Monday Oct, 14 2019 07:22:48 AM

NDBC BIDA BALITA (6.25.19)

NDBC BALITA • 10:30 AM Tue Jun 25, 2019
433
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JUNE 25, 2019 (TUE)
7:00 AM

HEADLINES:

1. ISANG PRIBADONG paaralan sa Cotabato city, ipinasara ng lokal na pamahalaan dahil sa kawalan ng license to operate at business permit.

2. Dalawang mga lalaki, patay sa magkahiwalay na mga kaso ng pamamaril sa Matalam, North Cotabato

3. Daan-daang mga resident eng Ned, Lake Sebu, South Cotabato, lumikas dahil sa takot na maipit sa gulo ng naglalabang pamilya sa kanilang lugar at karatig bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat

4. USM extension sa Alamada, North Cotabato, nakatakdang buksan

 

-0-

Local………………..

TULUYAN NANG IPINASARA ng Cotabato City LGU ang pribadong paaralan na Mindanao Capitol Colleges Incorporated o MCCI na nasa Don Roman Vilo Street, Barangay Poblacion 6.

Bukod kasi sa walang business permit at hindi nagbabayad ng buwis ang naturang paaralan ay wala rin itong License to Operate bilang isang educational institution ang MCCI.

Nabatid na 2003 pa kinansela ng Securities and Exchange Commission o SEC ang lisensya ng naturang paaralan matapos na hindi makapagsumite ng General Sheet and Financial Statements mula 1997.

Ikinagulat naman ng mga mag-aaral at guro ang pagkandado ng City LGU sa kanilang eskwelahan.

Nabatid na kasalukuyan pa umanong pino-proseso ng naturang paaralan ang kanilang mga dokumento kaya’t nakiusap ang pamunuan nito na bigyan sila ng palugit upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng higit 300 nilang mga mag-aaral.

 

-0-

 

Local………………….

HINDI NA NAKAPALAG PA ang isang babae at tatlo pang mga lalaki matapos silang sitahin ng mga gwardya matapos umanong magtangkang magnakaw sa loob ng isang kilalang tindahan sa Gov. Gutierrez Avenue, barangay Rosary Heights 7, Cotabato city.

Nakilala ang mga suspek na sina JB AGORA CASIM, JEROME GOMO ABELO, FREEDO CAGOL AMPO, at GINA LABOR JAGAPE, pawang mga nasa hustong gulang at mga taga-Digos City.

Sa report ng City PNP, pasado alas dose ng tanghali kahapon nang sitahin ng mga bantay ang apat na mga suspek nang palabas na ang mga ito dahil sa kahina-hinalang ikinikiulos ng mga ito.

Nang suriin sila ay nakuha sa kanila ang dalawang mga lata ng mga mamahaling gatas na umaabot sa dalawang libong piso ang halaga.

Ayon sa isa sa mga suspek nagtungo lamang umano sila dito sa lungsod upang mamasyal at naisipan nilang kumuha ng mga gatas sa nasabing tindahan.

Nagsilbing lookout ang dalawa pa nilang mga kasama habang ang dalawa naman ang gumawa ng pagnanakaw.

Nakakulong na ngayon sa Police Station 2 Lockup cell ang mga suspek.

 

-0-

 

ISA na ngayong three-star general si Army’s 6th Infantry Division commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana.

Si Sobejana rin ang itinalaga bilang susunod na pinuno ng Western Mindanao Command bilang papalit ni Lt. Gen. Arnel Dela Vega na magreretiro na sa serbisyo ngayong Biyernes, June 28.

Si Sobejana ay miembro ng Philippine Military Academy Class of 1987 at isang medal of valor awardee.

Sinabi ni Sobejana na ipagpapatuloy niya ang mga magagandang programa ni dela Vega at mas palalakasin pa ang kampanya laban sa Abu Sayyaf Group at iba pang local ISIS-inspired groups sa Western Mindanao.

Magiging bagong pinuno naman ng Army’s 6th ID si Maj. Gen. Diosdado Carreon na miembro rin ng PMA Class 1987 at mistah ni Sobejana.

Samantala, mas pinili naman ni Dela Vega na magretiro ng mas maaga sa edad na 56.

Ayon kay Dela Vega, nais niya kasing mabigyan ng pagkakataon ang mga junior officer na pamunuan ang sandatahang lakas.

Si Dela Vega ay miyembro ng PMA Class of 1985 at mistah ni Armed Forces of the Philippines Chief of staff Gen. Benjamin Madrigal.

-0-

 

DUGUAN at halos walang malay nang isugod sa ospital ang mag-amang nasangkot sa vehicular crash sa sa Brgy. Kapayawi, Libungan, North Cotabato.

Nakilala ang dalawang mga biktima na sina JOHNNY VICENTE at ang anak na si Zoren, pitong taong gulang na pawang nagtamo ng maraming mga sugat, galos at bali.

Sa report ng mga otoridad, pasado alas sais ng gabi, kamakalawa habang pauwi na sana ang dalawa sakay ng motorsiklo nang mawalan ng kontrol sa panibela si Vicente dahilan para sila ay matumba.

Nalaglag sa konkretong kalsada ang dalawa, nagpagulogn gulong at nabagok ang kanilang mga ulo.

Pinaka malubha  ngayon ang kondisyon ng bata na bukod sa mga sugat ay nabalian pa ito ng buto sa kaliwang binti.

 

-0-

 

Patay on the spot ang isang misis matapos undayan ng saksak ng sarili nitong mister gamit ang isang bolo sa loob ng kanilang bahay sa Purok Molave, Brgy. Aurelio Perez Sr., sa Lebak, Sultan Kudarat pasado alas tres ng hapon kahapon.

Kinilala ni Lebak PNP chief Police Major Randy Eliarda ang biktima na si Daisy Digan Villar na isang dating OFW at ang suspek naman na si Pancho Villar Jr. 52, driver at may apat silang mga anak.

Sa inisyal na report ng mga otoridad, nasa apat hanggang limang saksak sa likod ang tinamo ng biktima na sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Selos, personal na galit at iligal na droga ang tinututukan ngayon ng mga otoridad bilang mga posibleng motibo sa pagpaslang ni Lupog sa kanyang asawa.

Aminado si Major Eliarda na nahirapan silang kumbinsihin ang suspek na sumuko at dumaan pa sa mahabang negosasyon bago tuluyang makumbinsi si Pancho na ibaba ang hawak na patalim.

Nabatid na una na kasing kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 si Pancho ngunit nakalabas lang matapos na makapag pyansa.

Sa ngayon ay nakakulong na sa Lock Up Cell ng Lebak PNP ang Suspek na nakatakdang kasuhan ngayong araw.

 

-0-

 

New People’s Army at miyembro ng militar, muling nagkasagupa sa bayan Makilala, North Cotabato

Nagka-engwentro ang tropa ng militar at miyembro ng New People’s Army sa lib-lib na lugar ng sitio Kapatagan, Barangay Luayon Makilala North Cotabato alas 8:30 ng umaga kahapon.

Sa ulat na nakarating kay 39TH IB commanding officer Lt. Col Rhodjun Rosales, sinabi nitong wala namang nai-ulat na nasugatan sa panig ng gobyerno habang inaalam pa ngayon ng mga otoridad kung may nasawi o nasugatan sa grupo ng New People’s Army.

Sinasabing grupo ng teroristang NPA sa ilalim ng Guerilla Front 72 ang nakasagupa ng militar kahapon. Patuloy naman ang pursuit operation ng 39Th Infantry Battalion sa pinangyarihan ng engkwentro.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dalawang mga lalaki, patay sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa Matalam, North Cotabato

Dead on the spot ang isang 64-anyos na lolo matapos na pagbabarilin sa Purok 1, sitio Kulog Barangay Arakan, Matalam North Cotabato. Kinilala ang nasawing biktima na si Pablo Mautan Morales, isang magsasaka at nakatira sa naturang lugar.

Sa ulat ng Matalam PNP, pinagbabaril ng suspek na kinilalang si Arlie Patrimonio na nakatira din sa naturang Barangay ang biktima alas 6:00 ng hapon nitong linggo habang naglalakad lamang pauwi mula sa bahay ng kanyang anak.

Nagtamo ng tama ng baril si Morales sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan at ulo na nag resulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Habang mabilis ding tumakas ang suspek patungo sa liblib na lugar ng nasabing Sitio at patuloy namang pinaghahanap ng pulisya sa ngayon. Personal na alitan ang isa sa mga sinusundang aggulo ng mga pulis sa nasabing pamamaril.

Samantala, carnapping ang posibleng motibo naman sa pagbaril at pagpatay sa isang magsasaka sa Sitio Bugwak, Brgy Kibia, Matalam, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni Matalam PNP Chief Police Major Brian Placer ang biktima na si Efraem Vecente Penoy, 45 years old, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, pauwi na sana ang biktima na sakay ng kanyang Honda XRM 125 na motorsiklo nang pagbabarilin ng di pa kilalang suspek.

Natamo ang biktima ng maraming tama ng baril sa kanyang katawang na dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Narekober naman sa crime scene ang apat na fired cartridges ng caliber 5.56mm, tatlong fired cartridges cases ng kalibre 45 at dalawang mga live ammunitions. Pinaghahanap na ngayon ang limang mga di pa kilalang suspek matapos tumakas sa di pa malamang direksyon. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Oath Taking Ceremony ng mga bagong halal na mga opisyal sa bayan ng Mlang, isinagawa kahapon

Pormal nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga bagong halal na mga opisyales bayan ng Mlang kahapon ng umaga. Pinangunahan naman ni Mlang Mayor-elect Russel Abonada at Vice-mayor elect Joselito Piñol ang nasabing oath taking.

Kasabay nito ay ang panunumpa rin ng mga bagong halal na konsehal na sina Hon. Cecilia Roldan, Giovani Tejada, Cleofas Tupas, Francis Biag, Daniel Berja, Tadeo Andres, Ryan Tamba at Reny Benilo. Sa naging mensahe ni Abonado, sibani nito na tapos na ang eleksyon at panahon na upang muling magkaisa ang mga mamamayan nang sa gayon mas mapaunlad pa ang kanyang bayan.

Tampok din kahapon si Governor-elect Nancy A. Catamco na isa sa mga naging panauhin na nagbigay ng maikling mensahe. Sinabi nito na dapat aniyang bigyan ng tsansa ang mga bagong halal na mga opisyales at kalimutan na ang mga isyu noong nagdaang eleksyon lalo-lalo na ang mga kapitan. VC: Nancy Catamco Nagsilbi namang administering officer kahapon si Presiding Judge Vicente Imbang ng Mlang-Matalam MCTC.

Ang nasabing programa ay dinaluhan naman ng mga panauhin mula sa business sector, academe, transport sector, brgy officials, religious sector, PNP at AFP kasali na ang abot mahigit kumulang dalawang libong mga mamamayan ng bayan ng Mlang.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kidapawan City Government, tutulong sa pagpapatayo ng bagong classroom sa nasunog na paaralan sa lungsod

Magpapatayo ng mga bagong silid aralan ang City Government sa Isidoro Lonzaga Memorial School ng Barangay Magsaysay matapos masunog ang dalawang classrooms nitong araw ng biyernes.

Nagsagawa ng assessment si City Mayor Joseph Evangelista sa nasunog na classroom building kasama ang pamunuan ng naturang eskwelahan at mga opisyal ng City Government at DepEd isang araw matapos ang sunog.

Sinabi ni Kidapawan City Schools Division Superintendent Romelito Flores, marami naman anyang mga nagbibigay ng mga armchairs na gagamitin ng mga estudyante mula sa ibat-ibang Paaralan sa ilalim ng Kidapawan Division.

Pinasalamatan naman ni Flores ang positibong tugon ng alkalde sa pagpapatayo ng bagong silid aralan upang may magamit ang mga mag-aaral na nawalan ng classrooms.

Temporaryo ngayong ginagamit ng mga apektdong mag-aaral ang ilang bakanteng pasilidad ng eskwelahan bilang kanilang silid aralan.

Faulty electrical wiring ang tinuturong dahilan kung bakit nasunog ang naturang classrooms. Payo ngayon ng mga otoridad sa pamunuan ng mga pampubliko at pribadong eskwelahan na siguraduhing naka unplug ang mga de kuryenteng gamit upang maiwasan na magkasunog.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Bagong extension campus ng University of Southern Mindanao, magbubukas na sa bayan ng Alamada, Cotabato ngayong agosto

Pormal ng magbubukas ang bagong extension ng University of southern Mindanao sa bayan ng Alamada, North Cotabato ngayong agosto sa pagsisimula ng school year 2019-2020.

Ito’y matapos lumagda sa isang Memorandum of Agreement sina Alamada Mayor Naomie Demitillo-Bartolome bilang kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng Alamada at USM President Francisco Gil Garcia na isinagawa nitong araw ng Martes sa Skyroom ng USM Admin Building.

Ang plano ay katuparan narin sa hangarin ng alkalde ng nasabing bayan na mapagkalooban na dekalidad na edukasyon ang mga estudyante mula sa kayang bayan at upang mailapit din ito sa kanila. Ang USM Alamada campus ay siyang kauna-unahang tertiary institution sa nasabing bayan at pangalawa sa pinakabagong mga external campuses ng USM.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Daang daang mamamayan sa Ned, Lake Sebu, South Cotabato lumikas dahil sa takot na maipit sa rido sa karatig bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat

Nanatili ngayon sa Barangay Hall ng NED, Lake Sebu, South Cotabato ang mahigit 400 indibidwal na lumikas dahil sa takot maipit sa Rido sa katabing Barangay ng Molon, Palimbang Sultan Kudarat. Ito ang kinumpirma ni Lake Sebu Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Robert Bagong.

Ayon kay Bagong ang mga lumikas ay mula sa mga Sitio ng Kisayan, at Kumilat ng barangay Ned. Sinabi ni Bagong na nagbigay na ng paunang tulong na bigas sa mga bakwit ang lokal na pamahalaan ng Lake Sebu.

Ito ay bukod pa sa mga food at non-food items mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng South Cotabato. Dinagdag ni Bagong na hindi pa pinahihintulutan ng militar na bumalik sa kanilang lugar ang mga lumikas na mamamayan.

Ayon kay Bagong patuloy ding minomonitor ng lokal na pamahalaan ang kalusugan ng mga bakwit matapos magkasakit umano ang ilan sa mga ito. Matatandaan na patay ang 19 anyos na estudyante nang maipit sa sagupaan ng mga pamilya na may away sa lupa habang tumatawid ng boarder patungong Ned National High School noong June 21.

 

-0-

 

Tumulong sa pagsawata ng sakit na dengue fever. Ito ang hiling ni South Cotabato Vice Governor Vicente de Jesus sa mga Disaster Risk Reduction and Management Council ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan.

Sinabi ito ni De Jesus sa Provicial Disaster Risk Reduction and Management Council meeting na kanyang pinangunahan. Kasunod ito ng tumataas na kaso ng dengue fever ngayon sa South Cotabato. Nakapagtala ng mahigit 2,000 na kaso ng dengue ang Provincial Health Office ng South Cotabato mula Enero hanggang June 8,2019. Ito ay mas mataas ng 122% kumpara sa mahigit 900 dengue cases na naitala ng nasabing tanggapan sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Pinakaramami sa mga ito ay pawang mga nasa 0 hanggang 10 years old na umabot sa mahigit 700 at sumunod ang mga nasa 14 hanggang 20 years na may mahigit 500.

Nangunguna pa rin sa may pinakaramaing nagkasakit ng Dengue sa South Cotabato ang Koronadal may 431, 236 sa Banga, 230 sa Surallah, 223 sa Tupi, 217 sa Polomolok, 139 sa Tampakan, 138 sa T’boli, 67 sa Sto. Nino at 65 sa Lake Sebu.

Sa bayan naman ng Tantangan nagsagawa na rin ng fogging at misting operation kontra dengue ang lokal na pamahalaan matapos maitala doon ang 282 na kaso ng dengue. Nauna nang binigyan diin ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr. na pinakambisang paraan pa rin para masawata ang dengue ang paglilinis sa mga lugar na maaring pamahaya ng mga lamok na magdadala nito.

 

0-0

 

Fun Run para makatulong sa pagsawata ng HIV/AIDS tampok sa nalalapit na Tnalak Festival at Foundation Anniversary ng South Cotabato

Layon ng Tnalak Color Run na makalikom ng pondo para i-donate sa AIDS Program ng South Cotabato. Ayon kay Tnalak Color Run Secretariat Janette Abella, ang aktibidad ay inaasahang dadaluhan ng mahigit 1,500 na mga mamamayan. Karamihan sa mga ito ayon kay Abella ang mga inimbitahan nilang mga estudytante sa high school at kolehiyo.

Dinagdag din ni Abella na ito ay bilang bahagi rin ng kampanya kontra HIV/AIDS na pabata nang pabata na ang mga biktima. Ayon kay Abella sa registration na P300 abot sa mahigit P200,000 ang inaasahan nilang malikom. Saklaw na nito ang shirt, race bib, at light meal.

Ang mga maswerteng participant ay makakapaguwi rin ng mga papremyo sa raffle draw. Ayon kay Abella ang mga intresadong makilahok sa Color Fun Run ay maaring magpa-register sa Provincial Health Office ng South Cota sa weekdays at KCC mall sa Sabado at Linggo.

Ang limang kilometrong fun run para sa male at female category ay gaganapin sa July 14.

 

-0-

 

Driver ng motorsiklo patay sa vehicular crash sa Koronadal City

Nagluluksa ngayon ang pamilya ng isang binata na nasawi sanhi ng vehicular crash sa, Barangay Avancena, Koronadal City.

Kinilala ng Koronadal PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col. Rey Egos ang biktima na si Ian Dela Pena 19, anyos at nakatira sa Barangay Cabuling, Tantangan, South Cotabato.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyat ng mga pulis na tumama ang motprsiklong minamaneho ni Dela Pena sa bakod ng Avancena Elementary School. Ito ay matapos mawalan ng kontrol dahil sa basa at madulas na daan habang bumibiyahe patungong karatig bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat mula Koronadal.

Ang biktimang si Dela Pena na nagtamo ng matinding mga sugat ay dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital. Sugatan din at nagpapagaling pa ang mga angkas nitong sina Ronewell Villanueva, 17 anyos ng Cabuling Tantangan at Renante Gilbision, 18 years old, ng Samapao, Lutayan, Sultan Kudarat.

 

-0-

 

Criminologist na aplikante sa pagka Bombero arestado sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa Tantangan, South Cotabato

Napurnada ang balak sana ng isang license criminologist na maging bombero. Ito ay matapos maaresto sa drug buy-bust operation ng mga pulis sa Purok 3, Barangay San Filipe, Tantangan, South Cotabato.

Ang drug suspect na si Jason Cainglet, 23 years old ng Barangay Pangasinan, Koronadal City ay naaresto ng team ni Police Captain Ian Bagot ng Tantangan, PNP.

Nakuha sa kanya ng mga pulis ang isang pakete ng pinaghihinalaang shabu, P500 marked money, cellphone at motorsiklo na ginagamit umano sa kanyang iligal drug transaction.

Nabatid na si Cainglit na isang lisensyadong criminologist ay nag-apply rin para maging bombero sa Bureau of Fire Protection o BFP.

Arestado din sa follow up operation ng pulis sa Purok 2 sa nasabing bayan ang umanoy classmate ni Cainglet na si Kar Sillo, 26 years old ng Barangay Zone 4, Koronadal. Nakuha sa kanya ang isang pakete ng umanoy dried marijuana leaves at limang daang pisoong marked money.

Ang isa pa nilang targer na si Marvin Lebaquin, 29 ng Paredes Street, Koronadal ay nakatakas naman sakay ng XRM motorcyle sa anti-illegal drug operation sa karatig ng barangay ng New Lambunao. Ito ay matapos umanong magbenta ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu sa nagbalatkayong police asset.

Inihahanda na ng Tantangan PNP ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drus Act laban sa nasabing mga drug suspek.

 

Cotabato Water District announces low water pressure to no water at all

Water Service Advisory
(Emergency Repair)

Date: October 13, 2019

What: Low Water Pressure to No Water due to Emergency Repair...

Karne mula Bulacan patungong Marbel, pinigil sa Tacloban dahil sa ASF scare

TACLOBAN CITY - Abot sa P1.6 million pesos na halaga ng assorted frozen pork meat products mula sa Bulacan ang naharang pasado alas 10:00...

Once troubled Basilan town now has radio station

BASILAN --- Stakeholders will launch Monday a “peace radio” in the former shabu capital of Basilan province whose municipal government got...

3 Soccsksargen hospitals lose PhilHealth accreditation

GENERAL SANTOS CITY -- The Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) has suspended and withdrawn the accreditation...

NGO spearheads outreach program for IPs in Maguindanao

UPI, Maguindanao – In celebration of Indigenous Peoples (IP) Month this October, local officials and non-government organization organized...