Monday Oct, 14 2019 06:27:29 AM

NDBC BIDA BALITA (6.19.19)

NDBC BALITA • 10:00 AM Wed Jun 19, 2019
349
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

June 19, 2019 (WED)
7:00 AM

HEADLINES:

1. Securities and Exchange Commission nagsampa ng kasong kriminal laban sa KAPA sa Department Of Justice o DOJ

2. Lolo sa Polomolok, South Cotabato patay dahil sa sama ng loob matapos ipasara  ng Pangulo ang KAPA Community

3. Dalawang suspek sa pagtangay ng motorsiklo nakuhanan ng granada at marijuana sa Tulunan, North Cotabato

4. Dialysis center sa Region 12, sinusubaybayan ng PhilHealth at nagbabalang papanagutin kapag may nilabag na policy ng health insurance corporation 

 

-0-

 

Local………………..

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8799 o Securities Regulation Code (SRC) sina KAPA founder at president Joel A. Apolinario, trustee Margie A. Danao, corporate secretary Reyna L. Apolinario, Marisol M. Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Catherine Evangelista at Rene Catubigan.

Ayon sa SEC, marami pa silang sasampahan ng kaso dahil kasalukuyan pa nilang kinikilala ang ilan pang perso­nalidad na sangkot sa naturang scheme.

Lumalabas daw sa imbestigasyon ng SEC na hinihimok ng KAPA ang publiko na mag-donate ng P10,000 kapalit ng 30 percent monthly “blessing” o “love gift” for life.

Pinapangakuan daw ang mga magdo-donate na mag-invest kahit hindi na sila magtrabaho at maghintay na lamang sa kanilang payout.

Itinanggi na ng mga miyembro at opisyal ng Kapa Ministry ang alegasyon.

Una nang ipinawa­lang-bisa ng SEC ang certificate of registration ng Kapa at ma-secure ang higit sa P100-milyong mga asset nito sa pamamagitan ng asset freeze order na ipinalabas naman ng Court of Appeals (CA).

 

-0-

 

Local………………….

Kapwa duguan ng isugod sa pagamutan ang tatlong estudyante matapos na masangkot ang mga ito sa vehicular accident sa National Highway partikular sa tapat ng North Manuangan Elem. School,Pigcawayan, North Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina JOHN DAVE SARMIENTO,9 years old at ang mag pinsang sina KURT TAJAN at GLADILYN CARILLO, parehong estudyante at mga residente din ng nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na ulat, alas kwatro pasado kamakalawa ng hapon habang tumatawid sa kalsada pauwi si SARMIENTO galing sa eskwelahan ng mabangga ng paparating na motorsiklo na sinasakyan ng magpinsang sina KURT at GLADILYN, sa lakas ng pagkakasalpok kay SARMIENTO tumilapon ito at bumagsak sa kongretong kalsada.

Kapwa nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang parte ng kanilang katawan ang tatlo na mabilis namang isinugod sa pagamutan.

 

-0-

 

Iisinugod sa pagamutan ang isang lola makaraang mabalian ng buto matapos na aksidenteng matumba sa kanilang lugar sa Brgy.Nangi,North Upi Maguindanao.

Nakilala ang Senior Citizen na si SALINA SAMAR,69 na taong gulang residente ng nasabing Brgy.

Base sa kwento ng anak ni lola, bandang alas dose ng tanghali kahapon pauwi na sana ang lola habang naglalakad ng mawalan ng balanse dahilan upang matumba at aksidenteng maitukod nito sa lupa ang kaliwang braso ng bumagsak dahilan upang mabali ito.

Halos mawalan ng malay  ang lola dahil sa matinding sakit na kanyang nararamdaman ng isugod sa pagamutan dahil sa insidente.

SAMANTALA, Makalipas ang ilang minuto sunod namang itinakbo sa pagamutan ang isang pitong taong gulang na batang babae matapos din umano itong mabalian ng buto ng maaksidente sa Cotabato City Plaza alas kwatro pasado ng hapon kahapon.

Nakilala ang bata na si ANGEL LAISA TAMALA,7yrs old,Grade 2 pupil,nakatira sa Brgy.Crossing Simuay, Sultan Kudarat,Maguindanao.

Ayon sa Kaanak ng bata,nagtungo sila sa Plaza upang manuod sana sa mga  programa doon ng bigla umanong mahulog ito sa kanyang kinatatayuan habang nakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan.

Bumagsak sa kongretong sahig si ANGEL, dahilan upang mabalian ito ng buto sa kanyang kaliwang braso. Mabilis na isinugod sa pagamutan ang bata upang malapatan ng lunas.

 

-0-

 

Arestado sa Tandang Sora sa Quezon City ang dalawang hinihinalang miyembro ng teroristang grupong Daulah Islamiyah.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Gen. Oscar Albayalde, ang mga suspek ay kinilalang sina Arnel Flores Cabintoy at Feliciano Mañas Sulayao.

Kapwa sila nadakip sa operasyon ng pulisya kamakalawa.

Sa ngayon sinabi ni Albayalde na wala pang linaw kung ang dalawa ay nagpaplano ng pag-atake kaya sila nasa Metro Manila.

Pero ayon kay Albayalde ang dalawa bahagi ng “support groups” noong kasagsagan ng Marawi siege taong 2017 gayunman, kapwa umatras ang dalawa noong naging mainit na ang bakbakan.

Mahaharap sila sa kasong illegal possession of explosives.

 

-0-

 

Huli ang anim katao matapos na maaktuhang naninigarilyo sa pampublikong lugar sa Cotabato City.

Isa sa mga naaresto ang taga Maguindanao at lima naman sa mga ito ang residente ng lungsod. Pinangunahan ni Police Station 4 Commander, Police Captain Elexon Villa Bona ang paghuli sa mga lalaki kasama ang kanyang tropa.

Nakapag bayad ng multa ang ilan sa mga nahuli samantalang community service ang ipinataw sa iba.

Sa kabuuan umabot na sa labing lima katao ang naaresto sa loob lamang ng tatlong araw ng nasabing himpilan ng pulisya na lumalabag sa ordinansang umiiral sa lungsod na nagbababawal sa paninigarilyo sa pampublikong lugar.

Samantala, patay ang isang driver matapos na pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa Bangsamoro terminal, Barangay RH 9, Cotabato City alas 6: 15 kagabi.

Kinilala ang biktima na si Bebot Salilama Sibal, 40 years old may asawa at residente ng Barangay Tran, Lebak Sultan Kudarat.

Ayon sa report, nakatayo lang ang biktima sa lugar nang pagbabarilin ito ng mga suspek na tinamaan sa kanyang ulo.

Agad namang tumakas ang suspek na sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng PNP ang pagkakakilanlan maging ang motibo ng mga ito sa pagbaril sa biktima.

-0-

 

Mga sasakyan na naka-impound ipasusubasta ng Land Transportation Office 12

Ipasusubsta ng Land Transportation Office o LTO 12 ang mahigit 500 daang mga sasakyan na kanilang na-impound hanggang noong December 2018.

Ito ang kinumpirma ni LTO 12 Assistant Regional Director Robert Kuinisala. Ayon kay Kuinisala bago ipasubasta pinadalhan nila ng sulat ang may-ari ng mga naka-impound na sasakyan na bayadan ang kaukulang multa para makuha ang mga ito sa LTO 12.

Nasa batas na maari nang ipasubasta ng LTO ang mga sasakyang anim na buwang nakatengga sa kanilang impounding facility. Ayon kay Kuinisala magtatagal ang viewing ng mga ipasusubastang sasakyan hanggang sa July 1.

Ang mga interesadong buyer ay maaring kumuha ng viewing pass sa LTO 12. Saklaw ng auction sale na gaganapin sa LTO 12 Office sa July 10 ang mga sasakyang naka-impound sa mga tanggapan ng LTO sa Polomolok at Surallah sa South Cotabato at , Kabacan, Midsayap at Kidapawan City sa North Cotabato.

Habang ang mga naka-impound naman sa mga LTO Office sa Gensan at Sarangani ay ipasusubasta ng LTO General Santos City sa July 17 hanggang 18. Voice Clip…Si LTO 12 Assistant Regional Director Robert Kuinisala

 

-0-

 

Dengue Cases sa Gensan tumaas, ayon sa Chief ng Epidemiology and Surveillance Unit ng kanilang City Health Office

Nakapagtala ng mahigit 400 kaso ng dengue Fever sa syudad ang city health office ng Gensan mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon. Ayon kay Gensan City Health Office Epidemilogy and Surveillance Unit Head Dr. Mely Lastimoso, ito ay mas mataas sa 312 na kaso na kanilang naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay Lastimoso dahil sa dengue outbreak, pinaigting ngayon ng Gensan Health Office ang kanilang kampanya para masawata ang ng nasabing karamdaman.

Pinakamaraming kaso ng dengue sa Gensan na umabot sa 83 ay naitala sa Barangay Calumpang kung saan binawian rin ng buhay ang isang 18 year old na dengue patient. Sumunod ang Barangay Labangal na may 63, Fatima na may 49, San Isidro na may 42 at Apopong na may 39 dengue cases. Ayon kay Lastimoso,nakipagugnayan na sila sa mga Barangay Officials para sa pagpapaiting ng Aksyon Barangay Kontra Dengue Program.

Tinututukan nito ang paglilinis ng mga kanal, at iba pang mga lugar na pinamamamahayan ng mga lamok na nagdadala ng dengue. Binigyan diin ni Lastimoso na pinakabisang paraan pa rin para masawata ang dengue ang kalinisan sa kapaligiran.

 

-0-

 

Philhealth 12 susuriin ang operasyon ng mga dialysis centers sa rehiyon

Kabahagi ng taunang accreditation process ang monitoring ng Philhealth 12 sa 20 mga Dialysis Center sa rehiyon. Ito ang paliwanag ni Philhealth 12 Health Care Delivery and Management Services Division Chief Dr. Antoniette Ladio.

Ayon kay Ladio susuriin nila ang pagsunod ng nasabing mga Dialysis Center sa mga requirement ng accreditation. Tiniyak din ni Ladio na mas hihigpitan din ng Philhealth 12 ang pagsuri sa mga Dialysis center kasunod ng pagkakatulas ng mga umano’y “ghost” patients at treatment sa ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Ladio mariin ding ipinatutupad ng Philhealth 12 ang pre-medical review at evaluation sa claim ng mga ospital. Sinabi ni Ladio na sinusuri ng Philhealth 12 kung ang diagnosis ng mga pasyente ay tugma sa araw ng admission, ibinigay na gamot at pagamot sa mga pasyente.

Ayon kay Ladio kapag may pagdudua sa claim ng mga ospital agad nila itong inirerefer sa lanilang legal services unit. Gayunpaman ayon kay Philhealth 12 Membership Section Head Nevin Hallegado, para madiskubre ang anomalya ng mga health facilities kailangan din nila ang tulong ng publiko.

 

-0-

 

Lolo sa Polomolok, South Cotabato patay dahil sa sama ng loob matapos ipasara ng Pangulo ang KAPA Community Ministry International

Nagluluksa ngayon ang isang pamilya sa Polomolok, South Cotabato matapos masawi ang kanilang padre de Pamilya nang atekhin sa puso dahil umano sa sama ng loob.

Kinilala ang lolong binawian ng buhay na si Percival Alojado, 76 anyos nakatira sa Barangay Poblacion sa nasabing bayan. Sinabi sa Radyo bida ng anak ni Alojado na si Ambrose na hindi kinaya ng ama ang sama ng loob at labis pagaalala.

Ito ay matapos mamroblema kung papaano nito makukuha ang mahigit isang milyong pisong ibinigay sa KAPA Community Ministry International.

Sinabi ni Ambrose na sa sarili lamang nitong account mayroong mahigit P400,000 na idinoate sa KAPA Ministry ang kanyang ama. Nabatid na lumubo ang donasyon ng nasawing lolo sa KAPA Ministry dahil nagbubukas ito ng panibagong account para sa kanyang mga anak at apo sa tuwing nakatatanggap ng blessing.

Ayon kay Ambrose labis, nakaapekto sa kalusugan ng kanyang ama ang pagpapasara ni Panguong Duterte sa KAPA ministry.

Kaugnay nito umaapela ang nakababatang Alojado sa pangulo na payagang makapag-operate ang KAPA ministry na ayon sa kanya ay nakatutulong sa kanilang kabuhayan.

 

-0-

 

BFAR-North Cotabato magkakaroon ng bagong tanggapan sa Kidapawan City

Ipatatayo ang bagong tanggapan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-North Cotabato sa compound ng Balindog Research and Experiment Station ng Department of Agriculture sa Barangay Balindog, Kidapawan City.

Nanguna sa pagpapasinaya nito si BFAR XII Regional Director Usop Pendaliday. Ayon kay Pendaliday napili nilang ipatayo ang tanggapan ng BFAR-North Cotabato sa Kidapawan City dahil nasa sentro ito ng lalawigan. Sa pamamagitan nito ayon kay Pendaliday ay magiging mas madali na sa mga mangingisda ang pakikipagtransakyon sa BFAR.

Ipinahayag naman ni DA 12 Operations Division Head Ray Embahador na maari ring matuto ng mga bagong teknolohiya sa kanilang research and expirement station sa Balindog ang mga mangingisda Inaasang sisimulan ang pagtatayo ng nasabing tanggapan ngayong buwan.

 

-0-

 

Laborer na wanted person, pinaghahanap ng PNP matapos makatakas sa operasyon sa Magpet, North Cotabato

Pinaghahanap na ng Magpet PNP ang isang wanted person na may kasong rape sa Barangay Kisandal, Magpet North Cotabato. Target sana ng warrant of arrest si Ermon Cocquilla, 30 anyos, at nakatira sa nauturang Barangay.

Nang matunugan ng suspek ang raiding team ay agad na tumakas sa pamamagitan ng pagtalon nito sa bintana at pumunta sa masukal na lugar.

Nakuha sa bahay nito ang dalawang mga papel na may dried marijuana leaves na ngayon ay isinumite na sa Provincial Crime Laboratory para sa dagdag na eksaminasyon.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Rogelio R. Narisma ng RTC Branch 23, Kidapawan City na may petsang January 4, 2012. Tinutugis na ngayon ng Magpet PNP ang nasabing suspek.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dalawang suspek sa pagtangay ng motorsiklo nakuhanan ng granada at marijuana sa Tulunan, North Cotabato

Hindi na nakapalag pa ang dalawang mga suspek matapos mahuli ng Tulunan PNP alas sais ng umaga kanina sa Purok 5, Brgy. Bual, Tulunan North Cotabato. Kinilala ni Tulunan PNP Chief Police Captain Edwin Tono ang dalawang mga suspek na sina Jake Mohamad at Zedric Ardig, nasa hustong gulang at pawang taga Buluan, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng PNP, akto na sanang tatangayin ng mga suspek ang isang motorsiklo sa Brgy La Ezperanza nang namataan ng mga residente sa lugar. Agad namang tumakas ang dalawang mga suspek pero naabutan ito ng PNP pagsapit sa Bgry. Bual ng nabanggit na bayan. Narekober naman sa posesyon ng suspek na si Mohamad ang isang hand grenade at pinaniniwalaang marijuana habang nakuha rin kay Ardig ang posporong may lamang dahon ng marijuana.

Nabatid naman na ang motorsiklong minamaneho ng dalawa ay isa ring nakaw na motorsiklo. Ang motorsiklong CT100 Kawasaki Bajay na may kombinasyong kulay itim at pula ay tumugma sa una nang naiulat na tinangay noong Biyernes, June 15 sa Brgy Sibsib sa nabanggit ring bayan na pagmamay-ari ni Alvin Descalsota.

Nakakulong na ngayon sa custodial facility ng Tulunan PNP ang dalawang mga suspek at nahaharap sa kasong carnapping, paglabag sa comprehensive dangerous act at comprehensive firearms and ammunition regulation act.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kidapawan City disaster risk and reduction management council head, umapela na iwasan ang pagtapon ng basura sa mga kanal ngayong simula ng tag-ulan

Ito ay ayon kay Kidapawan City Disaster Risk and Reduction Management at Public safety head Psalmer Bernalte sa naging panayam ng Radyo-Bida.

Sinabi ni Bernalte, kadalasang sanhi ng pag-overflow ng tubig sa mga sapa at kanal ay ang mga basurang nakatambak na itinapon din ng mga residente sa lugar. Kung kaya’t patuloy ang panawagan ni Bernalte sa publiko na iwasan ang pagtapon ng kahit anumang uri ng basura sa mga sapa lalo na ngayong panahon ng tag-ulan na posibleng dahilan din ng pagbaha.

Habang may mga designated evacuation center naman para sa apatnapung barangay ng lungsod kung kailangan ng lumikas ang mga mamamayan kung patuloy na makakaranas ngpag-ulan at ang pag apaw ng tubig. 

Samatala, patuloy naman ang pagmonitor ng tanggapan sa mga lugar na kadalasang binabaha lalo pa’t patuloy pa rin ang pag ulan sa lalawigan ngayon. Nagbabala din ang opsiyal sa mga motorista na huwag na anyang sumuong kung makikitang umaapaw na ang tubig sa mga tulay upang maiwasang madisgrasya.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Retired Army, nakuhanan ng ‘di lesinsyadong armas sa Matalam, Cotabato

Arestado ang isang retiradong sundalo makaraang mahulihan ng ‘di lisensiyadong armas sa Purok Yellow Bell, Barangay Poblacion, Matalam, North Cotabato, nitong Lunes ng gabi.

Sa ulat ni Lt. Col. Aldrin Gonzales, tagapagsalita ng PNP-12 kinilala ang suspek na si Alvin Barroga, 43-anyos na isang retired Army sergeant at residente sa lugar.

Ayon sa Matalam PNP, may mga sibilyan umanong nagpaabot ng impormasiyon sa mga pulisya hinggil sa presensiya ng isang tao sa kanilang komunidad na may dalang baril, alas-8:00 ng gabi Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang US-made 9mm pistol at bala at walang maipakitang dokumento.

Ang suspek ay nakapiit ngayon sa Matalam PNP hinggil sa paglabag sa Republic Act 10591 or Illegal Possession of Firearms and Ammunition.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 
-0-

Lokal na pamahalaan ng Kidapawan, nilinaw na hindi nakapag isyu ng business permit sa mga investment scheme sa lungsod ayon sa alkalde

Nilinaw sa Radyo-Bida ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na hindi nag issue ng business permit ang kanyang tanggapan sa lahat ng mga investment scheme na kumakalat sa lungsod. Aminado naman ang alkalde na marami na ang gustong mag-apply upang kumuha ng business permits dahil may gusto anya silang itayong na negosyo.

Pero nakapag-operate pa rin dahil sinasabing isa itong religious ministry foundation. Una ng nagpalabas ng direktiba ang Department of Interior and Local Government o DILG na nag-uutos sa lahat ng alkalde sa mga lungsod at bayan na kanselahin at ipawalambisa ang mga business permits ng kahit anumang investment scheme.

Ang kanilang pinaghirapang pera. Magbibigay din ng tulong legal ang pamahalaan sa mga magrereklamo laban sa mga investment schemes ng mahigit sa 8,000 na mga miyembro mula sa Kidapawan City.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

Type a message...

Karne mula Bulacan patungong Marbel, pinigil sa Tacloban dahil sa ASF scare

TACLOBAN CITY - Abot sa P1.6 million pesos na halaga ng assorted frozen pork meat products mula sa Bulacan ang naharang pasado alas 10:00...

Once troubled Basilan town now has radio station

BASILAN --- Stakeholders will launch Monday a “peace radio” in the former shabu capital of Basilan province whose municipal government got...

3 Soccsksargen hospitals lose PhilHealth accreditation

GENERAL SANTOS CITY -- The Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) has suspended and withdrawn the accreditation...

NGO spearheads outreach program for IPs in Maguindanao

UPI, Maguindanao – In celebration of Indigenous Peoples (IP) Month this October, local officials and non-government organization organized...

No casualty, damage in NoCot magnitude 5 quake: PDRRMC

KIDAPAWAN CITY -- Disaster management officials reported zero casualties and damage to properties from the magnitude 5...