Wednesday Oct, 16 2019 05:57:32 AM

NDBC BIDA BALITA (6.17.19)

NDBC BALITA • 09:30 AM Mon Jun 17, 2019
461
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JUNE 17, 2019 (MON)
7:00 AM

HEADLINES:

1. BALLOT BOX na naglalaman ng higit isang libong mga balota, natagpuan palutang-lutang sa isang latian sa Datu Salibo, Maguindanao.

2. WANTED person, patay matapos umanong manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanya sa Surallah, South Cotabato

3. BABAE at isang estudyanteng drug suspects, arestado sa hiwalay na anti-illegal drugs operation sa Kidapawan city at Matalam, North Cotabato.

4.  Maguindanao barangay kagawad huli anti-drug operation sa Surallah, S. Cotabato 

-0-

Local………………..

NATAGPUANG palutang-lutang sa isang latian o basakan sa Datu Salibo, Maguindanao ang isang ballot box na naglalaman ng mga balotang hindi umano naisama sa bilangan noong nakalipas na May 13 elections.

Ang naturang ballot box ay natagpuan ng mangingisdang si Moadz Mindao sa Barangay Sambulawan noong nakaraang linggo.

Sabi ni Mindao, napagkamalan niya pang buwaya ang lumulutang na ballot box kaya’t natakot siyang lapitan ito.

Ngunit nang makumpirmang isa ngang ballot box ang kanyang nakita ay kaagad naman niya itong ipinagbigay-alam sa kanilang barangay officials.

Agad ding nai-turnover sa local election office ng bayan ang naturang ballot box.

Ayon naman sa local election office ng bayan, wala umanong epekto sa naging resulta ng halalan kahit bilangin pa ang mga balotang laman ng natagpuang ballot box.

Mayroong 9,504 registered voters sa Datu Salibo. Sa bilang na ito, halos limang libong mga botante lamang ang bumoto noong May 13.

Naiproklamang bagong halal na alkalde si Solaiman Sandigan na nakakuha ng 2,729 na boto, habang 1,427 na boto naman ang nakuha ni outgoing mayor Norodin Salasal.

Mayroong 1,778 na mga rehistradong botante sa Barangay Sambulawan kung saan nakuha ang ballot box.

 

-0-

 

MAGTATAGISAN ng kanilang natatanging talent ang walong mga kandidata ng Mutya ng Cotabato ngayong taon kaugnay ng 60th Anniversary Celebration ng lungsod ng Cotabato.

Sinabi ni City Tourism Officer na mapapanood ng libre ang Mutya ng Cotabato talent presentation bukas, June 18, alas dyes ng umaga sa Southseas Mall.

Magpapakitang –gilas sina Abelyn Gumapac, Alyssa Cara Gallanas, Johanna Cual, Chrizza Bello, Nichole Martinez, Sheena Brillantes, Jeniffer Torres at Regine Arguelles para sa masungkit ang minor award na Miss Talent sa patimpalak.

Samantala, sa Miyerkules naman, June 19 gaganapin ang coronation night, alas sais ng gabi sa CCI gym.

Magtatagisan ng ganda at talino ang walong mga kandidata para maangkin ang korona bilang Mutya ng Cotabato 2019 o ang Diamond Queen ng lungsod.

Ayon kay Frondoza, maaari ng bumili ng tickets para sa Mutya ng Cotabato pageant night sa City Tourism Office, sa People’s Palace.

 

-0-

 

PATAY NA nang dumating sa ospital ang isang binatilyong biktima ng pamamaril sa Cotabato city nitong weekend.

Nakilala ang biktima na si FORAG ADAM, 19 years old ng Barangay Poblacion Mother ng lungsod.

Sa inisyal na report ng City PNP, pasado alas dyes ng gabi kamakalawa nang lapitan ng hindi pa nakikilalang suspek si Adam habang naglalakad ito sa bahagi ng

Notre Dame Avenue, Barangay Poblacion 4 at binaril ng malapitan gamit ang cal. 45 pistol.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril sa biktima at ang pagkakakilanlan ng salarin.

Pero hinala ng mga pulis, personal grudge ang motibo ng suspek sa pagpatay kay Adam.

 

-0-

 

UMAABOT sa 27 mga matataas na uri ng baril ang isinuko ng mga sibilyan sa militar sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.

Sa report ng Army’s 6th Infantry Division, nanguna sa isinagawang turnover ceremony si Datu Abdullah Sangki mayor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.

Ang mga armas ay nai-turnover na sa pamunua ng Army’s 2nd Mechanized Infantry Battalion na kinabibilangan ng isang 60mm mortar na may isang bala; 14 na 12-gauge shotguns, dalawang cal.50 sniper rifle, dalawang M-79 GL, isang Uzi Ingram, isang Thompson submachine gun, isang carbine, dalawang RPG launchers, dalawang Ingram, isang M-203 tube at mga magazine.

Saksi sa naturang aktibidad sina 2nd Mechanized Infantry Battalion commander Lt. Col. Alvin Iyog at 1st Mechanized Infantry Brigade Commander Col. Efren Baluyot.

Kaugnay nito ay labis naman ang pasasalamat ni Army’s 6th ID commander Major General Cirilito Sobejana sa mga mamamayan at lokal na pamahalaan ng Datu Abdullah Sangki sa suportang ibinibigay nito sa pulisya at militar kaugnay ng kampanya laban sa loose firearms.

 

-0-

 

Mahigit 1,700 na mga empleyado ginawang regular ng kanilang mga employer sa region 12 ngayong 2019.

Na-regularized na ng kanilang mga employer ang mahigit 1,700 na mga mangagawa sa pribadong sektor sa region 12. Base ito sa datus ng Department of Labor and Employement o DOLE 12 mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Gayunpaman, ang nasabing bilang ay mahigit 19% lamang sa target ng ahensya na mahigit 9,000 na mga mangagawa na ma-regularized ngayong 2019. Ito ang ipinahayag ni DOLE 12 Assistant Regional Director Arlene Bisnon. Matatandaan na abot sa 9,000 na mga mangagawa rin sa pribadong sektor ang ginawang regular na empleyado ng kanilang mga employer sa SOCCKSARGEN noong nakaraang taon.

Ayon kay Bisnon pinakamarami na mahigit 6,000 sa mga ito ay mga mangagawa ng pineapple company na Dole Philippines Inc. sa Polomolok, South Cotabato. Tiniyak din ni Bisnon na patuloy ang inspeksyon ng mga kawani ng DOLE 12 sa mga pribadong kompanya sa rehiyon. Layunin nito na alamin kung sinusunod ng mga ito ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan na ang kontraktwalisasyon.

 

-0-

 

Wanted person patay matapos manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanya sa Surallah, South Cotabato

Dead on arrival sa ospital ang isang wanted person ng gantihan ng putok ng mga pulis na aaresto sana sa kanya sa Surallah, South Cotabato. Kinilala ni Surallah PNP Acting Chief of Police, Major Romy Castanares ang nasawi na si Rene Maquiling alias Ciplan.

Sa halip na sumuko ng maayos, pinaputukan umano ng pistola ni Maquiling ang mga personnel ng Surallah PNP. Si Maquiling ay nagtamo ng dalawang mga tama ng bala ng baril nang gantihan ng mga arresting officers na may dalang arrest warrant ng korte.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang isang home made pistol, basyo at dalawang bala ng 38 revolver na armas.

Ayon kay Castanares si Maquiling na may kasong attempted murder ay number 9 wanted person sa bayan ng Surallah.

 

-0-

 

Mga atleta ng South Cotabato isasailalim sa specialized training ng Deped at provincial government

Magpapatuloy pa rin ang specialized training ng mga atleta ng South Cotabato ngayong school year. Tiniyak ito ni Deped South Cotabato Sports Coordinator Tyron Jann Villanueva.

Ayon kay Villanueva, aprubado na ng provincial school board ang pondo para sa kanilang mga sports program ngayong taon. Ipinahayag ni Villanueva na inaasahan din nila ang suporta ni incoming South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. Ang nasabing sports program.

Ito ay dahil sa laki ng naitulong nito sa mga atleta ng lalawigan. Ang specialized training ay kabahagi ng pagpapaigiting ng sports development program ng Deped at pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.

 

-0-

 

Mga sundalo nakiisa rin sa World Blood Donor Day sa Masiag, Sultan Kudarat

Nag-donate din ng dugo bilang pakikiisa sa World Blood Donor Day ang mga kasapi ng 33rd Infantry Batallion ng militar sa Masiag, Sultan Kudarat.

Ayon kay 33rd IB Commanding Officer Lt. Col Elmer Boongaling, mismong mga sundalo ang nag-bolontaryong tumulong para magkaroon ng maraming stock ng dugo ang Philippine Red Cross o PRC. Ipinahayag ni Boongaling na makabubuti ang pagdonate ng dugo dahil nalilinis nito ang sirkulasyon ng dugo ng mga donor at nadudugtungan ang buhay ng mga nakatanggap nito.

Tampok din sa pag-obserba ng World Blood Donor Day sa Masiag ang symposium hinggil sa human immunodefeciency virus o HIV. Ito ay dinaluihan ng mga Indigenous Peoples sa nasabing lugar. Tema ng aktibidad ang “By Donating Blood, You Can Save Lives.”

 

0-0-

 

Barangay Kagawad sa Talitay,Maguindanao arestado sa anti illegal drug operation ng mga pulis at kasapi ng PDEA sa Surallah, South Cotabato

Ikinustodya ng mga pulis ang isang Barangay Kagawad na naaresto sa kanilang drug buy bust operation sa Surallah, South Cotabato.

Kinilala ng Surallah PNP na pinamumunuan ni Acting Chief of Police, Major Romy Castanares ang suspek na si Haron Midtimbang Kadatuan, 42 years old, may asawa at barangay Kagawad ng Lanting, Talayan, Maguindanao.

Si Kadatuan ay naaresto ng mga personnel ng Surallah PNP at Phililippine Drug Enforcement Agency o PDEA-South Cotabato sa barangay Libertad, Surallah. Nakuha sa kanya ng mga ito ang apat na pakete ng pinaghihinalaang shabu, ligther,isang libong pisong marked money at montero sports vehicle na ginagamit umano sa kanyang illegal drug transaction.

Ayon kay Castanares matagal nang minomonitor ng mga otoridad ang umanoy illegal drug activity ng suspek na si Kadatuan na pinaghihinalaan din ng mga pulis na supplier ng iligal na droga sa Surallah.

 

0-0

 

Mga pambato ng rehiyon sa kanilang taunang national Gawad Saka Search napili na ng DA 12

Nagmula sa iba’t ibang lugar ng region 12 ang mga pambato nito sa taunang Gawad Saka Search ng Department of Agriculture o DA.

Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis ang mga ito ay regional winner noong nakaraang taon. Kabilang sa mga ito ang taga Tacurong City na sina Jesus Horlador para sa Outstanding Rice Farmer Category at Bienvenido Nebres sa Outstanding Fisherfolk Category.

Kasama ng mga ito ang PAFC Sultan Kudarat na pambato ng region 12 sa outstanding agriculture fishery council category at Boy Genosas ng Kidapawan City sa outstanding high value crops farmer category. Pasok naman sa Outstanding Young Farmer Category si Herwin Galintaw ng bayan ng Antipas.

Hindi naman nagpahuli ang taga Arakan, NOrth Cotabato na si Dr. Onofre Corpus na pambato ng rehiyon sa Outstanding Agricultural Scientist Category at Aldrin Cantila ng Philrice sa Outstanding Agricultural Researcher Category.

Umaasa naman ang taga Polomolok, South Cotabato na si Jesus Dignadice na tatanghalingn siyang Outstanding Cocunut Farmer at Renato Dela Cruz ng Koronadal City na a Outstanding Agriculture Farmer Category.

Nominado naman sa Outstanding Farm Family ang Motril Farm at Kablon Farm Foods Corporation sa Outstanding Agricultural Entreprenuer Category pawang mga nasa bayan ng Tupi habang ang Gensan City Food Terminal ay pasok sa Outstanding Barangay Food Terminal Category .

Gaganapin ang awarding ceremony ng National Gawad Saka Search ng DA sa kalakahang Maynila sa Agosto.

 

-0-

 

Barangay Official, biktima ng motorcycle theft sa Banisilan North Cotabato

Tinangay ng di pa kilalang mga magnanakaw ang motorsiklo ng isang Barangay Official alas 2:30 ng madaling araw nitong sabado sa Barangay Malinao, Banisilan Cotabato.

Personal nadumulog sa tanggapan ng Banisilan PNP ang biktimang si Daisy Casas Suyo, 41 anyos a nakatira sa Barangay San Miguel ng bayan.

Ayon sa kanya, pinarada lamang umano nito ang kanyang Honda ZRM 110 na motorsiklo habang sila ay nakikilamay sa kanilang kamag-anak sa naturang Barangay. Alas 8:00 na ng umaga nang matuklasan nitong nawawala na ang kanyang motorsiklo kung saan niya ipinarada.

Agad namang nagsagawa ng pursuit operation ang pulisya sa posibleng pagkarekober at pagsauli ng motorsiklo sa biktima.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Binatang drug suspek, huli ng pulisya sa Matalam, North Cotabato

Kinilala ng PNP sa pangunguna ni Matalam PNP Chief Police Major Brian Placer ang naaresto na si Boniel Alay Buday, 22 anyos at nakatira sa Barangay Kayaga Kabacan, Cotabato.

Isinagawa ng Matalam PNP at PDEA region 12 operasyon sa Purok Molave Barangay Dalapitan, Matalam Cotabato alas 2:00 ng hapon kahapon. Nakuha sa suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 50,000 pesos at buy bust money na 1,000 pesos.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek na ngayon ay temporaryong nakapiit na sa lock up cell ng Matalam PNP habang inihahanda na kasong isasampa sa kanya.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kidapawan City blood center, nakiisa din sa World Blood donor day

Ginunita din ng Kidapawan City blood center ang World Blood Donor day nitong biyernes na may temang “safe blood for all”. Sa naging panayam kay Kidapawan City blood program supervisor Malu Francisco, sinabi nitong nagsawa sila ng community based mobile blood donation sa Barangay Kamada, Magpet Cotabato sa pakikipagtulungan ng Kidapawan at Magpet LGU.

Sinabi nitong ang regular na pagdonate ng dugo ay may malaking benipisyo din sa physical at mental health ng indibidwal kagaya ng mabawasan ang stress, maiwasan ang negative feelings at makakatulong din sa pag linis ng dugo.

Bukod sa mga nabanggit ay nakakatulong rin sa iba sa pamamagitan ng pagbigay nito sa kapwa. Anya, ang mga stock ng dugo ay sumailalim din sa ilang mga laboratory test upang masigurong malinis at walang nakakahawang sakit ang isang donor. Dagdag pa ni Francisco, sapat naman ang supply ng dugo sa City blood center para sa mga nangangailangan nito. 

Hinihikayat rin ng opisyal ang lahat na makilahok din sa mga isasagawang community based mobile blood donation ng tanggapan sa kanila-kanilang lugar.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Babae arestado sa isinagawang anti-iligal drug operation ng Kidapawan City PNP

DALAWANG mga sachet ng pinaghihinalaang iligal na droga ang nakuha laban sa isang babae matapos na ikasa ang search warrant operation ng City PNP sa Purok Sampaguita Barangay Birada Kidapawan City alas 4:30 ng madaling araw kanina.

Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng Kdapawan City PNP at Regional Police Drug Enforcement Unit o RPDEU 12 Target ng operasyon si Lovelyn Joy Callaga na residente ng nasabing lugar. Dala ang search warrant na ipilabas ng Regional Trial Court ay hinalughog ng raiding team ang bahay ng suspek. Dito nakuha mula sa kanilang silid ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Nakakuha rin ang raiding team ng mga drug parapehrnalia gaya ng improvised toother, lighter at alluminum foil. Itinanggi naman ni Calliaga na kanya ang mga nakuhang iligal na droga. Matagal na umano itong tumigil sa paggamit ng iligal na droga matapos na magka anak.

Sasailalim naman sa drug test si Callaga para patunayan na hindi na ito gumagamit ng iligal na droga. Agad na isusumite sa Provincial Crime Laboratory ang mga nakuhang shabu para sa dagdag na eksaminasyon. Sa ngayon si Calliaga ay naka kulong na sa lock up cell ng City PNP at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.(Mark Tayco) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mahigit 50 ng nakaw-motorsiklo naitala sa North Cotabato sa loob ng limang buwan ayon sa PNP

Abot na sa 55-kaso ng motorcycle theft ang naitala ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO mula Enero hanggang Mayo ngayon taon. Nangunguna pa rin sa nasabing kaso ay ang bayan ng Kabacan na mayroon 15, Midsayap na may sampung kaso, bayan ng Mlang na may siyam at Tulunan na may walong kaso.

Ayon ka PLTC Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, tuloy-tuloy naman daw umano ang kanilang Oplan Lambat Bitag at mga isinasagawang highway inspection katuwang ang PNP Highway Patrol Group o HPG sa mga pangunahing daan maliban na lamang sa mga remote areas.

Sinabi rin ng opisyal na nangunguna ang Kabacan dahil naroroon ang isa sa pinakamalaking unibersidad sa probinsya kung saan marami ring mga estudyante ay nagmamay-ari ng motorsiklo. Maliban dito, ang nabanggit na bayan ay marami ring mga entry at exit points na maaaring lusutan ng mga kriminal.

Ayon pa kay Tayong, malaki rin aniya ang naidulot ng nangyaring Jail Break Enero noong taong 2016 dahil karamihan sa mga naka-eskapong preso ay may kinakaharap na kasong carnapping. Kung titingnan aniya ang datus ng PNP, mula nabanggit na taon hanggang sa kasalukuyan ay mas dumarami pa rin ang kaso ng motorcycle theft. 

Muli namang nagpaalala ang PNP sa publiko na mas lalong higpitan ang seguridad pagdating sa kanilang mga motorsiklo.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

 

 

Agri and fisheries top industries in the proposed BARMM investments list

COTABATO CITY  -  Agriculture and Fisheries are top industries which the Bagnsamoro region can offer to investors both foreign and local...

Pope names new Sorsogon bishop

SORSOGON - Pope Francis has appointed Fr. Jose Alan Dialogo of the Manila archdiocese as the new bishop of Sorsogon.

The...

Bishops push for greater mining accountability

KIDAPAWAN CITY - Mindanao bishops have joined the initiative for the government to hold mining firms accountable for the environmental and...

The Word of God is living and effective

Reading 1ROM 1:16-25

Brothers and sisters:
I am not ashamed of the Gospel.
It is the power of God for the...

MILF infighting sends civilians fleeing

DATU MONTAWAL, Maguindanao  – A long standing territorial dispute between members of Moro Islamic Liberation Front in Maguindanao erupted...