan City

Tatlong mga person of interest ngayon ang tinututukan ng PNP base sa ibat-ibang anggulo na nakikita nila matapos ang pagpaslang sa mamamahayag na si Eduardo ‘Ed’ Dizon. Ito ang inihayag kahapon ni North Cotabato Provincial Director Police Colonel Maximo Layugan, kasabay sa isinagawang Provincial Peace and Order Council o PPOC meeting sa Rooftop Capitol, Amas, Kidapawan City.

Humingi rin ito ng paumanhin sapagkat hindi nito maaaring isiwalat ang pagkakakilanlan ng tatlong mga suspek dahil baka malagay sa alanganin ang kanilang imbestigasyon. Pero nangako si Layugan na mas mapapadali ang pagresolba ng nasabing kaso dahil na rin sa una nilang binuong Special Investigation Task Group. Matatandaan na una nang inihayag ni CPPO Spokesperson Police Lt.Colonel Bernard Tayong na mahaba na ang isang buwan bago pa mailabas ang resulta ng kaso.

Si Police Colonel Maximo Layugan. Matatandaan na una nang nakipagpulong si Presidential Task Force on Media Security Undersecretary Joel Egco sa mga miyembro ng Special Investigation Task Group. Nabatid na una nilang sinuri ang tatlong mga kuha ng CCTV camera kung saan nahagip si Dizon bago ito pinaslang.(Drema Bravo)

 

-0-

 

Office of the Civil Defense 12 Assistant Regional Director, umapela sa publiko na maging alerto bunsod ng mga pagyanig at pagulan na nararansan ngayon sa rehiyon

Maging mapagmatyag at maging handa sa lahat ng oras. Ito ang panawagan ng Office of the Civil Defense 12 sa mga mamamayan bunsod ng mga pagyanig at sama ng panahon na nararanasan ngayon sa rehiyon at karatig lugar.

Ayon kay OCD 12 Assistant Regional Director Jerome Barranco dapat manging alerto ang publiko sa posibleng mga pagbaha at landslide. Aminado si Barranco na mas mapanganib sa mga kalamidad ang buwan ng Hulyo kaya ito idineklarang National Disaster Resilience Month.

Hiniling din ni Barranco sa mga eskwelahan at tanggapan ng gobyerno na bumuo ng Disaster Committee at regular na magsagawa ng earthquake drill.

Layunin nito na makaiwas sa masamang epekto ng kalamidad. Mahalaga din ayon kay Barranco na magkaroon ng disaster contingency plan ang mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council o BDRRMC.

Tiniyak ni Barranco na handang tumulong mga barangay ang OCD 12. Ito ay sa pamamagitan ng pagsagawa ng disaster training sa kanilang mga volunteer.

 

-0-

 

Fogging operation at clean up drive dahil sa tumataas na dengue cases inilunsad ng lokal na pamahalaan sa Tampakan, South Cotabato

Naglunsad ng malawakang clean up drive at fogging operation sa mga barangay nito ang lokal na pamahalaan ng Tampakan, South Cotabato. Kasunod ito ng tumataas na kaso ng dengue fever sa nasabing bayan nitong mga nakalipas na buwan.

Nabatid abot na sa 177 na kaso ng dengue ang naitala sa Tampakan buhat noong January hanggang July 4, 2019 Dalawa sa mga biktima ay binawian ng buhay. Ito ay base naman sa tala ng Tampakan Municipal Epidemiology and Surveillance Unit o MESU na pinamumunuan ni Efren Vicente.

Ayon kay Vicente para labanan ang pagkalat nito , pinaigting nila ang pagpapatupad ng 4S campaign kontra dengue lalong lalo na sa mga barangay.

Ang mga ito ay ang Suyurin at Sirain ang lahat na maaring pamugaran ng lamok, Sarili ay Protektahan sa pamamagitan ng pagamit ng pamahid kontra lamok o pagsusuot ng mahabang damit, Sumagguni kaagad sa pagamutang bayan kung nakararanas ng lagnat o pamamantal at Suman-ayon sa pag-papausok kung bigo ang pamayanan na linisin ang mga lugar na pinamumugaran ng lamok.

Samantala sa Koronadal nilinaw naman ni OIC City Health Officer Dr. Evito Vego bigo na malayo pa ang “treshold level” bago ideklara ang dengue outbreak sa sa lungsod.

Gayunpaman ayon kay Vego pinaigting na rin nila ang kampanya kontra dengue lalong lalo na sa mga barangay sa Koronadal na may mataas na dengue cases. Ang mga ito ay ang General Paulino Santos, Zone 3, Sto. Nino at Zone 4.

 

-0-

 

TESDA 12 Regional Director may babala sa mga bagong Provincial Directors at kawani ng nasabing ahensya sa rehiyon

Walang puwang ang korupsyon sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA. Ito ang babala ni TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II sa mga bagong provincial directors ng ahensya sa rehiyon.

Binigyan diin ni Abrogar na patuloy din nilang babantayan ang bawat kawani ng nasabing ahensya. Ito ay upang matiyak ang pagbibigay ng nararapat na serbisyo sa publiko. Sinabi ito ni Abrogar kaugnay sa pagtalaga sa bagong mga TESDA Provincial Directors sa region 12. Ang mga ito ay sina Benigno Aquino ng TESDA Sultan Kudarat na pinalitan si Amir Ampao.

Itinalaga naman ng ahensya bilang kapalit ni TESDA South Cotabato Provincial Director Talib Bayabao si Richard Amparo.

Ang TESDA North Cotabato ay may bago ring TESDA Provincial Director sa katauhan ni Noraya Acas. Habang ipinalit naman kay Amparo sa Sarangani si Remijias Timonio. Tiniyak naman ng bagong mga TESDA Provincial Directors na isusulong nila ang mga adhikain ng ahensya at maibigay ang nararapat na serbisyo sa mga mamamayan ng region 12.

 

-0-

 

Kaligtasan ng mga bakuna sa mga estudyante, tiniyak ng Focal Person ng School Based Immunization Program sa South Cotabato

Ligtas ang mga bakunang kanilang itinutourok sa mga nasa Grade 1 pupils hanggang Grade 7 students. Tiniyak ito ni South Cotabato Integrated Health Office o IPHO School-based Immunization Focal Person Genesis Navales.

Ayon kay Navales, di tulad ng kontrobersyal noon na Dengvaxia vaccine matagal nang napatunayan na ligtas ang bakuna kontra tigdas, tetanus at deptheria na ibinibigay sa kanilang school-based immunization program. Kaya ayon kay Navales walang dapat ikatakot sa mga ito ang mga estudyante lalong lalo na ang kanilang mga magulang.

Nilinaw naman ng IPHO na kahit pa na ligtas ang nasabing mga bakuna kailangan pa rin ng mga estudyanteng tuturukan ng mga ito ang permiso ng kanilang mga magulang. Tatagal ang school-based immunization program ng IPHO sa Setyembre.

 

-0-

 

Bloodletting activity tampok sa 24th Police Community Relations Month Celebration ng PNP 12

Pangungunahan ng Police Regional Office o PRO 12 ang Blood Letting Activity sa Robinson’s Place Barangay Lagao, General Santos City sa ngayong araw.

Ayon kay PRO 12 Regional Director Brig. General Eliseo Tam Rasco, ito ay bilang kabahagi ng pagdiriwang nila ng 24th Police Community Relations Month ngayong Hulyo.

Ipinahayag ni Rasco na katuwang nila sa blood letting activity ang Philippine Red Cross, Department of National Defense, mga tertiary schools, at iba pang grupo sa Gensan. Kaugnay nito, umapela naman si Rasco sa mga mamamayan ng Region 12 na mag-donate ng dugo sa kanilang blood letting activity.

Tema ng 24th Police Community Relations Month Celebration ang “Sambayanan, Mahalagang Kaakibat ng Kapulisan sa Pagtaguyod ng Mapayapa at Maunlad na Bayan.

 

-0-

 

 

Agri and fisheries top industries in the proposed BARMM investments list

COTABATO CITY  -  Agriculture and Fisheries are top industries which the Bagnsamoro region can offer to investors both foreign and local...

Pope names new Sorsogon bishop

SORSOGON - Pope Francis has appointed Fr. Jose Alan Dialogo of the Manila archdiocese as the new bishop of Sorsogon.

The...

Bishops push for greater mining accountability

KIDAPAWAN CITY - Mindanao bishops have joined the initiative for the government to hold mining firms accountable for the environmental and...

The Word of God is living and effective

Reading 1ROM 1:16-25

Brothers and sisters:
I am not ashamed of the Gospel.
It is the power of God for the...

MILF infighting sends civilians fleeing

DATU MONTAWAL, Maguindanao  – A long standing territorial dispute between members of Moro Islamic Liberation Front in Maguindanao erupted...