Monday Oct, 14 2019 07:48:50 AM

NDBC BIDA BALITA (7.1.19)

NDBC BALITA • 15:15 PM Mon Jul 1, 2019
384
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

July 1, 2019 (MON)
7:00 AM

HEADLINES:

1. PAMUNUAN ng Maguindanao provincial government, pormal ng isinalin ni outgoing provincial governor Toto Mangudadatu sa bagong administrasyon ng lalawigan.

2. PAGTUTOK sa mga district hospital at patubig sa mga barangay, prioridad umano ng bagong gubernador ng North Cotabato.

3. 23 MGA BARANGAY sa Lambayong, Sultan Kudarat, drug-free na, ayon sa PDEA 12

4. Gov. Nancy Catamco, umupo na sa pwesto matgapos mag take oath kahapon

 

-0-

 

PORMAL ng isinalin ni outgoing Maguindanao provincial governor Toto Mangudadatu ang pamunuan ng provincial government sa susunod na administrasyon ng lalawigan sa pangunguna ni newly elected provincial Gov. Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.

Sa simpleng turnover ceremony kahapon na isinagawa sa Provincial Capitol sa Buluan, Maguindanao, ipinagkatiwala ni Gov. Toto Mangudadatu ang mga opisyal at kawani ng probinsya, maging ang mga mahahalagang dokumento at ang nalalabi nilang pondo na higit 200 milyong piso.

Sa kanyang huling talumpati bilang gubernador ng lalawigan, sinabi ni Mangudadatu na malaki na ang pinagbago ng Maguindanao mula noong maupo siya bilang lider nito siyam na taon na ang nagdaan.

Binigyang-diin din ng outgoing governor na sa loob ng tatlong termino, nai-ahon ng kanyang administrasyon sa hirap ang lalawigan at nabigyan ng pag-asa ang mga Maguindanaon.

Kaya naman aniya, makakaasa ang susunod na pamunuan na patuloy niyang susuportahan ang anumang programang magdudulot ng kabutihan at kaayusan sa mga mamamayan ng lalawigan bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Maguindanao.

Samantala, hindi naman nakadalo sa naturang okasyon ang bagong gubernador ng lalawigan na si Gov. Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.

Sa halip, ang kanyang ama na si Datu Ali Sangki ang humalili sa kanya sa turnover ceremony kahapon.

Iginiit ni Sangki na tapos na ang halalan kaya’t panahon na ng pagtutulungan dahil pawang magkakamag-anak naman umano sila na nasa posisyon.

Pagkatapos ng turnover ceremony ay naghanda naman ng simpleng programa ang mga opisyal at kawani ng Maguindanao provincial government para kay outgoing governor Toto Mangudadatu.

Ito ay bilang pasasalamat sa gubernador sa mabuting pamunuan at pagsa-alang alang sa kapakanan nilang mga empleyado ng lalawigan.

 

-0-

 

NGAYONG umaga naman pormal na manunumpa sa tungkulin si Cotabato city mayor Cynthia Guiani, vice mayor Graham Nazzer Dumama at ang kanilang mga konsehal.

Gaganapin ang oath-taking ceremony sa People’s Palace na pangungunahan ni RTC Branch 27 Judge Kasan Abdulrakman.

Ito ang unang termino ni mayor Guiani dahil una itong nahalal bilang bise alkalde ng lungsod noong 2016 at humalili lamang sa yumaong si mayor Jojo Guiani.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni mayor Cynthia Guiani na nais niyang makilala ang Cotabato bilang “smart city” sa mga susunod na taon ng kanyang panunungkulan. 

Hiniling din nito sa mga mamamayan ng lungsod na magpasensya at makipagtulungan sa kanyang administrasyon dahil hindi aniya nakakamit ang kaunlaran at kapayapaan sa isang iglap lang.

 

-0-

 

 

-0-

 

Dead on arrival sa ospital ang isang ginang na biktima ng pamamaril sa Andres Alonzo Street, barangay Rosary Heights 10, Cotabato City.

Kinilala ng City PNP ang nasawing biktima na si NIDA PAGABANGAN KARIM, mas kilala sa tawag na “NENENG”, 51 years old, aktibong leader ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps, at taga Yap Sy Street, ng nabanggit na barangay sa lungsod.

Base sa inisyal na ulat, pasado alas sais ng gabi kamakalawa habang naglalakad lamang umano ang biktima sa nasabing lugar nang bigla na lang siyang lapitan at pagbabarilin ng motorcycle-riding tandem suspects.

Agad na nasawi si Karim sa tinamong mga tama ng bala sa dibdib at tiyan mula sa cal. 45 pistol.

Umaasa naman ang mga City PNP na makakatulong ang CCTV ng mga tindahan malapit sa crime scene para makilala ang mga suspek.

-0-\

 

Duguan at pawang walang mga malay nang isugod sa pagamutan sa Cotabato city ang mag-asawang sina MAGUID MUSA RAJAMUDA, 41 anyos at AMINA, 49.

Nagtamo kasi ng mga sugat ang dalawa nang pagbabarilin at pasabugan pa umano sila ng granada habang nasa loob ng kanilang bahay sa Barangay Macasampen, Guindulongan, Maguindanao.

Sa report na nakalap ng Radyo Bida, katatapos pa lamang umanong maghapunan ng mag-asawa pasado alas otso ng gabi kamakalawa nang paulanan sila ng bala ng di pa natukoy na grupo ng mga armadong lalaki.

Hindi pa nakuntento ang mga suspek ay nagpasabog pa ng granada gamit ang M-203 grenade launcher.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang pag-atake.

Habang ang mag-asawa ay agad namang sinaklolohan ng kanilang mga kapit-bahay.

Sa ngayon ay di pa malinaw kung ano ang posibleng dahilan ng pag-atake ng mga armado sa dalawa.

 

-0-

 

MAY MGA SUSPEK nang sinusubaybayan ang mga otoridad kaugnay sa pagbaril at pagpatay sa mag-amang negosyanteng sina Jian Franco Villanueva Arceña, 18 anyos, at ama nitong si Jerson Arceña ng Tacurong City.

Sa inisyal na report ng pulisya, niyaya umano ng anak ang kanyang ama na pumunta sa Isulan, sakay ng motorsiklo para makipagkita sa isang kaibigan.

Pero hindi na nakauwi pa ang dalawa at natagpuan na lang ang kanilang bangkay sa Barangay Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao.

Tadtad ng tama ng bala ang mga biktima nang matagpuan ang mga bangkay nila.

Nawawala rin ang motorsiklo, pera, cellphone at mga personal na kagamitan ng mag-ama.

Maliban sa pagnanakaw ay may ibang motibo pa na ini-imbestigahan ang pulisya sa pagpaslang sa mag-ama.

Pero sa ngayon ay ayaw pang magbigay ng detalye ang mga otoridad para hindi makumpromiso ang imbestigasyon.

 

-0-0-

 

Bangkay ng di pa kilalang lalaki, natagpuan sa gilid ng National Highway sa Kidapawan City

Natagpuang walang buhay ang isang di pa kilalang lalaki na may tama ng baril sa Quezon Boulevard, Kidapawan City ala 1:55 ng madaling araw kahapon.

Sa ulat ng City PNP, ang biktima ay nasa edad 30 hanggang 35 anyos, katamtaman ang taas, nakasuot ng kulay pulang polo shirt at gray na maong pants. Nagtamo ng tama ng baril ang di pa kilalang lalaki sa kanyang likod na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Naisugod pa ng City 911 ang biktima pero ideneklarang dead on arrival ng mga doctor.

Habang patuloy pang inaalam ng PNP ang motibo sa naturang pamamaril. Samantala, tinangay naman ng di pa kilalang suspek ang motorsiklo ng isang magsasaka na nakaparada lang sa harap ng isang establisyemento sa dayao St., Kidapawan City.

Ayon sa biktimang si Ulyses Froilan, 33 anyos na taga Antipas Cotabato, alas 12:27 ng tanghali nitong sabado nang ipinarada lamang niya ang kanyang Honda XRM na motorsiklo sa parking area ng KMCC grocery store at pumasok.

Nang balikan niya limang minuto ang makalipas ay wala na sa lugar kung saa niya ipinarada. Nahagip naman ng CCTV ang suspek na tumanagay sa kanyang motorsiklo na patuloy nang pinaghahanap ng PNP.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Oathtaking at turn-over ceremony, isinagawa sa bayan ng Tulunan

Pormal nang nanumpa sa kanyang tungkulin si second-termer Mayor Pip Limbungan sa isinagawang oathtaking at turn over ceremony sa municipal gymnasium, kahapon ng umaga.

Ang nasabing seremonya ay sinimulan sa pamamagitan misa at ng ‘Damsu’ o Tribal Thanksgiving Rite sa pamamagitan Tribal Peace Patrollers ng bayan.

Nanumpa ang first-timer Vice Mayor na si Maureen Villamor at walong mga konsehal na sina Emiliano Ortizo, Alex Anggulo, Jun Suarez, Jose Paja, Cathlyn Sernal, Nonong Porras, Nestor Taasan at Rogie Lantoria.

Ang seremonya ay pinangunahan naman ni Judge Henelinda J. Molina bilang inducting officer. Sa talumpati ni Pedregosa, sinabi nito na kanyang itutuloy ang mga nasimulang proyekto lalong-lalo na ang pagpapasemento sa lahat ng mga daan sa kanyang bayan. 

Ang programa kahapon ay dinaluhan naman ng abot sa mahigit kumulang limang daang mga indibidwal mula sa ibat-ibat sektor. Saksi rin sa nasabing seremonya ang mayor sa bayan ng Paglat, Maguindanao at ng General Salipada Pendatun at si Third District Congressman Jose ‘Pingping’ Tejada.

Matatandaang sa nagdaang halalan, landslide ang naging resulta nito kung saan mula mayor, vice mayor at walong konsehal ay nagmula sa partidong Nacionalista.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Magsasaka, huli matapos makuhanan ng di lisensyadong baril sa isang sayawan sa Matalam, North Coatabto

Arestado ang isang 41 anyos na lalaki matapos na makuhanan ng di lisensyadong armas sa Sitio Manobo Village, Brgy. Tamped, Matalam, Cotabato alas 10 ng gabi nitong sabado.

Kinilala ang suspek na si Jelmer Pasigay Espinosa, 41 years old, may asawa at nakatira sa Sitio Mitodong, Barangay Tamped, Matalam, Cotabato.

Ayonsa ulat ng mga barangay officials sa lugar, nasa sayawan ng bayan o kilala sa tawag na “bayle” ang suspek nang masangkot ito sa isang komosyon at napag-alamang lango sa nakakalasing na inumin. Agad namang kinuha ng sitio leader ang kanyang unit ng kalibre 45 na walang pertinenteng dokumento at anim na mga live ammunitions.

Nasa kulungan na ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms and ammunitions. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Sugatan ang isang magsasaka matapos na pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay alas 7:00 kagabi sa Purok Kalasan, Barangay Buluan, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Ansari Akmad Salipada, alyas DAMAT, 28 years old, may asawa at nakatira sa naturang lugar.

Ayon sa ulat ng Kabacan PNP, pinagbabaril ng suspek na kinilalang si alyas DAMAT na kanyang kapit-bahay ang biktima habang umiinom lamang ng tubig sa loob ng kanilang kusina. Narekober sa crime scene ang basyo ng ng M16 riffle na siyang ginamit ng suspek sa pamamaril.

Nagtamo ng tama ng baril ang biktima na mabilis namang naisugod sa Mindanao Doctors Hospital and Medical Center. Habang agad ding namang tumakas ang suspek matapos gawin ang krimen. Patuloy pa ang imbestigasyon ng Kabacan PNP sa naturang insidente. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Pagtutok sa mga pampublikong ospital sa lalwigan at ligtas na inoming tubig prayoridad ng bagong upong gobernador ng North cotabato.

"It is we, not I." Ito ang naging pambungad na pahayag kahapon ni North cotabato Governor Nancy Catamco kasabay ng kanyang panunumpa bilang bagong gobernadora ng lalawigan.

Mangunguna sa mga proyekto at programa sa administrasyon ni Gov. Catamco ay ang pagsasaayos at pagtutuk sa mga district hospital ng lalawigan.

Nabatid na noong panahon ng kampanya ay naabotan ni Catamco ang isang pasyente sa isang district hospital na hindi agad nabigyan ng medical aide dahil sa kakulangan umano ng gamot ng ospital. Magdadagdag narin ng 100 mula sa 50 bed capacity sa provincial hospital at isusulong rin ni Catamco na ma-upgrade ito bilang regional Hospital.

Para lalo namang matulongan pa ang mga pasyenteng walang kakayahang magbayad ng kanilang mga bayarin sa hospital ay mamahagi ang administrasyon ni Ctaamco ng mga philhealth card at ang pagpapatayo ng malasakit center sa bawat pampublikong ospital.

Bukod sa Health Services, isa rin sa isusulong ni Catamco ay ang malinis na inoming tubig sa bawat sitio ng lalawigan. Inatasan rin ni Gov. Catamco ang Provincial Planning at Provincial legal office na mag-sumite ng report sa kanya hinggil sa status ng Central Mindanao Airpot sa Bayan ng Mlang. Naniniwala si Catamco na sa panahong mabuksan na ang airport ay makakalikha ito ng maraming trabaho, mailalabas na ang mga produkto at makakatulong sa ekonomiya ng lalawigan. 

Hinamon naman ni Catamco ang mga empleyado ng Provincial Government na wag syang katakutan bilang bagong leader bagkus ay gawin lang ang kanilang trabaho at maging tapat sa mga Cotabateño.

Bilang panghuli ay sinabi ni Catamco na hindi niya kakayaning mag-isa ang pagiging leader kayat hinimok ang mga Cotabatteño na kakailanganin niya ang tulong ng bawat isa. VC- CATAMCO DUMAKI Bisita kahapon sa panunumpa ni Catamco si Department of Agriculture secretary Manny Piñol. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Lalaki, sugatan matapos na barilin sa loob ng kanyang bahay sa Kabacan, North Cotabato

Sugatan ang isang magsasaka matapos na pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay alas 7:00 kagabi sa Purok Kalasan, Barangay Buluan, Kabacan, Cotabato. Kinilala ang biktima na si Ansari Akmad Salipada, 28 years old, may asawa at nakatira sa naturang lugar.

Ayon sa ulat ng Kabacan PNP, pinagbabaril ng suspek na kinilalang si alyas DAMAT na kanyang kapit-bahay ang biktima habang umiinom lamang ng tubig sa loob ng kanilang kusina.

Narekober sa crime scene ang basyo ng ng M16 riffle na siyang ginamit ng suspek sa pamamaril. Nagtamo ng tama ng baril ang biktima na mabilis namang naisugod sa Mindanao Doctors Hospital and Medical Center. Habang agad ding namang tumakas ang suspek matapos gawin ang krimen. Patuloy pa ang imbestigasyon ng Kabacan PNP sa naturang insidente.

-0-

 

Mobile application para sa mga maliliit na negosyante inilunsad ng Department of Trade and Industry region 12

Makikita sa kalulusad pa lang na Mobile Application App ng Department of Trade and Industry o DTI 12 ang Nego Map na magbibigay ng lokasyon ng mga tanggapan ng ahensya sa rehiyon.

Sa pamamagitan ng Dubbed Nego Mobile magiging mas madali na rin sa publiko ang paghahanap ng mga Negosyo Centers sa SOCCKSARGEN at iba pang mga programa ng DTI.

Ayon kay DTI 12 Regional Director Dorecita Delima, layun ng paglunsad nila ng Dubbed Nego Mobile Adroid-based application na lalo pang matulungan ang mga micro, small, medium,enterprises.

Makikinabang din dito ayon kay Delima ang mga investor at mga nagbabalak magnegosyo. Sinabi ni Delima na magagamit ang kanilang mobile application sa desktop at laptop computer sa pamamagitan ng pagdownload at pag-install ng “Blue Stacks Android Emulator.”

 

-0-

 

23 Barangay sa Lambayong, Sultan Kudarat drug-free na raw ayon sa PDEA 12

Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 na drug-free ang 23 mga barangay sa Lambayong Sultan Kudarat. Ang mga ito ay ang mga barangay ng Caridad, Didtaras, Bilumin, Kabukalan, Kapingkong, Katitisan, Lagao, Lilit, Madanding, Maligaya, Mamali, Matiompong, Midtapok, New Cebu, Pidtiguian, Sadsalan, Tambak, Tinumigues at Udtong.

Ayon kay PDEA 12 Information Officer Kath Abad pinakahuling idineklarang drug-free ang mga barangay ng Pimbalayan, Pinaguiaman, Sigayan at Tumiao.

Bago ideklarang drug-free sumailalim sa re-validation ng Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program ang nasabing mga barangay para malaman kung pumasa ito sa kanilang mga panuntunan. Ang nasabing komitiba ay binubuo ng mga kinatawan ng PNP, Department of the Interior and Local Government, Department of Health at Local Government Unit.

Ang pagdeklara na drug-free sa mga barangay ng Lambayong ay bilang kabahagi ng selebrasyon ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking.

 

-0-

 

Libreng gamutan sa provincial hospital ipatutupad ng bagong gobernador ng South Cotabato

Ipinahayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. na aasahan ng mga mamamayan na wala nang pipila sa billing section ng provincial hospital simula ngayong araw.

Igniit ni Tamayo na posible ito taliwas sa mga sinasabi ng kanyang mga kritiko noong panahon ng pangangampanya.

Ayon kay Tamayo napagaralan nito na walong prosyento ng income ng nasabing ospital ay mula sa mga mamamayan at kayang nang sagutin ng pamahalaang panlalawigan.

Habang 92% naman ay mula sa insurance claims ng “No Billing Policy” ng Philhealth. Ang libreng pagpapaospital ay ipatutupad din sa mga ospital ng gobyerno sa mga bayan ng Lake Sebu, Norala, Tupi, Polomolok at Surallah.

Sinabi ni Tamayo na kaakibat din ng free hospitalization ang upgrading ng mga hospital facilities ,sapat na mga gamot, equipment at iba pang pangangailangan.

Saklaw nito ang pagbili ng mga dialysis machine, x-ray machines at CT Scan unit. Dinagdag ni Tamayo na tututukan din ng Integrated Provincial Health Office o IPHO ang “disease prevention” lalong lalo na sa mga barangay.

 

-0-

 

Grupo ng mga Cheerdancers sa bansa sasabak sa Cheerdance Competition sa Tnalak Festival at Foundation Anniversary ng South Cotabato

Napili ng screening committee ang walo mula sa 16 na grupo na nais sumabak sa Tnalak Cheerdance Competition ng South Cotabato. Ayon kay Sam Cyrus Bayog ng Cheerdance Committee pasok sa walong mga finalist ang tig dalawang grupo mula Maynila at General Santos City.

Ang iba naman ay mula sa Davao City, Bukidnon,at Panabo City. Kinumpirma din ni Bayog na dahil sa kakapusan ng pondo umatras sa kumpetisyon ang magiging pambato sana ng South Cotabato na Libertad National High School sa bayan ng Surallah.

Ayon kay Bayog ang aktibidad ay pinaglaanan ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato ng mahigit P800,000. Ang tatanghaling Champion ay makatatanggap ng P120,000; P110,000 ang First Runner Up; at P100,000 ang Second Runner Up.

Makatatanggap naman ng tig P30,000 ang mga di papalaring grupo. Gaganapin ang Cheerdance Competition sa South Cotabato Gym sa Koronadal City sa July 15. Ito ay tampok sa 20th T’nalak Festival at 53rd Founding Anniversary ng South Cotabato

 

-0-

 

 Mga magsasaka sa Sarangani sinanay ng DA 12 sa scrapbook making at photography

Sumailalim sa pagsasanay sa paggawa ng scrap book at basic photography ang mga myembro ng rural improvement clubs at 4H Club sa lalawigan ng Sarangani. Ang dalawang araw na training ay pinangunahan ng Deparment of Agriculture o DA sa General Santos City.

Ayon kay Sarangani Provincial Agriculturist Jonatahan Duhaylungsod dapat matuto ang mga participant na gumawa ng scrapbook. Paliwanag ni Duhaylungsod, kailangan ito sa mga patimpalak ng Department of AGriculture tulad ng Gawad Saka AWards.

Aminado si Duhaylungsod na dahil sa kakulangan ng kaalaman sa paggawa ng scrap book hindi makaabante sa iba pang mga lugar sa region 12 ang Sarangani sa mga pa-contest ng ahensya.

Kabilang sa mga itinuro sa mga participant ang mga panuntunan sa Gawad Saka Search ,proseso sa paggawa ng scrapbook, at paglalagay ng caption sa mga litrato.

 

 

Cotabato Water District announces low water pressure to no water at all

Water Service Advisory
(Emergency Repair)

Date: October 13, 2019

What: Low Water Pressure to No Water due to Emergency Repair...

Karne mula Bulacan patungong Marbel, pinigil sa Tacloban dahil sa ASF scare

TACLOBAN CITY - Abot sa P1.6 million pesos na halaga ng assorted frozen pork meat products mula sa Bulacan ang naharang pasado alas 10:00...

Once troubled Basilan town now has radio station

BASILAN --- Stakeholders will launch Monday a “peace radio” in the former shabu capital of Basilan province whose municipal government got...

3 Soccsksargen hospitals lose PhilHealth accreditation

GENERAL SANTOS CITY -- The Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) has suspended and withdrawn the accreditation...

NGO spearheads outreach program for IPs in Maguindanao

UPI, Maguindanao – In celebration of Indigenous Peoples (IP) Month this October, local officials and non-government organization organized...