Wednesday Oct, 16 2019 05:22:19 AM

NDBC BIDA BALITA (6.28.19)

NDBC BALITA • 20:30 PM Fri Jun 28, 2019
273
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JUNE 28, 2019 (FRI)
7:00 AM

HEADLINES:

1. PINA-IGTING na kampanya kontra iligal na droga, nagpapatuloy sa Cotabato city at mga karatig bayan sa Maguindanao.

2. 16 na mga barangay sa Kabacan, North Cotabato, ideneklarang drug-cleared ng PDEA 12

3. Empleyado ng isang pineapple company, natagpuang patay sa Allah River, sa T’boli, South Cotabato

4. Lalaking suspect sa pagpatay at pag-rape sa batang babae, naaresto ng PNP sa Bagumbayan, Sultan Kudarat.

 

-0-

 

local………………..

HULI ang isang construction worker sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa 3rd Road, Purok Sampaguita, Barangay Rosary Heights 12, Cotabato City.

Kinilala ni Police Station 4 commander Police Captain Elexon Bona ang nadakip na suspek na si ALCAPSHY BANSIL AMPATUAN, alyas “KAP”, 29 anyos, may asawa, at taga Pansacala Street, Barangay Rosary Heights 10 ng lungsod.

Ayon kay Bona, nabitag ang suspek pasado alas tres ng hapon kamakalawa sa kanilang operasyon katuwang ang PDEA BARMM matapos na mapagbentahan ng suspek ang isang pulis asset na nagpanggap na buyer.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang sachets ng pinaghihinalaang shabu at ang 300 pesos na marked money na ginamit sa operation.

SAMANTALA, pormal ng sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 sa City Prosecutor office ang isa pang nadakip na drug suspect na si ESEMAR TALIMASAN BERTUDES, alyas “Bogart at Joven”, 32 years old, mekaniko at taga Purok Bagong Silang ng lungsod.

Si Bertudes ay nadakip makaraang makuhanan ng dalawang sachets ng shabu sa ikinasahang buy bust operation ng mga otoridad sa LR Sebastian street, kamakalawa ng hapon.

 

-0-

 

Local………………….

NAARESTO din ng mga otoridad ang isa pang drug suspect sa buy bust operation sa Brgy. Mataya, Buldon, Maguindanao kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Mukhdum Tomawis, 33 years old at residente ng nabanggit na lugar.

Nadakip ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Maguindanao provincial drug enforcement unit, Maguindanao PNP, BULDON PNP, at LGU sa pangunguna ni Buldon mayor Abolais Manalao.

Nakuha sa suspek ang tatlong sachets ng shabu at 300 pesos na marked money.

Samantala, sa Datu Odin Sinsuat naman, humirit umano ng preliminary investigation ang kampo ng criminology graduate na nakuhanan ng isang kilong shabu ng mga otoridad kamakailan.

Sa ngayon ay nasa detention facility pa rin ng PDEA-BARMM sa Cotabato city ang suspek na si Sajid Usop Talib na nakuhanan ng nasa 6.8 million pesos na halaga ng iligal na droga nang madakip siya sa buy bust operation noong June 18, sa Barangay Poblacion, Dalican.

Nabatid na humiling ng imbestigasyon ang abogado ni Talib sa Provincial Prosecution Office matapos na mariing itinanggi nito ang mga ebidensyang nakuha ng mga otoridad mula sa suspek.

Sinabi naman ni PDEA-BARMM Regional Director Juvenal Azurin na susundin nila ang kautusan ng piskalya at igagalang ang karapatan ng akusado.

Dagdag pa ni Azurin, ang mahalaga ay nagawa nila ang kanilang tungkulin at hihintayin ang resulta ng imbestigasyon para tuluyang maparusahan ang suspek.

 

-0-

 

NASIRA ang nasa 30 mga puntod sa Catholic Cemetery ng Cotabato city matapos na mabagsakan ang mga ito ng malaking puno kahapon ng umaga.

Sinabi ng sepultorerong si Reggie Tibalan na dahil nasira ang mga nitso kaya’t nangangamoy ang ilang mga bangkay na nasa loob ng mga ito.

Kaya naman panawagan ni Tibalan sa mga may mga kamag-anak na nakalibing sa Catholic Cemetery sa barangay Rosary Heights 1 na kung maaari ay puntahan ang puntod ng mga ito at ayusin.

Ayon kay Tibalan, nabagsakan ang mga puntod ng puno ng acacia na natumba sa kasagsagan ng malakas na pagbuhos ng ulan kasabay ng malakas na ihip ng hangin.

Inaasahang tutulong din ang City LGU para maisara ang mga nitso at muling mailibing sa lalong madaling panahon.

 

-0-

 

NADAKIP sa Kauswagan, Lanao del Norte ang ikatlo sa listahan ng mga Most Wanted Person ng Libungan PNP.

Nakilala ang nadakip na si GELACIO CALUMBRES ABANDO JR. alyas “Pedot”, 41 years old, may asawa, isang laborer at halos tatlong taon ng wanted sa kasong murder.

Inaresto si Abando ng mga pulis ng Kauswagan PNP sa Brgy. Poblacion, Kauswagan, kamakalawa sa bisa ng  Warrant of Arrest na inisyu ni RTC 12, Branch 28 Judge Rainera Osua, noon pang October 28, 2016.

Si Abando ay nadakip matapos umano nitong saksakin hanggang sa mapatay ang biktimang si ALFREDO MOLO Jr. sa P-3 Isla Verde Kawit Occidental, Kauswagan Lanao Del Norte.

Nang suriin ng mga otoridad ang record nito ay napag-alamang matagal na palang wanted sa Libungan, North Cotabato ang suspek dahil sa kasong pagpatay.

 

-0-

 

Kinumpirma ngayon ni Senator-elect Bong Go na naghain na ng courtesy resignation si Agriculture Sec. Manny Piñol.

Sinabi ni Go na personal niyang nakita at nabasa ang courtesy resignation ni Piñol kahapon.

Ayon kay Go, inihayag ni Piñol na handa siyang umalis sa pwesto kung wala ng tiwala sa kanya si Pangulong Duterte.

Kaugnay nito, inirekomenda umano ni Piñol kay Pangulong Duterte ang tatlong undersecretaries ng Department of Agriculture na pansamantalang papalit sa kanya hanggang makapili ito ng permanenteng kalihim ng kagawaran.

Batay sa ipinadalang sulat ni Piñol, handa raw siyang tanggapin ang pagiging chairman ng Mindanao Development Authority o MinDA kung iaalok sa kanya ito ni Pangulong Duterte kapalit ng namayapang MinDA chairman Tahir Alonto.

Sa ngayon, ayon kay Go, hinihintay pa umano ang desisyon ng pangulo kung tatanggapin ang pagbibitiw sa tungkulin ng kalihim.

Samantala, sinubukan naman ng Radyo Bida na hingin ang opisyal na pahayag dito ni Sec. Piñol pero tumanggi itong magbigay ng komento sa ngayon.

 

-0-

 

16 Barangays sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, ideneklarang drug cleared ng PDEA 12

Ideneklarang drug cleared ng PDEA region 12 ang labin-anim na mga barangay sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Ito ay kinabibilangan ito ng Barangay Bangilan, Bannawag, Buluan, Katidtuan, Kilagasan, Malamote, Malanduague, Nangaan, Osias, Upper Paatan, Pisan, Salapungan, Sanggadong, Simbuhay, Simone, at Tamped.

Ayon sa PDEA mula Enero hanggang Hunyo 25 ng taon ang datos na beneripika ng kanilang tanggapan pero dapat na pagsikapang panatilihing malinis ang kanilang nasasakupan.

Pangatlo din ang bayan ng Kabacan na idineklara ng PDEA XII sa lalawigan ng Cotabato na may mga drug cleared barangays. Nagpasalamat naman si Kabacan Municipal Mayor Herlo P. Guzman Jr. sa PDEA 12 at sa bumubuo ng konsehong tagapanuri.

Kanya ring hinamon ang mga barangay na natitira na hindi pa drug cleared na paghusayan ang kanilang gawain at siniguro nitong buong susuporta ang bayan ng Kabacan sa kanilang mithiin.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dalagang may Fibrous Dysplexia nagtuturo narin ng beauty care sa TESDA

Kakaiba man ang hugis ng mukha ng isang dalaga mula sa Kidapawan City ngunit hindi ito naging hadlang upang makapagturo ng beauty care sa isang Technical Vocation School. Ang dalaga na si Jondelyn Sato, 22 anyos, guro sa Kidapawan Technical School at taga Kidapawan City.

Ayon pa kay Jondelyn, pitong taong gulang pa lamang siya nang magkasakit ng na Fibrous Dysplexia, isang uri ng sakit sa buto kung saan dahilan ng pag-iiba ng hugis ng mukha nito. Iba man ang hugis ng kanyang mukha ngunit pinatunayan ni Jodelyn na hindi lang sa ganda ang beauty care ngunit ito rin ay sa diskarte at talino.

Pinatunayan ni Jodelyn sa pamamagitan ng kanyang patuturo na kaya nitong makisabayan at patunayan ang kanyang angking galing. Nagtapos din si Jodelyn ng Bread and Pastry NC II, Cookery NC II, Food Processing NC II at Massage Therapy NC II sa TESDA Isa lang si Jodelyn na nagpapatunay na walang pinipili ang programa ng TESDA. Kasama ang angking galing at pagpupursige kayang kaya na makamit ang mga pangarap sa buhay. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mga magsasakang apektado ng nagdaang El-Niño, nakatanggap na rin ng certified rice seeds mula sa Kidapawan City LGU

Ipinamimigay na sa mga palay farmers ang mga certified rice seeds na naapektuhan ng nagdaang El-ñino sa Kidapawan City. Ito ay mula sa calamity fund ng lokal na pamahalaan matapos isailalim ang lungsod sa state of calamity.

Layon nitong matulungan ang mga magsasaka na mabawi ang kanilang mga napinsalang produkto dahil sa mahigit apat na buwang walang pag-ulan sa lungsod. Abot sa apatnapung kilong certified rice seeds ang nilalaman ng bawat bag na ibinigay ng City Government sa bawat magsasaka.

Ayon sa City Agriculture office, ang Farmers Association ng dalawampu at isang barangay ang tumanggap ng ayuda. Katulad ng pamimigay ng hybrid corn seeds ay naka depende rin ang bilang ng bags sa lawak ng pinsalang tinamo ng mga palayan sa mga barangay na naapektuhan ng tagtuyot. Ang Barangay Macebolig naman ang nakatanggap ng 173 bags at 1,090 mula sa kabuo-ang 1,200 ang aktwal na ibinigay.

Ang natirang 110 bags ang magsisilbing “buffer stock” na ibibigay kung sakaling may mga grupo ng magsasakang mangangailangan nito. Maari na ring makapagtanim ang mga magsasaka dahil nagsimula na rin ang panahon ng tag-ulan. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dengue cases sa North Cotabato, tumaas ngayong taon ayon sa IPHO head Ito ay ayon kay IPHO head Dra. Eva Rabaya sa naging panayam ng Radyo-BIDA.

Sinabi ni Rabaya, abot na sa 2, 832 cases ang naitala sa buong probinsya mula enero hanggang hunyo 21,2019 kumapara noong naaraang taon sa kaparehong panahon. Sampu ka tao na din ang nasawi dahil sa sakit na dengue na mula sa mga bayan ng Alamada, Carmen, Antipas, Libungan, Kidapawan City, Matalam, Midsayap at sa bayan ng Makilala.

Patuloy naman anya ang kanilang ginagawang interbensyon gaya ng pagsasagawa ng dengue forum upang lumawak pa ang kaalaman hinggil sa nasabing sakit nang sa gayun ay mapababa at tuluyang mapuksa ang kaso ng dengue sa lalawigan.

Kabilang na ang pagsasagawa ng fogging operation lalo na sa mga lugar na maraming nai-ulat na maraming kaso. 

Iminungkahi naman ng opisyal sa lahat na ipatupad ang search and destroy lalo na sa kanilang mga breeding sites. Anya, kailangan ding makipagtulungan ang lahat ng mga mamamayan sa mga health sector para hindi na dadami pa ang mga lamok na may dalang sakit na dengue. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dalawang wanted persons, arestado sa magkahiwalay na operasyon ng PNP sa Arakan at Antipas, North Cotabato

Huli ng pulisya ang dalawang mga wanted persons sa hiwalay na operasyon sa bayan ng Arakan at Antipas, North Cotabato kahapon. Unang nahuli ang isang Johnny Supaton Tumabang, 37 anyos, may asawa at nakatira sa Barangay Malire, Antipas.

Ang suspect ay nahaharap sa kasong rape na inisyu ni Judge Arvin Sadiri Balagot, Kidapawan City. Habang alas 4:30 naman ng madaling araw kahapon inaresto din sa Arakan, Cotabato ang isang wanted person na kinilalang si Jose Verdadero Garino , 48 years old, magsasaka at residente ng Barangay Badiangon Arakan.

Dala ng PNP an gang warrant of arrest na may kasong Sexual Assualt na inisyu naman ni Judge Jose Tabaosares. Nakapiit na ang dalawa sa custodial facility habang nakatakdang sampahan ng kaso sa korte ngayong araw. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Empleyado ng isang pineapple campany natagpuang patay sa Allah River sa T’boli, South Cotabato

Natuklasan ng mga concerned citizen na nagreport sa PNP ang bangkay ng isang lalaki sa Allah ?River sa Sitio Dalla, Barangay Edwards, T’boli, South Cotabato.

Kinilala ni T’boli Acting Chief of Police, Major Bernie Faldas ang biktima na si Edwin Lumbang Flang, 32 anyos, binata at empleyado ng isang pineapple company sa nasabing bayan. Hinala ng PNP pagkalunod sa ilog ang ikinasawi ng biktima. Ayon kay Faldas, si Flang ay hinanap ng kanyang mga kaanak noon pang June 23. Ito ay matapos umanong madulas at bumagsak sa nasabing ilog.

Para masigurong walang foul play sa pagkasawi nito, ipasasailalim pa sa autopsy ng mga kaanak nito ang natagpuang bangkay. Matatandaan na isa katao rin ang nasawi sa pagkalunod matapos itulak nang nakabangayang kainuman sa irrigation canal sa Sto. Nino, South Cotabato noong nakaraang linggo.

 

-0-

 

Pagpapasara ng dalawang gasolinahan ipinaliwanag ng Revenue District Officer ng Bureau of Internal Revenue sa Koronadal City

Dumaan sa mahabang proseso ang pagpapasara nila sa mga gasolinahan ng Flying V sa Koronadal City. Ito ang ipinahayag ni Bureau of Internal Revenue o BIR Revenue District III Revenue District Officer Noel Gonzales. Nilinaw ni Gonzales na bago ikinandado inimbistigahan muna ng ahensya at binigyan ng pagkakataon ang mayari Flying V na makapagpaliwanag.

Sa katunayan ayon kay Gonzales, 2017 pa binalaan na nila ang nasabing oil company na magdeklara ng tamang kita at magbigay ng resibo sa mga customer. Ayon kay Gonzales sa buong bansa umabot na sa mahigit P5 million pesos ang bayarin sa buwis ng Flying V. Ikinando ng BIR ang mga Flying Gasoline Stations sa Gensan Drive at Arellano Street sa Koronadal City.

Binigyan diin ni Gonzales na papayagan lamang na muling makapag-operate ang nasabing mga gasoline stations kapat nabayaran ang kanilang obligasyon sa pamahalaan. Sinabi ni Gonzales na matapos ang Flying V, tututukan din sa “Oplan Kandado” ng BIR ang limang mga malalaking business establishements sa Koronadal City.

 

-0-

 

Bago ang pagbaba nito sa pwesto binigyan ng otoridad ng Sangguniang Panlalawigan na lumagda ng kasunduan sa Department of Health si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes.

Kaugnay ito sa transition period para sa conversion ng Upper Valley Community Hospital sa bayan ng Surallah para maging regional Hospital.

Ito ay ayon kay South Cotabato Board Member Ellen Grace Subere-Albios na siya ring Chairman ng Committee on Health ng Sagguniang Panlalawigan. Ayon kay Albios nakasaad sa kasunduan na magpapatuloy ang supervision ng provincial hospital sa upper valley community hospital hanggang sa ito ay ma-turn over sa DOH.

Reresolbahin din sa transition period kung ano ang maaring gawin ng provicial government at DOH para sa pagpapabuti ng mga pasilidad at personnel ng ospital.

Inaasahan naman na magaganap ang signing ng Memorandum of Agreement sa pagitan ni Fuentes at mga opisyal ng DOH sa lalong madaling panahon.

 

-0-

 

Skills training ng TESDA napapakinabangan ng 15 indigenous peoples sa Koronadal City

Nagasasanay na sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang 15 mga indigenous peoples o IP sa Koronadal City. Katuwang ng TESDA sa programa ang tanggapan ni Indigenous Peoples Mandatory Representative Antonio Abing.

Ayon kay Abing ang nasabing mga TESDA scholars ay inaasashang mabibigyan ng NC II certificate sa bread ang pastry, Housekeeping at Cookery.

Ayon sa isa mga benepisyaryo ng programa na si Lorna Digu, 46 anyos, malaking tulong sa tulad niyang dating OFW na wala nang balak pang mangibang bansa ang training sa TESDA. Ipinahayag ni Digu na kapag mayroon na siyang NC II sa Bread and Pastry magtatayo ito ng negosyo sa kanilang barangay para matutukan ang kanyang anak.

Nagpasalamat din si Digu sa gobyerno dahil sa pagkakataong ibinigay para makapagaral silang mga IP.

 

-0-

 

Suspek sa pagpatay at pangagahasa sa isang bata inaresto ng mga pulis sa Bagumbayan, Sultan Kudarat

Kinasuhan na ng mga police ng rape with homicide ang isa katao na kanilang naaresto sa Bagumbayan, Sultan Kudarat. Ito ang kinumpirma ni Bagumbayan Chief of Police, Major Julius Malcontento.

Ayon kay Malcontento ang kanilang inaresto ay suspek sa pagpatay at panggahasa umano sa isang siyam na taong gulang na batang babae sa nasabing lugar.

Sinabi ni Malcontento na matapos isumbong ng isang saksi agad na nagsagawa ng follow up operation ang PNP na nagresulta sa pagkakahuli nila sa suspek.

Tumanggi naman si Malcontento na pangalangan ang suspek at maging ang biktima dahil nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

Gayunpaman nagpasalamat naman si Malcontento sa mga mamamayan ng Bagumbayan dahil sa naitulong ng mga ito para mahuli ang umanoy salarin.

 

-0-

 

Goat Multiplier Farm ng DA mapapakinabangan ng mga magsasaka sa Kiamba, Sarangani Province

Naibigay na ng Department of AGriculture o DA ang mahigit P3 million Goat Multiplier Farm para sa mga magsasaka ng Barangay Tambilil, Kiamba, Sarangani Province.

Nanguna sa turn over ceremony ng nasasabing proyekto sina DA Assisstant Secretary for Livestock Enrico Garzon Jr. Kasama nito si DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis. Ayon kay Casis kasabay din nito ang paglunsad ng Artificial Insemination o AI sa Barangay.

Ito ay joint project bilang suporta sa National Livestock Program o NLP ng Agricultural Training Institute o ATI at Lokal na pamahalaan ng Kiamba. Layunin g ng proyekto na madagdagan ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapaigting din ng produksyon ng mga livestock animals tulad ng kambing.

 

Agri and fisheries top industries in the proposed BARMM investments list

COTABATO CITY  -  Agriculture and Fisheries are top industries which the Bagnsamoro region can offer to investors both foreign and local...

Pope names new Sorsogon bishop

SORSOGON - Pope Francis has appointed Fr. Jose Alan Dialogo of the Manila archdiocese as the new bishop of Sorsogon.

The...

Bishops push for greater mining accountability

KIDAPAWAN CITY - Mindanao bishops have joined the initiative for the government to hold mining firms accountable for the environmental and...

The Word of God is living and effective

Reading 1ROM 1:16-25

Brothers and sisters:
I am not ashamed of the Gospel.
It is the power of God for the...

MILF infighting sends civilians fleeing

DATU MONTAWAL, Maguindanao  – A long standing territorial dispute between members of Moro Islamic Liberation Front in Maguindanao erupted...