Monday Oct, 14 2019 06:29:30 AM

NDBC BIDA BALITA (6.15.19)

NDBC BALITA • 19:15 PM Sat Jun 15, 2019
369
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JUNE 15, 2019 (SAT)
7:00 AM

HEADLINES:

1. COMELEC, pinakikilos kaugnay ng umano’y nangyaring dayaan sa Lanao del Sur noong nakaraang halalan.

2. Isa katao, patay habang dalawang iba pa, sugatan sa magkahiwalay na vehicular crashes sa Kabacan at Matalam, North Cotabato

3. MGA MAMAMAYAN ng Lutayan, Sultan Kudarat, binalaan ng militar hinggil sa umano’y ginagawang recruitment ng NPA sa mga kabataan sa lugar.

4. P Duterte, nangakong tuloy ang pamamahagi ng titulo sa Mindanao

-0-

 

Local………………..

NABABAHALA ang apat na mga kandidatong gobernador sa Lanao del Sur na tuluyang mabalewala ang isinampa nilang kaso sa Commission on Elections o Comelec sa sandaling magsimula na manungkulan ang mga naiproklamang nanalo sa nasabing lalawigan.

Sa forum ng National Press Club, personal na umapela sa Comelec si dating TESDA General Guiling Mamondiong na desisyunan na ang inihain nilang election protest laban sa iprinoklamang gobernador na si Mamintal “Bombit” Adiong.

Nabatid na noong June 12 ay nagsagawa ng pagdinig ang Comelec sa petisyon ng grupo ni Mamondiong ngunit hindi natuloy at muling itinakda ang paglilitis sa usapin sa July 2 bilang tugon sa kahilingan ng kampo ni Adiong na bigyan sila ng sapat na panahon upang mabusisi ng abogadong si Atty. Romulo Macalintal ang mga testimonya at ebidensiyang iniharap ng mga nagprotesta.

Ayon naman kay Mamondiong, malinaw sa mga iniharap nilang ebidensiya, mga dokumento at testimonya ng mga tumayong saksi ang malawak na dayaan, pamimili ng mga boto at pre-shading ng mga balota.

Muling hiniling sa Comelec na idiskwalipika ang kanyang kalaban, baliktarin ang proklamasyon, magdeklara ng failure of election at magtakda ng special election sa kanilang probinsiya.

 

-0-

 

HIGIT isang daang mga batang Teduray na nag-aaral sa Ilac Primary School, sa liblib na Sitio Ilac, Barangay Kuya, South Upi, Maguindanao ang mabibigyan ng school bags, learning kits at mga tsinelas ngayong araw.

Ito ay sa pamamagitan ng community outreach na isasagawa ng Proud Emergent and Empowered Pinoy o PEEP katuwang ang Notre Dame Broadcasting Corporation, Happy Fm and Radyo Bida sa Cotabato city.

Sinabi ni PEEP Founder Jeff Mendez na magiging katuwang din nila ang DSWD ARMM – MCCCT-IP team at IP Youth Group na Tlamabang sa pagsasagawa naman ng feeding program sa mga batang mag-aaral.

Ayon kay Mendez, ang mga school bag at tsinelas ay donasyon mula kay Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu habang ang mga learning material ay mula naman sa Tres Marias Charity.

Nabatid na ang Ilac Primary School ay isa lamang sa mga paaralang nasa bulubunduking bahagi ng South Upi na madalas hindi naaabot ng tulong mula sa mga ahensya ng gobyerno at NGO.

 

-0-

Local …………………….

 

 

 

-0-

PERSONAL NA PERA lamang ang ginastos ni Maguindanao 2nd District Representative Zajid Mangudadatu sa pangangampanya bilang senador noong 2019 midterm elections.

Base sa kanyang Statement of Contributions and Expenses o SOCE na isinumite sa Commission on Elections o Comelec, umabot sa 109 million pesos ang nagastos ni Cong. Mangudadatu.

Nakasaad din sa SOCE na bagaman mayroong in-kind contributions para sa kanya na nagkakahalaga ng 21.3 million pesos ay hindi niya ito ginalaw.

Sa ilalim ng election law, ang mga sobrang campaign contribution ay maaring ibalik sa nag-donate o kaya ay itago na lang ng kandidato.

Si Mangudadatu na miembro ng ruling party na PDP-Laban, ay nagtapos sa pang-19 na pwesto noong nagdaang eleksyon na nakakuha ng 7.4 million votes.

Ayon sa mga political analyst, mataas na boto ang nakuha ng kongresista para sa isang first-timer na gaya niya.

 

-0-

 

Patay on the spot ang isang grade-9 student ng Takepan National High School matapos na sumalpok minanehong niyang Payong-Payong sa kasalubong na Private D4D Van sa National Highway na bahagi ng Barangay Dalingaoen, Pikit, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Mohads Adil na residente ng nasabing lugar.

Maliban sa namatay na biktima, agad ring isinugod sa ospital ang dalawa niyang mga pasahero.

Nahulog naman sa kanal ang nakabanggaan nitong D4D Van dahilan para mayupi ang unahang bahagi ng sasakyan at basag din ang mga salamin nito

Agad namang sumuko sa Pikit PNP ang dalawang sakay ng naturang D4D van.

Sa himpilan ng pulisya ay nagkaharap na ang dalawang sangkot sa insidente at ang mga magulang ng nasawing si Adil.

 

-0-

 

NAGPAPALAKAS umano muli ng pwersa ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa pamumuno ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife sa Maguindanao.

Ito ay sa pamamagitan ng pagre-recruit ng mga bagong miembro Maguindanao na karamihan ay mga bata at binatilyo.

Maugong na ang usap-usapang tumanggap ng malaking pondo ang grupo ni Abu Toraife mula sa Islamic State of Iraq and Syria o ISIS para patuloy na manggulo sa Central Mindanao.

Pero hindi pa ito makumpirma sa ngayon ng AFP at PNP.

Napag-alamang nangangako umano ang BIFF ng buwanang sahod para sa kanilang mga recruit at may tatanggapin ding pera ang kani-kanilang mga pamilya.

 

-0-

 

IKINASA kahapon ng madaling araw ang operation greyhound sa Maguindanao Provincial Jail sa pangunguna ng PDEA-BARMM, Cotabato City PNP at mga sundalo.

Sinabi ni Maguindanao Provincial Jail Warden Atty. Abubakar Bobby Katambak na magiging regular na ang ganitong operasyon sa Maguindanao provincial jail alinsunod sa kanilang napagkasunduan ng pamunuan ng PDEA BARMM.

Ang greyhound operation ay ikinasa kasunod ng pagkakadakip sa isang ginang na nagpupuslit ng iligal na droga sa loob ng bilangguan.

Nabatid na isa-isang hinalughog ng mga otoridad ang mga selda sa naturang piitan dahilan para matagpuan ang ilang mga lighter, pocket wifi, used foil na drug paraphernalia, kutsilyo at iba pa.

Sa ngayon mayroong kabuuang 190 inmates ang Maguindanao Provincial Jail.

 

-0-

 

DOLE 12 Regional Director nagpaliwanag kung bakit wala pang umento sa sahod ang mga mangagawa sa pribadong sektor

Wala pang natanggap na petisyon para sa wage increase mula sa alinimang grupo ang Regional Tripartite Wages and Proctivity Board o RTWPB 12. Kaya sa ngayon ay wala pang maasahang umento sa sahod ang mga mangagawa sa pribadong sektor sa region 12. Ito ang ipinahayag ni Department of Labor and Employment o DOLE 12 Regional Director Sisinio Cano.

Gayunpaman akon kay Cano, patuloy ding inaalam ng board kung mayroong nga supervening condition o dahilan para ipatupad ang wage increase. Kabilang sa mga socio-economic indicators na ito ayon kay Cano ay ang labis na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Cano lagpas na rin kasi sa isang taon nang ipatupad ang pinakahuling wage order sa region 12.

-0-

 

 

Nakalaan sa Street Dancing Competition ang pinakamalaking tapyas na P5.2 million sa P27 million na pondo ng T’nalak Festival ng South Cotabato ngayong taon.

Ipinahayag ito ni T’nalak Execom Secretariat Indira Cagaanan. Ayon kay Cagaanan matutunghayan din ng publiko sa nasabing festival ang inaabangan ng marami na Search for Mutya ng South Cotabato, Cheerdance at Sports Competition.

Ibibida din ng bawat lokal na pamahalaan ang kanilang mga ipinagmamalaking produkto sa Bahay Kubo Competition. Habang ang mga mahihilig naman sa extreme adventure ay maaring manood ng motorcross competition. Kinumpirma din ni Cagaanan na hindi na magiging bahagi ng T’nalak Festival ang Charity Ball na kinatampukan noong ng mga kilalang pangalan sa entertainment industry.

Sa halip ayon kay Cagaanan mapapanood ng mga estudyante ang pagtatanghal ng Bayanihan Dance Company. Gaganapin ang 2019 Tinalak Festival at Foundation Anniversary ng South Cotabato sa July 12 hanggang 18.

 

-0-

 

Opisyal ng 33rd IB ng militar binalaan laban recruitment ng NPA ang mga mamamayan sa liblib na Sitio ng Lutayan, Sultan Kudarat

Huwag maniwala sa mga propaganda ng New Peoples Army o NPA. Ito ang babala ni 2nd Lt. Nico Encarnacion ng 33rd IB ng militar sa mga mamamayan ng Sitio Tanazang, Barangay Palavilla, Lutayan, Sultan Kudarat.

Ayon kay Encarnacion, walang kabuluhang pakikipaglaban ang pangre-recruit ng NPA sa mga komunidad. Sinabi ni Encarnacion na marami ang mga programa ng gobyerno para makatulong sa mga IP Communities.

Ayon kay Encarnacion, handang tumulong sa mga IP ang gobyerno lalong lalo na sa settlement at resolution ng kanilang ancestral domain.

Ipinahayag ito ni Encarnacion nang magsagawa ng outreach program sa nasabing Sitio ang militar. Ito ay napakinabangan ng mahigit 300 mamamayan na nabigyan ng libreng mga gamot, vitamins, check up at hair cut.

Sinabi ni 33rd IB Commander, Lt. Col. Elmer Bongaling, namigay din sila ng mga tsinelas sa mga elementary pulis sa lugar. Kasama ng militar sa outreach program ang team mula sa municipal health office ng Lutayan na pinamumunuan ni Dr. Wiljun Pangarintao.

 

-0-

 

Pangulong Duterte tiniyak ang patuloy na pamimigay ng mga lupaing pagaari ng pamahalaan

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na marami pang mga mamamayan ang makatatanggap ng mga lupain na pagaari ng gobyerno.

Ito ay sa ilalim ng expanded agrarian reform program. Sinabi ng Pangulo na iniutos na nito sa Department of Agrarian Reform o DAR na I-survey ang mga lupain ng pamahalaan. Ayon kay Duterte ang lahat na lupain ng gobyerno sa buong bansa ay dapat maibigay sa mga nangangailangan.

Ito ang ipinahayag ng Pangulo nang pangunahan nito ang pamimigay sa General Santos City ng titulo sa mahigit 13,000 na mga benepisyaryo ng land reform sa region 12.

Nabatid na ang DAR sa ilalim ng pamumuno ni Secretary John Castriciones ay nakapamigay na ng may 700,000 ektaryang lupain sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms. Napakinabangan naman ito ng mahigit 300,000 mga magsasaka sa bansa.

-0-

 

Laptop computer na napanalunan sa AgriTalino Quiz Bee ng DA XII natanggap na ng isang high school student sa North Cotabato

Naibigay na ng Department of Agriculture XII sa Grade 11 student na si Habiba Cabanbalan ang napanalunan nitong laptop computer.

Matatandaan na si Cabanbalan ng Carmen National High School sa Carmen, North Cotabato ang champion sa AgriTalino Year 6 Quiz Bee Competition ng DA 12. Bago pa man nabigyan ng nasabing computer si Cabanbalan ay tumanggap na ng P10,000 cash, plake, medalya at isang sakong bigas. Bukod sa mga ito,nmagbigay din ng proyekto mula sa DA ang paaralan ni nito.

Ayon kay Cabanbalan malaking tulong sa kanyang pagaaral ang laptop na napanalunan sa DA. Tiniyak din nni Cabanbalan na ipagpapatuloy nito ang kanyang adbokasiya na paghikayat sa kapwa mga kabataan na pasukin ang larangan ng agrikultura na layun ng taunang AgriTalino Quiz bee ng nasabing ahensya.

 

-0-

Suspek sa pagtangay ng motorsiklo ng isang magsasaka, huli sa President Roxas, North Cotabato

Hindi na pumalag pa sa PNP ang isang lalaki na umano’y suspek sa pagtangay ng motorsiklo na pagmamay-ari ng isang senior citizen sa President Roxas, Cotabato.

Nakilala ang naaresto na si Joseph Jay Torita Maghinay, 19 anyos, senior high school student at nakatira sa Purok 3, Barangay Kamarahan. Naaresto si Maghinay sa tulong ng tauhan ng President Roxas PNP, HPG North Cotabato at Barangay Officials sa Landeral Subd, Poblacion Kidapawan City.

Ayon sa biktimang si Segundo Torita, 64 years old, tinangay umano ng kanyang pamangkin na suspek ang kanyang Yamaha Crypton 110 na motorsiklo na nakaparada lamang sa likurang bahagi ng kanilang bahay gabi nitong huwebes.

Kinaumagahan na napansin ng biktima na nawawala ang kanyang motorsiklo at may nakakita na siya ang tumangay nito. Habang narekober ng mga otoridad ang nasabing motorsiklo sa bahay ng kaibigan ng suspek sa Purok 6, Barangay Labu-o. Siya ay nakakulong na sa President Roxas lock up cell at nakatakdang sampahan ng karampatang kaso.

 

-0-

 

Drug suspek, arestado sa operasyon ng PNP sa Makilala, North Cotabato 

Huli ng Makilala PNP sa pangunguna ni Police Major Johnny Rick Felongco Medel ang isang drug suspek sa anti-illegal drug operation ng pulisya sa Barangay San Vicente, Makilala Cotabato.

Kinilala ang naaresto na si Cirilo Soco Catalogo, 23 anyos, at nakatira sa naturang lugar. Ang search warrant operation ay isinagawa alas 11:30 ng gabi sa bahay ng suspek. Nakuha sa kanya ang tatlong mga sachets ng pinaghihinalaang shabu habang nakapiit na ang suspek sa detention facility ng PNP ang sasampahan ng kaukulang kaso sa korte.

Samantala, huli din ang isang lalaki na may kasong paglabag sa Section 23 ng RPHA ng PD number 17 o An act Revising The Philippine Highway Act of 1953.

Ang suspek ay kinilalang si Ernesto Bernaldez Jaum, 50 years old, at nakatira sa Barangay New Bulatukan, Makilala. Dala ng PNP ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Vicente Mondragon, presiding judge ng Municipal Trial Court Makilala- Tulunan Cotabato na may petsang August 30, 2005.

 

-0-

 

Isa patay, dalawa sugatan sa magkahiwalay na vehicular crash sa Kabacan at Matalam, North Cotabato

Patay ang isang babaeng backrider matapos na masangkot sa vehicular crash sa National Highway Barangay Patadon Matalam Cotabato pasado alas 10 ng umaga kahapon. Kinilala ang nasawi na si Bai Ramia Guitores na taga Barangay Sambulawan, Midsayap Cotabato.

Sa ulat ng Matalam PNP, bumangga sa pampasaherong jeep na minamaneho ni Glen Saylag Acabo na taga Barangay Macebolig Kidapawan ang motorsiklo na sinasakyan ng biktima na minamaneho naman ni Samier Odar Kusa, 42 anyos na residente ng Datu Piang Maguindanao.

Napag-alamang mabilis ang takbo ng motorsiklo at hindi napansin ang sinusundang pampasaherong jeep dahilan para bumangga ito at natumba ang dalawa.

Samantala, dalawang motorista din ang sugatan sa vehicular crash sa Kabacan, North Cotabato Kinilala ng PNP ang mga nasugatan na sina Ricky Cagasan, 21 anyos at nakatira sa Barangay Katidtuan Kabacan Cotabato at Norhan Matiman Cumatog, 25 anyos at residente naman ng Magatos ng nasabing bayan. Naganap ang aksidente alas 8:00 ng gabi sa Barangay Osias, Kabacan.

Ayon sa imbestigasyon ng Kabacan PNP traffic section, tinatahak ng dalawang motorista ang National Highway na nasa kaparehong daan. Pagsapit sa lugar, bumangga ang Honda XRM na minamaneho ni Matiman sa naunang Kawasaki Bajaj motorcycle na minamaneho naman ni Cumatog. Dahil sa lakas ng impact natumba ang dalawang biktima sa sementadong daan at nagtamo ng ibat-ibang sugat sa katawan.

Isinugod naman ng mga residente sa lugar ang mga biktima sa Mindanao Doctors Hospital para sa agarang medikasyon NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Dalawa ka tao, matapos na makuryente sa Matalam, North Cotabato Dalawang mga lalaki ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pagkakuryente sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Ang biktimang si Christopher Baro, 36 anyos at nakatira sa Bukidnon City ay dead on arrival sa ospital matapos aksidenteng nasagi ang kawad ng kuryente ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco habang nag-ooperate ng boom truck ala 1:20 ng hapon kahapon sa Barangay Manubuan.

Habang kamakailan lamang ay patay ang isang lalaki matapos ding makuryente sa Purok Bromiliad, Barangay Poblacion, Matalam.

Kinilala ang biktima na si Jordan Razon Dilaso, 35-years old, at residente ng lugar. Ayon sa ulat ng Matalam PNP, pasado alas 3:00 ng hapon nang makuryente ang biktima habang inaayos ang microphone ng isang video-K machine.

Inilagay umano ng biktima ang microphone sa kanyang dibdib at di nito alam na mataas ang boltahe. Naisugod pa sa ospital si Dilaso pero hindi na ito umabo pa na buhay. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Mga preso sa North Cotabato District jail, sumailalim sa libreng skills training ng TESDA

Maagang nakatanggap ng regalo mula sa TESDA ang mga tatay na bilanggo ng Bureau of Jail and Management and Penology, North Cotabato District, Amas Kidapawan City bago ang Father’s Day bukas.

Sumailalim sa halos isang buwan na training ng TESDA sa loob mismo ng bilanggo-an sa pamamagitan ng Mobile Training Laboratory na pinangunahan ng TESDA North Cotabato ang 50 mga bilanggo na karamihan ay mga tatay na.

Ang nasabing mga bilanggo ay kumaha ng Appliance Repair and Servicing upang magkaroon sila ng panibagong kakayanan kung sila ay lalabas ng bilangguan.

Ayon pa kay TESDA North Cotabato Provincial Director El Cid Castillo magkaroon ng sapat na kakayahan ang mga nasabing bilanggo upang sila ay may pag-asang maka paghanap ng trabaho kung sila ay lalaya na.

Sa 50 na nag-enroll ay nasa 48 o 98% pumasa at mga Certified Electronic Product Assembly Serving NC II holder na, dalawa naman ang hindi na-assess dahil nakalaya bago ang assessment ng TESDA.

Kagaya ng sinasabi ni TESDA Director General Secretary Isidro S. Lapeña na TESDA Abot Lahat ay pilit na inaabot at binibigyan ng pag-asa ng TESDA ang sino man na gustong umasenso at may pangarap sa buhay.

 

Karne mula Bulacan patungong Marbel, pinigil sa Tacloban dahil sa ASF scare

TACLOBAN CITY - Abot sa P1.6 million pesos na halaga ng assorted frozen pork meat products mula sa Bulacan ang naharang pasado alas 10:00...

Once troubled Basilan town now has radio station

BASILAN --- Stakeholders will launch Monday a “peace radio” in the former shabu capital of Basilan province whose municipal government got...

3 Soccsksargen hospitals lose PhilHealth accreditation

GENERAL SANTOS CITY -- The Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) has suspended and withdrawn the accreditation...

NGO spearheads outreach program for IPs in Maguindanao

UPI, Maguindanao – In celebration of Indigenous Peoples (IP) Month this October, local officials and non-government organization organized...

No casualty, damage in NoCot magnitude 5 quake: PDRRMC

KIDAPAWAN CITY -- Disaster management officials reported zero casualties and damage to properties from the magnitude 5...