Tuesday Sep, 17 2019 02:35:36 PM

NDBC BIDA BALITA (6.6.19)

NDBC BALITA • 09:45 AM Thu Jun 6, 2019
418
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JUNE 06, 2019 (THU)
7:00 AM

 

HEADLINES:

 

1. ISANG DRUG SUSPECT, arestado sa panibagong BUY BUST OPERATION ng mga otoridad sa Cotabato city.

2. MISIS, patay sa pamamaril ng sarili nitong mister sa T’boli, South Cotabato

3. HEPE ng Antipas PNP, ginawaran ng medalya ng kagalingan ng PNP 12

4 . Taga North Cotabato, pinag-iingat kontra baha at landslide

 

-0-

 

Local………………..

HULI ang isang lalaki sa inilunsad na buy bust operation ng Cotabato City PNP at PDEA BARMM

sa SK Pendatun Avenue, Barangay Poblacion 5 ng syudad.

Nakilala ang nadakip na si RAZUL ABUSAMA UNOS alyas “Tato” 41 anyos, may asawa, at taga Barangay Rosary Heights 3.

Nakuha kay Unos, ang dalawang mga sachet ng pinaghihinalaang shabu at marked money na ginamit sa operasyon.

Nabitag ang suspek makaraang bentahan nito ng iligal na droga ang isang pulis na nagkunwaring buyer.

Pansamantalang nakakulong ngayon ang suspek sa detention cell ng Police Station 4 habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

 

-0-

 

Local …………………….

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Palimbang, Sultan Kudarat pasado alas kwatro ng madaling araw kanina sa 29 kilometers northeast ng Palimbang.

May lalim itong 476 kilometers at tectonic ang origin nito.

Naitala ang intensity 1 sa General Santos City bunsod ng lindol.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala pero magsasanhi ito ng aftershocks.

 

-0-

Local……………………

 

 

-0-

 

 

NAG-AAGAW-BUHAY nang isugod sa ospital sa Cotabato city ang isang lalaking nabundol ng pick up at nagulungan pa ng dump truck sa national highway na sakop ng sakop ng Brgy. Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao

Kritikal pa rin ngayon ang kondisyon ng biktimang si BADRUDIN TALIB, bente dos anyos, na residente rin ng naturang barangay at patuloy na ginagamot sa ospital.

Base sa inisyal na ulat, alas tres ng hapon kahapon habang pauwi si Talib sakay ng kanyang motorsiklo nang sumalpok siya sa kasalubong na Hilux at matapos matumba ay sakto namang paparating ang isang Dump track dahilan upang magulungan pa ito.

Bukod sa malulubhang sugat ay nagtamo rin ng mga bali sa katawan si Talib na mabilis namang naisugod sa pagamutan ng mga bystander sa lugar.

 

-0-

 

BINISITA ni Pangulong Duterte ang mga sugatang sundalo sa Sulu na nakikipagbakbakan sa Abu Sayyaf Group.

Hindi inanunsyo sa media ang pagbisita ng pangulo sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo kamakalawa, at kahapon lamang ibinahagi ng Malakanyang ang mga larawan.

Kasama ng pangulo si Defense Sec. Delfin Lorenzana kung saan 15 mga sugatang sundalo ang kanilang binista.

Pinangunahan din ng pangulo ang paggawad ng medalya at donning of ranks kay Brig. Gen. Divino Rey Pabayo ng Joint Task Force-Sulu at Brig. Gen. Andres Centino ng Armed Forces of the Philippines Operations.

Ginawaran naman ng pangulo ng Order of Lapu-Lapu – Rank of Kampilan ang 11 mga sundalong nasugatan noong May 31 sa engkwentro sa Patikul, Sulu.

Kabilang sa mga tumanggap ng Order of Lapu-Lapu ay sina:

Cpl. Arsenio Opaco Jr.

Cpl. Sonny Jumoc

Pfc. Edwin Yurong

Pfc. Edeson Alom

Pfc. Abduhasad Baladji

Pcf. Joevertt Ramirez

Pvt. Dominic Osorio

Pvt. Jeric Peñaredondo

Pvt. Raymund Balambao

Pvt. Ramil Diaz Jr.

Pvt. Albert Daligdig

 

Pitong mga sundalo naman ang ginawaran ng Gold Cross medal habang limang enlisted personnel ang tumanggap ng food packs mula sa pangulo.

 

-0-

 

local...

Kidapawan City LGU, isa sa mga tumanggap ng Health Governance excellence award sa buong bansa

Nakakuha ang Kidapawan City Government ng parangal sa usaping pangkalusugan o isa sa mga champion for Health Governance 2019 sa buong bansa.

Ang nasabing parangal ay mula sa Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership Organizing Committee na siyang nagbibigay pagkilala sa mga LGU’s sa bansa hinggil sa pagpapatupad ng magandang programa sa pangkalusugan. Ito ay isinagawa sa tanggapan ni Vice-president Leni Robredo kasama ang apat na iba pang LGU.

Ilan sa kinilalang mga programang pangkalusugan ng City Government ay ang pagkakaroon ng Health Stations sa iba’t-ibang barangay, Maternal Wellness and Child Care Program, pagbibigay serbisyo ng City Blood Center, Dental Health Programs, ZERO percent rate sa rabies deaths simula 2015, expansion ng City Health complex at dagdag na bed capacity at laboratory services ng City Hospital, Anti-TB Programs; Supplemental Feeding programs, libreng tulong medical at ophthalmology services para sa mga Senior Citizens at iba pa.

Bago mapili ito ay dumaan sa masusing evaluation at screening maging on-site inspection. (Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Pinag-iingat ngayon si Provincial Disaster Risk and Reduction Management officer Engineer Arnulfo Villaruz ang publiko lalo na sa mga low lying areas sa North Cotabato.

Ito matapos may nai-ulat na pagbaha sa iilang bayan sa North Cotabato dahil sa isang araw na patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan simula nitong martes hanggang kahapon.

Dahil sa lakas ng pag-ulan at hangin, isang bahay sa Barangay New Cebu President Roxas ang nasira dahil sa natumbang kahoy alas 5:00 ng hapon. Habang sugatan naman ang isang Edmart Nacua na nasa loob ng bahay nang mangyari ang aksidente. Tumaas din ang lebel ng tubig mula sa mga drainage canal sa barangay Magsaysay, Kidapawan City at iba pang mga kalapit na lugar sa lungsod.

Umapaw na din sa National Highway ang tubig sa bayan ng Kabacan, Cotabato maging sa merkado publiko. Sinabi ni Villaruz, nagsupende na rin ng klase ngayong araw ang Kabacan Pilot Elementary School dahil sa malakas na ulan kahapon. Ang pag-ulan anya ay dulot ng Intertropical Convergence Zone.

Samantala, patuloy naman ang monitoring ng Disaster Risk and Reduction Management Council lalo na sa mga nakatira na malapit sa ilog at bundok na mag-ingat din sa posibleng pagbaha at landslide.(Cherry Exim) 

-0-

 

Ipinaliwanag kahapon sa Radyo-Bida ni Makilala Tourism officer Isidro Mainit ang isyu hinggil sa mahal na singil ng tour guide sa Kamandag falls sa bayan ng Makilala, Cotabato.

Sinabi ni Mainit, hindi pa anya bukas ang nasabing tourist attraction sa publiko dahil marami pang kailangang pag-usapan sa pagitan ng Makilala LGU at IP community sa nasabing lugar.

Ang mga humihingi ng tour guide fee na residente din ng nasabing lugar ay hindi anya sanction ng LGU at hindi din napag-usapan ang taripa maging ang pagbibigay ng recibo.

Pero sinabi ng opisyal, hind inaman anya nila pinagbabawalan ang mga turistang pumunta sa lugar dahil marami na rin ang nakakabisita rito. Dagdag pa ni Mianit, kailangan din nilang ikonsidera ang seguridad ng mga dadayo sa lugar dahil delikado ito sa mga turista lalo kung hindi sanay sa mga trekking.

Isa din sa problema ay ang basura na iniiwan ng mga pumupunta sa lugar lalo pa nitong summer vacation. Habang pagsisikapan naman ng LGU- Makilala na gagawan nila ng solusyon ang nasabing isyu upang maging bukas na ito sa publiko.(Cherry Exim) 

 

-0-

 

Hepe ng Antipas PNP, pinarangalan ng medalya ng kagalingan ng PRO 12

Nakatanggap ng parangal ang hepe ng Antipas PNP na si Police Capt Bernard Abarquez kamakailan. Ito ay ang medalya ng kagalingan na iginawad ng Police Regional Office o PRO 12.

Ayon kay Abarquez, ito ay dahil narin sa pakikiisa ng kanyang mga personnel sa paggawa ng mahusay. Ang pagkuha kasi ng nasabing medalya ay nakabatay sa criteria ng PNP. Nabatid na isa sa mga naging puntos ni Abarquez ay pag-aresto nila sa hinihinalang mga miyembro ng terorista sa nasabing bayan, katuwang ang Philippine Army.

Ayon pa sa opisyal, maliban sa nabanggit, marami rin silang nahuling mga wanted person at karamihan dito ang may kinakaharap na kasong panggagahasa.

Kasali rin sa naging puntos nito ay pagka-rekober nila sa mga iligal na armas lalo na noong election period, at pati na rin ang pagkumpiska sa mga iligal na droga. Sa ngayon aniya, tuloy-tuloy ang kampanya ng PNP kontra iligal na droga at isinusulong nila ngayon ang programang ‘KKK’ o ‘Kabataan Kontra Droga’.(Drema Bravo) 

 

-0-

 

Inilatag na ni North Cotabato governor-elect Nancy A. Catamco ang iilan sa mga gagawin nito sa loob ng first-100-days sa oras ng pag-upo nito bilang bagong ina ng probinsya.

Bago ang pormal na panunungkulan nito na nakatakda sa Hunyo a-trenta, tututukan muna nito ang gagawing inventory sa mga sasakyan na pag-aari ng provincial government at mga personnel ng capitol.

Sinabi ni Catamco, isa rin sa kanyang pagtutuunan ng pansin ay ang pagpapagawa sa Central Mindanao Airport sa bayan ng Mlang. Aasikasuhin nito ang mga kakailanganing papeles para masimulan na ang nasabing proyekto at maisakatuparan na ito bago magtapos ang kanyang termino sa loob ng tatlong taon. 

Si North Cotabato Governor-elect Nancy Catamco Dagdag pa ni Catamco na kinakailangan ring i-upgrade ang provincial hospital dahil gagawing na itong regional hospital. Maliban dito, sinabi rin ni Catamco na nakipag-usap na ito kay Department of Agriculture Secretary Manny Piñol dahil magkakaroon umano ng agriculture congress.

Ibig sabihin, tututukan ng probinsya ang pangunahing hinaing ng mga magsasaka katuwang ang nasabing ahensya.(Drema Bravo) 

 

-0-

 

Day One, Lesson One sa pagsisimula ng school year naipatupad ng mga eskwelahan sa rehiyon, ayon sa Regional Director ng Deped 12

Natupad ng mga eskwelahan sa region 12 ang pormal na pagsisimula ng klase sa mga unang araw ng pasukan.

Ito ang ipinahayag ni Deped 12 Regional Director Allan Farnazo. Ayon kay Farnazo, organisado ang mga eskwelahan sa SOCCKSARGEN at wala masyadong problema sa unang araw mismo ng pasukan.

Napag-alaman din sa monitoring ng mga taga Deped na dinagsa ng mga estudyante maging ang mga eskwelahan sa rehiyon na nasa Urban areas.

Gayunpaman, aminado si Farnazo na sa ngayon ay hindi pa naabot ang 1.2 million na target enrollees ng Deped sa region 12. Ikinalungkot din ni Farnazo ang pagkasawi ng isang estudyante at pagkasugat ng tatlong iba.

Ito ay bunsod ng pagkakabagsak ng nabuwal na puno sa sinilungang covered pathway sa Lake Sebu, South Cotabato sa unang araw ng pasukan.

Kaugnay nito nananawagan ang nasabing Deped Official sa mga estudyante sa mga mapananib na lugar na maging mapagmatyag lalong lalo na tuwing umuulan para hindi na maulit ang insidente.

 

0-0

 

Programa kontra climate change pinaiigting ng pamahalaang panlalawigan ng Sarangani

Nakikipagtulungan ang pamahalaang panlalawigan sa Climate Change Commission CCC bilang bahagi ng pagpapaigting ng climate change action plan sa Sarangani Province.

Ayon kay Sarangani Governor Steve Chiongbian Solon nasa proseso na sila sa pagpapatupad ng mga makabaong pamamaraan at teknolohiya sa paglaban sa climae change.

Ipinahayaag ni Solon na ang mga concerned na kawani ng pamahalaang panlalawigan ay sumasailalim ngayon sa limang araw na workshop sa Climate Change and Environmental Degregation Risk and Adaptation Assessment sa provincial capitol. Pinagaaralan din ng mga participant ang Greenhouse Gas o GHG inventory.

Sinabi ni Solon na sa tulong ng CCC ay maipatupad ng mas maayos ng Sarangani Provincial Government ang mga programa nito kontra climate change. Kalakip dito ang P103 million na flood control and ecosystem rehabilitation ng Saub River sa bayan ng Maitum.

 

-0-

 

Barangay Officials sa syudad na nakapaglingkod ng tatlong magkasunod na termino bibigyan ng insentibo ng lokal na pamahalaan ng Koronadal

Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato ang ordinansa ng Koronadal city na magbibigay ng service benefits o insentibo sa mga barangay officials na nakapalingkod ng magkasunod na tatlong termino. Ito ang kinumpirma ni South Cotabato Association of Barangay Captain o ABC President Rolando Malabuyoc.

Ayon kay Malabuyoc, iniutos ng nasabing ordinansa na mabibigyan ng P200,000 service benefits ang mga barangay Chairman na naglingkod ng three consecutive terms. Habang makatatanggap naman ng P100,000 ang mga barangay Kagawad.

Sinabi ni Malabuyoc na malaking tulong sa mga barangay officials ang ordinansa na ipinagpasalamat naman nito sa Sangguniang Panglungsod ng Koronadal. Kaugnay nito, hinamon din ni Malabuyoc ang iba pang mga local government units sa South Cotabato na may sapat na pondo na bumalangkas rin ng kahalintulad na ordinansa.

Dinagdag din ni Malabuyoc na bilang ABC Chairman, pagaaralan muna nito kung ito kaya ring gawin provincial government ng South Cotabato.

 

-0-

 

Misis patay sa pamamaril ng mister sa T’boli, South Cotabato

Kinilala ni T’boli Acting Chief of Police, Major Bernie Faldas ang biktima na si Emma Segundo, 55 years old nakatira sa Barangay Datal Bob, T’boli South Cotabato na pinangyarihan din ng krimen. Ayon kay Faldas ang biktimang misis ay agad na binawaian ng buhay matapos umanong barilin ng mister na si Freddie Segudo, 47 anyos, magsasaka.

Sinabi ni Faldas na nagalit umano ang suspek na si Freddie sa kanyang misis. Ito ay matapos hindi pumayag sa pakiusap na iaatras ng anak sa unang asawa ng biktima ang reklamo laban sa kanya. Ayon kay Faldas, nang umalis ng bahay ang misis hinarangan siya ng kanyang mister sa daan.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magsawa na humantong sa pagbaril umano ng suspek na si Freddie sa misis na si Emma. Ang biktimang ay nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan at ulo na naging sanhi ng kanyang pagkasawi.

Sinabi ni Faldas na nag-atubiling tumulong sa biktima ang saksi sa pangyayari nang makita na armado ang suspek. Narekober ng mga pulis sa crime scene ang apat na basyo ng 45 pistol. Ang tumakas na mister ay pinaghahanap pa ng mga pulis.

 

-0-

 

Maternal Health Care Program Coordinator umapela sa mga buntis na sumailalim sa pre-natal check up,kasunod ng tumataas na kaso ng pagkamatay dahil sa panganganak sa South Cotabato

Magpa-pre natal apat na beses bago manganak. Ito ang panawagan sa mga buntis ni South Cotabato Provincial Health Office Maternal Health Care Program Coordinator Focal Person Genesis Navales.

Ayon kay Navales maaring naiwasan sana ang karamihan sa mga kaso ng namatay dahil sa panganganak noong nakaraang taon kung sumailalim sa prenatal care ang mga biktima.

Sinabi ni Navales na nakasanayan na kasi ng maraming kababaihan sa South Cotabato na dumulog lamang sa mga health center kung malaki na ang ipinagbubuntis. Matatandaan na noong 2018, 12 ang binawian ng buhay dahil sa panganganak sa South Cotabato.

Pinakabata sa mga ito ay kinse anyos na nasawi matapos manganak at pinakamatanda naman ay 43 anyos na binawian ng buhay sa ikalabinisang beses ng panganganak. Ang Provincial Epidemiology and Surviellance Unit ay nakapagtala na ng apat na kaso ng maternal death sa South Cotabato ngayong 2019.

Ayon kay Navales tatlo sa mga ito ay nasa malalayong barangay ng T’boli . Dinagdag ni Navales na madalas naging sanhi ng pagkamatay ng mga nangangak sa South Cotabato ang hypertension, blood loss at infection.

Ayon kay Navales sanhi rin ng maternal death sa South Cotabato ang problema sa referral system, kawalan ng family planning, siksikan sa OB ward ng mga pampublikong ospital, kakulangan ng mga hospital equipment at pagkaantala ng blood supply. Ipinahayag ni Navales na ang mga ito ay kanilang sinisolosyonan dahil dapat walang ina ang mamamatay pagkatapos manganak.

 

-0-

 

20 die in South Cotabato highway mishap

20 die in South Cotabato highway mishap Edwin O. Fernandez

T'BOLI, South Cotabato  – At least 20 persons were killed, 15 of them on the...

NoCot village exec shot dead

KABACAN, North Cotabato  – Two men riding tandem on a motorbike shot dead a village official here on Sunday while he was on his way to his farm,...

Traffic rerouting plan eyed when Quirino Bridge undergo rehab

COTABATO CITY  – The Cotabato City traffic management unit is preparing a rerouting plan to be implemented once the Department of Public...

Armed MNLF men stopped, disarmed by Army in Maguindanao

COTABATO CITY -- Some 37 assorted long and short firearms were confiscated by government military troops Saturday in a gathering of Moro...

144 homes damaged by "Marilyn" in Tawi-Tawi

BONGAO, Tawi-Tawi – Close to 150 homes were damaged by Tropical Depression Marilyn that hit the islands here on Friday and Saturday, local...