Wednesday Oct, 16 2019 05:07:46 AM

NDBC BIDA BALITA (7.11.19)

NDBC BALITA • 15:30 PM Thu Jul 11, 2019
366
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JULY 11, 2019 (THU)
7:00 AM

HEADLINES:

1. LIMA KATAO, patay habang dalawang iba pa, sugatan sa magkakahiwalay na mga kaso ng pamamaril sa Cotabato city kahapon.

2. RADIO ANCHOR at manager ng Brigada News FM sa Kidapawan City, patay sa pamamaril kagabi

3. UTILITY WORKERS ng South Cotabato provincial capitol, mahigpit na mino-monitor ngayong ng Provincial Security Unit matapos mapatay ang isa sa mga ito.

4. Lindol na 5.6 magnitude, pinakamalakas na naitala sa North Cotabato, ayon sa Phivolcs

 

-0-

 

Local………………..

DEAD ON THE SPOT ang isang tanod ng Barangay Rosary Heights 10, Cotabato city sa tinamong mga tama ng bala sa kanyang katawan.

Nakilala ang biktima ng pamamaril na si JIMRAN MIDTIMBANG habang sugatan din ang kasamahan nitong si BENJIE ABDILLA.

Sa report ng City PNP, magka-angkas umano sa motorsiklo ang dalawa nang sabayan ng riding tandem suspects at pinagbabaril gamit ang 9mm pistol sa bahagi ng LR Sebastian Street, Barangay Rosary Heights 10 pasado alas onse ng umaga kahapon.

Samantala, dalawang oras lang ang nakalipas ay pinagbabaril at napatay din ang apat katao sa Notre Dame Avenue, Barangay Rosary Heights 2 ng lungsod.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina NORODIN MANGANDIAN GUIAMAN, chairman ng Barangay Tuka, Mamasapano, Maguindanao at ang mga kasamahan nitong sina Tuka barangay treasurer SINDATU AGAO, MILF-BIAF member BASSER AMPATUAN at isang ALWAIDA MANGACOP.

Base sa inisyal na ulat sakay ng isang Toyota Vios ang mga biktima nang tambangan ng mga di pa nakikilalang mga suspek.

Naisugod pa sa ospital si barangay chairman Guiaman at sinubukang isalba ng mga doktor pero binawian din ito ng buhay habang ginagamot.

Kinagabihan, binaril at napatay din ang isa pang lalaki sa Purok Buaya-Buaya, Brgy. Kalanganan Dos, Cotabato City

Pasado alas nuebe kagabi nang umalingawngaw sa naturang lugar ang sunod-sunod na putok ng baril at kasunod nun ay bumulagta na ang biktimang si JAINUDIN GUIAMAN, 21 anyos, may asawa, at taga Brgy. Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao.

Nagtamo ng tama ng bala sa leeg si GUIAMAN na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

 

-0-

 

Nasa maselang kondisyon ngayon ang apat na taong gulang na batang lalaki matapos siyang mabundol ng motorsiklo sa Alamada, North Cotabato.

Nakilala ang batang biktima na si ALINUR PULIYAGAN.

Ayon sa ama ng biktima, hindi nito napansin ang paparating na motorsiklo dahilan upang masalpok ito at tumilapon sa sementadong kalsada.

Agad namang isinugod ang bata sa isang pagamutan sa Cotabato city.

Boluntaryo namang sumuko ang lalaking nakabangga sa bata at nangakong sasagutin ang pagpapagamot sa biktima.

 

-0-

Siyam katao na ang namamatay sa sakit na Dengue sa Maguindanao.

Sinabi ni Maguindanao Integrated Provincial Health Office Chief, Dr. Tahir Sulaik na tumaas din ng 60 porsyento ang Dengue cases sa lalawigan sa unang dalawang quarters ng 2019.

Ayon kay Sulaik, umaabot na sa 669 cases ang kanilang naitatala mula sa Enero hanggang Hunyo ngayong taon na mas mataas kumpara sa 393 Dengue cases sa parehong period noong 2018.

May pinakamaraming kaso ng Dengue ang Datu Odin Sinsuat na may 128; sinundan ito ng Sultan Mastura na may 77, Upi na may 73, Parang na may 67 at Buluan na mayroong 34 Dengue cases.

Sa siyam naman na mga namatay sa Dengue, tatlo sa mga ito ay mula sa Sultan Mastura, dalawa sa Parang at tig- iisa sa Barira, Datu Odin Sinsuat, Datu Paglas, at South Upi na karamihan ay mga batang estudyante.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Sulaik sa mga residente ng lalawigan na makiisa at tumulong sa pagsugpo ng Dengue sa pamamagitan ng 4 o’clock habit o ang paglilinis ng sariling bakuran tuwing hapon lalo na ngayong tag-ulan.

 

-0-

 

PATAY AGAD ang isang negosyante nang pagbabarilin sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Mohammad Tungao, 50 anyos, may asawa at taga -Cotabato City.

Sa report ng DOS PNP, naglalakad lamang ang biktima sa SPDA village nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin gamit ang cal. 45 pistol at 9mm pistol.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng tatlong mga motorsiklo matapos ang pamamaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktima na agad binawian ng buhay.

 

-0-

 

Mas pinaigting ng mga sundalo at pulis ang kanilang operasyon laban sa Abu Sayyaf Group o ASG.

Sinabi ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na inutos ni P. Duterte na ubusin na ang mga natitirang miembro ng ASG.

Aniya, hindi na papayag ang Pangulo na maulit pa ang mga pambobomba at paghahasik ng karahasan ng mga terorista.

Aniya, ito umano ang dahilan kaya kanilang pinalakas ang intelligence monitoring at gathering sa Mindanao sa tulong ng taumbayan.

Samantala, wala umanong patunay na may kinalaman ang teroristang grupong ISIS sa kambal na pagsabog sa Indanan, Sulu noong June 28.

Sa joint press conference ng PNP at AFP, sinabi ni PNP spokesperson PCol. Bernard Banac na ito ay gawa lamang ng lokal na terorista ng bansa.

Wala aniyang dapat ikabahala ang publiko sa nangyaring pagsabog sa Sulu dahil ito ay isang isolated case lang.

Dagdag pa ni Banac, base sa resulta ng kanilang imbestigasyon sa pagsabog sa Jolo Cathedral at Indanan, Sulu ay lumalabas na sangkot ang ASG.

Inamin din ni Banac na isa itong malaking hamon sa hanay ng PNP at AFP para mapanatili ang kapayapaan sa buong bansa.

 

-0-

 

enior Citizen patay sa pamamaril sa President, Roxas Cotabato

Dead on the spot ang isang 66 anyos na lolo matapos na pagbabarilin ng di pa kilalang dalawang suspek sa Purok 5, Barangay Del Carmen, North Cotabato alas 5:10 ng umaga kahapon. Kinilala ang biktima na si Oferiano Udani Mequila, byudo at nakatira sa nasabing lugar.

Ayon kay President Roxas PNP Chief Police Major Rolly Oranza, pinagbabaril ng mga suspek na lulan ng motorsiklo ang biktima habang nagpapakain ng kanyang mga alagang manok sa harap ng kanilang bahay.

Mabilis namang tumakas ang suspek patungong Barangay New Cebu ang direksyon sakay ng Kawasaki Bajaj na motorsiklo at walang plaka. Nagtamo ng tama ng baril si Mequila sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan gamit ang caliber 45 pistol.

Hindi pa batid sa ngayon kung ano ang motibo ng mga suspek sa pagbaril at pagpatay sa nasabing biktima.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Ilang mag-aaral mula sa ibat-ibang paaralan sa North Cotabato, nahilo matapos ang pagyanig at aftershocks kahapon sa lalawigan

Isinugod sa ospital ang ilang mga mag-aaral na mula sa ibat-ibang paaralan sa North Cotabato matapos na makaramdam ng pagkahilo matapos ang aftershocks kahapon ng umaga.

Sa bayan ng Mlang North Cotabato, sinabi ni Information officer Noy Dapudong hindi bababa sa dalawang put limang mga mag-aaral ang isinugod sa Mlang District hospital.

Ayon sa kanya, dahil na rin ito sa pagkatakot ng mga estudyanteng pumasok at labin-anim sa kanila ay nakalabas na. Habang sa Kabacan North Cotabato, may iilang mga mag-aaral ding naiulat na nahilo,nagsusuka, nawalan ng malay dahil nagtutulakan pababa sa takot na naramdamang pagyanig mag-aalas 9:00 kahapon.

Samantala sa bayan ng Antipas, hindi pinauwi ng mga guro ang mga estudyante hanggat walang magsusundong magulang. Ito upang matiyak na rin na ligtas ang kanilang anak pauwi sa kani-kanilang mga bahay.

Sa Kidapawan City, inilipat sa City gymnasium ang mga pasyente na mula sa Kidapawan Doctors Hospital habang sa dating tennis court naman ang mga pasyente na mula sa Midway Hospital.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

5.6 Magnitude, pinakamalakas na lindol na naitala sa Kidapawan City, ayon sa PHIVOLCS

Abot sa 5.6 magnitude na lindol ang tumama sa Kidapawan City na siyang pinamalakas na naitalang pagyanig sa lungsod ayon Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS.

Sa panayam ng Radyo BIDA kay Engr. Hermes Daquipa, OIC Manager ng Phivolcs Kidapawan, kahapon ay umaabot na sa 140 aftershocks at 12 earthquake ang kanilang naitala na posibleng madadagdagan pa.

Sinabi rin nito na tatagal ng tatlo hanggang apat na buwan o higit pa ang mararanasang mga aftershocks na may iba’t-ibang intensity.

Nilinaw naman ni Daquipa na sa Davao del Sur parin ang sentro ng lindol at ang bayan ng Makilala lamang ang ginawang reference point dahil ito ang pinakamalapit sa epicenter. Nilinaw rin nito na walang mga active faultline sa Kidapawan City at hindi rin makakaapekto ang 5.6 magnitude sa Mt. Apo na isang potentially active volcano.

Ipinaliwanag din ng opisyal na ang magnitude ay siyang sukatan ng enerhiya mula sa hypocenter o underground focus point ng lindol, habang ang intensity naman ay ang epekto ng earthquake sa kanyang epicentral distance gaya ng mga tao, gusali o imprastraktura.

Bagama’t maraming lumalabas na impormasyon na umano’y may paparating pang mas malakas na lindol, nilinaw nito na wala pang instrumento o gadget ang maaaring makakapagsabi kung may mangyayaring pagyanig. Pero ang mga hayop gaya ng mga aso, ibon, butiki at iba pa ay malakas ang umano ang pick-up sa mga vibrations ng mga paparating na lindol.

Ang lindol ayon kay Daquipa, ay isang bagay na mahirap matukoy kung kailan darating dahil maging mga mayayamang bansa aywalang ginagamit na equipment para malaman kung paparating ito. VC: Hermes Daquipa Si PHIVOLCS OIC Manager Hermes Daquipa.

Matatandaang kahapon, naramdaman ang pinakamataas na epekto nito o Intensity V sa Makilala, North Cotabato; Kidapawan City; Koronadal City; Santa Cruz, Davao Del Sur; Intensit, habang intensity IV naman sa Magpet, Matalam, Kabacan at Tulunan, North Cotabato; Davao City; Polomolok, Tupi, Tampakan, atSto. Nino, South Cotabato; Tacurong City; President Quirino, Sultan Kudarat; Glan at Malungon, Sarangani.

Samantala, nagpa-alala naman si Daquipa na manatiling kalma pero alerto sa lahat ng oras tuwing mararanasan ang malakas na pagyanig at huwag kalimutan ang duck,cover and hold, at agad pumunta sa open area upang maiwasan kung mayroong mga aftershocks.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-0

 

Lalaki patay habang apat na iba pa sugatan, matapos mahulog sa bangin ang kanilang sasakyan sa Carmen, North Cotabato

Patay ang isang 28 anyos na lalaki habang sugatan naman ang apat na iba pa matapos na mahulog ang sinasakyang Isuzu truck sa malalim na bangin sa National Highway Barangay Kibudtungan, Carmen North Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Jeniel Jhon Padilla, 28 anyos na taga Tacurong City habang ang mga nasugatan ay sina Ramil Pareñas, 37 anyos, Leo Quinoñes , 39, isang helper , John Andrew Padilla at isang menor de edad na lahat nakatira sa Sultan, Kudarat.

Sa ulat ng Carmen PNP, binabaybay ng sasakyan ang National Highway kamakalawa ng gabi na lulan ng sako-sakong ipa na minamaneho ni John Andrew mula sa Tacurong City patungo sana sa Cagayan De Oro City.

Pagsapit sa Sayre National Highway particular malapit sa tulay ay nagka-mechanical malfunction ang sasakyan dahilan para mawalan ng control ang drayber hanggang sa mahulogito sa apat-napung talampakan na bangin.

Dead on the spot si Jeniel Padilla na nakasakay sa likurang bahagi ng sasakyan. Isinugod agad ng mga rumesponde sa lugar ang mga nasugatan sa Carmen Municipal Hospital at kalauna’y inilipat sa isang Ospital sa Davao City. Nakaimpound na ngayon sa PNP ang truck na nagtamo din ng mga kasiraan.(Cherry Exim)

 

-0-

 

Radio anchor ng Brigada News FM sa Kidapawan City, patay sa pamamaril kagabi

Patay ang anchor ng Brigada News FM sa Kidapawan City matapos na tambangan sa bahagi ng Quezon Boulevard Kidapawan city malapit sa Colegio De Kidapawan pasado alas 10:35 kagabi.

Kinilala ang biktima na si Eduardo "Ed" Dizon, residente ng tejada Subdivision Kidapawan city. Sa naging panayam kay Kidapawan City PNP Chief Police Lieutenant Col. Maria Joyce Birrey, pauwi na sa kanilang bahay si Dizon mula sa trabaho nang sundan ng riding in tandem suspek at pinaulanan ng bala ang sasakyan ni Dizon.

Naikabig pa ni Dizon sa gilid ng highway ang kanyang sasakyan bago ito bawian ng buhay. Patay noon din si Dizon dahil sa limang tama ng bala sa kanyang katawan. Dagdag pa ni Berry na bubuo ng task force na siyang tututok sa kaso ng pagbaril kay Dizon.

Si Dizon ay kasalukuyang anchor ng "Tira Brigada Program" ng brigada news FM Kidapawan. Naging manager rin ito ng istasyon pero nakaraang taon ay tumakbo bilang Muncipal Councilor sa bayan ng Makilala pero hindi pinalad.

Si Dizon ay nagtrabaho din sa Note Dame Broadcasting Corporation o NDBC bilang anchor ng Public affairs program ng DXND Radyo Bida at naging DJ ng DXDM FM o mas kilala bilang happy FM ngayon.

Kinondena naman ng National Union Journalist of the Philippines o NUJP Kidapawan city chapter ang pamamaril kay Dizon. Sa ipinalabas na pahayag ng NUJP Kidapawan ay nanawagan sila ng hustisya at mapanagaot ang nasa likod ng pamamaril kay Dizon. Sa ngayon ay patuloy ang malalimang imbestigasyon ng City PNP at ngayong araw ay magsasagawa ng case conference ang PNP para mapag-usapan ang hinggil sa pamamaril kay Dizon.(Mark Tayco)

 

-0-

 

Suporta ng konseho para sa mabilis na pagunlad ng lungsod, hiniling ng Alkalde sa Sanggunniang Panglungsod ng Tacurong

Simulan na ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng syudad ngayong tapos na ang bangayan at eleksyon. Ito ang ipinahayag ni Tacurong, Sultan Kudarat Mayor Angelo “Roncal” Montilla kasabay ng paghiling nito ng suporta sa mga myembro ng Sangguniang Panglungsod.

Kabilang sa mga nais isulong ng alkalde ang pag-apruba ng konseho sa general revision ng kanilang Local Revenue Code at Collection ng Real Property Tax.

Hangad din ng alkalde ang isang Economic Enterprise Ordinance para magkaroon ng income generating projects ang lokal na pamahalaan ng Tacurong. Layunin nito na hindi masayang ang poondo ng LGU sa pamamagitan ng pagaayos ng kanilang slaughter house, merkado publiko, at public terminal.

Para maiwasan ang Red Tape, hinihiling din ni Montilla sa konseho na bumalangkas ng ordinansa na bubuo sa Office of the City Building Official.

Ang nasabing tanggapan ang tutugon sa pangangailangan ng mga investors at mga magpapatayo ng bahay sa Tacurong. Naniniwala din si Montilla na kailangan na rin ng syudad na magkaroon ng Traffic Management Office para sa mas maigting na pagpapatupad ng traffic ordinance.

Kaugnay nito ipinahayag naman ni Tacurong Vice Mayor at SP Presiding Officer Lino Monotilla na handa itong makipagtulungan sa alkalde para sa ikauunlad ng nasabing lungsod.

 

-0-

 

Monitoring sa mga utility workers hinigpitan ng Provincial Security Unit matapos mapatay ng isang utility worker ang katrabaho nito sa Kapitolyo ng South Cotabato

Mariing imomonitor ng mga kasapi ng Provincial Security Unit o PSU ang mga utility workers lalong lalo na ang maagang pumapasok sa Kapitolyo ng South Cotabato.

ay ayon kay PSU Operations Unit Chief Richard Guintibano. Ayon kay Guintibano, layunin nito na matiyak na hindi na maulit pa ang pagpatay ng isang utility worker sa katrabaho nito sa compound mismo ng kapitolyo. Binigyan diin ni Guintibano na hindi na kailangan pa ng mga utiliity worker na magdala ng sariling gamit sa provincial capitol.

Sinabi Guintibano na may mga gamit ang provincial government na maaring gamitin ng kanilang mga utility worker. Matatandaan na patay ang utility worker na si Ronelo Lumawag 43 anyos. Ito ay matapos pagtatagain ng katrabaho nitong si Ric Villa, 59 anyos habang naglilinis sa tanggapan ng Provincial Accountant’s Office noong Martes.

Ayon naman kay Koronadal Chief of Police Lt. Col. Rey Egos ang suspek na si Villa na inaresto ng mga pulis ay kakasuhan ng murder. Personal grudge naman ang tinukoy ni Egos na sanhi ng krimen

 

-0-

 

Ipatatayo ng lokal na pamahalaan ng Malungon sa Sarangani Province ang bagong Balay Silangan Reformation Center sa lupain sa barangay Poblacion na ido-donate ni Senator Manny Pacquio. Ito ang ipinahayag ni Malungon Mayor Ma. Theresa Constantino.

Ayon kay Constantino magtatapos na kasi sa Nobyembre ang Deed of Usufruct sa pagitan ng lokal na pamahalaan at may ari ng Villa Real Garden Resort sa Barangay Nagpan. Layon ng proyekto na mapaigiting pa ang mga programa para sa rehabilitation ng mga persons who used drugs o PWUD.

Ayon kay Consantino hiniling nila sa Department of the Interior and Local Government ang P10 million pesos para sa pagtatayo ng nasabing pasilidad. Ito ay sa ilalim naman ng Local Government Fund-Assistance to Disadvantage Municipalities o LGSF-ADM Program ng ahensya. Dinagdag ni Constantino na ang ipapatayong Bagong Balay Silangan Reformation Center ay magkakaroon ng dormitory type na gusali na may opisina, kainan, classroom at basketball court.

Ang Balay silangan ay isang programa na nagaalok ng temporaryong tirahan sa mga lulong sa iligal na droga na nais magbagong buhay. Ang mga drug offenders na papasok sa pasilidad ay sasailalim din sa skills at livelihood training.

-0-

 

 

Relocation site inilaan ng pamahalaang lokal sa mga mamamayan na nakatira sa landslide prone na Sitio ng T’boli, South Cotabato

Pinalikas na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ang mga mamamayan sa mataas nabahagi ng Sitio Deseket, Barangay Laconon, T’boli, South Cotabato.

Paliwanag ni PDRRM Officer Rolly Doane Aquino ito ay dahil sa panganib na posibleng paguho matapos makitaan ng mga bitak ang malawak na bahagi ng lugar. Sinabi ni Aquino na maari kasing magpapalala pa sa mga tension cracks ang madalas na mga pagulan sa lugar.

Ipinahayag din ni Aquino na tutulungan ng pamahalaang panlalawigan na makapagpatayo ng bagong bahay ang mga na-relocate na mamamayan sa pamamagitan ng food for work program. Dinagdag din ni Aquino na ipinatupad din sa lugar ang re-routing ng daan. Ito ay matapos ipagbawal ng PDRRMO sa mga motorsita ang dati nilang daan na may mga bitak na maaring gumho anumang oras.

Ayon kay Aquino mariin ding minonitor ng disaster office ng T’boli ang mga lumipat na mamamayan. Nakahanda rin ayon kay Aquino ang pamahalaang panlalawigan na tulungan ang mga apektadong mamamayan sa kanilang mga pangangailangan.

 

-0-

 

Programa para malinis sa basura ang syudad, inilunsad ng environment office ng Koronadal

Tintutukan ng kalulunsad pa lang na Basura Attack Campaign ng lokal na pamahalaan ang mga barangay na nasa urban areas ng Koronadal. Ayon kay City Environment and Natural Resources Officer Agustus Bretana ang mga ito ay ang mga Zone 1,2,3 at 4, Morales, at Sto. Nino.

Sinabi ni Bretana na isang araw matapos ilunsad ang programa abot na sa tatlong truck na basura ang nahakot ng city environment office mula sa nasabing mga barangay.

Binigyan diin ni Bretana na ang tamang pamamahala sa basura ay responsiblidad din ng mga barangay at mga stakeholder at hindi lamang ng CENRO. Umaasa din si Bretana na sa halip na isang buwan lamang na unang plano ng city government ay magpapatuloy ang Basura Attack Campaign sa tulong ng kanilang mga stakeholder.

Ayon kay Bretana ang nasabing programa ay bilang kabahagi ng ten point agenda ng kauupo pa lang na si Koronadal Mayor Erliordo Ogena. Ito ay ang pangangalaga sa kapaligiran para sa isang malinis, at magandang syudad ng Koronadal.

 

 

Agri and fisheries top industries in the proposed BARMM investments list

COTABATO CITY  -  Agriculture and Fisheries are top industries which the Bagnsamoro region can offer to investors both foreign and local...

Pope names new Sorsogon bishop

SORSOGON - Pope Francis has appointed Fr. Jose Alan Dialogo of the Manila archdiocese as the new bishop of Sorsogon.

The...

Bishops push for greater mining accountability

KIDAPAWAN CITY - Mindanao bishops have joined the initiative for the government to hold mining firms accountable for the environmental and...

The Word of God is living and effective

Reading 1ROM 1:16-25

Brothers and sisters:
I am not ashamed of the Gospel.
It is the power of God for the...

MILF infighting sends civilians fleeing

DATU MONTAWAL, Maguindanao  – A long standing territorial dispute between members of Moro Islamic Liberation Front in Maguindanao erupted...