Monday Oct, 14 2019 07:49:27 AM

NDBC BIDA BALITA (6.26.19)

NDBC BALITA • 06:30 AM Thu Jun 27, 2019
283
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JUNE 26, 2019 (WED)
7:00 AM

HEADLINES:

1. APAT KATAO, arestado sa magkakahiwalay na buy bust operations sa Cotabato city at Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

2. Mag-ina, patay sa vehicular crash sa Carmen, North Cotabato

3. Barangay Kagawad, inireklamo ng kanyang mga ka-barangay matapos umanong magpaputok ng baril sa Tantangan, South Cotabato

4. Walang online registrtion para sa membership ng Philhealth, ayon sa isang opisyal ng ahensya.

 

-0-

Local………………..

HULI ang dalawang mga suspected drug courier sa ikinasang drug buy bust operation ng Police Station 3 sa Cotabato city katuwang ang City Drug Enforcement Unit at PDEA BARMM pasado alas siyete ng umaga kahapon.

Kinilala lamang ang dalawang mga nadakip na sina sa alyas Ashley at Jong, pawang mga residente ng Pascual area, Barangay Rosary Heights Mother ng syudad.

Nabatid na matagal na umanong minamanmanan ng mga otoridad ang dalawa na madalas nagbebenta ng iligal na droga sa mga estudyante.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu at 500 pesos na marked money.

Sila ay nakakulong na ngayon at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Samantala, pasado alas dos naman ng hapon kahapon nang maaresto ang isang mekaniko sa isa ring buy bust operation ng Police Station 2 sa tapat ng Superama Hypermart.

Kinilala naman ang nadakip na si Esmar Bermudes, may-asawa at taga Bagong Silang Street, Barangay Rosary Heights 5.

Nakuha mula kay Bermudes ang dalawang maliliit na sachets ng suspected shabu, 500 pesos marked money, disposable lighter at ilan pang drug paraphernalia.

Sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao naman, nadakip din ang dalawang mga lalaki sa isa ring buy bust operation sa Brgy. Tamontaka, pasado alas nuebe ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Joseph Ponce Parido na taga-Cotabato City at Mohamad Mual Kawilan, 25 anyos, na taga – Barangay Sibuto, Datu Odin Sinsuat.

Katuwang ng DOS PNP sa naturang operasyon ang Maguindanao Provincial Drug Enforcement Unit at Army’s 14-0-1st Regional Mobile Force Company.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang sachets ng pinaniniwalaang shabu at dalawang pirasong ng two Hundred Peso bill na ginamit bilang marked money.

 

-0-

 

Sa inisyal na report ng City PNP, kinilala ang nasawing biktima na si Muharin Omar Kasan, taga- Crossing Simuay,ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sakay umano ang biktima ng minamaneho niyang motorsiklo nang pagbabarilin siya ng riding tandem suspects sa bahagi Lugay2x Street, Brgy. Bagua Uno ng lungsod.

Nagtamo ng maraming mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan si Kasan na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Nagkalat naman sa crime scene ang nasa 20 mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol na ginamit sa pagbaril at pagpatay sa biktima.

 

-0-

 

-0-

UMAABOT umano sa higit dalawang milyong piso ang halaga ng mga ari-ariang natupok ng apoy matapos na masunog ang apat na mga bahay, isang birthing clinic, grocery store at computer shop sa Rajah Buayan, Maguindanao.

Sinabi ni Rajah Buayan mayor Zamzamin Ampatuan na pasado alas dos ng madaling araw kahapon nangyari ang sunog kaya’t halos walang naisalbang mga gamit ang mga apektadong residente ng Barangay Poblacion Zapakan sa bayan.

Ayon kay Ampatuan, wala ring firetruck ang kanilang bayan kaya humihingi pa sila ng tulong mula sa mga karatig na lugar para maapula ang apoy.

Kaugnay nito ay muling umapela ang alkalde sa mga kinauukulang ahensya na tugunan na ang kanilang hiling na mga bombero upang magkaroon sila ng pamatay-sunog.

 

-0-

 

TULOY ang pag-aaral ng mga estudyante ng Pageda Elementary School sa Talitay, Maguindanao bagaman at nasunog ang kanilang school building noong June 4, 2019.

Nakapagtayo na kasi ng temporary learning spaces ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para pansamantalang pagdarausan ng kanilang mga klase.

Sinabi ni Education Minister Mohagher Iqbal na bukod sa tents na bigay ng Save the Children, namahagi rin sila ng learning kits and materials, hygiene kits at mga laruan sa mga mag-aaral.

Nagkaroon din ng libreng dental services, at nagtayo in sila ng handwashing area para sa mga bata.

Ayon kay Iqbal, katuwang nila sa naturang proyekto ang UNICEF, Pathways, Kadtuntaya Foundation, Talitay LGU, AFP at PNP.

Lubos naman ang pasasalamat ni ni Maguindanao 1 Schools Division Superintendent Bai Alibai Benito Aleuden sa tulong na natanggap ng Pageda Elementary School.

Ipinangako naman ni Talitay mayor Abdulwahab Sabal na hindi pababayaan ng lokal na pamahalaan ang ipinagkatiwalang mga kagamitan sa naturang paaralan at sisikaping wala ng paaralan pang masusunog sa kanilang bayan.

 

-0-

 

HULI ang isang lalaki sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Midsayap, North Cotabato pasado alas sais kagabi.

Kinilala ni Midsayap PNP Chief, Police Lt. Col. BENITO AGUILA ROTIA JR. ang nadakip na suspek na si FRANCIS DAVE LECHAGO BOSTON, 23 years old, single, walang trabaho at taga -Barangay Central Bulanan, Midsayap.

Ayon kay Rotia, nabitag si Boston sa Barangay Poblacion Dos, partikular malapit sa St. Mary’s Academy matapos na mapagbentahan nito ng iligal na droga ang isang pulis na nagkunwaring buyer.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng pinaniwalaang shabu at nabawi rin sa kanya ang 500 pesos na marked money.

Nakakulong na ngayon si Boston at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165.                                                                                 

 

-0-

 

Patay ang mag-ina matapos na masalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isa pang motorsiklo alas 6:50 ng gabi kamakalawa sa Purok 7, Barangay Poblacion Carmen, North Cotabato.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Villanora Librando, 46 anyos at ang kanyang 11 taong gulang na anak na si Bernadette na kapwa nakatira sa Purok 3 ng nasabing Barangay.

Ayon sa ulat ng Carmen PNP, binabaybay ng mga biktima ang Everlasting Street sa nasabing lugar na minamaneho ni Jimmy Librando angkas ang dalawang nasawi na misis at anak nito.

Nang pagsapit sa madilim na bahagi ng daan ay bumangga ang kasalubong na isa pang motorsiklo na sadayng hindi kinilala sa report ang drayber.

Dahil sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ang dalawang backrider sa sementadong daan na nagresulta sa agarang pagkamatay ng misis at nasawi naman ang 11 taong gulang na anak habang ginagamot sa ospital. Nasa kustudiya na ng Carmen PNP ang drayber at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

World Boxing Organization Asia Oriental Lightweight Champion na mula sa Carmen, Cotabato, todo ensayo na para sa nalalapit na laban sa Davao Del Norte

Pangarap at ang determinasyon na maging sikat na boksingero ang dahilan ng pagsali sa mga boxing event ng isa ding World Boxing Organization Asia Oriental Lightweight champion na mula sa bayan ng Carmen, Cotabato.

Sa naging panayam ng Radyo-Bida kay Ronie Baldonado, 23 years old na taga Barangay Kibudtungan Carmen, sinabi nitong bukod sa pangarap niya ang maging kilala sa larangan ng boxing ay nais niya ding makatulong na mai-angat ang antas ng pamumuhay ng kanyang pamilya.

Araw-araw naman anya ang kanyang ginagawang ensayo para sa nalalapit nitong laban sa Davao Del Norte ngayong June 28, 2019. Una ng nakilala si Baldonado matapos niyang talunin ang Chinese slugger na si Yeming Ma noong September 2017 sa Beijing, China kung saan itinanghal siya bilang WBO Asia Oriental Light Flyweight Champion.

Kwento niya, halos araw-araw anyang pinapatawag ang kanyang mga magulang sa paaralan dahil parating nanghahamon ng suntukan si Baldonado. Sa ngayon, gusto naman niyang gawin sa mabuti ang kanyang kamao at mga natutunang technique mula din isang champion sa larangan ng boxing na si Manny Pacquiao na taga General Santos City na gusto niya ring sumunod sa yapak nito.

Nagsimula sa kanyang boxing career si Baldonado bilang amateur noong 2013 at naging professional boxer noong 2015.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Regional Internal Affairs Services o RIAS 12, muling nagpaalala sa mga babaerong pulis

TAKE-CHARGE O DISCHARGE.

Ito ang malaking hamon ng tanggapan ng Regional Internal Affairs Services o RIAS ng PNP 12 hinggil sa mga manlolokong pulis. Ayon kay RIAS 12 Regional Director Police Colonel Bernard Mendoza, ito ay isa sa mga tungkulin ng kanilang tanggapan sa pagpapanatili ng moralidad ng mga pulis.

Dagdag pa nito na marami na silang kaso nahawakan na may kinalaman sa pagtataksil dito lamang sa rehiyon.

Kaya hinikayat nito lalo na ang mga kakabaihan na dumulog sa kanilang himpilan kung sila ay sinaktan at niloko ng mga pulis.

Hinikayat din ni Mendoza na kung magsasampa naman ng kaso ay siguraduhing may hawak na sapat na ebidensya na magpapatunay na may namamagitan sa complainant at ng nirereklamong pulis. Sinabi rin nito na mas madaling matanggal sa serbisyo ang isang pulis kung may matibay na ebidensya laban sa kanya. Ang pagsasampa naman ng kaso ay hindi lamang limitado sa mga asawang sinaktan kundi pati na rin ang mga kasintahan pa lamang.

Muli namang nagpaalala si Mendoza sa mga pulis na maging tapat sa kanilang kabiyak at kasintahan para maiwasan ang emotional damage at hindi na humantong sa pagsasampa ng kaso.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Magpet Rural Health Unit mas pinapalakas pa ang kampanya kontra dengue sa bayan

Nililibot na ngayon ng mga personahe ng Magpet Rural Health Unit ang bawat barangay sa bayan upang magbigay ng dagdag na impormasyon hinggil sa sakit na dengue.

Ito matapos ikabahala ng mga residente ang mga natalang kaso ng dengue kong saan isang bata ang namatay dahil sa naturang sakit. Ayon sa Magpet RHU, nangangalap narin ang kanilang mga taohan ng mga residenteng tinamaan ng naturang sakit sa bawat barangay ng bayan.

Kasabay ng paglilibot ay ang information campaign ng RHU sa bawat bahay sa mga dapat tandaan at gawin panahong matamaan ng naturang sakit. Isa dito ayon sa RHU ay ang palagiang paglilinis ng paligid lalong lalo na ang mga bagay na may lamang tubig na pwedeng dapuan at pangitlogan ng lamok na may dalang dengue.(Mark Tayco) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Isang stall sa public Market sa bayan ng Mlang, North Cotabato nasunog

Ang naiwang apoy mula sa kahoy na ginamit sa pagluto ang isa sa mga nakikitang dahilan ngayon sa pagkasunog ng isang stall sa loob ng Mlang Public market mag-aalas 9 kagabi.

Sa naging panayam ngayong umaga kay Mlang Information Officer Hernand Dapudong, isang residente malapit sa lugar ang unang nakakita na umuusok sa Ansing refreshment at agad na inireport sa market guard. Ang Ansing Refreshment ay kilala sa kanilang Batchoy.

Agad namang nakaresponde ang mga personahe ng BFP Mlang dahilan para hindi na kumalat pa ang sunog sa mga katabing Stall.

Wala namang nasaktan sa sunog dahil wala ng tao sa loob nang mangyari ang sunog. Sa ngayon ay inaalam na kung magkano ang naging danyos ng naturang sunog.(Mark Tayco) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Drug-Free Workplace isinusulong ng PDEA 12

Nakilahok sa Drug-Free Workplace Seminar ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 ang 30 mga kinatawan ng pribadong mga establisemento sa Koronadal City.

Layon nito na maturuan ang mga frontliners at security officers ng mga hotel, restaurant at subdivsions na kung papaano mamonitor ang iligal na droga sa trabaho.

Ayon kay PDEA 12 Regional Director Naravy Duquiatan madalas kasing nagaganap ang illegal drug operation ng mga sindikato sa nasabing mga lugar. Ipinahayag ni Duquiatan na sa pamamagitan nito ay nahihikayat din ng PDEA ang mas maraming sektor na makiisa sa kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Ito ay bilang kabahagi din ng pagunita sa International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking ngayong araw.

Tema nito ang “Katarungan Para sa Kalusugan, Kalusugan Para sa Katurungan.” Ang Drug-Free Workplace seminar ay balak ding gawin ng Provincial Anti Drug Abuse Council o PADAC South Cotabato sa iba pang mga establisemento sa lalawigan.

 

-0-

 

Online membership registration, hindi raw totoo ayon sa Membership Division Chief ng Philhealth 12

Hindi nagporposeso ng membership online ang Philippine Health Insurance Copratation o o Philhealth.

Ito ang nilinaw ni Philhealth XII Membership Division Chief, Nevin Hallegado.

Ayon kay Hallegado, maliban sa online processing wala ring printing ng Philhealth ID. Sinabi ni Halleagdo na ang pamimigay ng Philhealth ng ID ay case to case basis.

Kaugnay nito kinumpirma ni Hallegado na iniimbistigahan ng Philhealth ang isang ospital sa region 12. Ito ay matapos umanong tulungan ang isang pasyente na hiramin ang identity ng ng isang Philhealth member para maproseso ang bayarin sa ospital.

Umaasa naman si Hallegado na dahil sa Universal Health Care Law ay maiwasan na ito dahil lahat ng mga Pilipino ay makatatanggap ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan. Ito ay kapag tuluyan nang naipatupad ang nasabing batas. Nanawagan Hallegado sa publiko na bantayan rin ang kanilang Philhealth Fund.

 

-0-

 

Laborer patay matapos itulak sa irrigation canal nang nakainitang kainuman sa Sto. Nino, South Cotabato

Patay ang isang laborer na nalunod sa irrigation canal matapos itulak umano ng lasing nakainuman sa barangay M Roxas, Sto. Nino, South Cotabato.

Kinilala ni Sto. Nino Chief of Police, Captain Sherwin Panaguiton ang biktima na si Jonary Infante, 48 anyos, nakatira din sa nasabing lugar. Ayon kay Panaguiton, ang biktimang si Infante ay itinulak umano ng suspoek na si Noel Fontanilla, 57 anyos sa NIA canal na may 12 feet ang lalim. Ito ay habang nagtatalo habang nagiinuman.

Sinubukan pang isalba ng mga kasama nito ang hikain at di marunong lumangoy na si Infante ngunit siya ay binawian din ng buhay. Ang suspek na nakainuman nitong si Fontanilla ay ikinustodya ng Sto. Nino PNP. Ayon kay Panaguiton, hinihintay na lamang nila kung magsasampa ng kaso laban kay Fontanilla ang mga kaanak ng nalunod na biktima.

 

-0-

 

Barangay Kagawad inireklamo sa PNP ng kanyang mga consituents matapos pagpaputok ng armas sa Tantangan, South Cotabato

Pinaghahanap pa ang mga pulis ang isang barangay Kagawad matapos walang habas na nagpaputok umano ng kanyang armas sa Tantangan, South Cotabato.

Kinilala ni Tampakan Chief of Police, Captain Romeo Albano Jr. ang suspek na si Barangay New Lambunao Kagawad Dante Villa, 43 anyos. Ayon kay Albano si Villa na dati ring Barangay Chairman sa nasabing barangay ay isinumbong mismo sa mga pulis ng kanyang mga constituents.

Ito ay dahil sa pangamba nang magpatutok umano ng kanyang baril noong Nune 24 ng gabi. Hindi na naabutan ng mga rumespondeng pulis ang tumakas umano na Barangay Kagawad. Nakuha ng team ng Tantangan PNP na pinamumunuan ni Police Executive Master Seargent Wilmar Pelaez sa lugar ang anim na basyo ng 45 pistol.

Nabatid na si Villa na naaresto dahil sa iligal na droga noong Hunyo ay kalalabas lamang ng kulungan matapos magpyansa.

 

-0-

 

Philrice Senior Plant Breeder pinayuhan ang mga magsasaka ng region 12 na magtanim ng matibay na variety ng palay ngayong tagulan

Magtanim ng uri ng palay na hindi basta maaring padapain ng malakas na hangin at baha. Ito ang payo ni Philrice Senior Plant Breeder Norvie Manigbas sa mga magsasaka ng rehiyon ngayong tagulan. Kabilang sa mga rice variety na nirerekomenda ng Philrice tuwing tagulan ang PSB RC 18, at Submarino 1 na mabubuhay pa rin kahit lumubog sa tubig baha ng mula lima hanggang 14 araw.

Ayon kay Manigbas ang palay na sobra sa patapa ay mas madali ring mapadaopa ng malakas na hangin. Kaugnay nito ipinahayag ni Philrice Agriculturist Frederieck Saludes, kung abot sa 120 kilograms ng abono ang nagagamit ng mga magsasaka tuwing tag-araw, ito ay dapat bababaan ng hanggang sa 60 kilograms tuwing tagulan.

Ang mga magsasakang nais magtanim ng mas matibay na palay variety ay maaring makikpagugnayan sa Philrice sa pamamaigtan ng kanilang text center na 0917-111-7423.

 

Cotabato Water District announces low water pressure to no water at all

Water Service Advisory
(Emergency Repair)

Date: October 13, 2019

What: Low Water Pressure to No Water due to Emergency Repair...

Karne mula Bulacan patungong Marbel, pinigil sa Tacloban dahil sa ASF scare

TACLOBAN CITY - Abot sa P1.6 million pesos na halaga ng assorted frozen pork meat products mula sa Bulacan ang naharang pasado alas 10:00...

Once troubled Basilan town now has radio station

BASILAN --- Stakeholders will launch Monday a “peace radio” in the former shabu capital of Basilan province whose municipal government got...

3 Soccsksargen hospitals lose PhilHealth accreditation

GENERAL SANTOS CITY -- The Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) has suspended and withdrawn the accreditation...

NGO spearheads outreach program for IPs in Maguindanao

UPI, Maguindanao – In celebration of Indigenous Peoples (IP) Month this October, local officials and non-government organization organized...