Tuesday Nov, 19 2019 05:50:07 AM

NDBC BIDA BALITA (6.4.19)

NDBC BALITA • 08:00 AM Tue Jun 4, 2019
518
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JUNE 04, 2019 (TUE)
7:00 AM

HEADLINES:

1. Eid’l Fitr, pormal na gugunitain ng mga Muslim sa buong bansa bukas, June 5.

2. Mahigit 30 mga pasahero, nakaligtas sa nasunog na Husky bus sa Tantangan, South Cotabato

3. Sangguniang Kabataan kagawad at pinsan nito, patay sa vehicular crash sa Kidapawan City

4. Apat na estudyante ng Lake Sebu, South Cotabato sugatan matapos mabagsakan ng puno sa kasagsagan ng malakas na hangin at ulan

 

 

-0-

 

Local………………..

 

INANUNSYO ng National Commission on Muslim Filipinos o NCMF na pormal na gugunitain ng mga Pilipinong Muslim ang Eid’l Fitr bukas, araw ng Miyerkules.

Sinabi ni NCMF Secretary Saidamen Pangarungan na hindi kasi namataan ng moonsighting committee, sa pangunguna ng Bangsamoro Darul Ifta, ang isang bagong buwan kagabi.

Ang Eid’l Fitr ay espesyal na araw na hudyat ng pagtatapos ng Ramadan na panahon ng pag-aayuno, pagninilay at pagdarasal ng mga Muslim.

Ipinagdiriwang ang Eid’l Fitr sa loob ng tatlong araw.

Ayon naman kay Western Mindanao Darul Ifta deputy mufti Sheikh Abduwaki Tanjilil, makikilahok sa mga panalangin at pagtitipon sa mga mosque at open spaces ang Muslim Filipinos bukas.

Magbabatian ang isa’t isa at magbabahagian ng mga pagkaing inihanda para sa espesyal na araw na ito.

Nagpaalala pa si Tanjilil sa mga Muslim na huwag kalimutang magbigay ng tulong at biyaya sa mahihirap dahil isa ito sa five pillars ng Islam.

Nauna nang idineklara ni Pangulong Duterte na isang regular non-working holiday sa buong bansa ang Eid’l Fitr.

 

-0-

 

Local……………………

PINAALALAHANAN naman ni Cotabato city mayor Cynthia Guiani ang lahat ng mga Muslim sa lungsod na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng motorcade at noise barrage o pag-iingay sa lansangan bilang pagsalubong sa Eid'l Fitr.

Paliwanag ni mayor Guiani, ang Darul Ifta mismo ang nagsabi na ang naturang gawain ay hindi naman naaayon sa turo ng Islam kaya dapat itong iwasan.

Nagbabala rin ang alkalde sa mga magpapaputok ng baril na mahaharap sila sa kaukulang parusa lalo pa’t maigting na magbabantay ang mga pulis at sundalo sa okasyon.

Una na ring nagbabala ang pamunuan ng PNP sa mga nagbabalak na magsagawa ng celebratory gunfire sa pagdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan sa June 5.

Ayon kay PNP chief, Oscar Albayalde, kaisa ang PNP sa pagdiriwang Muslim community sa Eid’l Fitr.

Mananatili aniyang naka-alerto ang PNP sa anumang untoward incidents na maaring maitala kasabay ng pagdiriwang, kabilang na ang mga insidente ng indiscriminate firing.

Ayon kay Albayalde, mahigpit na babantayan ng PNP ang posibleng insidente ng indiscriminate firing lalo pa’t umiiral pa rin ang gun ban na magtatapos pa ngayong June 12.

 

0-0-

 

UMARANGKADA NA NAMAN ang mga kawatan sa Cotabato city.

Unang tinangay ng di pa nakikilalang magnanakaw ang bag na may lamang pera sa loob ng isang terminal sa Mother Barangay Poblacion.

Ang natangay na bag ay pag aari ni YASSER TIAGO, driver na taga Barangay Rosary Heights 9 ng lungsod.

Base sa kwento ng biktima, bandang alas dyes ng umaga kahapon kampante umano nitong inilapag sa loob ng kanyang pampasaherong sasakyan ang kanyang sling bag para alalayan ang kanyang mga pasahero ngunit nung balikan niya ito ay nawawala na ang kanyang bag na naglalaman ng cellphone, mga dokumento at cash na six thousand pesos.

SAMANTALA, makalipas ang isang oras sunod namang nagtungo sa Police Station 2 kahapon ang isang estudyante par iulat ang diumanoy pambibiktima sa kanya ng dalawang pinaghihinalaang hold upper sa Santos street, Barangay Rosary Heights 6, sa lungsod.

Nakilala ang biktima na si PRINCE JOVELLANO, 21 years old, estudyante, taga Krislamville, ng nasabing barangay.

Base sa inisyal na ulat, alas otso kagabi habang naglalakad sa nabanggit na lugar ang biktima nang bigla umanong huminto sa kanyang harapan ang dalawang lalaking sakay ng pulang XRM Motorcycle at nagdeklara ng hold-up at sapilitang kinuha ang kanyang sling bag na may lamang Laptop computer na nagkakahalaga ng 13 thousand pesos at three thousand pesos na cash.

 

-0-

 

SINAMPAHAN NA ng kaukulang kaso ang isang babaeng drug suspect na nadakip ng mga otoridad habang dumadalaw sa Maguindanao Provincial Jail.

Sinabi ni Maguindanao Provincial Jail Warden, Atty. Bobby Katambak na ang suspek na si Sarah Marohom Matanog ay nagtangka umanong magpuslit ng iligal na droga habang dumadalaw sa nakakulong nitong mister noong Sabado.

Ayon kay Katambak, ang droga ay inipit ng suspek sa ilang colored face towels kasama ang cellphone.

Si Matanog ay nakakulong na ngayon sa lockup cell ng PDEA ARMM.

Nabatid na matagal ng minamanmanan si Matanog matapos na makatanggap ng sumbong ang pamunuan ng Maguindanao Provincial Jail na nagpupuslit ito ng iligal na droga sa piitan.

Ang mister ng suspek na si Sarah ay mayroong kahalintulad na kaso sa korte na nadakip ng mga otoridad ng bayan ng Talayan noong November 5, 2016.

 

-0-

 

Isinagawa ang taunang “Iftar for a Cause” sa UP Diliman kagabi.

Ito ay sa pangunguna ng US Embassy at ng UP Institute for Islamic Studies.

Ang ‘iftar’ ay tumutukoy sa isang salu-salo na simbolo ng pagtatapos ng isang araw na namang pag-aayuno ng mga Muslim sa panahon ng Ramadan.

Sa “Iftar for a Cause” kagabi, naghapunan ang mga kinatawan ng iba’t ibang relihiyon bilang pakikiramay sa sitwasyon ng mga Muslim sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Panawagan ni UP President Danilo Concepcion ang panalangin para sa mga Muslim na biktima ng karahasan at pagpapakalat sa mensahe ng kapayapaan.

Sa ngayon ay nakararanas ng pagsubok ang mga Muslim sa Marawi, ang Rohingya Muslims sa Myanmar at ang Uighur Muslims sa China.

Samantala, iginiit ni US Embassy Deputy Chief of Mission John Law na patuloy na ipaglalaban ng Estados Unidos ang freedom of religion lalo na ang religious minorities.

 

-0-

 

Bangkay ng lalaki, natagpuan sa isang lote sa Pikit, North Cotabato

Natagpuang patay ang isang 27 anyos na lalaki sa barangay balong, Pikit Cotabato alas 6:30 ng umaga kahapon.

Nakilala ang biktima na si Saban Sali Dimasukal, anak ng isnag barangay Secretary sa Damalasak, Maguindanao.

Sa naging panayam kay Pikit PNP Chief Police captain Mautin Pangandigan, posibleng tinapon lamang ang bangkay ng biktima sa sakahan na pagmamay-ari ng ni Danny Cardines sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nang matagpuan ang bangkay ay nakabalot ito sa malong ang nakatali din ng nylon. Inaalam pa kung sino ang responsable sa pag tapon ng biktima sa nasabing lugar at kung ano ang motibo ng mga suspek sa pagpatay. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

SK kagawad, at pinsan nito patay sa vehicular crash sa Kidapawan City

Dead on arrival ang dalawa ka tao matapos na masangkot sa vehicular crash sa barangay Mateo, Kidapawan City.

Naganap ang aksidente alas 7:00 ng gabi nitong linggo sa nasabing lugar.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Nilo Catihan, 21 anyos SK kagawad ng barangay Ganatan, Arakan Cotabato at ang pinsan nitong si Lady Catihan, 22 anyos na kapwa nakatira sa barangay Ganatan.

Ayon sa ulat, binabaybay ng mga biktima ang National Highway na minamaneho ng lalaking si Catihan.

Nang pagsapit sa lugar na pinangyarihan ng insidente ay sumalpok ito sa parating na sasakyan na minamaneho ni Teofilo Malon Siago, 66 years old, magsasaka at nakatira sa barangay Pangao-an Magpet na nasa magkasalungat na direksyon.

Binawian ng buhay ang SK kagawad alas 3:30 ng madaling araw kahapon habang ibinabyahe sa isang ospital sa Davao City. Samantala, pasado alas 7:00 naman binawian din ng buhay ang pinsan nitong ni lady Catihan.

Nagtamo din ng kasiraan ang dalawang mga sasakyan na nasa kustodiya nan g Kidapawan City PNP. NDBC BIDA BALITA

 

 

-0-

 

Ilang mga investors, aasahang magtatayo ng negosyo sa Kabacan North Cotabato- ayon sa alkalde ng bayan

Aasahan ang pagpasok ng ilang mga malalaking negosyante sa bayan ng Kabacan North Cotabato.

Ito ay ayon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., pagkatapos ng isinagawang inagurasyon at oath taking kahapon ng mga nanalong opisyal noong May 13, elections.

Nagpasalamat din ang alkalde sa mga taga Kabacan matapos na mabigyan ng huling termino para paglingkuran ang mga mamamayan.

Aniya, ipagpapatuloy nito ang mga nasimulan na mga proyekto at programa para sa lalong ikaunlad pa ng bayan. Ipinagmalaki din ng opisyal ang patuloy na pagbuhos ng mga malalaking negosyo kagaya ng Jollibee, Penong’s, southseas at maraming iba pa.

Tututukan din anya ng administrasyon ang Infrastructure, upang mas mapadali ang pagpapalabas ng mga produkto mula sa bayan at mapapakinabangan din ng mga ito.

Maging ang pag angat ng pangkabuhayan ng mga taga Kabacan ang isa din sa mga bigyang pansin ng alkalde ngayon para sa kanyang huling termino at may legasiya ng maiiwan para sa kanyang nasasakupan bilang alkalde.

Aasahan din anya ng mga taga Kabacanna gagawin ng pamunuan ang mga naipangako dahil lahat ng kanyang mga ginagawa para sa bayan ay hindi mula sa Pangako kundi galing sa puso na magsilbi at magserbisyo para sa mga mamamayan. NDBC BIDA BALITA

 

 

PNP walang naitalang ‘untoward incidents’, mga paaralan naging maayos ang pagbukas ng klase

Naging maayos ang takbo ng unang araw ng eskwela sa mga paaralan sa Kidapawan City sa pagbukas na klase kahapon ng umaga.

Ayon kay Kidapawan City PNP Chief Lt.Col.Joyce Birrey, naging maayos ang kanilang inilatag na seguridad at walang naitalang mga insidente sa pagbubukas ng unang araw ng klase kahapon, June 3.

Katuwang rin ng pulisya ang iba pang mga force multipliers para masigurong ligtas ang mga mag-aaral sa muling pagbabalik sa eskwela.

Samantala, sa Kidapawan City National High School o KCNHS, walang masyadong aberya sa pag-umpisa ng klase maliban na lamang sa mga estudyante hindi mahanap ang kanilang mga classroom.

Maaga namang nag ikot-ikot si Schools Division Superintendent Romelito Flores ng Kidapawan City Division sa city high para i-check ang bawat classroom at masigurong handa ang lahat ng mga guro sa ipanapatupad na Day One, Lesson One ng DepEd.

Isa sa nakikitang problema ng DepEd sa nasabing paaralan ay ang kakulangan sa classroom kung saan ang isang standard na classroom ay hinati sa dalawa para makapasok ang tig-40 mga mag-aaral sa klase.

Sa kabilang dako, mapapansin namang muling nagsisiksikan ang mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan ng lunsgsod lalo na tuwing rush-hour. Kaya payo ng mga otoridad na maagang pumunta sa kanilang mga eskwelahan at opisina para makaiwas na rin sa mabigat na daloy ng trapiko. NDBC BIDA BALITA

 

 

Matalam PNP sa North Cotabato, kinilalang ‘best municipal police station’ sa buong rehiyon

Kinilala ng Philippine National Police o PNP 12 ang Matalam PNP bilang best municipal police station kamakailan. Hindi naman ito inasahan ng Matalam PNP bagkus naniniwala sila na tanging ang pagtatrabaho ng maigi ay siyang susi sa pagkamit nito.

Ang nasabing parangal na nasungkit ng PNP ay noong calendar year 2018-2019 kung saan hawak pa ni dating Matalam PNP Chief Police Major Sunny Leoncito ang nasabing ahensya.

Ang pagkuha sa best municipal police station ay base sa criteria ng PRO 12: Candidate exception- 10%, Administrative Performance- 20%, Squat Operation Performance/Report- 30%,Awards, Medals, Recognition-10%,Internal Cleansing Discipline- 10% at Other Notable Accomplishment- 20% na may kabuuang isandaang porsyento.

Sa criteriang other notable accomplishment, nakapaloob dito ang mga operasyon ng PNP sa pagsugpo ng droga, krimen, panghuhuli sa mga wanted person at pagpapanatili sa mababang kaso ng krimen sa nasabing bayan.

Inalay naman ito ng ahensiya ang karangalan para sa mga kawani at tauhan ng Matalam PNP pati na rin ang suporta ng pamahalaang lokal sa bayan.

Maliban naman sa Matalam PNP, anim ring mga municipal police stations sa North Cotabato ang pasok sa top 10 gaya ng Midsayap, Makilala, Mlang, Libungan, Kabacan at Pigcawayan Municipal Police station.

 

-0-

 

Apat na estudyante sugatan nang mabagsakan ng nabuwal na puno ang sinilungang covered pathway sa Lake Sebu, South Cotabato

Kinilala ni Lake Sebu PNP OIC Police Major Nathaniel Panaguiton ang isa sa mga biktima na si Albert Datal Timbang, 18 years old. Ayon kay Panaguiton si Timbang na nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ay dinala sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.

Sinabi ni Panaguiton na sugatan din ang mga kasama ni Timbang na pawang mga babaeng 18 years old at dalawang 16 years old . Ang mga ito ay dinala naman sa Lake Sebu Emergency Hospital. Ang mga biktima ay pawang mga estudyante ng Lake Sebu National High School.

Sinabi ni Panaguiton na ang mga biktima ay nabagsakan ng bubong ng sinilungang covered pathway sa labas ng kanilang eskwelahan. Ito ay matapos tamaan ng nabuwal na puno ng narra sanhi naman ng malakas na ulan at hangin kahapon ng tanghali sa Lake Sebu.

 

-0-

 

 “Basura Hotspot, Super Hero Challenge,” tampok sa environment month celebration ng provincial environment and management office ng South Cotabato

Inilunsad ng Provincial Environment and Management Office o PEMO South Cotabato ang “Basura Hotspot, Super Hero Challenge” ngayong Environment Month. Layun nito na hamunin ang publiko na maging responsableng mamamayan at mapangalagaan ang kapaligiran para sa Clean and Green South Cotabato. Ito ay ayon kay PEMO Environment Management Specialiast Elbie Balucanag.

Kailangan lamang gawin ng mga mamamayan ayon kay Balucanag na bumuo ng grupo na may myembro na hindi bababa sa lima katao. Ang mga ito ayon kay Balucanag ay maghahanap ng basura hot spot area na lilinisin sa pamamagitan ng paghihiwalay ng nabubulok at di nabubulok na basura at I-post sa Facebook page ng PEMO.

Ayon kay Balucanag ang post na mayroon pinakamaraming like at love reactions ay pararangalan sa culmination program ng environment Month sa Hunyo 20. Ayon kay Balucanag tampok din sa environment month celebration sa South Cotabato ang Walk Run and Pedal ngayong araw.

Magiging higlight naman nito ang paglagda ng memordandum of agreement sa collection, treatment at disposal ng mga basura at mga infectious waste. Pangungunahan ito ng Environmental Management Bureau o EMB 12 kasama ang mga pollution officers ng mga ospital at klinika sa lalawigan.

 

-0-

 

DOLE 12 at mananahi na taga Pigcawayan, North Cotabato wagi sa Kabuhayan 2019 Awards ng nasabing ahensya

Idineklarang top 3 region sa katatapos lang na Kabuhayan 2019 Awards sa Kalakhang Maynila ang Department of Labor and Employment o DOLE region 12.

Ito ay matapos magpakita ng magandang performance at malagpasan ang kanilang target sa pagpapatupad ng DOLE Integrated Livelihood Program o DILP. Maliban dito nangibabaw din ang taga Pigcawayan North Cotabato na si Teresita Lania laban sa mga finalist sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nakuha ni Lania ang 2019 Kabuhayan Award Best Livelihood para sa individual category. Napalago ni Lania ang dressmaking business na bigay sa kanya ng pamahalaan na ngayon ay nagmamay ari na ng dress making at repair shop sa Pigcawayan. Si Lania ay tumanggap ng plake at P80,000 cash incentive.

Ayon kay DOLE 12 Regional Director Sisinio Cano, sana ay maging magandang halimbawa sa iba pang mga benepisyaryo ng kanilang mga programang pangkabuhayan si Lania. Ang Kabuhayan 2019 Awards ay pinangunahan ng Bureau of Workers with Special Concerns ng DOLE. Layun nito na kilalanin ang mgs regional offices ng DOLE, at mga livelihood focal persons na pinakamagaling sa pagpapatupad ng mga livelihood programs ng ahensya.

 

0-0-

 

Tumulong para mapigilan ang patuloy na pagdami ng kaso ng dengue sa SOCCSKARGEN.

Hiniling ito ni Department of Health 12, Focal Person for Dengue and Measles Prevention Program Jenny Panizales sa mga mamamayan ng rehiyon. Kasunod ito ng pagkasawi ng 26 katao sanhi ng dengue fever sa region 12 mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Mas mataas ito sa walo katao na naitalang nasawi dahil sa nasabing karamdaman sa rehiyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Naitala ang 11 na pinakamarami sa mga ito sa North Cotabato, at walo sa South Cotabato.

Ayon kay Panizales tig tatlo katao naman ang binawihan ng buhay dahil sa dengue sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat at Sarangani at Cotabato City.

Ayon kay Panizales ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit o RESU 12 ay nakapagtala din ng mahigit 6,000 ng dengue cases hanggang noong May 18. Ito ay mas mataas ng 168 % kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Pinakaramarami sa mga ito na umabot sa may 2,200 ay naitala sa North Cotabato; may 1,700 cases sa South Cotabato; mahigit 700 sa Sultan Kudarat; may 600 sa Sarangani; mahigit 400 sa General Santos City at may 270 sa Cotabato City.

Hiling ni Panizales sa mga mamamayan lalong lalo na sa mga magulang tumulong sa pagpapatupad ng “4s stretegy.” Ito ay ang Search and destroy ng breeding places ng dengue carrying mosquitoes, Secure self protection, Seek early consultation at Saying No sa indiscriminate fogging operations.

Binigyan diin ni Panizales na wala nang pinipiling panahon ang pagdami ng dengue cases dahil naitatala pa rin ito sa iba’t ibang parte ng rehiyon kahit na taginit.

 

-0-

 

 

Mahigit 30 pasahero nakaligtas sa nasunog na Husky bus sa Tantangan, South Cotabato

Nasunog ang Husky Bus na patungo ng Cotabato City sa national highway Barangay Magon, Tantangan, South Cotabato dakong alas tres kahapon. Bago lamunin ng apoy nakalabas at nakaligtas naman ang mahigit 30 mga pasahero ng bus na kagagaling lang ng Koronadal Integrated Bus Terminal.

Ang bus ay dadaan pa sana ng Tacurong bago tumuloy sa Cotabato City. Ayon sa driver nitong si Abdulmanan Kendi, nasa maayos na konodisyon ang nasabing bus nang umalis ito ng Koronadal.

Sa katunayan ayon kay Kendi kare-repair lamang nito sa isang electrical shop. Sinabi ni Kendi na nang makaamoy ito ng parang may nasusunog at makita ang usok sa salamin ng bus agad niyang inihinto ang bus at sinabihan ang mga pasahero na bumaba.

Ayon kay Kendi nagsimula ang apoy posible dahil sa pumalyang linya ng kuryente sa engine compartment sa likurang bahagi ng nasunog na bus.

 

Type a message...

Magnitude 5.9 quake jolts mainland Mindanao

KIDAPAWAN CITY - A magnitude 5.9 quake jolts mainland Mindanao tonight at 9:22 p.m. with the epicenter traced in Kadingilan, Bukidnon, the...

2 sets of equipment bought by LGUs in Visayas, 1 acquired in 2016

Latest Update from Region 8

2 SETS OF EQUIPT BOUGHT
BY LGUs, 1 ACQUIRED 2016

A few minutes ago, I received a copy of the...

Piñol denies acquisition of defective equipment during DA stint

DAVAO CITY -- Former Agriculture Secretary Emmanuel Piñol clarified in a Facebook post on Monday that all equipment procured and...

44 loose firearms handed over to state troops in Lanao

A total of 44 loose firearms were turned over by the locals of Bayang, Lanao del Sur and its neighboring municipalites to the troops of the 55th...

NDBC BIDA BALITA (Nov. 18, 2019)

NDBC BIDA BALITA 7 AM 

HEADLINES:

1. ARAWANG SAHOD ng mga minimum wage earner sa mga lugar na sakop ng BARMM,...