Monday Oct, 14 2019 07:48:35 AM

NDBC BIDA BALITA (6.18.19)

NDBC BALITA • 10:00 AM Tue Jun 18, 2019
455
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

June 18, 2019 (TUE)
7:00 AM

HEADLINES:

1. DALAGITA, brutal na pinatay ng kanyang sariling ama sa Midsayap, North Cotabato.

2. NPA member, patay nang maka-engkwentro ang mga sundalo sa Tupi, South Cotabato

3. SUSPEK sa pananaga ng isang magsasaka sa Carmen, North Cotabato, sumuko na sa PNP

4. Publiko sa South Cotabato, pinag-iingat dahil sa posibilidad ng landslide dulot ng mga pag-ulan.

 

-0-

Local………………..

BRUTAL NA KAMATAYAN ang sinapit ng 17 taong gulang na dalagitan nang paslangin siya ng sariling ama sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ng Midsayap PNP ang nasawing biktima na si Jeanny Mae Rollan, Grade 11 pupil ng Saint Jude College at taga -housing area, Barangay Upper Glad 1, Midsayap.

Boluntaryo namang sumuko sa mga otoridad ang suspek na nakilalang si Jesus Socito.

Sinabi ni Midsayap PNP chief, Police Col. Benito Rotia Jr. na base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang suspek at ang biktima, nagkasagutan hanggang sa kumuha ng bara ang suspek at hinampas sa ulo at katawan ang kanyang anak hanggang sa mamatay.

Ayon kay Roria, kinukumpirma rin nila ang ulat na tinangkang gahasain ng suspek ang sarili nitong anak ngunit nanlaban ang biktima kaya niya ito pinatay.

Napag-alaman naman mula sa kanilang mga kapit-bahay na lagi nasasangkot sa gulo ang suspek at dati nang inireklamo dahil sa tangkang panggagahasa.

Tila may deperensya din umano sa pag-iisip ang asawa nito kaya’t hindi nagawang ipagtanggol ang kanilang dalagitang anak.

 

-0-

 

Local………………….

PATAY NA nang makitang palutang-lutang ang isang batang babae sa Bagua River, sa bahagi ng Purok Mangungan, Barangay Bagua Dos, Cotabato City pasado alas kwatro ng hapon kahapon.

Sadya namang di kinilala sa report ang natagpuang bangkay dahil na rin sa pakiusap ng pamilya na taga

Brgy. Pagalungan, Mother Kabuntalan, Maguindanao.

Base sa inisyal na ulat ng City PNP, pasado alas kwatro ng madaling araw kamakalawa nang mawala ito matapos umanong malunod sa Kabuntalan River hanggang sa matangay ng agos at napadpad sa Cotabato city.

Agad na kinuha ng pamilya ang bangkay ng bata at dinala sa kanilang lugar upang mabigyan ng maayos na libing.

 

-0-

KALABOSO ang 60 anyos na lolo matapos na gawin nitong hostage ang sariling apo sa Ampatuan, Maguindanao.

Nakilala lamang ang naturang suspek sa pangalang Doro, isang tricycle driver na taga Parang, Maguindanao.

Sa report ng Ampatuan PNP, bigla umanong dumating ang suspek sa bahay ng kanyang anak sa Purok Bagumbong, Barangay Poblacion, Ampatuan na tila wala sa sarili at biglang tinangay ang kanyang apo na si baby Shine.

Naharang ng kanyang mga kaanak at mga pulis ang suspek sa national highway ngunit sa halip na isuko ang sanggol ay tinutukan pa niya ito ng itak.

Nagbanta si lolo Doro na gigilitan ang apo kapag may nagtangkang bawiin ito sa kanya.

Ngunit matapos ng isinagawang negosasyon ng mga otoridad ay nabawi rin ng mga magulang ang sanggol habang ang suspek ay ikinulong sa lockup cell ng Ampatuan PNP.

Pinaniniwalaang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang matanda at wala sa sarili nang gawin ang krimen.

 

-0-

 

SUGATAN ang isang batang babae at isa pa, matapos silang tamaan ng ligaw na bala sa Brgy. Labungan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Base sa inisyal na report ng DOS PNP, pasado alas onse ng gabi noong Sabado habang nasa loob lang ng kani- kanilang mga bahay ang mga biktimang sina JANE TILASPI, dose anyos, at ROSTOM LAISON ANGI, nang makarinig sila ng mga putok ng baril.

Ilang sandali pa ay nakaramdam na ng kirot ang mga biktima hanggang sa mapansing duguan na sila at tinamaan na pala ng mga ligaw na bala.

Hindi naman kinilala sa report ang suspek na nagpaputok ng baril at ang totoong puntirya nito na kanyang pinagbabaril.

Mabilis namang isinugod sa ospital ang dalawang mga sugatang biktima.

SAMANTALA, isinugod din sa ospital ang pitong taong gulang na lalaki makaraang magtamo ng grabeng sugat nang mabundol siya ng isang motorsiklo sa Don E. Sero Street, Barangay Rosary Heights 4, Cotabato City.

Pasado alas dyes ng umaga kamakalawa nang bigla umanong tumawid sa kalsada ang bata na kinilala lamang sa pangalang Musa, dahilan para mabundol siya ng dumaang motorsiklong minamaneho naman ng nakilala lamang sa pangalang Ryan.

Nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang bata at patuloy ngayong ginagamot sa ospital.

 

-0-

 

BINALAAN ng Sandiganbayan si Moro National Liberation Front o MNLF founding chair Nur Misuari dahil sa hindi umano nito pagtupad sa mga kasunduang inilatag ng korte kaugnay sa kanyang biyahe sa ilang mga bansa sa Middle East.

Ayon sa resolusyon ng Third Division ng anti-graft court na inilabas nitong May 22, hindi raw kasi nagpakita si Misuari sa korte limang araw matapos itong bumalik sa Pilipinas.

Nahaharap si Misuari sa tig-dadalawang bilang ng graft at malversation sa pamamagitan ng pagpalsipika sa pampublikong mga dokumento dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga educational materials noong ito pa ang gobernador ng Autonomous Region of Muslim Mindanao.

Gayunman, hindi naman pinagbigyan ng korte ang hiling ng prosekusyon na dakpin si Misuari dahil dito.

Tinanggihan din ng hukuman ang hiling na ipawalang-bisa ang piyansa at travel bonds na inilagak ni Misuari para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nagtungo sa United Arab Emirates at sa Kingdom of Morocco si Misuari noong Pebrero 26 hanggang Marso 20 para dumalo sa mga pulong sa Organization of Islamic Cooperation.

Sinabi ng Sandiganbayan, “balido at katanggap-tanggap” naman daw ang mga rasong inilahad ni Misuari sa hindi nito pagpapakita sa korte.

 

-0-

 

Suspek sa pagtaga ng isang magsasaka sa Carmen, North Cotabato, sumuko na sa PNP

Sumuko sa tanggapan ng Carmen PNP ang isang lalaki na umano’y suspek sa pananaga ng kanyang kainuman sa Sitio Onse, Barangay Tacupan, Carmen, Cotabato.

Kinilala ang suspek na si Sario Baran Mada, 37 anyos, isang magsasaka at nakatira sa ng Barangay Magsaysay, Bansalan, Davao Del Sur.

Ayon sa imbestigasyon ng Carmen PNP, pauwi na umano ang suspek kasama ang biktimang si Efren Berot Robles, 49 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Purok, 6 Barangay Tacupan, Carmen galing umano sa inuman.

Nang pagdating sa Sitio Onse, sa di pa pa malamang kadahilanan ay pinagtataga ng suspek ang biktima gamit ang matalim na karit.

Agad namang isinugod ang biktima sa Carmen Municipal Hospital at kalaunay inilipat sa Cotabato Provincial Hospital sa Amas, Kidapawan City. Isa ang personal na alitan sa mga sinsusundang anggulo ng mga pulis sa pananaga ng suspek kay Robles.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Bahay sa President Roxas North Cotabato, nasira matapos na inararo ng sasakyan

Nasira ang isang bahay na nasa gilid ng National Highway matapos na araruhin ng sasakyan na pagmamay-ari ng isang Government employee sa Purok 3 Barangay New Cebu President Roxas, Cotabato alas 5:50 ng umaga kahapon.

Maswerte namang wala sa loob ng nasabing tahanan na gawa sa light materials ang may-ari na si Ryan Verdon, 40 anyos, at isang magsasaka nang mangyari ang aksidente.

Ang Hilux pick- up na sasakyan ay patungong Kidapawan City ang direksyon na minamaneho ni Geofrey Patenio ng President Roxas LGU at nakatira sa Barangay New Cebu.

Sa imbestigasyon ng PNP, iniwasan umano ng drayber ang pedestrian hanggang sa mawalan ito ng control at dumiretso sa naturang bahay. Tinatayang abot sa 150,000 pesos ang halaga ng nasirang ari-arian, nagtamo din ng kasiraan ang naturang sasakyan at nagkaayos naman ang dalawang panig.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Isang tulay sa Tulunan, North Cotabato hindi na madaanan matapos ang matinding ulan

Sisimulan na ngayong umaga ang gagawing food for work program ng Barangay Baynosa sa bayan ng Tulunan, North Cotabato matapos gumuho ang malaking parte ng lupa na nagdudugtong sa sementadong tulay.

Ito ngayon ang rason kung bakit hindi makadaan ang mga residente sa lugar, lalo-lalong na ang mga estudyante dahilan din ng kanilang pagliban sa klase.

Ayon kay Tulunan MDRRMO Officer Engineer Ernie Diaz, ang pondo sa i-rerepair na tulay ay kukunin naman sa Barangay Disaster Risk Reduction Management Fund.

Ang food for work program naman ang siyang paraan upang magtulong-tulong ang mga residente sa lugar na matambakan ang gumuhong lupa dahil delikado itong madaanan sa ngayon.

Makikita naman sa isang post ng netizen sa social media na mahirap at delikado nang madaanan ang tulay lalo ng mga motorista sa lugar.

Nabatid na madalas nag-ooverflow ang nasabing tulay lalo na tuwing malakas ang buhos ng ulan. Matatandaan din na maraming mga low lying areas sa North Cotabato ang madalas na maaapektuhan tuwing nakararanas ng malakas at walang tigil na pag-ulan.

Ito naman ngayon ang tinututukan ng Disaster Risk Reduction Managament sa pagsasagawa ng precautionary measures para mailayo sa anumang sakuna ang mga residente.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Motorsiklo tinangay sa Antipas, North Cotabato

Dumulog sa himpilan ng Antipas PNP ang panibagong biktima ng motorcycle theft bandang alas 6 ng gabi kagabi sa Sitio Marang, Brgy Poblacion, Antipas North Cotabato.

Kinilala ni PCaptain Bernard Abarquez, hepe ng Antipas PNP, ang biktima na si Sergio Carillo Dinolan, 46-anyos , may asawa at residente ng Purok 4, Brgy Poblacion ng nabanggit ng bayan.

Ayon sa report ng PNP, nakaparada lamang sa labas ng Pedregosa store sa nasabing lugar ang kanyang unit ng RS Honda 125 nang tangayin ito ng hindi pa kilalang mga suspek. Patuloy ngayon ang imbetigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.

Matatandaan namang abot na sa higit 50 kaso ng nakaw motorsiklo ang naitala sa buong probinsya ng North Cotabato.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Universal Health Care Law na unang ipatutupad sa lalawigan, tugon sa siksikan ng mga pasyente sa provincial hospital, ayon sa Board Member ng South Cotabato

Naniniwala si South Cotabato Board Member Ellen Grace Subere Albios na makatutulong ang Universal Health Law o UHCL para maibsan ang siksikan ng mga pasyente sa provincial hospital.

Ayon kay Albios na siya ring Chairman ng Committee on Health ng Provincial Board, sa ilalim ng nasabing batas, magiging katuwang na ng mga Rural Health Units sa paggamot ng mga outpatient ang mga pribadong ospital at klinika.

Paiigtingin din nito ayon kay Albios ang referral system ng mga health facility sa South Cotabato. Ipinahayag ni Albios na isang malaking karangalan ang pagkakapili ng Department of Health sa South Cotabato na isa sa 17 lalawigan sa bansa na unang magpapatupad ng UHCL.

Kaugnay nito, ayon kay Albios inaasahan na magiging study area ng ibang mga lalawigan sa pagpapatupad ng UHCL ang South Cotabato sa susunod na tatlong taon. Nilinaw din ni Albios na ang pondo na gagamitin sa pagpapatupad ng UHCL ay mula sa national government. Ang paggamit nito ay nakaatang sa provincial health board.

 

-0-

 

Provincial Health officer ng South Cotabato may payo sa mga magulang para iwas suicide ang kanilang mga anak

Kausapin ang kanilang mga anak kapag nakitaan ng sintomas ng suicide. Ito ang paalala sa mga magulang ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido.

Ayon kay Aturdido madalas naging sintomas ng pagpapakamatay lalong lalo ng mga kabataan ang kawalan ng ganang kumain. May posibilidad din ayon kay Aturdido na mag-suicide ang isang taong na madalas ay nais na mapagisa.

Sinabi ni Aturdido na hindi maaring balewalin ang mga sintomas na ito. Ito ang ipinahayag ni Aturdido, kasunod ng tumataas na kaso ng suicide incidents sa South Cotabato. Pinakahuling biktima nito ang nagbigting Grade 7 student sa Koronadal City.

 

-0-

 

NPA member patay nang maka-engkwentro ng kanilang grupo ang mga kasapi ng militar sa Tupi, South Cotabato

Kasapi ng Guerilla Front 73 ng New Peoples Army o NPA na kanilang naka-engkwentro ang napatay ng mga kasapi ng militar sa Tupi, South Cotabato. Ito ang ipinahayag ni 27th IB Commading Officer Lt. Col. Jones Brisal Otida.

Ayon kay Otida, nakasagupaan ng nagpapatrolyang tropa ng pamahalaan ang mga myembro ng NPA sa liblib na Sitio ng Pangi, Barangay Lunen,Tupi, South Cotabato.

Ipinahayag ni Otida na ang engkwentro sa pagitan militar at NPA kahapon ng madaling araw ay tumagal ng halos sampung minuto. Naniniwala din si Otida na maliban sa napatay na myembro umano ng NPA sugatan maaring sugatan din ang iba pang mga kasama nito.

Ito ay base naman sa mga bakas ng dugo na nakita ng mga ito sa lugar. Narekober ng mga sundalo sa lugar na pinangyarihan ng sagupaan ang M14 rifle , Baby Armalite at mga personal na gamit ng mga rebelde.

Nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng militar sa mga naka-engkwento nilang may sampung myembro ng NPA na tumakas patungong, Banga, South Cotabato

 

-0-

 

Disaster Risk Reduction and Management Council Action Officer, pinaiingat ang mga mamamayan ng Lake Sebu bunsod ng mga landslide na naitala sa nasabing lugar.

Maging maingat ngayong tagulan para makaiwas sa sakuna. Ito ang panawagan sa mga mamamayan sa lugar ni Lake Sebu, South Cotabato Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Action Officer Robert Bagun. Sinabi ni Bagon na dapat maging mapagmatyag ang mga nakatira sa mga lugar na madalas magkaroon ng landslide sa Lake sebu.

Pinagiingat lalo ni Bagun ang mga estudyante na madalas naabutan ng ulan sa kanilang paguwi tuwing hapon. Ipinahayag ito ni Bagun bunsod ng sunod sunod na insidente ng landslide sanhi ng walang patid na pagulan sa Lake Sebu.

Ayon kay Bagon, dahil sa banta ng landslide isang lane lamang ang madadaanan sa bahagi ng highway sa Barangay Poblacion.

Ito ay matapos makitaan ng bitak ang ilalim na bahagi nito. Sinabi ni Bagon na para madaanan ng mga sasakyan, mano mano ring tinanggal ng nagbayanihang mga mamamayan ang lupang bumaon sa isang bahagi ng daan sa barangay Tasiman.

Ayon kay Bagon para maresolba ang problema hihiling sila ng tulong sa Department of Public Works and Highways o DPWH. Sinabi ni Bagon na irerekomenda nito sa ahensya ang paglalagay ng slope protection sa mga nagka-landslide na bahagi ng daan sa Lake Sebu.

Ipinahayag ni Bagon na dahil sa landlslide isang pamilya rin sa Poblacion ang pansamantalang inilipat sa Barangay Hall matapos masiraan ng bahay.

 

0-0-

 

Binata patay matapos malunod sa swimming pool sa Tantangan, South Cotabato

Kinilala ng Tantangan PNP na pinamumunuan ni Police Captain Romeo Albano Jr.ang biktima na si Elwin Castromayor, 26 anyos, binata at nakatira sa Barangay New Lambunao, Tantangan, South Cotabato.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na habang nag-iinuman sa isang resort sa Barangay Tinongcop, Tantangan, sinabihan umano ng gwardiya na bumalik sa nirentahang cottage ang biktima. Ilang minuto matapos balewalain ang utos ng gwardiya naranig nito na sumisigaw na humihingi ng tulong ang isang concerned citizen nang makitang nalunod ang biktima.

Ang biktimang si Castromayor ay dinala ng rescue team ng Bureau of Fire Protection o BFP Tantangan sa isang pribadong ospital sa Koronadal City kung saan siya ideneklrang dead on arrival.

 

 

Cotabato Water District announces low water pressure to no water at all

Water Service Advisory
(Emergency Repair)

Date: October 13, 2019

What: Low Water Pressure to No Water due to Emergency Repair...

Karne mula Bulacan patungong Marbel, pinigil sa Tacloban dahil sa ASF scare

TACLOBAN CITY - Abot sa P1.6 million pesos na halaga ng assorted frozen pork meat products mula sa Bulacan ang naharang pasado alas 10:00...

Once troubled Basilan town now has radio station

BASILAN --- Stakeholders will launch Monday a “peace radio” in the former shabu capital of Basilan province whose municipal government got...

3 Soccsksargen hospitals lose PhilHealth accreditation

GENERAL SANTOS CITY -- The Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) has suspended and withdrawn the accreditation...

NGO spearheads outreach program for IPs in Maguindanao

UPI, Maguindanao – In celebration of Indigenous Peoples (IP) Month this October, local officials and non-government organization organized...