Monday Oct, 14 2019 07:01:12 AM

NDBC BIDA BALITA (7.13.19)

NDBC BALITA • 09:30 AM Sat Jul 13, 2019
321
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 13, 2019 (SAT)
7:00 AM

HEADLINES:

1. 30 LIBONG halaga ng pinaghihinalaang shabu, nasamsam mula sa isang pintor na drug suspect sa Cotabato city.

2. LABINTATLONG mga pulis sa Tantangan, South Cotabato ni-relieve nang hindi nadatnan sa kanilang presinto ng mga tauhan ng National Police Commission.

3. KIDAPAWAN CITY PNP, may suspect na sa kasong pagpatay sa isang radio broadcaster sa lungsod.

4. Float parade gagawin ngayon sa Koronadal bilang bahagi ng selebrasyon ng Tnalak 2019

 

-0-

 

Local………………..

Arestado ang isang suspek na lalaki matapos na makuha sa kanya ng mga otoridad ang maraming sachet ng pinaghihinalaang illegal na droga sa kanilang lugar sa Father Voide, St. ND Village RH8 Cotabato City.

Nakilala ang suspek na si ARISTON ACOSTA ABOLENCIA Alyas “Ton Ton”,40anyos,may asawa,Painter, residente ng nabanggit na Barangay.

Huli ang suspek ala una kamakalawa ng hapon sa nabanggit na lugar makaraang isagawa ang Buy Bust Operation ng Pinag sanib na tropa ng PS2 at ng iba pang mga kinauukulan, napagbentahan umano ng suspek ang isang PDEA agent na nagpaggap na buyer.

Nakuha kay ABOLENCIA, ang isang pitaka na naglalaman umano ng siyam na sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga diumano ng 30k. Bukod sa droga nakuha din sa kanya ang ilang drug paraphernalia, Brgy. ID,Cellphone at pera na ginamit sa operastion.

Nasa kustodiya ng PS2 ang nahuling suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso na  isasampa laban sa kanya.

 

-0-

 

NAMILIPIT sa matinding sakit ang isang lalaki matapos na halos madurog ang paa nito nang aksidenteng mabagsakan ng punong-kahoy sa Barangay, Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si UMBOL AMER ACAN, nasa hustong gulang, driver, at taga Brgy. Simuay ng nasabing bayan.

Nabatid na pasado alas singko ng hapon kahapon habang tumutulong si Acan sa pagbubuhat ng mga pinutol na punong kahoy para gawing panggatong nang aksidenteng mabitiwan nila ito at mabagsakan ang kanyang kaliwang paa.

Mabilis namang isinugod ng kanyang mga kasamahan si Acan sa isang pagamutan dito sa lungsod para agad na magamot.

SAMANTALA, duguan namang isinugod sa ospital ang mag-amang ARIMAN AYUNAN at FAISAL AYUNAN, 6 years old matapos silang mabundol ng payong-payong sa Brgy. Sarmiento, Parang, Maguindanao.

Naglalakad lamang daw sa gilid ng kalsada ang mag-amang Ayunan nang mahagip ng dumaang payong-payong pasado alas singko kahapon.

Sa lakas ng pagkakasalpok sa dalawa ay tumilapon ang mga ito kaya nagtamo ng mga sugat at galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dali-dali namang silang isinugod sa pagamutan ng mga residente sa lugar para malapatan ng lunas.

 

-0-

 

GUSTO ng AFP na amyendahan ang Human Security Act sa harap ng problema sa terorismo ng bansa.

Sinabi ni AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na ang insidenteng pagpapasabog ng kauna-unahang Pilipinong suicide bomber sa Sulu ay indikasyon na hindi na naangkop ang ilang probisyon ng batas sa kasalukuyang sitwasyon.

Partikular na tinukoy ni Arevalo ang probisyon sa batas na nagpapataw ng 500 libong multa kada araw sa mga miyembro ng security forces na maaring nagkamali sa pagdetini ng suspected terrorist.

Ayon kay Arevalo, kailangan ding taasan ang otorisadong “period of confinement” ng mga suspected terrorist sa 30 araw mula sa kasalukuyang tatlong araw.

Paliwanag ng heneral, nagbago na ang sitwasyon sa bansa kung saan kahit sino na ang pwedeng maging suicide bomber, hindi lang mga dayuhan.

Aniya pa, kakailanganin din ng militar at pulis ng tulong ng mga sibilyan para pigilan ang pag-usbong ng mga potential suicide bomber sa kanilang mga komunidad.

Una rito, hinihinala ng PNP na posibleng Pinoy din ang ikalawang suicide bomber sa kambal na pagsabog sa isang kampo ng militar sa Indanan, Sulu.

Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na maaring Pinoy ang ikalawang suicide bomber.

 

-0-

 

24 anyos na lalaki, sugatan matapos na pinaghahampas gamit ang kahoy sa Kidapawan City

Patuloy na ginagamit ngayon sa isangg Ospital sa Kidapawan City ang isang lalaki matapos na paghahampasin ng di pa kilalang suspek alas 9:00 kagabi sa Barangay Sudapin, Kidapawan City.

Kinilala ang biktima na si John Salde Alcain, 24 anyos at nakatira sa Bonifacio Street, Mlang North Cotabato. Ayon sa ulat ng Kidapawan City PNP, nakita na lamang umano ang biktima na nakahandusay na may ibat-ibang sugat sa katawna.

Mabilis na isinugod ng pulisya ang biktima sa Kidapawan Medical Specialist para sa agarang medikasyon. Habang patuloy namang inaalam ngayon ng mga otoridad kung sino ang responsable sa paghampas gamit ng kahoy sa nasabing biktima. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Lalaki na may kasong attempted homicide, areastado sa Kidapawan City

Arestado ang isang wanted person sa Navara Road,Barangay Balindog, Kidapawan City alas 5:45 ng hapon kamakalawa. Kinilala ang naaresto na si Clemente Largo Sosobrado, 30-anyos, single at residente ng nabanggit na lugar.

Hinuli ng pinagsanib pwersa ng City PNP, CIDG at ng National Patrol Group ang suspek. Dala ng PNP ang warrant of arrest na may kasong attempted homicide na inisyu ni Judge Rebecca Elena B. De Leon ng Municipal Trial Court Kidapawan City na may petsang July 8, 2019.

Nasa kustudiya na ng CIDG Kidapawan City ang suspek habang inaantay na maakyat ang kaso sa korte. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Tricycle driver, patay sa panibagong kaso ng pamamaril sa Pikit, North Cotabato

Dead on arrival sa pagamutan ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng di pa kilalalang gunman sa Barangay Inug-nug, Pikit Cotabato alas 9:30 ng umaga kahapon.

Kinilala ang biktima na si Faisal Malabana, 35 anyos at nakatira sa Barangay Poblacion, Pagalungan Maguindanao. Sa naging imbestigasyon ng Pikit PNP, binabaybay ng biktima ang National highway sakay ng kanyang Kawasaki Bajaj na motorsiklo at nang pagsapit sa nasabing lugar ay pinagbabaril ito ng di pa kilalang dalawang suspek.

Nagtamo ng sugat mula sa tama ng bala ang biktima sa kanyang ulo at katawan gamit ang caliber 45 pistol dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Mabilis ding tumakas ang suspek patungo sa di pa malamang direksyon. Patuloy ang ginagawang malalimang imbestigasyon ng Pikit PNP hinggil sa panibagong kaso ng pamamaril sa lugar. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Van driver, sugatan matapos sumalpok sa steel barrier ang sasakyan sa Kabacan, North Cotabato

Sugatan ang drayber ng pampasaherong van matapos itong bumangga sa steel barrier sa center isle National Highway, Rizal Avenue, Kabacan North Cotabato kagabi.

Nakilala ang sugatang driver na si Juanito Nergua, 43 anyos, at residente ng President Roxas, Cotabato. Sa inisyal na imbestigasyon ng Kabacan Police, nag overtake ang nasabing sasakyan sa naunang tricycle pero hindi nito napansin ang steel barrier na nasa gitna.

Nabatid ding walang ilaw sa pinangyarihan ng aksidente dahilan para hindi mapansin ng drayber. Nagtamo ng sugat ang drayber at nagkayupi-yupi naman ang harapang parte ng sasakyan. Nagpaliwanag naman ang Kabacan Municipal Engineering Office tungkol sa pagkaantala ng paglalagay ng street lights sa naturang lugar na madalas may naaaksidente.

Sinabi ni Kabacan Municipal Engr. Noel Agor, may plano umanong road widening activities ang DPWH kung kaya’t hindi pa nalagyan ng street lights ang lugar. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

PNP may person of interest na sa pagpatay ng isang mamamahayag sa Kidapawan City May person of interest nang sinunsundan ngayon ang Kidapawan City PNP na posibleng isa sa mga suspek sa pagbaril at pagpatay sa radio-anchor na si Eduardo “Ed” Dizon.

Ayon Police Lt.Col. Ma. Joyce Birrey, hepe ng Kidapawan City PNP, tatlong mga CCTV Footages na ngayon ang patuloy nilang pinag-aaralan para sa agarang pagresolba sa naturang kaso. Iniimbestigahan na rin nila ang posibleng pag konekta sa naging laman ng blotter report na may banta sa buhay ni Dizon noong July 3.

Dagdag pa ng opisyal, ang bubuuing PNP-Special Investigation Task Group na pangungunahan ng provincial PNP ay siyang tututok sa malalimang pagsisiyat. 

Samantala, ngayong umaga naman nakatakdang bisitahin ni Undersecretary Joel Egco ng Task Force on Media Security ang mga labi Dizon sa isang funeral parlor sa lungsod.

Pagkatapos nito ay makikipagpulong si Egco sa hepe ng Kidapawan City PNP upang mapag-usapan ang nasabing kaso.

Ang Presidential Task Force on Media Security ay siyang inatasan ng pangulo upang tumutok sa mga kaso ng media killing sa bansa. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

State of Calamity dahil sa dengue outbreak idineklara sa Surallah, South Cotabato

Isinailalim na sa State of Calamity dahil sa dengue outbreak ang bayan ng Surallah, South Cotabato. Ito ang kinumpirma ni Surallah Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Action Officer Leonardo Ballon.

Ayon kay Ballon, kinatigan ng mga myembro ng Sangguniang Bayan ng Surallah sa kanilang sesyon ang rekomendasyon ng MDRRMC na ideklara na ang State of Calamity sa nasabing bayan.

Kasunod ito ng pagdeklara rin ng State of Calamity dahil sa dengue ng mga barangay ng Naci, Colongulo at Libertad. Kinumpirma ni Ballon na abot na sa mahigit 400 na kaso ng dengue ang naitala sa Surallah mula Enero na ikinasawi ng apat katao.

Ayon kay Ballon pinakahuling binawian ng buhay kamakalawa dahil sa dengue sa Surallah ang isang siyam na taong gulang na bata. Layun ng pagdeklara ng state of calamity na magamit ng lokal na pamahalaan ang bahagi ng kanilang calamity fund sa mga programa para masawata ang dengue fever.

Sinabi ni Ballon na tutulong ang lokal na pamahalaan sa food for work program kontra dengue sa mga barangay. Tuloy din ayon kay Ballon ang kanilang clean up drive at fogging operation.

Kinumpirma naman ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr.na umabot na rin sa outbreak level ang dengue cases sa mga bayan ng Norala, Polomolok, Sto. Nino, Surallah, Tampakan, Tantangan at Koronadal City.

Binigyan diin ni Aturidido na pinakamabisang paraan pa rin para mapigilan ang pagkalat ng mga lamok na nagdadala ng dengue ang pakikiisa ng publiko sa mga clean up drive. Ang Provincial Health Office ay nakapagtala ng 2,766 na kaso ng dengue sa South Cotabato mula Enero hanggang Hunyo 29 nitong taon.

 

-0-

 

Thematic and Float Competiton tampok sa pagsisimula ngayong araw ng 20th T’nalak Festival at 53rd Foundation Anniverary ng South Cotabato Ginanagap na ngayon ang Civic Military Parade: Thematic and Float Competition sa mga pangunahing kalye ng Koronadal City.

Ito ay tanda ng pagsisimula ng isang linggong 20th T’nalak Festival at 53rd Foundation Anniversary ng South Cotabato. Ibinibida sa Float Competition ang mga serbisyo, programa at ipinagmamaking produkto ng mga kalahok na ahensya ng pamahalaan ,ga etablisemento at iba’t ibang sektor sa lalawigan.

Ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., magtatapos ang parada sa South Cotabato Sports Complex kung saan gaganapin ang opening program. Ito ay dadaluhan ni Davao City Mayor Sarah Duterte. Magiging highlight naman nito ang awarding sa Search for Cleanest and Greenest Local Government Unit sa South Cotabato.

Tampok din sa unang araw ng selebrasyon ang Motorcross competition sa Barangay Paraiso, Koronadal, at pagbubukas ng Regional Indsutrial, Technology and Trade Expo sa KCC Mall.

Matutunghayan na rin ng mga mamamayan ang mga produkto ng bawat lugar sa South Cotabato sa Bahay Kubo Competition na magkakaroon ng unang judging ngayong araw.

Pinayuhan naman ng PNP ang mga manonood na para hindi maabala, huwag magdala ng back pack, patalim, at iba pang bladed weapon sa mga venue.

 

-0-

 

Presensya ng shabu laboratory sa rehiyon pinabulaanan ng Information Officer ng PDEA 12

Nilinaw ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 Information Officer Kath Abad na wala silang namonitor na shabu laboratory sa rehiyon. Paliwanag ni Abad ang mga iligal na droga na ibinebenta sa SOCCKSARGEN ay galing pa ng ibang lugar.

Ayon kay Abad huling na dismantle ng mga kasapi ng PDEA ang kitchen-type illegal drug laboratory sa Barangay San Isidro at Dadiangas South sa General Santos City noong 2010 at 2011. Sinabi ni Abad na dahil ang region 12 ay itinuring na consuming region sa illegal drugs nakatutok ang kanilang monitoring sa mga public terminal.

Dinagdag ni Abad na pinaigting din ng PDEA ang kanilang intelligence monitoring. Ito ay sa pakikipagtulungan sa PNP, militar, local government units at iba pang stakeholders sa apat na lalawigan at apat na lungsod sa SOCCKSARGEN.

Ayon kay Abad bumaba din ang supply ng shabu sa region 12 dahil sa limitadong galaw ng mga drug trafficers. Kasunod ito ng paglunsad ng pamahalaan ng gyera kontra iligal na droga noong 2016.

Naging sanhi naman ito ayon kay Abad ng pagtaas ng presyo ng illegal drugs sa rehiyon. Kinumpirma din na Abad na abot sa 800 grams na shabu at isang kilogram ng dried marijuana leaves ang nakumpisa ng mga kasapi ng PDEA 12 mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2019. Ang mga ito ay nagkakahalaga naman ng mahigit P5.5 million.

 

-0-

 

13 pulis sa Tantangan, South Cotabato ni-relieve nang hindi nadatnan sa presinto ng nag-inspeksyon na mga kinatawan ng National Police Commission

Tinanggal ang 13 mga pulis sa Tantangan, South Cotabato matapos madatnan sa on the spot inspeksyon ng mga taga National Police Commission na wala sa presinto. Ito ang ipinahayag ni PNP Provicial Director. Col Joel Limson.

Kinumpirma ni Limson na kabilang sa mga na-relieve ang Hepe ng Tantangan PNP na si Police Captain Romeo Albano. Sinabi ni Limson na matapos ilipat sa ibang police stations ang mga pulis na na-relieve sa Tantangan ay maaring makasuhan din ng dministratibo.

Ito ay bahagi ng internal cleansing sa hanay ng PNP. Pero ayon ka Limson ipinaliwanag sa kanya ng mga police personnel ng Tantangan PNP na nasa operasyon umano sila ng maginspeksyon ang mga taga Napolcom.

Ayon naman kay NAPOLCOM 12 Regional Director Veronica Hatagque magsilbing aral sana sa iba pang police personnel sa rehiyon ang pagkaka-relieve ng mga pulis sa Tantangan, South Cotabato.

 

-0-

 

DA nagbigay ng mahigit 177 million pesos na agriculture projects sa BARMM

Naibigay na ng Department of Agriculture ang mahigit 177 milyong pisong halaga ng mga proyektong-agrikultura sa Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao .

Pinangunahan ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang turn-over ceremony kung saan sinabi niyang ang naturang mga proyekto ay kinabibilangan ng mga makinaryang pansakahan at mga farm input.

Ayon kay Pinol bahagi ito ng mga interbensiyon ng ahensiya sa mga magsasakang naapektuhan ng Marawi Seige.

Ipinahayag ng kalihim na malaki ang maitutulong ng naturang mga proyekto sa muling pagbangon ng sektor ng agrikultura sa Marawi City at mga kalapit lalawigan na inatake ng teroristang grupo noong May 2017.

Ang naturang mga interbensiyon ay hatid ng DA Region X sa pangunguna ni Regional Executive Director Carlene Collado. Si MAFAR Minister Mohammad Yacob naman ang tumanggap ng sertipiko para sa naturang mga proyekto.

Samantala, sinabi ng kalihim na ang mga makinaryang ibinigay ng DA ay pamamahalaan ng isang farm service provider group na bubuuin ng BARMM - MAFAR para masigurong magagamit nang tama ang mga kagamitang ipinagkaloob sa kanila.

Karne mula Bulacan patungong Marbel, pinigil sa Tacloban dahil sa ASF scare

TACLOBAN CITY - Abot sa P1.6 million pesos na halaga ng assorted frozen pork meat products mula sa Bulacan ang naharang pasado alas 10:00...

Once troubled Basilan town now has radio station

BASILAN --- Stakeholders will launch Monday a “peace radio” in the former shabu capital of Basilan province whose municipal government got...

3 Soccsksargen hospitals lose PhilHealth accreditation

GENERAL SANTOS CITY -- The Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) has suspended and withdrawn the accreditation...

NGO spearheads outreach program for IPs in Maguindanao

UPI, Maguindanao – In celebration of Indigenous Peoples (IP) Month this October, local officials and non-government organization organized...

No casualty, damage in NoCot magnitude 5 quake: PDRRMC

KIDAPAWAN CITY -- Disaster management officials reported zero casualties and damage to properties from the magnitude 5...