Monday Oct, 14 2019 07:07:47 AM

NDBC BIDA BALITA (6.20.19)

NDBC BALITA • 09:00 AM Thu Jun 20, 2019
420
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

June 20, 2019 (THUR)
7:00 AM

HEADLINES:

1. Milyong halaga ng Droga nasabat ng mga awtoridad sa ikinasang buy bust operation kahapon sa Datu Odin Sinsuat.

2. Mayari ng internet cafe at electician patay sa dalawang insidente ng pamamaril sa Tacurong City Sultan Kudarat

3. Dating pari arestado sa buy-bust operation ng PNP sa Matalam, North Cotabato

4. MAGSASAKA dumalo sa birthday party, nag-inuman, nasaksak ng kapuwa magsasaka, patay

 

 

-0-

 

Local………………..

Arestado ang isang criminology graduate sa ikinasang buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-PDEA BARMM alas 2:45 sa Brgy. Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat alas 2:45 ng hapon kahapon.

Kinilala ni PDEA-BARMM Regional Director Juvenal Azurin ay naaresto ang suspek na si Sahid Usop Talib, 28 taong gulang at itinuturing na High Value Target ng ahensya.

Nakatakas naman ang kasama nitong si Omar Misuari na sinasabing sugatan matapos na makipagbarilan sa mga otoridad habang isinasagawa ang buybust operation.

Nakuha mula sa suspek ang nasa isang libong gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 6,800,000.00 pesos.

Kabilang pa sa mga nakuha mula sa kanya ang buy-bust money, sling bag, isang unit ng black Honda Civic, dalawang cellphone at ilan pang drug paraphernalia.

Nakakulong na sa lock up cell ng PDEA-BARMM dito sa lungsod ang suspek habang patuloy namang pinaghahanap ang kasama nitong si Misuari na nakatakas sa operasyon.

 

-0-

 

Local………………….

Naaresto ang isang lalaking suspek matapos makuha ng mga otoridad sa kanyang posisyon ang mga pinaghihinalaang droga sa Purok Rajamuda, Mother Brgy. Bagua, Cotabato City.

Nakilala ang suspek na si SAJID USOP MUNDAS Alyas “Ming”,45anyos, walang asawa,residente ng Manara St. RH10 ng lungsod.

Naaresto ang suspek alas dyes pasado kamakalawa ng gabi makaraang pangunahan ni PS4 cmmdr P/cpt. ELEXON VILLA BONA ang Drug Buy Bust Operation katuwang ang PDEA BARMM at iba pang kinauukulan dahilan upang mahuli ang suspek na si SAJID,makaraang nitong mapagbentahan ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha sa suspek ang dalawang sachet ng pinag hihinalaang shabu at mark money na ginamit sa operasyon. Nasa kustodiya ng nabanggit na himpilan ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.

 

-0-

 

Halos magkakasunod na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang tatlo katao matapos na magkakahiwalay na naging biktima ng pananakit dito sa lungsod.

Unang nagreklamo ang isang babaeng estudyante na nakilalang si BJ LAKIM,22yrs old, makaraan umano syang atakehin ng suspek na nakilala lamang sa alyas na “KEN” alas sinco pasado ng gabi sa bahagi ng Sta.Maria St. Brgy.Rosary Heights ng lungsod.

Ala sais naman ng gabi ng pagtulungang bugbugin ng dalawang lalaki ang isa pang estudyante na nakilalang si ALIH ASGAR,MASUKAT, sa may Federville Subd.RH 11.

Pinaka huling nagtungo sa himpilan ng pulisya ang isang supervisor ng isang coffee shop na nakilalang si MARK ANTHONY CORTEZ,22yrs old,may asawa upang isumbong umano ang ginawang pananapak sa kanya ng kanyang suspek na kamahan sa kanilang pinag tatrabahuhan sa Ramon Rabago St.RH13 ng lungsod.

Nagtamo ng mga pasa at sugat ang mga biktima ng dahil sa insidente,personal na  di pagkakaunawaan umano ang posibleng dahilan sa pagitan ng mga biktima at ng mga suspek kong kaya na nauwi sa sakitan.

 

-0-

Arestado ang isang Pakistani national na pinaniniwalaang “suicide bomber” ng teroristang grupo sa ikinasang pagmamanman ng Bureau of Immigration (BI) sa Zamboanga City, kamakalawa.

Ayon sa ulat ng  BI, kinilala ang dayuhan na si Waqar Ahmad, 36-anyos at umano’y miyembro ng Dawlah Islamiya terrorist group.

Napag-alaman na ang suspek ay nakatakda umanong makipagkita sa lider ng Abu Sayyaf upang paghandaan ang planong pagpapasabog na gagawin sana sa Basilan.

Wala rin umanong employment permit ang dayuhan matapos mapag-alaman na kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang empleyado sa appliance center na pag-aari ng kanyang tiyuhin.

Inaasahan namang ide-deport ng BI ang hinihinalang terorista na ngayon ay inilagay na rin sa immigration blacklist.

 

-0-

Humingi kahapon ng paumanhin kay Pangulong Duterte ang kapitan ng Phl fishing vessel na sinalpok at pinalubog ng isang Chinese vessel sa Recto Bank dahil sa nauna niyang komentaryo na nagpapakitang umatras siya sa sinasabing pakikipagpulong niya sa huli.

Humarap sa media si  Capt. Junel Insigne na tubong Occidental Mindoro at sinabing hindi niya alam na si Agriculture Secretary Manny Piñol at hindi si Duterte, ang humiling na makipagkita sa kanya sa Maynila.

Nauna rito, sinabi ni Insigne na makikipagtagpo siya kay Duterte para humiling ng pananagutan makaraang banggain ng isang Chinese vessel ang kanyang bangka at iniwan sila ng kanyang 21 crew member na palutang-lutang sa dagat.

 

-0-

 

Makikiisa din ang KAPA media team at ilang mga miyembro sa North Cotabato sa isasagawang dalawang araw na synchronize prayer rally simula ngayong araw.

Sa naging panayam ng Radyo-Bida kay Kidapawan City media team head Bong Encarnacion, sinabi nitong binigyan sila ng permit ni Mayor Joseph Evangelista na isagawa ang nasabing aktibidad sa Methodist area. Layon ding nitong maipanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatuloy na ang operasyon ng KAPA sa buong bansa.

Dala ang kani-kanilang plakards at kandila ay isasagawa na ang prayer rally ng mga miyembro na humingi din ng patnugot sa panginoon na ibigay ang kanilang kahilingan na makatulong sa pag-angat ng kabuhayan ng kapwa.

Nilinaw din ni Encarnacion na hindi nagtatago at nasa General Santos City lamang si Pastor Joel Apolinario na siyang founder at asawa nito na taliwas naman sa mga lumalabas na ulat ng ilang mga stasyon ng radyo at telebisyon. Anya, patuloy nilang kino-comply ang lahat ng mga dokumentong kinakailangan ng Securities and Excahange commission.

Samantala, ipinapangako naman ng opsiyal na maibabalik ang perang ibinigay ng mga miyembro bilang donasyon kung tutulong silang ipaglaban at pagsuporta na mabalik ang operasyon ng KAPA community international Inc.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

0-0-

 

Lalaking may kinakaharap na kaso, arestado sa Carmen North Cotabato

Huli ng PNP ang magsasakang may kasong frustrated murder sa Sitio Onse Barangay Tacupan, Carmen Cotabato alas 3:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ang suspek na si Sario Baran Mada layas Samlong, 37 anyos at nakatira din sa nasabing lugar. Dala ng Carmen PNP sa operasyon ang warrant of arrest na may kasong frustrated murder na inisyu ni Judge Loida Posadas- Kahulugan ng RTC branch 21 Bansalan, Davao Del Sur na may petsang June 26, 2012.

Hindi naman pumalag pa ng suspek nang arestuhin ng PNP na ngayon ay nakapiit na sa custodial facility ng Carmen Municipal Police station.

Samantala, arestado din ang magsasakang nakuhanan ng di lisensyadong armas sa isinagawang search warrant operation sa Barangay Carugmanan Banisilan, North Cotabato. Nakilala ang suspek na si Rovelito Tenorio Tabeza at residente ng naturang Barangay.

Nakuha sa bahay nito ang isang caliber 45 pistol at apat na live ammunitions. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive firearms and ammunitions act ang suspek at naghihintay na maisampa ang kaso sa korte.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dating pari arestado sa buy-bust operation ng PNP sa Matalam, North Cotabato

Arestado ang isang dating pari matapos na ikinasa ang buy-bust operation sa loob ng isang kainan sa Pamilihang Bayan ng Matalam, North Cotabato, pasado alas dos ng hapon kahapon.

Kinilala ang nahuli na si John Baring Ferolin, 42-anyos at residente ng Brgy. Lower Katingawan, Midsayap, North Cotabato. Ayon sa report ng PNP, nahuli si Ferolin matapos mabilhan ng iligal na droga sa nagpanggap na poseur buyer na isang police asset.

Nabatid na ang suspek ay umalis sa pagka pari sa Mission Society of the Philippines. Narekober sa kaniya ang isang piraso ng sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia at ang buy-bust money. Napag-alaman na dati nang nakulong ang suspek dahil rin sa kasong may kinalaman sa droga noong taong 2016. Matagal ding minamanmanan ang suspek bago tuluyang bumagsak sa kamay ng mga otoridad.

Nakakulong na ngayon sa custodial facility ang nasabing suspek at nahaharap sa kasong paglabag ra 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Patay ang isang magsasaka matapos pagsasaksakin ng kapwa nito mga magsasaka pasado alas-kwatro ng hapon kamakalawa sa Purok 1, Brgy. Lampayan, Matalam, North Cotabato.

Kinilala ni Matalam PNP Chief, Police Major Brian Placer ang biktima na si Arthuro Sabado, 41-anyos, may asawa at isang magsasaka na residente ng nabanggit na lugar.

Habang kinilala naman ang mga suspek na sina Felimon Cabilugan Jr., 51-anyos, isang magsasaka, anak nitong si Marvin Cabilugan, 27-anyos, single at John Clair Asagra, 25-anyos, may asawa at pawang mga security na mga residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng Matalam PNP, habang nakipag-inuman ang biktima kasama ang mga suspek sa isang birthday party ay bigla silang nagkaroon ng matinding pagtatalo kung saan pinag-tulungan nila ang biktima.

Dito na sinaksak ng amang si Cabilugan ang biktimang si Sabado gamit ang isang kutsilyo at natamaan sa kaliwang tiyan na nagresulta naman sa agara nitong kamatayan.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang Matalam PNP at nahuli ang mga suspek na sina Marvin Cabilugan at John Clair Asagra habang pinaghahanap naman ang amang si Felimon Cabilugan Jr. Personal grudge naman ang naging ugat ng nasabing insidente.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Patay ang isang 66 anyos na lola matapos na mabundol ng isang pampasaherong van sa Barangay Binoligan, Kidapawan City alas 12:30 ng tanghali kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Erlina Geronimo at nakatira sa nasabing lugar. Habang kinilala naman ang Van drayber na si Janrel Azunada 33 anyos at nakatira naman sa KM 115 Barangay Paco ng lungsod.

Ayon sa report ng PNP, binabaybay ng pampasaherong van ang Davao Cotabato highway at nang pagsapit sa lugar ay bigla itong nag overtake sa isa pang sasakyan hanggang sa nabundol nito ang senior citzen na pedestrian.

Nagtamo ng ibat-ibang sugat sa katawan ang lola na naging sanhi ng kanyang agarang katamayan habang nasa kustudiya na ng City PNP ang drayber ng van at nakatakdang sampahan ng kaululang kaso sa korte.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

Nagtapos sa reformation program ng Balay Silangan Reformation Center sa Barangay Nagpan,Malungon, Sarangani Province ang 30 mga sumukong drug personalties.

Ayon kay Malungon Mayor Ma. Theresa Constantino, ang mga ito ay ini-refer ng korte sa nasabing pasilidad matapos mag-avail ng plea bargaining agreement.

Saklaw ng tatlong buwang reformatory program ang pagsailalim sa mga sumukong drug personality sa counselling, moral recovery, spiritual at values formation at physical health activities. Ang mga graduate na nagtapos din sa skills training ng Technical Education and Skills Development Authority ay magtatrabaho sa mga pribadong kompanya na nakipagkasundo sa mga concerned na ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Constantino lahat ng ikalawang batch na nagtapos sa nasabing pasilidad ay pawang mga mamamayan ng Malungon. Ang Balay Silangan sa Malungon ay kauna unang drug reformatory facility ng PDEA sa bansa.

 

-0-

 

Mayari ng internet cafe at electician patay sa dalawang insidente ng pamamaril sa Tacurong City Sultan Kudarat.

Inaalam pa ng mga pulis kung may kaugnayan ang magkasunod na insidente ng pamamaril na ikinasawi ng dalawa katao sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Kinilala ni Tacurong Chief of Police, Lt. Col Joefil Siason ang unang biktima na si Ericson Aranico, 32 years old.

Ayon kay Siason si Aranico na natutulog sa kabubukas pa lamang nitong internet cafe sa barangay Poblacion ay binaril ng biglang pumasok na mga salarin pasado alas dyes kahapon.

Ang nasabing biktima ay dead on the spot dahil samatinding mga tama ng bala ng baril. Pagkatapos lamang ng may tatlumpung minuto patay din sa pamamaril sa syudad ang isang electrician.

Ayon kay Siason ang biktimang si Norodin Dinding, ng Poblacion, Buluan, Maguindanao ay binaril habang nagmamaneho ng motorsiklo malapit sa welcome rotonda o mas kilalang round ball sa Tacurong. Sinabi ni Siason na si Dinding ay sinundan pa ng mga salarin at binaril habang sakay ng tricycle na maghahatid sa kanya sa isang ospital nang tulungan ng isang concerned citizen.

Ayon kay Siason, hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang mga salarin at ano ang motibo ng mga ito sa pagpatay sa dalawang mga biktima. Inaalam din ng mga pulis ayon kay Siason kung may pinagkukutaang lugar sa Tacurong ang mga nakatakas na salarin. 

 

-0-

 

Magsasaka patay sa pamamaril umano ng tyuhin sa Lake Sebu, South Cotabato

Awayan sa lupa ang motibo na tinukoy ng mga pulis sa pagkakapatay ng tyuhin sa sarili nitong pamangkin sa Barangay Ned Lake Sebu, South Cotabato.

Kinilala ng Lake Sebu PNP ang biktima na si Jesusunny Cachuela, 53 anyos, magsasaka at nakatira din sa nasabing lugar.

Ang magsasakang si Cachuela ay agad na binawian ng buhay matapos barilin umano sa ulo ng tyuhin na si Rodolfo Cachuela,negosyante, 72 years old.

Ayon kay Lake Sebu Chief of Police Major Nathaniel Panaguiton nabaril ni Rodolfo ang pamangkin na si Jesusunny nang habulin umano siya nito ng itak na mas kilala sa tawag na “lagaraw” habang nagtatalo.

Sinabi ni Panaguiton na ang magtyuhing Cachuela ay matagal nang hindi nagkasundo sa boundary ng kanilang mga lupain sa Sitio Pulong Subong, Ned.

Ang suspek na na tyuhin ay inaresto ng mga kasapi ng 27th IB ng militar na pinamumunuan ni Sergeant Datu Ali Salman. Nakuha ng mga pulis sa kanya ang 45 pistol na ginamit umano sa krimen Narekober naman ng mga pulis sa crime scene ang isang basyo ng 45 pistol .

 

-0-

 

Driver ng motorsiklo patay sa vehicular crash sa Tupi, South Cotabato

Dead on at the spot ang isa katao matapos masangkot sa vehicular crash ang sinakyang motorsiklo sa Tupi, South Cotabato. Kinilala ng Tupi PNP ang biktima na si Filboy Daye, 28 years old, nakatira sa Sitio Saboy, Barangay Lunen, Tupi.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang biktimang si Daye na patungong General Santos City mula Tampakan ay nagtamo ng matinding mga sugat sa ulo.

Ito ay matapos mabangga ng minamanehong motorsiklo ang Starex Van na nakaparada sa tabi ng national highway sa Barangay Crossing Rubber, sa nasabing bayan. Ang biktima ay dead on arrival nang dalhin ng mga personnel ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa Tupi Municipal Hospital.

Ang driver na si Jay Villorente, 27 years old ng Esperanza, Norala, South Cotabato na ipinarada ang starex van sa tabing daan para umihi ay ikinustodya ng Tupi PNP. Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa naganap na vehicular crash.

 

-0-

 

Matutungyahan ng mga mamamayan na makikisaya sa 20th T’nalak Festival at 53rd Foundation Anniversary ng South Cotabato ang Bahay Kubo Competition.

Ayon kay Provincial Agriculturist Justina Navarete ito ay lalahukan ng labinisang mga local government units sa lalawigan. Sinabi Navarete na tampok sa mga Bahay Kubo ang pangunahing limang mga produkto ng bawat bayan at syudad sa South Cotabato.

Ayon kay Navarete, tulad noong mga nakaraang taon, ang bahay Kubo display ay matatagpuan pa rin sa tapat ng Provincial Capitol sa Koronadal City.

Ang tatanghaling Champion ay makatatanggap ng P100,000; P90,000 ang First Runner Up at P80,000 ang Second Runner Up. Kaugnay nito ipinahayag naman ni South Cotabato OIC Provincial Tourism Officer at T’nalak Secretariat Dinky Cagaanan na nubenta prosyento nang handa ang lalawigan sa nasabing selebrasyon.

Ang T’nalak Festival at Foundation Anniversary ng South Cotabato sa July 12 hanggang 18 ay pinaglaanan ng pamahalaang panlalawigan ng mahigit P27 million.

 

 

Karne mula Bulacan patungong Marbel, pinigil sa Tacloban dahil sa ASF scare

TACLOBAN CITY - Abot sa P1.6 million pesos na halaga ng assorted frozen pork meat products mula sa Bulacan ang naharang pasado alas 10:00...

Once troubled Basilan town now has radio station

BASILAN --- Stakeholders will launch Monday a “peace radio” in the former shabu capital of Basilan province whose municipal government got...

3 Soccsksargen hospitals lose PhilHealth accreditation

GENERAL SANTOS CITY -- The Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) has suspended and withdrawn the accreditation...

NGO spearheads outreach program for IPs in Maguindanao

UPI, Maguindanao – In celebration of Indigenous Peoples (IP) Month this October, local officials and non-government organization organized...

No casualty, damage in NoCot magnitude 5 quake: PDRRMC

KIDAPAWAN CITY -- Disaster management officials reported zero casualties and damage to properties from the magnitude 5...