Wednesday Dec, 11 2019 02:15:20 AM

NDBC BIDA BALITA (6.22.19)

NDBC BALITA • 10:15 AM Sat Jun 22, 2019
363
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

June 22, 2019 (SATURDAY)
7:00 AM

HEADLINES:

1. Dalawang lalaking drug suspek arestado sa buy bust operation sa Cotabato City.

2. Estudyante sa Ned, Lake Sebu, patay matapos maipit sa engkwentro ng mga naglalabang pamilya sa karatig bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat

3. Dalawang mga classroom tinupok ng apoy sa Kidapawan City

4. LTFRB-12, walang ipinalabas na bagong fare matrix ng pampublikong sasakyan.

 

 

-0-

Local………

………..

Kalabuso ang dalawang suspek na lalaki matapos na isagawa ng mga otoridad ang Drug buy Bust operation sa Purok Magungaya, Bagua 2, Cotabato City.

Nakilala ang mga suspek na sina BRYAN REYES BAULO at ARNEL LUMABAO GUIAPAR, parehong nasa hustong gulang mga residente ng nabanggit na Barangay.

Naaresto ang mga suspek sa tahanan ni Baulo, ala una pasado kamakalawa ng hapon matapos pangunahan ni Police Station 1 OIC Commander, Police Captain ROMEL PANIAGUA CANTO, katuwang ang PDEA BARMM ang Buy Bust Operation na nagresulta sa pagkakahuli sa dalawa makaraan nilang mapagbentahan ang pulis na nag panggap na buyer.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong sachets ng pinaghihinalaang shabu, mga drug paraphernalia at marked money na ginamit sa operasyon.

Nasa kustodiya ng kapulisan ang dalawang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso sa mga nahuli.

 

-0-

-0-

 

Local………………….

Agad na nag sumbong sa Police Station 2 ang dalawang construction worker matapos umano silang pagtulungang bugbugin ng tatlo katao sa kanilang lugar sa Pascual Subd. Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City.

Nakilala ang mga nagreklamo na sina FERNANDO BALIWES, 18 years olds at CHRISANTO UY,27 anyos,may asawa, construction worker na mga residente ng nabanggit na Barangay.

Base sa inisyal na ulat, dahil umano sa personal na di pagkakaunawaan na naging dahilan upang atakehin sila ng isang nakilala lamang sa alyas na TOHAMMY, kasama ang dalawa pang suspek na menor de edad na pawang mga kapitbahay din diumano ng dalawang biktima.

Nagtamo ng mga pasa sa kanilang katawan ang dalawa na agad na nagtungo sa himpilan ng pulisya upang iulat ang pangyayari.

 

-0-

 

 

-0-

 

Local …………………….

Sa Malacañang Palace nakatakdang manunumpa sa tungkulin si Maguindanao Governor Elect Bai Mariam Sangki –Mangudadatu.

Gagawin ang oathtking ngayong June 25, 2019 kong saan mismong si Pres. Rodrigo Duterte ang mangunguna sa okasyon.

Sinabi ni Gov.Elect Mangudadatu na prayoridad nito ang Poverty Reduction, Peace and Order, ang pagbibigay ng magandang serbisyong Pangkalusugan at Edukasyon sa mamamayan ng lalawigan.

Samantala, nakatakda namang gawin ang Mass Oathtaking ng mga nanalong opisyal ng Maguindanao ngayong June 30 sa Provincial Capitol sa bayan ng Shariff Aguak.

-0-

 

-0-

 

Sugatan ng isugod sa pagamutan ang isang misis matapos itong mabundol ng isang Payong Payong sa Demazenod St. Cotabato City.

Nakilala ang Biktima na si Ginang RHYME MOSSUR, residente ng Brgy. RH 5, ng lungsod.

Base sa inisyal na ulat, alas kwatro ng hapon habang tumatawid sa kalsada si MOSSUR ng mabangga ito ng payong payong na menamaneho ni NURHAMID MAMALANGKAY.

Sa lakas ng pagkaka salpok sa biktima tumilapon ito dahilan upang magtamo sya ng sugat sa katawan.

Agad naman syang isinugod sa pagamutan ng naka bangga upang malapatan ng lunas.

 

-0-

 

Naaresto ang isang binata matapos na makuha mula sa kanya ang ninakaw nitong cellphone na pag-aari ng isang matandang biktima.

Kinilala ang naaresto na si Usman Meyo Macabuat, 25 anyos na residente ng Barangay Nangaan Kabacan Cotabato.

Narekober ng PNP kay Macabuat ang isang Huawie  Cellphone na pagmamay-ari ng isang 68 anyos na lola na kinilalang si Virginia Taño, residente ng Sinamar II, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Bukod sa cellphone ay nakuha din sa pangangalaga ng suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu matapos na kapkapan sa himpilan ng pulis.

Ayon sa Kabacan PNP, nakatanggap sila ng tawag na may insidente ng nakawan sa Sinamar II ng Barangay Poblacion alas-9 ng umaga kahapon dahilana para agad rumesponde ang PNP na nagresulta sa pagkahuli sa suspek.

Inamin naman ng suspek na siya ang nagnanakaw ng cellphone pero itinanggi nitong kanya ang mga nakuhang pinaghihinalaang shabe.

Sa ngayon nakakulong na ang suspek sa lock-up cell ng Kabacan, PNP habang inihahanda na ang kasong isaisampa laban sa kanya

 

-0-

 

 

Estudyante sa Ned, Lake Sebu, patay matapos maipit sa engkwentro ng mga naglalabang pamilya sa karatig bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat

Rido o away ng dalawang pamilya ang motibo na tinukoy ng mga pulis sa pagkamatay ng isang estudyante sa Barangay Ned Lake Sebu, South Cotabato.

Ito ang lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Lake Sebu PNP na pinamumunuan ni Police Major Nathaniel Panaguiton. Kinilala ang biktima na si Richard Tulik Tungkay 19 anyos.

Ayon kay Panaguiton ang biktimang estudyante ay nasawi sa karatig na Barangay Molon,Palimbang na nasa boundary ng Ned at Palimbang, Sultan Kudarat.

Ito ay matapos maipit umano sa sagupaan ng nagaawayang pamilya nina Mike Binago alyas Bondie, Tat Tuan, Saliod Adlam “alyas” Alex at iba pang mga kasama.

Nabatid na ang nasawing biktima ay estudyante ng Ned Proper National High School. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Lake Sebu PNP sa insidente.

Matatandaan na rido din ang tinukoy ng mga pulis na sanhi ng pagkakapatay ng isa katao sa boundary ng Ned Lake Sebu at Palimbang, noong nakaraang buwan.

 

-0-

 

Department of Science and Technology Secretary umapela sa mga negosyante ng Mindanao na mamuhunan sa Agham at Teknolohiya

Maglaan ng puhunan sa mga negosyo may kaugnayan sa Agham at Teknolohiya para sa ikauunlad ng bansa. Ito ang hiling ni Department of Science and Technology o DOST Secretary Fortunato Dela Pena sa mga negosyante ng Mindanao.

Sinabi ni Dela Pena na kailangan ng DOST ang tulong ng iba’t Iba’tektor lalong lalo na ng mga mamumuhunan para sa tagumpay ng kanilang mga programa. Naniniwala si Dela Pena na kaakibat ng maraming investor sa Agham at Teknolohiya ang pagbubukas din ng maraming trabaho sa kanilang mga graduate at iskolar.

Sa pamamagitan nito ayon kay Dela Pena ay hindi na maeenganyo ang mga ito na mangibang bansa. Ipinahayag ito ni Dela Pena sa dalawang araw na Mindanao Regional Scientific Meeting o RSM ka kanyang dinaluhan sa Koronadal City.

Ang aktibidad ay isinagawa sa unang pagkakataon sa Koronadal City sa tulong ng National Academy of Science and Technology, Philippines. Tinalakay ng mga inimbitahang national scientist at academician sa nasabing aktibidad ang mga usapin may kaugnayan sa plastic waste.

Ilan sa mga ito ay ang pangangalaga sa mga yamang dagat at pagpapalawak ng impormasyon sa kasamaang maidudulot ng plastic. Ito ay dinaluhan ng mahigit limang daang participant mula sa academe, business sector, at iba pang mga stakeholder.

 

-0-

 

Mga ari arian na may bayarin sa buwis ipasusubasta ng city treasurer’s office ng Koronadal

Umaasa si Koronadal Treasurer Marloun Gumbao na makakakolekta ang lokal na pamahalaan ng mahigit P13 million sa pagsusubasta ng mga deliquent real properties sa syudad.

Ayon kay Gumbao ang auction sale sa Agosto ng mga ari arian na may bayarin sa buwis ay pinaghahandaan na ng kanilang tanggapan. Sakop nito ang 695 na real proterties sa 27 mga barangay sa Koronadal City na hindi nabayaran ang buwis ng isang taon pataas.

Nilinaw ni Gumbao na nagpadala ng sulat sa may ari ng mga ari-ariang ipasusubasta ang City Treasurer’s Office.

Obligado rin ang LGU ayon kay Gumbao na I-publish sa newspaper ang mga ipasusubastang mga ari arian at padalhan ng demand letter ang mga may ari.

Ayon kay Gumbao kapag bigo pa rin ang mga may ari na bayaran ang arrear sa buwis tuluyan nang ipasusubasta ang kanilang mga ari arian. Sinimulan ng lokal na pamahalaan ng Koronadal ang auction sa mga ari-arian na may arrears sa buwis noong 2013.

Ayon kay Gumbao, ito ay bilang pagtalima na rin sa utos ng Bureau of Local Government Finance. Umaasa si Gumbao na para hindi masubasta mabayaran ng mga may ari ang kanilang mga deliquent tax real properties.

 

-0-

 

Mga kalabaw rumampang naka-costume sa Farmers Day sa Surallah, South Cotabato

Pahinga muna sa pagtatrabaho sa bukid para makarampa ang mga Kalabaw sa Surallah, South Cotabato. Ang mga pangunahing Kalye ng Surallah ay tila parang naging runaway nang pumarada ang mga naka-costume na mga kalabaw kahapon..

Ang mga ito ay nagpatalpugan sa mga costume na ginawa ng kanilang mga among magsasaka mula sa mga indigenous materials. Kasama din sa parada ang mga magsasaka na binigyan pugay sa Farmers Day sa nasabing bayan.

Agaw pansin din sa mga mamamayan ang mga kuliglig na pinalamutian ng mga gulay, prutas at iba pang mga produktong pang-agrikultura sa Surallah.

Ayon kay Surallah Mayor Antonio Bendita, ito ay bilang kahabagi ng 56th Foundation Anniversary at Surbetube Festival sa bayan. Magtatapos ang nasabing selebrasyon sa pamamagitan ng 2nd Surbetube Festival sa June 24 na katatampukan ng Balsa contest sa Allah River.

 

-0-

 

Mabibigyan ng Department of Agriculture o DA 12 ng abot sa mahigit P20 million pesos na farm facilities ang mga magsasaka ng South Cotabato ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAG na pinamumunuan nni Provincial Agriculture Officer Justina Navarete. Nabatid na P17.7 million sa nasabing halaga ay gagamitin sa corn-cassava project.

Habang ang P2.8 million ay laan naman naman sa rice program ng lalawigan. Ayon kay Navarete ang mga grupo ng mga magsasaka na nais makinabang sa nasabing pondo ay maari nang magsumite ng letter of intent sa Provincial Agriculture Office ng South Cotabato.

Ang mga benpisyaryo ng corn-cassava program ay mabibigyan ng dalawang four-wheel drive tractor, corn mill, mechanical corn sheller, vacuum pack sealer, generator set at dryer. Habang ang mga nasa rice program ay mabibigyan ng stationary rice mill, seed spreader at transplanter.

Ang OPAG at mga Office of Municipal Agriculturists ay magsasagawa naman ng on site validation para masiguro na makikinabang sa nasabing programa ang totoong nangangailangan nito.

 

-0-

 

Tree-planting activity tampok sa anibersaryo ng RIAS 12

Bilang bahagi ng long-month celebration sa ika-20th founding anniversary ng Regional Internal Affairs Service 12 ng Philippine National Police, isinagawa ang tree-planting activity sa Brgy. Ilomavis, Kidapawan City kahapon.

Kasama ang City Environment and Natural Resources o CENRO ng Kidapawan City, ay sabay-sabay na nagtanim ng puno ng kawayan ang tauhan provincial at regional internal affairs ng PNP.

Ayon kay RIAS 12 Regional Director Police Colonel Bernard Mendoza, maliban sa Kidapawan City ay nilibot rin nila ang iba pang mga lalawigan sa ilalim ng Region 12 at nagsagawa ng tree-planting activity. Aasahan naman na magkakaroon ng exhibit sa SM Mall Gensa bilang bahagi rin ng kanilang culminating activity na gaganapin sa huling linggo nitong buwan.

Aniya, malaki ang papel na ginagampanan ng IAS lalo na pagsasagawa ng internal cleansing sa hanay ng kapulisan. Dagdag rin nito na maaari ring dumulog sa kanilang tanggapan ang sinumang may reklamo sa mga pulis 

Ang tanggapan ng Internal Affairs Service na nakabase sa Sultan Kudarat ay isang independent body na itinalaga ng PNP sa pag-iimbestiga lalo na sa akusadong pulis na lumabag sa batas. Tema ng kanilang anibersaryo ay “IAS, Kaagapay ng Pulis at Publiko Tungo sa Tunay na Pagbabago.” NDBC BALITA

 

-0-

 

Dalawang mga classroom ng Isidoro Lonzaga Memorial Elementary School sa Brgy Magsaysay, Kidapawan City ang nasunog mag-aalas kwatro ng hapon kahapon.

Ayon kay Kidapawan City Schools Division Supt. Romelito Flores, napansin umano ng mga guro na may nag-spark sa classroom ng Grade 4 at 5, at dito na nagsimula ang sunog. Tinupok naman ng apoy ang mga gamit ng dalawang classrooms gaya ng mga upuan at aklat.

Mabuti na lamang at wala nang mga estudyante kasagsagan ng mangyari sunog. Dineklara naman ang fire-out pasado alas-singko ng hapon, habang hindi pa mabatid ang naging sanhi ng sunog. Sa ngayon ayon kay Flores ay hindi pwedeng gamitin ang classroom para na rin sa kaligtasan ng mga mag aaral.

Sa lunes, magsisilbing temporary learning center ng mga mag-aaral ang school gymnasium. 

Si Kidapawan City Schools Division Superintendent Romelito Flores. Sinabi rin nito na magdo-donate naman ang tig-isang upuan ang bawat eskwelahan sa ilalim ng Kidapawan City Division upang may uupuan ang mga mag-aaral sa lunes. NDBC BALITA

 

-0-

 

Mission Society of the Philippines, nilinaw na hindi nila kasapi ang umano’y paring naaresto dahil sa iligal na droga

Nilinaw ng Mission Society of the Philippines o MSP na hindi nila kasapi ang isang pari na naaresto ng Matalam PNP sa ikinasang buy-bust operation nito lang Miyerkules. Ayon sa sulat pahayag ng MSP sinabi nito na ang naarestong si John Baring Ferolin na taga-Midsayap, North Cotabato ay hindi na-ordinahan bilang pari.

Isa lamang umano itong seminarista at hindi nito naipag-patuloy ang kanyang pag-aaral sa pagka-pari. Lumabas din sa report na si Ferolin ay nagpapanggap na pari kung saan nag-mimisa ito sa binyag, patay at pati na rin sa kasal.

Malaking pangamba naman ang pagmisa nito sa mga kasal dahil automatiko itong mapapawalang bisa. 

 

-0-

 

 

Nilinaw na Wala Silang Inilalabas na Bagong Fare Matrix

Pinabulaanan ngayon ng LTFRB Regional Office 12 ang mga pahayag ng ilang mga Public Utility Vans o PUVs na naglabas umano ng panibagong fare matrix ang kanilang opisina dahilan ng pagtaas ng pamasahe.

Ito ay matapos maningil ang ilang mga PUV drivers sa mga pasahero ng halagang 70 pesos bilang pamasahe galing ng Kidapawan-Kabacan-Kidapawan route simula nitong mga nakaraang araw.

Pahayag ni LTFRB-RO 12 Regional Director, Paterno Reynato Padua, ang fare matrix na dala-dala ngayon ng mga van drivers ay nauna nang inilabas at ipinapatupad ng ahensiya ilang taon na ang nakalipas. Muli lamang nila itong inilabas upang mas mapaigting ang pagpapatupad dito.

Aniya, ang dalawang piso kada kilometro na pamasahe sa PUVs ay siya pa ring dapat sundin ng mga drayber. Ito ay matapos makarating sa kanilang tanggapan na may ilang mga drayber na mas mababa pa o mas mataas pa kesa sa itinakdang presyo ang sinisingil mula sa mga pasahero nito.

Sa kasalukuyan, ang pamasahe na dapat singilin ng mga drayber para sa Kidapawan-Kabacan o Kabacan-Kidapawan ay 60 pesos pa rin dahil tatlumpung kilometro ang distansiya ng dalawang bayan taliwas sa mas mataas na singil ng iba na 70 hanggang 80 pesos.

Babala ni Regional Director Padua sa mga drayber at operator na kapag hindi sinunod ang panuntunang itinakda at napatunayang sila ay lumabag dito ay maaari silang pagmultahin ng ahensiya.

Hinihikayat naman ni Regional Director Padua ang mga drayber at operators na sumangguni sa kanilang opisina upang makakuha ng opisyal na fare matrix.

Paalala din ni Padua na dapat siguraduhing nakapaskil ang original o authenticated copy ng nasabing fare matrix upang makita at malaman ng mga pasahero ang patungkol dito. Giit naman ni Padua sa mga pasahero na kung sila ay sisingilin ng mas mataas na presyo ng mga mapagsamantalang drayber, dapat nilang isulat ang plaka ng pampasaherong van at ireport kaagad sa LTFRB Region 12 upang mabigyan ng agarang aksiyon.

 

-0-

 

Kidapawan city isa sa mga Kinilala bilang Most Competitive Cities noong nakaraang taon.

Nasungkit ng Kidapawan city ang pang limang pwesto bilang Most Competitive Cities sa taong 2018. Ang pagkilala ay ibinasi sa resulta sa mga kategoryan mula sa 2018 Cities and Municipalities Competitive Index ng Department of trade and Industry o DTI.

Kabilang sa mga kategorya ay ang Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure ug Resiliency. Sa economic dynamism, nasa pang pitong puwesto ang Kidapawan, pumangalawa naman ang lungsod sa usaping Government Efficiency, pang labin isang pwesto sa Infrastructureat pang labin tatlo sa Resiliency.

Ayon kay Kidapawan city Mayor Joseph Evangelista na ang pagkilala ay nangangahulugang naging mabunga ang pagsisikap ng mga City Officials na mapa unlad pa ang lungsod. Laborer, panibagong biktima ng nakaw-motorsiklo sa Kidapawan City Dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang laborer matapos tangayin ng di pa kilalang mga suspek ang kanyang motorsiklo bandang alas kwatro ng hapon, kahapon sa Old Terminal, Kidapawan City.

Kinilala ang biktima na si Mohamad Dipatuan, 28-anyos, may-asawa at residente ng Pinantao, Brgy Sudapin ng lungsod.

Ayon sa ulat, alas-syete ng umaga pinarada lamang ng biktima ang kanyang unit ng Suzuki Raider 150 sa harap ng Old Terminal, kombinasyon ng kulay itim at pula na may temporary plate number G427271159. Pero nang balikan nito alas-kwatro ng hapon ay wala na ito sa nasabing lugar.

Buong araw umanong naka-duty ang nasabing biktima sa isang tindahan na kanyang pinatatrabahuan kaya hindi nito batid kung anong oras tinangay ang motorsiklo nito. Si Dipatuan ay isa lamang sa maraming biktima ng tumataas na kaso ng nakaw-motorsiklo sa lalawigan.

 

 

 

P34 million worth of shabu seized in Tawi-Tawi bust

COTABATO CITY - Authorities seized P34 million worth of shabu from three drug traffickers who fell in an entrapment operation Tuesday in Bongao...

Mayor Sayadi wants ML to stay, saying it helped improved city peace and order

COTABATO CITY – If she had her way, Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi prefers that Martial Law in Mindanao stays.

...

Cartoon characters in SoCot Christmas festival wow public

KORONADAL CITY - Cartoons are not just for kids anymore.

The South Cotabato Provincial government understands that all...

Performance management training for BTA staff held

COTABATO CITY – The Office of the Parliament Speaker organized a three-day ‘Total Performance Management (TPM)’ training for Bangsamoro...

Explosives, war materiel seized by gov't troops in Zambo Norte

ZAMBOANGA CITY - Operating troops from the Bravo Company of the 97th Infantry Battalion recovered explosives and war materiel after a clash in...