Tuesday Jul, 23 2019 03:20:00 PM

NDBC BIDA BALITA (6.24.19)

NDBC BALITA • 21:45 PM Mon Jun 24, 2019
228
By: 
ndbc nca

NEWSCAST

June 24, 2019 (MON)
7:00 AM

HEADLINES:

1. Pulis, patay sa pamamaril sa Midsayap North Cotabato

2. Tatlong magkamag-anak kabilang ang isang menor de edad, sugatan sa pamamaril sa Pikit North Cotabato

3. Fogging operation dahil sa tumataas na kaso ng dengue isinasagawa sa Tantangan, South Cotabato

4. Tampakan farmers, may tatanggapin na tulong mula DA

 

-0-

 

Local………………..

Patuloy pang inaalam ngayon ng mga awtoridad kong ano ang motibo maging ang pagkakakilanlan ng mga nasa likud ng pagbaril patay sa isang pulis nitong sabado sa Midsayap North cotabato mag-aalas otso ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Police Staff Sergeant Edward Pasculado Dimpaso, 45 anyos na destino sa Maguindanao Police Office sa ilalim ng PRO-ARMM na residente ng Midsayap.

Ayon sa report, papaalis na sana ang biktima mula sa pag-aari nitong bakeshope nang bigla nalang tumigil sa kanyang harapan ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at agad na pinagbabaril ang biktima.

Patay noon din ang biktima dahil sa maraming tama ng bala sa kanyang katawan.

Agad namang tumakas ang mga suspek matapos na magawa ang krimen.

Nakuha naman sa Crime Scene ang mga bala ng Caliber 45 pistol.

 

-0-

 

ocal………………….

Tuluyan ng sinampahan ng kasong paglabag sa RA9165 ang apat na mga suspek na magkahiwalay na nahulihan ng mga ipinagbabawal na droga dito sa Cotabato City nitong naka lipas na linggo.

Unang sinapahan ng kaso sa sala ni City Prosecutor 2 Hon. Judge Anwar Masacal,ang isang suspek na kinilalang si SAJID USOP MUNDAS alyas “MING”nasa hustong gulang matapos na isagawa ng mga otoridad ang isang Drug Buy Bust Operation sa kanyang tirahan sa Brgy.Bagua ng lungsod.

Kinasuhan ang suspek matapos na magpositibo sa paggamit ng illegal na Droga at pagbebenta umano nito.

Sunod na kinasuhan ang tatlong iba ng katulad ng kasong isinampa kay SAJID sa sala parin ni Hon. Judge Masacal, ay sina MADI DIA SAGULAYAN, ABDULRAHMAN LAGUIAB ALI, at MOHALIDIN ULAMA, mga nasa hustong, matapos na makuha din ng mga otorida sa mga suspek ang ilang sachet ng mga ipinag babawal na droga sa isang Drug Buy Bust Operation dito sa lungsod.

 

-0-

 

PATAY matapos na pagbabarilin ang isang dating Punong Barangay ng Midpandakan General Salipada K. Pendatun sa bahagi ng National Highway, Barangay Buenaflor Tacurong City alas singko ng hapon nitong sabado.

Kinilala ang biktima na si Edwin Guiamalon, 49 anyos, may asawa, residente na ng Purok Sampaguita Barangay New Isabela lungsod ng tacurong.

Ayon sa report, bibili lang sana ang biktima ng prutas sa lugar nang bigla nalang dumating ang mga suspek at binaril ng malapitan si Guiamalon.

Matapos na masigurong patay na ang bitkima ay tinangay pa ng isa sa mga suspek ang motorsiklo na dala ng biktima at agad na tumakas palayo sa lugar.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP hinggil sa pamamaril.

 

-0-

 

Agad na isinugod sa pagamutan ang isang siyam na taong gulang na batang babae matapos itong magtamo ng maraming sugat sa katawan makaraang mabangga ng motorsiklo sa kanilang lugar sa Brgy.Kuden, Talitay,Maguindanao.

Nakilala ang batang biktima na REHANA KANDADO KITIK, residente ng nabanggit na lugar.  Base sa kwento ng Ina ng biktima, alas dose ng tanghali kamakalawa ng bigla umanong tumawid ang kanyang anak sa kalsada upang bumili sana ng pagkain ng sakto namang paparating ang mabilis na motorsiklong menamaneho ng di kinilalang lalaki dahilan upang mabundol ang biktima.

Malakas umano ang pagkaka salpok sa bata dahilan upang magtamo ito ng sugat sa ulo at sa ibat ibang parte ng kanyang katawan.

SAMANTALA, halos mawalan naman ng malaynang isugod sa pagamutan ang dalawang iba pa matapos din umanong masangkot sa Vehicular crash sa Solidad street, Sultan Kudarat,Maguindanao.

KInilala ang mga biktima na si NASRUDIN MAKALNAS,32 anyos at isang senior citizen na si VILMA BILNOY, parehong mga residente ng Sultan Kudarat,Maguindanao.

Base sa ulat, ala sais kamakalawa ng umaga habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo pauwi si MAKALNAS nang bigla umanong tumawid sa kalsada si lola BILNOY, dahilan upang mabangga niya ito at tumilapon, nawalan naman ng control si MAKALNAS kaya siya sumemplang.

Parehong nasa kritikal na kalagayan ang dalawa dahil sa grabeng mga sugat na tinamo sa katawan ng dahil sa nasabing insidente.

 

-0-

 

Pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang siyam nilang hostages na kanilang dinukot kamakailan sa Sabah sa karagatan ng Malaysia matapos nilang abandonahin sa kagubatan ng Talipao, Sulu kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Sulu Provincial Police Office, alas-10 ng gabi nang palayain ng mga kidnappers ang mga bihag dahil wala silang pambayad ng ransom.

Sila ay nasalubong ng mga elemento ng pulisya habang naglalakad sa tabi ng kalsada matapos abandonahin ng ASG at ngayo’y hawak ng Talipao Police para sa custodial debriefing.

Ayon sa Sulu Police, ang mga biktima ay ligtas na narekober ng mga elemento ng Talipao Municipal Police Station.

 

-0-

 

Tatlong magkamag-anak kabilang ang isang menor de edad, sugatan sa pamamaril sa Pikit North Cotabato

Sugatan ang tatlong mga magkamag-anak matapos na tambangan ng di pa kilalang suspek pasado alas 4:00 ng hapon nitong sabado sa Barangay Ginatilan, Pikit Cotabato.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Omar Delna Akob, 26 anyos, magsasaka, Tala Maulana Matabalao at isang menor de edad na lahat nakatira sa Barangay Langayen.

Ayon sa imbestigasyon ng Pikit PNP, lulan ng pulang muticab ang tatlong biktima na may kargang sako-sakong mais na ibebenta sana sa bayan ng Pikit at nang pagsapit sa Barangay Ginatilan ay dito na pinagbabaril ng dalawang suspek na sakay naman ng Kawasaki Bajaj na motorsiklo.

Mabilis na naisugod ang mga biktima sa Cruzado Medical Hospital para sa agarang medikasyon. Habang narekober sa crime scene ang anim na mga basyo ng caliber 45 pistol na siyang ginamit ng mga suspek sa pamamaril. Isa naman ang personal grudge sa mga sinusundang anggulo ng mga pulisya sa pagbaril sa tatlong mga magkamag-anak.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dalawa ka tao sugatan sa pananaksak gamit ang ice pick sa Kidapawan City

Patuloy na ginagamot ngayon sa ospital sa Kidapawan City ang dalawa ka tao matapos na saksakin ng di pa kilalang suspek sa Sinsuat Street Barangay Poblacion, Kidapawan City.

Ayon sa report ng Kidapawan City, sinundan umano ng di pa kilalang suspek ang dalawang biktima na kinilalang sina Vergie Cerigo at Jamewell Sumampong Cabug habang naglalakad lamang alas 10:40 ng gabi nitong sabado.

Nang pagsapit sa lugar ay pinagsasaksak ng suspek ang dalawa gamit ang ice pick. Nagtamo ng ibat-ibang sugat sa kanilang katawan ang biktima na mabilis namang naisugod sa ospital ng City 911. Hindi pa malaman sa ngayon kung ano ang motibo ng mga suspek sa pananaksak sa biktima.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

-0-

 

Magnanakaw na drug suspek, nahuli ng PNP sa Kabacan, North Cotabato

Huli ang isang lalaking drug suspek sa isinagawang operasyon ng pulisya sa bayan ng Kabacan, North Cotabato

Nakilala ang suspek na si Usman Meyo Macabuat, 25 anyos at nakatira sa Barangay Nangaan.

Ayon sa ulat, ninakaw ng suspek ang cellphone ng isang senior citizen na kinilalang Virginia Taño na nakatira din sa Barangay Poblacion.

Nang kapkapan ang suspek ay nakuha ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu habang itinanggi naman ng suspek na sa kanya ang nakuhang droga.

Siya ay nakapiit na sa lock up cell ng Kabacan PNP at nakatakdang sampahan ng karampatang kaso sa korte.(Cherry Exin) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Nakaw na motorsiklo, narekober sa isang rubber plantation sa Kidapawan City

Dumulog sa tanggapan ng Kidapawan City PNP ang isang 33-anyos na lalaki matapos matangayan ng motosiklo, sa Brgy Sumbac ng lungsod bandang alas dyes ng gabi noong Sabado. Kinilala ang biktima na si Joey Tizon Roa, single, driver at residente ng nabanggit na lugar, habang nakapangalan naman kay Pedro Roa ang nabanggit na motorsiklo.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP, hiniram pa umano ng pinsan ng biktima ang motorsiklo at naisauli pa bandang alas singko ng hapon sabay ipinarada sa labas ng kanyang bahay.

Pero pagsapit ng alas dyes ng gabi ay napansin ng kanyang ina na wala na ang kanyang naka-paradang Honda XRM 125, kombinasyon ng kulay itim at pula na may plate number 6802MU at pinaniniwalaang ninakaw ng mga hindi pa kilalang suspek.

Samantala, kahapon din ng hapon ay narekober ang nasabing motorsiklo na inabandona malapit sa isang rubber plantation sa nabanggit ding barangay. Muli namang nagpaalala ang mga otoridad na sigaruduhing nasa ligtas na kalalagyan ang kanilang mga motorsiklo para maiwasan ang nasabing insidente. Matatandaang Biyernes, ay isa ring Raider 125 ang natangay ng mga kawatan sa lungsod.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Empleyado ng LGU, natagpuang patay sa isang abandonadong kubo sa Makilala, North Cotabato

Bangkay na nang matagpuan ng kanyang asawa ang isang empleyado ng Makilala LGU alas 2:35 ng hapon kahapon sa Purok 5, Barangay Batasan Makilala Cotabato.

Kinilala ang nasawing biktima na si Marilyn Gerarman Catamora, 33 anyos, Municipal environment and Natural Resources Office o MENRO employee ng Makilala LGU at nakatira sa Purok 4, Barangay Batasan. Sa naging imbestigasyon ng Makilala PNP, may tama ng baril ang babaeng biktima sa kanyang dibdib na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Napag-alamang may dalawang di kilalang lalaki na kasama ang biktima alas 11:00 ng umaga bago ito natagpuang patay sa gilid ng isang abandonadong kubo ng nasabing Barangay pasado alas 2:00 ng hapon. Inaalam pa ngayon ng Makilala PNP kung ano ang motibo ng mga suspek sa pagbaril at pagpatay sa biktima.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

-0-

 

 Fogging operation dahil sa tumataas na kaso ng dengue isinasagawa sa Tantangan, South Cotabato

Naglunsad ng malawakang fogging operation dahil sa tumataas na kaso ng dengue fever ang lokal na pamahalan ng Tantangan, South Cotabato.

Ayon kay Tantangan Dengue Coordinator Marygane Talon nakapagtala sila ng 282 dengue cases sa nasabing bayan mula Enero hanggang ngayong Hunyo. Ito ayon kay Talon ay mas mataas ng 265% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Pinakaramai sa mga ito na umaabot sa mahigit 200 ay nasa barangay Dumadalig. Dinagdag nito na nagsagawa ng fogging operation ang Tantangan LGU matapos maitala ang clustering ng dengue cases sa ilang mga barangay sa bayan nitong nakalipas na tatlong linggo. Kabilang sa mga ito ang mga barangay ng Maibu, New Labunao, Poblacion at San Filipe.

Naniniwala naman si Talon na kapabayaan pa rin ng maraming mga mamamayan ng Tantangan ang dahilan kung bakit hindi pa rin masawata ang dengue sa kanilang lugar. Ito ay sa kabila ng malawakang kampanya dito ng lokal na pamahalaan.

Kaya hiling ni Talon sa publiko tumulong sa pagsawata ng denge, ito ay sa pamamagitan ng paglilinis sa mga lugar o bagay na maaring pamahayan ng mga lamok na magdadala nito.

 

-0-

 

Emergency employment ng DOLE 12 mapapapakinabangan ng mga mamamayan sa unang distrito ng Sultan Kudarat

Makikinabang sa mahigit P7.4 million pesos na tulong pangkabuhayan ng Department of Labor and Employment 12 ang mahigit 900 mga benpisyaryo sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ang mga ito ay mga nakatira sa Barangay Obial at Pagasa sa Kalamansig; Christanuevo,Purikay at Kalamongog sa Lebak. Ang mga benepisyaryo ay magtatrabaho sa flood control system at tumulong sa paglilinis ng plaza sa kanilang mga komunidad mula 10 hanggang 30 araw.

Ayon kay DOLE 12 Regional Director Sisinio Cano, matutulungan ng programa ang mga benibesyaryo at kanilang komunidad sa panahon ng emerhensya.

Ito ay sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o DILEEP ng nasabing ahensya. Layon TUPAD program na mabigyan ng temporaryhong kabuhayan ang mga nawalan ng trabaho, underemployed at naghihikahos na mga unemployed.

 

 

-0-

Pinansyal na tulong ng gobyerno napakinabangan ng walong dating NPA member sa Sarangani Province

Tumanggap ng mula P25,000 hanggang 65,000 na pinansyal na tulong mula sa lokal na pamahalaan ang walong mga dating myembro ng New Peoples Army o NPA sa Sarangani. Ayon kay Sarangani Governor Steve Chiongbian Solon ang mga ito ay benepisyaryo ng Enchance Local Integration Program o E-Clip para sa mga rebel returnees ng pamahalaan.

Ipinahayag ni Solon na ang mga nabigyan ng tulkong ay umuko sa unang bahagi ng 2019 at pawang mga kasapi ng Front 71 ng NPA.

Ayon kay Solon pito sa mga ito ay galing ng Malapatan ang isa mula sa Malungon. Dinagdag ni Solon na nakikipag ugnayan din ang Sarangani Provincial Government sa iba pang ahensya ng gobyerno para sa dagdag na tulong sa mga sumukong NPA.

Ipinahayag ni Solon na ang mga benisyaryo ng E-Clip ay mabibigyan din ng housing assistance, health insurance coverage at iba pang tulong para sa tuloy tuloy na pagbabagong buhay.

Dinagdag ni Solon na sa ngayon ay patapos na rin halfway house para sa mga dating NPA na ipinatatayo sa bayan ng Alabel.

Ang nasabing pasilidad ay pinondohan ng mahigit P5 million ng Department of the Interior and Local Government o DILG. Ito ay lugar kung saan ang mga dating NPA ay maaring sumailalim sa skills training, healing sessions at psychological intervention.

 

-0-

 

Mga bagong halal na opisyal ng South Cotabato nanumpa na sa kanilang mga tungkulin

Kasama ni South Cotabato 2nd District Representative Ferdinand Hernandez na nanumpa sa tungkulin sina incumbent Vice Governor Vicente De Jesus at mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan. Kaugnay nito, pinasalamatan ni Hernandez ang mga mamamayan ng South Cotabato sa muling pagtitiwala sa kanya. Ipinahayag ni Hernandez na isusulong nito sa kanyang huling termino ang mga batas na makatutulong sa mga mamamayan ng lalawigan.

Tutukan din nito ayon kay Hernandez ang mga infrusturcture projects tulad ng mga school buildings,multi purpose cooperatives, lying in clinics at maraming iba pa. Sinabi din ni Hernandez na hangad din nito na sana ay may natutunan ang publiko noong May 13 election kung kelan ayon sa kanya ay nangibabaw ang pera sa botohan sa halip na inetegridad at kakayahan ng isang kandidato.

Samantala gaganapin ang oath taking ni incoming South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr sa June 28. Makakasama nito si First District Board Member Joel Escobillo ng bayan ng Tampakan.

 

-0-

 

Tulong sa mga magsasaka ng Tampakan, South Cotabato tiniyak ng DA 12

Nakiisa ang Department of Agriculture XII sa pagdiriwang ng Farmers’ Day bilang bahagi ng ika-limampung taong anibersaryo ng bayan ng Tampakan, South Cotabato.

Nangako naman si Si DA XII Regional Technical Director for Operations Zaldy Boloron na magbibigay ang ahensya ng dalawampung sako ng palay seeds sa mga magtatanim ng palay sa Tampakan. Ayon kay Boloron ,, nagpapasalamat ang DA XII sa mga magsasaka at magingisda ng Tampakan dahil sa masigasig nilang pagtulong sa food production efforts ng pamahalaan.

Ipinahayag din ng opisyal na marami nang mga proyekto ang naibigay at naipatayo ng DA sa Tampakan. Kabilang sa mga ito ang potable water system project ng Philippine Rural Development Program o PRDP sa Barangay Lampitak . Dinagdag ni Boloron na magpapagawa rin ang PRDP ng farm-to-market road sa naabing bayan.

Ito ay maliban sa mga makabaong farm machines at postharvest facilities na bigay ng ahensya. Tiniyak din ni Boloron na makikinabang a sa Agricultural Competiveness Enchancement Fund na programa sa pautang ng DA ang mga magsasaka ng Tampakan.

 

 

 

NDBC BIDA BALITA (7.23.19)

NEWSCAST

JULY 23, 2019 (TUE)
7:00 AM

HEADLINES:

1. BARANGAY CHAIRMAN, patay habang...

Power outages cut peoples view of Duterte’s SONA

KIDAPAWAN CITY  – Residents of Kidapawan City and nearby towns of Makilala and Mlang in North Cotabato were dismayed by the turned of events while...

Kidapawan Muay Thai boxers win gold in Butuan tourney

KIDAPAWAN CITY  – Muay Thai boxers from Kidapawan City made its presence felt in the Mindanao leg of Philippine championships recently in Butuan...

Displaced persons revisit home in Marawi affected areas

MARAWI CITY - Escorted by soldiers, 700 displaced families revisited their homes in Marawi affected areas on June 20.

“Soldiers provided...

Soldier hailed for honesty in Zambo City

ZAMBOANGA CITY - He is a well-rounded warrior with exceptional skills, an epitome of a true soldier living up to the Armed Forces of the...