Tuesday Jul, 23 2019 03:01:27 PM

NDBC BIDA BALITA (7.12.19)

NDBC BALITA • 17:30 PM Fri Jul 12, 2019
139
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 12, 2019 (FRI)
7:00 AM

HEADLINES:

1. NASA 80 mga opisyal at kawani ng BARMM, inaasahang sasahod na pagkatapos na magpulong sina P. Duterte at BARMM chief minister Al Haj Murad Ibrahim kagabi.

2. National Union of Journalists of the Philippines, may panawagan matapos ang pagpaslang sa isang radio anchor sa Kidapawan City

3. Barkada Kontra Droga ng Sto. Nino National High School sa South Cotabato,  kinilala bilang Most Outstanding Barkada Kontra Droga Implementers sa buong bansa.

4. Binatilyo kinagat ng aso noong Disyembre sa Midsayap, Cotabato, binawian ng buhay kahapon dahil sa rabis 

 

-0-

 

Magandang balita para sa 80 mga opisyal at mga mangagagawa ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM dahil matatanggap na nila ang kanilang suweldo.

Isa kasi ito sa mga tinalakay nina Pangulong Duterte at BARMM interim chief minister Al Haj Murad Ibrahim sa kanilang pulong sa Malacañang kagabi.

Kabilang sa ilalabas na pondo ng gobyerno ang 59-69 million pesos para sa kabuuang anim na buwang sahod ng mga taga-BARMM.

Nabatid na naantala ang pagpapasahod sa mga opisyal ng BARMM mula nang magsimula silang magtrabaho nitong Pebrero ngayong taon.

Ito’y dahil hindi pa kasali sa naipasang 2019 national budget ang pondo para rito at ang pina-iikot lamang nilang budget ay mula sa natirang pondo ng dating Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Sinabi ni Murad na maibababa sa kanilang mga personnel ang kanilang naantalang suweldo sa lalong madaling panahon.

Kasama rin sa pulong kagabi ang 12 ministers ng BARMM, gayundin si Finance Sec. Sonny Dominguez, at si Agriculture Sec. Manny Piñol na napipintong ilipat bilang Mindanao Development Authority o MinDA chairman.

 

-0-

 

Tinanggap naman ni BARMM interim chief Al Hajj Ebrahim Murad ang appointment ni Agriculture Secretary Manny Piñol bilang bagong pinuno ng Mindanao Development Authority o MinDA.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ito ay matapos ang kanilang pulong ni Murad.

Sa ngayon, ayon sa presidente, inaayos na lamang nila ni Murad ang paglilipat ni Piñol.

Naniniwala ang Pangulo na malaki ang maitutulong ni Piñol dahil sa Mindano ito ipinanganak at lumaki, naging magsasaka at naging gubernador din ng North Cotabato.

Sinabi naman ni Murad na welcome sa kanila ang pagtatalaga kay Piñol basta sa paraan lamang na itinakda ng pangulo ang magiging papel nito bilang extension ng kanyang supervisory work ni P. Duterte.

 

-0-

 

Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy bust operation ng City PNP at PDEA BARMM sa Barangay Rosary Heights 1, Cotabato city.

Nakilala ang nadakip na suspek na si WINDEL GESULGA, alyas “Jun Jun at Poloy”, 29 anyos, single, at taga PC Hill ng nabanggit na Barangay.

Di na nakapalag pa ang suspek nang mapagbentahan nito ng iligal na na droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer pasado alas sais ng gabi kamakalawa.

Nakuha mula kay GESULGA ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at marked money na ginamit sa operasyon.

 

-0-

 

PATAY ang isang lalaki matapos siyang kagatin ng isang asong gala sa Midsayap, North Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Renan Valsote, 24 anyos at taga Barangay Bual Norte, Midsayap.

Batay sa kwento ng mga kamag-anak ni Valsote, noon pang Disyembre nakagat ng asong gala si Valsote.

Ngunit sa halip na magtungo sa doktor para magpaturok ng anti-rabies vaccine ay Pinatandok o sa Quack Doctor lamang ito nagpagamot.

Pero nitong buwan lamang ay madalas ng lagnatin si Valsote, nagsusuka rin ito at nakakaramdam ng sobrang sakit ng katawan hanggang sa tuluyang lumala ang kalagayan nito.

Dinala pa ang biktima sa ospital ngunit binawian rin ng buhay dahil kumalat na sa kanyang katawan ang rabis batay sa pagsusuri ng mga doktor.

Agad inilibing ang bangkay ng biktima dahil sa payo ng Kagawaran ng Kalusugan.

Kaugnay nito ay pinayuhan rin ng Department of Health ang mga kamag-anak at lahat na nakasalamuha ni Valsote na magpaturok ng anti-rabies vaccine sa mga ospital at Health Centers.

 

-0-

 

ISINUGOD sa pagamutan ang tatlo katao kabilang ang pitong taong gulang na batang lalaki matapos na maka ilang beses na bumaliktad ang kanilang sinasakyang D4D Van sa national highway na sakop ng Sitio Santa Fe, Upi Maguindanao.

Nakilala ang mga biktima na sina MELIMBAI TUANJI, 43 anyos at MUSANIP ALI, 59, parehong taga Palimbang, Sultan Kudarat.

Kabilang din sa mga malubhang nasugatan si MEHAD MUHAMAD, 7 years old na taga Datu Odin Sinsuat, MAGUINDANAO.

Ayon sa kwento ng mga kaanak ng mga biktima, maaga pa nang bumyahe ang siyam katao sakay ng isang pampasaherong Van mula sa nabanggit na lugar patungong Cotabato City upang dumalo sana sa kasal ng kaanak.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, bumaliktad ang kanilang sasakyan ng tatlong beses makaraang mawalan ng kontrol ang nagmamaneho nito dahil sa bilis ng kanilang takbo.

Sugatan ang lahat ng mga pasahero ng van pero ang tatlo lamang umano ang nanatili sa pagamutan dahil sa matitinding sugat na kanilang tinamo.

SAMANTALA, dalawang mga lalaking parehong lasing ang isinugod sa pagamutan matapos magtamo ng mga sugat sa katawan nang maaksidente habang nagmo-motorsiklo.

Nakilala ang mga biktima na sina JHONDES ORO, 26 anyos at RYAN GALLARON, 25, pawang mga residente ng Brgy. Igabay, Balabagan, Lanao del Sur.

Base sa kwento ng misis ng isa sa mga biktima, alas nwebe ng gabi kamakalawa nang pigilang umuwi ng mga nakainuman ang dalawang mga biktima dahil sa bukod sa gabi na ay lasing pa ang mga ito.

Ngunit hindi nagpapigil ang dalawa at umuwi sakay ng motorsiklo.

Pagsapit umano sa isang tulay sa nabanggit na Barangay ay nawalan ng kontrol sa manubela ang driver ng motor na si Oro kaya sila natumba.

Kapwa nagtamo ng mga sugat sa katawan at nabagok pa ulo ng mga biktima sa konkretong kalsada.

 

-0-

 

Drug suspek, huli ng PNP sa Carmen, North Cotabato

Hindi na nakapalag pa ang isang drug suspek matapos arestuhin ng pulisya sa Barangay Poblacion, Carmen North Cotabato.

Kinilala ang naaresto na si Mark Anthony Ferrer, 26 anyos at nakatira sa Purok 2 ng nasabing Barangay. Isinagawa ang buy-bust operation ala 1:30 ng hapon kahapon sa nasabing lugar.

Nakuha sa kanya ang dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu at 500 peso bill na siyang ginamit bilang marked money. Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.

Si Ferrer ay nakapiit na sa custodialfacility ng Carmen PNP habang inihahanda na ang kaosng isasampa laban sa kanya.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

SSS Kidapawan, nanawagan sa mga employers na may diliquent accounts na samantalahin ang Contribution Penalty Condonation Program ng ahensya

Nananawagan ngayon ang SSS Kidapawan Branch sa lahat ng employers na mayroong deliquent accounts na samantalahin ang Social Security System contribution penalty condonation program. Ayon kay SSS Kidapawan Acting Head Joy Bastareche, nagsisimula na ang ngayon ang programa at matatapos hanggang sa September 1, 2019.

Ito ay pagkakataon sa mga employers na mababayaran ang kanilang overdue o mga unpaid accounts na walang ipapataw na penalities.

Ilan sa mga sakop ng penalty condonation program ay mga hindi pa rehistrado kasama na ang mga household employers, mga hindi pa nakatanggap ng statement of accounts, mga employersna myaroong pending o approved installment applications at employers na may pending na kaso sa social security system commission sa ma regular courts, o maging sa prosecutors office.

Para naman sa karagdagang impormasyontungkol sa nasabing programa ay maaring bumisita lang sa SSS-Kidapawan Branch na matatagpuan sa Quezon Boulevard, Kidapawan City.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Tanggapan ni North Cotabato Governor Catamco, nilinaw na hindi nakatanggap ng suspension order

Nilinaw ng kampo ni North Cotabato Governor Nancy Catamco na hindi pa nakatanggap ng ulat ang opisina ng gobernadora hinggil sa 90 day suspension nito kaugnay parin sa kinasasangkutang kaso. Ito ang ipinahayag sa Radyo-BIDA ni Atty. Nikki Marasigan ang Legal officer ni Catamco.

Sinabi ni Marasigan, hanggang sa ngayon ay hindi pa sila nakakatanggap ng pormal na ulat na nagkukumpirma ng pagsususpende kay Catamco bilang gobernador ng lalawigan. Una ng kumalat sa National media ang isyu ng umano’y pagsususpende ng Sandigan Bayan sa gobernadora at tanging sa social media lamang nila ito nalaman.

Ayon kay Marasigan, hindi pa nila batid sa ngayon kung sino ang nagpalabas at nagpakalat nito na may kaugnayan sa kinasasangkutan na Fertilizer Fund scam ng gobernadora noong taong 2007.

 Dagdag pa ni Marasigan, patuloy na magsisilbi para sa mga taga North Cotabato bilang gobernadora si Catamco dahil anya seryoso ang opisyal sa kanyang mga plano at mga prayoridad sa kanyang panunungkulan.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

National Union of Journalists of the Philippines, may panawagan matapos ang pagpaslang sa isang radio anchor sa Kidapawan City

Mariing kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines o NUJP Kidapawan City Chapter ang nagyaring pagbaril at pagpatay sa mamamahayag na si Eduardo 'Ed' Dizon sa Kidapawan City. Sa ipinalabas na pahayag ng NUJP matapos ang walang-awang pagpaslang sa nasabing mamamahayag, ay may malaking hamon ito sa mga kinauukulan.

Nais nito na mapabilis ang pag-iimbestiga at hinihiling rin ang agarang pagresolba sa kaso. Nabatid na ang sinapit na Dizon ay ang kauna-unahang kaso ng pagpaslang ng isang mamamahayag sa lungsod. Dagdag pa rito na siya rin ang ika labintatlong mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng Duterte administration at siyang ika-isang daan at walumpo’t anim na biktima mula taong 1986.

Kaugnay nito, napag-alaman na una nang dumulog sa himpilan ng pulisya ang nasabing radio anchor dahil nakatanggap umano ito ng banta sa kanyang buhay at hinahamon pa ng barilan. Sa panig naman ng nasabing organisasyon, hustisya pa rin ang sigaw nito lalo pa’t maraming kaso na rin ng pagpatay sa mga mamamahayag na hanggang ngayon wala paring nakakamit na hustisya.

Samantala, nakatakda namang magpulong ang mga kinauukulan ng NUJP upang mapag-usapan ang mga hakbang na gagawin upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamahayag.

Sa kabilang dako, nabatid na ayon sa isang pag-aaral ng Global Impunity Index ng New York-based watchdog Committee to Project Journalists o CPJ, nasa panglimang pwesto ang bansang Pilipinas sa buong mundo sa pinaka-delikadong lugar para sa mga mamamahayag.

Sa ulat naman Reporters Without Borders, isang international non-government organization na naka-base sa Paris na isinusulong ang malayang pamamahayag, karamihan sa mga kaso ng media killings, ay may koneksyon sa kanilang trabaho ang dahilan ng pagpaslang.

Habang kaugnay rin nito, nagpalabas na rin ng direktiba si PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa Police Regional Office 12 para sa malalimang imbestigasyon at upang mapanagot na rin ang mga salarin sa nasabing krimen.

Sa pamamagitan ng Presidential Task Force on Media Security na binuo ng Pangulong Duterte, kaisa ang kapulisan sa pagsiguro ng kapakanan ng mga mamamahayag sa usaping seguridad. Napag-alaman na una nang binuo ang nasabing task force na siyang tumututok sa kaso ng mga pagpatay sa mga mamamahayag sa Pilipinas.

Sa kabilang dako, bumuhos naman ang pakikiramay kay Dizon at sa kanyang pamilya mula sa kanyang mga malalapit na kaibigan lalo na sa naka-trabaho nito sa industriya.

Nagpa-abot rin ng pakikiramay ang himpilan ng Notre Dame Broadcasting Corporation o NDBC kung saan nagsimula ng kanyang karera ang beteranong mamamahayag noong taong 1986. Isa ito sa mga pioneering DJs ng dxOL FM at kilala sa kanyang tagline na "Musicman Eddie is my name, and Music is my game."

Siya rin ang kauna-unahang program director ng DXDM-FM Kidapawan o mas kilalang Happy FM ngayon. Nanatili ito sa NDBC hanggang noong mga huling sandali ng dekada 90.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Wanted person, arestado sa Mlang, North Cotabato

Arestado ng operatiba ng Mlang PNP ang isang wanted person alas dose ng tanghali kanina sa Purok 14, Poblacion B, Mlang, North Cotabato. Kinilala ang naaresto na si Roy Diamante Vigo, 37-anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Laureano Alzate, Presiding Judge ng RTC 12, Branch 22 sa Kabacan, Cotabato dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and their Children Act, na may petsang October 28, 2011.

Nasa custodial facility na ngayon ng Mlang PNP si Diamante at hinihintay na lamang ang commitment order sa korte.(Drema Bravo)

 

-0-

 

 

Barkada Kontra Droga ng Sto. Nino National High School sa South Cotabato, wagi muli sa Most Outstanding Barkada Kontra Droga Implementers in Secondary schools ng Deped sa bansa para sa school year 2017-2018.

Tatangapin ng Barkada Kontra Droga of Sto. Nino National High School o BKD-SNHS sa Sto. Nino, South Cotabato ang parangal bilang Most Outstanding Barkada Kontra Droga o BKD Implementers in Secondary Schools para sa School year 2017-2018 sa Awarding Ceremony sa Pasig City ngayong araw.

Ito ay dadaluhan ng mga kinatawan ng nasabing eskwelahan, Deped South Cotabato Division, Deped 12, at Provincial Anti Drug Abuse Council ng South Cotabato.

Nanguna sa limang mga finalist sa buong bansa para sa nasabing parangal ang BKD-SNHS, Second Place ang Agusan Del Sur National High School sa Agusan Del Sur at Third Place ang Bangcud National High School sa Malaybalay City, Bukidnon.

Pareho namang Runers-Up ang Tambuling National High School sa Zamboanga Del Sur at San Josef National High School sa Cabanatuan City.

Ayon sa mga myembro ng BKD-SNHS ipagpapatloy nila ang kanilang kampanya kontra iligal na droga. Ito ay sa pamamagitan ng Drama Kontra Droga, Sayaw Kontra Droga, Pluma Kontra Droga,Guhit Kontra Droga, Teknolohiya Kontra Droga, Edukasyon Kontra Droga, Laruan Kontra Droga, Peer Counselors Club, Barkadahan sa Gulayan sa Paaralan, at Apostles of God Against Drugs.

Matatandaan na ang BKD-SNHS ay tinanghal din na Most Outstanding Barkada Kontra Droga Implementer in Secondary schools noong 2015. Pero bigo itong makaabante sa regional level noong 2016. Ayon sa mga kasapi nito, ginawa nilang inspirasyon ang kabiguan noong 2016 para paigtingin pa ang kampanya kontra ng iligal na droga sa kanilang eskwelahan at komunidad.

 

-0-

 

Solar panel ng European Union na nagkakahalaga ng mahigit P300 million mapapakinabangan ng mga komunidad na walang linya ng kuryente sa Sarangani Province

Magkakailaw na sa waka ang mga bahay sa off-grid communities o mga lugar na hindi naabot ng serbisyo ng South Cotabato Electric Cooperative o Socoteco 11 sa Sarangani Province.

Ito ay ayon kay Sarangani Provincial Planning and Development Office o PPDO OIC Provincial Planning and Development Coordinator Jelyn Apura. Ayon kay Apura ang Sarangani at Sultan Kudarat ang tanging mga lugar lamang sa region 12 na napili ng European Union na makikinabang sa bigay nilang 2,500 na mga Solar Panel. Ang mga ito ay nagkakahalaga ng mahigit P300 million.

Ayon kay Apura bawat tahanan na makikinabang sa Strengthening Off-Grid Lighting with Appropriate Renewable Solotions o SOLARES ay mabibigyan ng Solar Home System Unit. Kinabibilangan ito ng isang solar panel na may 50 watt peak capacity, at battery.

Mayroon din itong system box na kayang magpaandar ng radyo at telebisyon, mag-charge ng cellphone, at magpailaw sa limang LED Bulb. Sinabi ni Apura na ang mga makatatanggap ng solar panel ay mabibigyan din ng tulong pangkabuhayan. Katuwang ng European Union sa Programa ang Mahintana Foundation, Peace Equity Foundation, Dole Philippines at Socoteco II.

Ayon kay Apura ang pagbuhos ng mga Non Government Organization Projects sa Sarangani ay resulta ng pakikipagtulungan sa mga ito ng provincial government.

Ayon kay Sarangani Federation of Barangay Chairman Association President Tatang Paras, inaayos na lamang nila sa ngayon ang mga kinakailangang dokomento para maipabahagi sa mga lumad beneficiary ang mga solar panel.

 

-0-

 

Seguridad ng publiko sa 20th Tnalak Festival at 53rd Foundation Anniversary ng South Cotabato tiniyak ng PNP

Magbabantay sa seguridad sa Koronadal City na sentro ng 20th T’nalak Festival at 53rd Foundation Anniversary ng South Cotabato ang mahigit 500 mga pulis.

Ayon kay PNP South Cotabato Provincial Director, Police Col. Joel Limson mayroon mga PNP teams na tututok sa bawat venue ng mga aktibidad sa selebrasyon at iba pang matataong lugar. Ipinahayag ni Limson na katuwang ng PNP sa pagpapatupad nito ang 27th IB ng militar.

Pinaalalahanan din ni Limson ang mga manonod na mariin ding ipagbabawalang backpack, lighter, at patalim. Bawal din ang pagsusuot ng face masks, helmet, sombrero , sunglasses ,at mga lasing sa mga venue.

Sa kanilang ipinalabas na advisory, pinapaalala rin ng festival secretariat ang total ban sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at pagbebenta ng sigrailyo sa mga menor de edad. Inaasahan naman ang pagdalo ni Davao City Mayor Sarah Duterte sa opening program ng selebrasyon bukas sa South Cotabato Sports Complex.

 

-0-

 

 

Monitoring para mapigilan ang suicide bombing incidents, pinaiigting ng PNP sa region 12

Maging alerto para hindi makalusot ang mga masasamang loob kanilang mga areas of responsibility.

Ito ang utos ni Police Regional Office 12 Regional Director, Brigadare General Eliseo Tam Rasco sa mga police officials sa rehiyon. Nabatid na para mapigilan ang suicide bombing nagpatawag ng command conference si Rasco sa PRO 12 Regional Headquartes sa General Santos City.

Dinaluhan ito ng mga myembro ng Command Group, Directorial Staff, Provincial at City Directors, Chief of Police at pinuno ng mga PNP Operational Support Units. Hiniling din ni Rasco sa mga ito na paigtingin pa ang intelligence monitoring at preventive measures para mapigilan ang anumang terroristic activity.

Pinagusapan din sa command conference ang contingency at defense plan na ipatutupad sa iba’t ibang lugar sa region 12.

Kasunod ito ng suicide bombing incident sa Military Camp sa Sulu na ikinasawi ng walo katao kalakip ang mga bomber at tatlong sundalo.

Ang insidente ay ikinasugat din ng 12 katao.

 

-0-

 

SOCCKSARGEN Area Development Project ng ahensya nagpapatuloy pa rin ayon kay DA Secretary Pinol

Tuloy pa rin ang mga proyekto sa ilalim ng SOCCKSARGEN Area Development Project ng Department of Agriculture.

Sa katunayan nanguna mismo sa ika-apat na pagpupulong ng SOCCKSARGEN Area Development Project Board meeting sa Koronadal City si DA Secretary Manny pinol.

Ayon kay Pinol tinalakay sa pagpupulong ang nagpapatuloy na General Santos City Airport, Central Mindanao Airport Development at Makar Port Development.

Saklaw din ng nasabing proyeketo ang pagbuo ng Task Force oon SOCCKSARGEN Food Basket at special projects na mga farm-to-market roads Ang SOCSKSARGEN Area Development Project ay isang special project ng Department of Agriculture.

Layunin nito na mapalago ang ekonomiya ng region 12. Ito ay sa pamamagitan ng pagtulong sa mga lokal na pamahalaan sa pagpapalago ng potensyal ng kanilang lugar sa agrikultura at iba pang industriya.

 

 

NDBC BIDA BALITA (7.23.19)

NEWSCAST

JULY 23, 2019 (TUE)
7:00 AM

HEADLINES:

1. BARANGAY CHAIRMAN, patay habang...

Power outages cut peoples view of Duterte’s SONA

KIDAPAWAN CITY  – Residents of Kidapawan City and nearby towns of Makilala and Mlang in North Cotabato were dismayed by the turned of events while...

Kidapawan Muay Thai boxers win gold in Butuan tourney

KIDAPAWAN CITY  – Muay Thai boxers from Kidapawan City made its presence felt in the Mindanao leg of Philippine championships recently in Butuan...

Displaced persons revisit home in Marawi affected areas

MARAWI CITY - Escorted by soldiers, 700 displaced families revisited their homes in Marawi affected areas on June 20.

“Soldiers provided...

Soldier hailed for honesty in Zambo City

ZAMBOANGA CITY - He is a well-rounded warrior with exceptional skills, an epitome of a true soldier living up to the Armed Forces of the...