Wednesday Oct, 16 2019 05:05:31 AM

NDBC BIDA BALITA (7.15.19)

NDBC BALITA • 17:45 PM Mon Jul 15, 2019
271
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 15, 2019 (MON)
7:00 AM

HEADLINES:

1. COTABATO CITY mayor, nagsalita na kaugnay ng sunod-sunod na mga insidente ng pamamaril sa lungsod.

2. Lima katao, patay habang dalawang iba pa sugatan sa vehicular crash sa Matalam, North Cotabato

3. MAHIGIT 7.5 million pesos na halaga ng iligal na droga, sinira ng PDEA 12

4. MGA MAGSASAKA sa bansa, hinikayat ni Sec. Pinol na magtanim ng langka.

 

-0-

 

Local………………..

SUSPENDIDO ang klase sa pre-school at elementary schools ngayong araw sa Cotabato city.

Ito ay dahil sa tuloy-tuloy at malakas na pagbuhos ng ulan simula pa kagabi.

Sa impormasyong ipinadala ng city LGU, ang class suspension ay para maiwasang magkasakit ang mga batang mag-aaral.

Pina-alalahanan naman nito ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak lalo pa’t inaasahang magpapatuloy ang pag-ulan sa buong araw.

 

-0-

 

BINALAAN ni Cotabato city mayor Cynthia Guiani ang mga masasamang-loob na responsable sa sunod-sunod na mga insidente ng pamamaril sa lungsod nitong mga nakaraang araw.

Sinabi ni Guiani na karamihan sa mga biktima ng mga pamamaril sa lungsod ay hindi naman mga residente ng syudad at batay sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, mga hired gunmen o mga karido ng mga biktima ang mga suspek.

Gayunman, ayon kay Guiani ginagawa ng City LGU, PNP at AFP ang lahat para mapigilan ang ganitong uri ng krimen sa syudad.

Nakiusap din ito sa mga lokal na pamahalaan ng mga karatig na bayan sa Maguindanao at North Cotabato na makipagtulungan para matukoy ang utak ng krimen at mapanagot sa batas.

Pinayuhan din ni mayor Guiani ang mga indibidwal o pamilyang may mga ka-rido o family feud na maging maingat at makipag-ugnayan sa mga otoridad tuwing pupunta sa lungsod para maiwasan ang pagdanak ng dugo.

Samantala, iginiit naman ng alkalde na hindi dapat isisi sa City LGU at sa mga otoridad ang mga insidente ng pamamaril sa lungsod dahil may papel naman na dapat gampanan ang bawat isa para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng isang lugar.

Samantala, isinusulong naman ngayon sa Cotabato city sa lungsod ang pagbabawal ng riding in tandem o pagpapa-aangkas sa motorsiklo na hindi naman kamag anak.

Ipagbabawal na rin sa mga buntis na umangkas sa motorsiklo at maging ang mga bata.

Balak din ni mayor Guiani na irehistro ang lahat ng mga motorsiklo sa lungsod kung saan kakabitan ito ng color-coded stickers batay sa barangay kung saan nakatira ang may-ari ng motorsiklo.

 

-0-

 

Presidential Task Force on Media Security Chief, bumisita sa burol ng pinaslang na brodkaster sa Kidapawan City

Sisikapin ng pamahalaan na mabigyan ng hustisya at mahuli ang mga salarin na pumatay kay Eduardo “Ed” Dizon na News Anchor ng Brigada News FM (BNFM) Kidapawan City.

Ito ang tiniyak ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Usec. Joel Egco na bumisita sa burol ni Dizon sa lungsod ng Kidapawan.

Nakipagpulong rin si Egco kay Cotabato Police Provincial Director, P/Col. Maximo Layugan at Kidapawan City Chief of Police, P/Lt. Col. Joyce Birrey para siguraduhin ang malalimang imbestigasyon sa pamamaslang sa mamamahayag.

Unang sinuri ng mga imbestigador ng pulisya sa binuo na Special Investigation Team (SIT) ang mga kuha ng CCTV mula sa himpilan ng BNFM hanggang sa lugar kung saan pinagbabaril patay ng riding in tandem suspects si Dizon.

Iimbestigahan din ng team ang mga person of interest, mga taong nagbanta sa buhay ni Dizon na una niyang pina-blotter sa pulisya at ibang anggulo.

Matatandaang papauwi na ang biktima sa kanyang tahanan sa Tejada Subdivision sa Makilala, Cotabato sakay ng kanyang kotse ngunit pagsapit nito sa harap ng Colegio de Kidapawan ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang 9mm pistol.

Nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan si Dizon kaya hindi na ito umabot ng buhay sa pagamutan. Sa ngayon ay pinaigting pa ng mga otoridad ang imbestigasyon sa pamamaril patay sa biktima.

 

-0-

 

Tatlo sugatan matapos sumalpok sa isang Prime Mover sa Mlang, North Cotabato

Sugatan ang tatlo katao matapos na masangkot sa isang aksidente pasado alas dose nga hatinggabi noong Sabado, sa bahagi ng Purok 4, Brgy. Calunasan, Mlang North Cotabato.

Kinilala naman ang mga nasugatan na sila Michael Angeles Figueroa, 30-anyos, may asawa, isang businessman na siyang nagmamaneho ng kulay puting Ford Ranger, at dalawa pang kasama nito na sina Archie Dubduban Janea,33 years old, may asawa, isa ring businessman at isang pulis na kinilalang si Patrolman Roberto Apolinarion Jr. 35-anyos, single, na lahat ay nakatira sa bayan ng Mlang.

Ayon sa ulat binabaybay ng putting Ranger na may license plate na LHL567 ang highway pero nang papaliko na ito sa curve line ay na-overshoot ito sa kabilang lane dahilan para masalpok ang nakaparadang Isuzu Prime mover na may license plate KDB918. Wasak naman ang harapang bahagi ng dalawang mga sasakyan matapos ang insidente.

Agad namang naisugod sa ospital ang sugatang mga biktima.

 

-0-

 

Lima ka tao, patay habang dalawang iba pa sugatan sa vehicular crash sa Matalam, North Cotabato

Patay ang lima katao habang sugatan ang dalawang iba pa matapos na mabangga ng isang Toyota Innova SUV ang kasalubong na tricycle sa National Highway sa Purok 2, Barangay Kilada, Matalam Cotabato, pasado alas dos ng hapon nitong sabado.

Kinilala ang mga nasawi na sina Amil Mamadra, driver ng tricycle, Pai Mamadra at tatlong iba pa na inaalam pa ang pagkakakilanlan na kinabibilangan ng isang lalaki at dalawang babae.

Patuloy namang ginagamot ngayon sa Amas, Provincial Hospital sa Kidapawan City ang dalawang sugatan na kinilalang sina Naser Raker, 21 anyos at ang 9 na taong gulang na bata na si Samraida Digla na pawang mga residente ng Tacurong City.

Ayon sa ulat ng Matalam PNP, binabaybay ng SUV ang National Highway sa lugar mula sa bayan ng Kabacan patungo sa Matalam Cotabato at nang pagsapit sa lugar ay pumutok ang kaliwang gulong nito na nasa likod dahilan para mawalan ng control sa manibela ang driver na kinilalang si Andy Andong Baraguir, 48 anyos, empleyado ng Department of Education at residente ng Salimbao, Sultan Kudarat.

Hanggang sa nabangga nito ang kasalubong na tricycle na lulan ang mga biktima. Dahil sa lakas ng impact, dead on the spot ang tatlo katao habang naisugod pa sa ospital ang dalawang iba pa ngunit binawian din ng buhay. Nasa kustudiya nan g Matalam PNP ang drayber ng SUV at nakatakdang sasampahan ng kaukulang kaso sa korte.

 

0-0-

 

Lalaki, nagpatiwakal matapos iwan ng live-in partner sa President, Roxas, North Cotabato

Natagpuang wala ng buhay ang isang 36 anyos na lalaki sa Purok 1, Barangay Del Carmen, President Roxas, North Cotabato matapos magpatiwakal sa puno ng durian kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Rackie Reginan Alisaje, 36 anyos at nakatira din sa nasabing lugar. Sa ulat ng President Roxas PNP, natagpuan ng kapit-bahay ng nasabing biktima na nakalambitin ito sa puno ng durian pasado alas 6:00 ng umaga.

Nang makausap ng mga otoridad ang ina ni Alisaje sinabi nitong isa sa mga posibleng dahilan ng pagpakamatay ng kanyang anak ay matapos na iwan ito ng kanyang kalive-in partner dalawang buwan na ang nakakalipas. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

DEAD ON THE SPOT matapos pagbabarilin ng riding tandem suspects ang isang mayoralty candidate noong nagdaang eleksyon sa Lambayong, Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Edgar Lucero, 53 anyos, may asawa at taga barangay Namnama, Lambayong.

Sa reporting Lambayong PNP, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at angkas pa ang kanyang dalawang mga anak nang pagbabarilin ng mga suspek sa national highway na bahagi ng Barangay Didtaras sa bayan.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo, mukha at dibdib si9 Lucero na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Nasa ligtas namang kalagayan ang kanyang mga anak bagaman at nagtamo ng mga galos matapos na matumba ang kanilang sinasakyang motorsiklo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alamang matagal na palang nakatatanggap ng pagbabanta sa buhay si Lucero ngunit hindi nito pinansin ay hindi rin ipinagbigay-alam sa pulisya.

 

-0-

 

NAHARANG ng Naval Forces Western Mindanao ang 12 milyong pisong halaga ng mga bigas sa Basilan.

Sinabi ni Naval Forces Western Mindanao commander Rear Admiral Erick Kagaoan na nasamsam ang mga kontrabando sa isinagawang maritime security patrol ng Naval Task Force 61 sa bisinidad ng Lampinigan Island.

Nakuha ang nasa sampung libong mga sako ng umano ay smuggled rice mula sa M/V Indah Jehan.

Sakay din ng naturang barko ang sampung crew na mula sa Labuan, Sabah.

Wala aniyang importation documents ang mga kontrabando.

Dinala ang mga smuggled na bigas sa Bureau of Customs para sa dokumentasyon.

 

-0-

 

Nanguna sa pagsira sa mahigit P7.5 million na halaga ng illegal drugs sa General Santos City ang mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency XII

Ayon kay PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan ang sinirang mga iligal na droga ay ibinigay sa PDEA ng 16 na mga Regional Trial Courts sa rehiyon. Kasama din sa mga sinira ng mga kasapi ng PDEA ang mga expired na gamot mula sa iba’t ibang botika sa rehiyon.

Ayon kay Duquiatan kabilang sa kanilang mga sinira ang mahigit 900 na pakete ng umano’y shabu, 15 pakete ng dried marijuana seeds at illegal drug paraphernalia. Ayon kay Duquiatan layon ng pagsira nila ng mga illegal drugs na pabulaanan ang inaakala ng publiko na pag-recycle ng mga otoridad sa mga ito.

Sinabi ni Duqiatan na ito ay bilang pagtalima rin sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. Ayon kay Duquiatan ito na ang pinakamaraming bulto ng illegal drugs na sinira ng PDEA 12.

 

-0-

 

Assessment ng DENR sa mga lugar na mapanganib sa baha at landslide nagpapatuloy pa rin

Target ng Department of Environment and Natural Resources o DENR 12 na matatapos ang kanilang disaster vulnerability assessment o VRA ngayong taon.

Ayon kay DENR 12 Regional Executive Director Sabdullah Abubacar pinagaaralan nila sa VRA ang epekto ng mga kalamidad sa 45 bayan at limang lungsod sa rehiyon.

Ipinahayag ni Abubacar na natapos na ng Mines and Genosciences Bureau o MGB ng DENR ang VRA o hazard mapping sa 35 mga bayan sa SOCCKSARGEN. Dinagdag ni Abubacar na prayoridad ng ahensya na maturuan ang komunidad kung papaano labanan ang masamang epekto ng kalamidad.

Natukoy ng DENR na mapanganib sa pagbaha ang 341 sa 1,194 na mga barangay sa region 12. 179 sa mga ito ay nasa North Cotabato at Cotabato City, 73 sa Sultan Kudarat, 69 sa South Cotabato at 20 sa Sarangani.

Habang 57 naman sa 218 na mga barangay sa region 12 na nanganganib sa landslide ay parehong nasa South Cotabato at Sultan Kudarat, 53 sa North Cotabato at 51 sa Sarangani.

Ayon kay MGB 12 Regional Director Constancio Paye Jr. ang VRA ay bilang pagpapatuloy sa geohazard mapping na kanilang isinagawa sa mga lungsod at bayan sa SOCCKSARGEN.

Ipinahayag ni Paye na nabigyan na nila ng geohazard map ang lahat ng LGU sa rehiyon.

Ayon kay Paye layunin din ng VRA na matukoy ang mga barangay na may pinakamaraming maapektuhan ng kalamidad, mapaghandaan ang ruta ng trapiko at matukoy ang lugar para sa relief operation.

 

-0-

 

Cleanest and Greenest Local Government Unit sa South Cotabato pinarangalan na

Tinahanghal na champion sa Search for Cleanest and Greenest Local Government Unit sa South Cotabato ang bayan ng Polomolok.

Nakuha din ng nasabing bayan ang mga special awards na Best in Public Plaza , Parks at Best in Material Recovery Facility at Best in Locally Initiated Regreening Program Planted Reforestation/Watershed Development First Runner Up ang Surallah, 2nd Runner up ang Sto.Nino, 3rd Runner Up ang T’boli, 4th Runner Up ang Tampakan at 5th Runner Up ang Koronadal City.

Nakuha naman nito ang special award na Best Roadside Beutification. Habang ang Best in Riparian Zone Vegetation ay napunta sa bayan ng Suralla.

Ang mga mahjor winners ay tumanggap ng P800,000; P500,000; P300,000; P180,000; P100,000 at P80,000. Sa Special Award na Best barangay nanguna ang Silway 8, Polomolok; Pangalawa ang Buenavista sa Surallah at pangatlo ang Lopez Jaena sa Norala.

Ang unang pwesto sa Best Solid Waste Management School ay nakuha pa rin ng Silway 8, Polomolok; pangalawa ang Carpenter Hill Elementary School ng Koronadal city at pangatlo ang Bo.3 Elementary School sa Banga. Nanguna sa pagbibigay ng parangal sa mga nanalong LGU si Department of the Interior and Local Government o DILG South Cotabato Provincial Director Michelle Ann Viejo.

Ayon kay Viejo layunin ng Search for Cleanest and Greenest LGU na kilalanin ang mga lokal na pamahalaan sa South Cotabato na may pinakamaganda at pinaka-epektibong programa sa pangangalaga sa kapaligiran.

 

-0-

 

Mahigit 600 OFW at kanilang pamilya sa rehiyon sinanay na magnegosyo ng OWWA 12

Layunin ng 2nd OFWPrenuer Congress na maturuan ang mga OFW at kanilang pamilya na magnegosyo at palaguin ang ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.

Ito ang ipinahayag ni Overseas Workers Welfare Administration o OWWA 12 OIC Kristine Caseres kaugnay sa nasabing aktibidad na kanilang pinangunahan sa Koronadal City. Dinaluhan ito ng mahigit 600 mga OFW at kanilang pamilya mula sa iba’t ibang lugar ng region 12.

Ayon kay Caseres kasabay ng OFWPrenuer Congress ang pagtanggap din ng cash livelihood assistance ng mga benepisyaryo ng kanilang “Balik Pinas!Balik Hanapbuhay o BPBH Program.

Kaugnay nito pinaalahanan ni DOLE 12 Regional Director Sisinio Cano ang mga nabigyan ng nasabing tulong na gamitin ang perang natanggap upang makapagsimula ng panibagong buhay sa kanilang paguwi. Tiniyak naman ni Department of Trade and Industry o DTI South Cotabato Provincial Director Flora Gabunales na nakahandang tumulong ang ahensya para mapalago ng mga benepisyaryo ang tulong na natanggap sa gobyerno.

 

-0-

 

DA Secretary Pinol hiniling sa mga magsasaka na magtanim ng langka na may mataas na demand sa bansa

Hinihikayat ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang mga magsasakang magtanim ng langka dahil malaki ang demand nito sa bansa. Ayon sa kalihim, malaking volume ng langka na pinoproseso dito sa Pilipinas ang inaangkat kada taon kung kaya, isa ito sa mga prutas na nais niyang itanim ng mga high value crops farmer.

Ibinahagi nito na nagsimula na rin siyang magtanim ng matamis na variety ng langka, ang Abuyog Sweet na nagmula sa bayan ng Abuyog sa Leyte. Dahil marami ang nagka-interes na magtanim ng ganitong variety, binuksan ng kalihim ang kanyang sakahan sa Barangay Paco sa Kidapawan City para sa isang on-site training sa jackfruit production.

Noong July 6, nagsimula ang pagsasanay kung saan ang mga eksperto mula sa Eastern Visayas Agricultural Research Center ng DA sa Leyte na pinangunahan ni Alice Bolawan ang mismong nagturo sa mga lumahok na mga magsasaka lalo na sa grafting.

Ayon sa kalihim, nagmula pa sa mga lalawigan ng Zamboanga at Davao del Norte ang ilan sa mga dumalo sa dalawang araw na pagsasanay.

 

Agri and fisheries top industries in the proposed BARMM investments list

COTABATO CITY  -  Agriculture and Fisheries are top industries which the Bagnsamoro region can offer to investors both foreign and local...

Pope names new Sorsogon bishop

SORSOGON - Pope Francis has appointed Fr. Jose Alan Dialogo of the Manila archdiocese as the new bishop of Sorsogon.

The...

Bishops push for greater mining accountability

KIDAPAWAN CITY - Mindanao bishops have joined the initiative for the government to hold mining firms accountable for the environmental and...

The Word of God is living and effective

Reading 1ROM 1:16-25

Brothers and sisters:
I am not ashamed of the Gospel.
It is the power of God for the...

MILF infighting sends civilians fleeing

DATU MONTAWAL, Maguindanao  – A long standing territorial dispute between members of Moro Islamic Liberation Front in Maguindanao erupted...