Wednesday Oct, 16 2019 05:06:06 AM

NDBC BIDA BALITA (6.14.19)

NDBC BALITA • 10:15 AM Fri Jun 14, 2019
387
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JUNE 14, 2019 (THU)
7:00 AM

HEADLINES:

1. FOUNDER ng Kabus Padatuon o KaPa Community Ministry International Inc., binalaan ni P. Duterte at tinawag pang magdurugas.

2. LALAKI na may kinakaharap na kaso sa Negros Occidental, huli ng PNP sa Midsayap, North Cotabato

3. MGA EMPLOYER sa region 12 na bigong bayaran ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado sa PhilHealth, kakasuhan ng PhilHealth 12

 

-0-

 

Local………………..

MULING iginiit ni Pangulong Duterte ang kanyang utos na ipatigil ang operasyon ng Kabus Padatuon o KaPa Community Ministry International Inc. na aniya ay pinakamalaking investment scam sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa General Santos City kahapon, humingi ng paumanhin sa mga nagbigay ng malaking pera sa KaPa ngunit kailangan aniyang ipatupad ang batas.

Ang bagong pahayag ng pangulo laban sa KaPa ay taliwas naman sa sinabi ng founder nitong si Pastor Joel Apolinario sa harap ng kanyang libo-libong miembro na nagtipon din para sa isang prayer rally sa GenSan.

Ayon kasi kay Apolinario, maaari na muling mag-operate ang KaPa at pinasalamatan pa nito sina P. Duterte at Davao city mayor Sarah Duterte.

Samantala, hindi na napigil pa ng Pangulo na batikusin si Apolinario at pagbantaan ito.

Sinabi ng presidente na matagal nang hinihitay sa impyerno si Apolinario na aniya ay isang mandurugas.

Sinabi pa ng pangulo na kapag nagkita sila ni Apolinario ay ipakakain niya sa nasabing religious leader ang ngipin nito.

Ang pahayag ay ginawa ni P. Duterte sa ceremonial distribution ng higit 12 libong Certificates of Land Ownership Award o CLOA sa mahigit 13 libong agrarian reform beneficiaries Sa Socsargen.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi naman ni Securities and Exchange Commission o SEC chairman Emilio Aquino na walang malaking financial asset ang KaPa para tustusan ang libo-libo nitong mga miembro sa ipinangakong 30 percent na interest ng kanilang mga ibinigay na donasyon.

Sabi ni Aquino, nasa higit 400 libong piso lamang ang pera ng KaPa base sa financial report na isinumite nito para sa taong 2017.

Hindi pa umano ito nakapagsumite ng financial report para sa taong 2018.

Nabatid na umaabot sa 50 billion pesos ang perang hawak ngayon ng KaPa na nakulimbat mula sa mga miembro nito.

 

-0-

 

Local………………….

IKINOKONSIDERA NAMANG HARAM o ipinagbabawal sa Islam ang pagpasok sa mga investment scheme.

Ayon kay Salih Musa, head ng sharia court sa Mindanao, isang uri umano ng riba o pagpapatubo ang pangakong interest ng investment schemes gaya ng iniaalok ng KAPA na labis na ipinagbabawal na gawin ng isang Muslim.

Hindi rin pinapagayagan ang mga Muslim na maging member ng KAPA dahil ito ay isang religion-based group.

Sinabi ni Musa na ipinagbabawal din sa Islam ang pagpasok sa investment schemes na may mataas na interes kada buwan dahil ito ay sinasabing “form of usury”

Samantala, kagagawan naman umano ni Satanas ang KAPA investment scam, kung saan karamihan sa mga willing victims ay taga Mindanao.

Sinabi ni Bangsamoro Mindanao People’s Peace Movement chair Habbas Camendan na base sa Sharia Law anumang uri ng invesment scheme ay ipinagbabawal sa Islam.

Kinondena din nito ang ilang mga empleyado ng gobyerno at mga abogado na sumasali sa nasabing investment scam dahil isa umano itong paraan ng pananabotahe sa ekonomiya ng Pilipinas.

 

-0-

DALAWANG mga drug suspects ang nadakip sa hiwalay buy bust operations na ikinasa ng Cotabato City PNP Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA BARMM.

Unang naaresto ang construction worker na si JASON TAN DEO, 26 years old,single at taga – Barangay Rosary Heights 2, pasado alas sais ng gabi makaraan nitong mapagbentahan ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang sachets ng mga pinaghihinalaang shabu, isang improvised glass tooter at marked money na ginamit sa operasyon.

Makalipas ang ilang minute, sunod namang nahuli ang suspek na si LATIP MAMA OGKA alyas “Latip”, 35, may asawa at taga Purok Dangkalan, Brgy. Bagua 1.

Nalambat si Latip sa Purok Matanog, Lugay Lugay, Barangay Bagua 1 makaarang makuha sa suspek ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at marked money na ginamit sa operasyon.

 

-0-

 

SUGATAN umano sa pagsabog ang lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters BIFF-Karialan Faction at napatay naman ang close-in escort nito sa nangyaring pagsabog sa isang liblib na lugar sa Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Dhats Amulan habang sugatan naman si Ustadz Karialan.

Sinabi ni BIFF Karialan Faction spokesperson Abu Jihad na hinagisan umano ng granada ang tahanan ni Ustadz Karialan at dahil sa lakas ng pagsabog kaya’t napatay on the spot si Amulan.

Kinumperma rin ni Abu Jihad na nagtamo ng sugat sa likod si UStadz Karialan ngunit hindi na ito dinala pa sa pagamutan.

Dagdag pa ni Abu Jihad, hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natutukoy kung sino ang naghagis ng pampasabog sa tahanan ng kanilang lider.

Sa ngayon ay wala pa ring ulat na inilalabas ang pulis at militar hinggil sa insidente.

 

-0-

 

ARESTADO ang apat na mga lalaking naaktuhang nagsusugal sa Purok Bitara, Brgy. Rosary Heights 10, Cotabato City.

Nakilala ang mga nadakip na sina RHEVIS MAMUDSOD, 28 anyos; NASSER ALDATU, 31 na pawang mga driver;GANI KATOG, 48, isang Constraction worker at HARON AYUB, 43.

Sa report ng City PNP, nagsasagawa ng saturation drive sa lahat ng uri ng sugal ang pulisya pasado alas dose ng tanghali kamakalawa nang maaktuhan ang mga naturang lalaki na naglalaro ng “Hantak” sa nabanggit na lugar.

Hindi na nakatakbo pa ang mga suspek makaarang makorner ng mga pulis.

Nakuha sa mga ito ang kanilang mga bet money at gamit sa pagsusugal.

Sila ay nasa kustudiya na ngayon ng Police Station 2.

 

-0-

 

DOLE North Cotabato, hindi nakapagtala ng kaso ng child labor sa ngayon

Patuloy ang ginagawang mga interbensyon ng Department of Labor and employment o DOLE North Cotabato para sa una ng naiulat na mga kabataan na nagtatarabaho na sa murang edad.

Ito ang ipinahayag sa Radyo-Bida ni DOLE North Cotabato Provincial Director Marjorie Latoja kasabay ng pagdiriwang ng world day against child labor kamakalawa.

Sinabi ni Latoja, sa ngayon ay hindi pa sila nakapagtala ng kaso ng child labor o child trafficking sa lalawigan. Nagsasagawa na rin ang ahensya ng hakbang upang tuluyang maiwasan ang child labor kagaya ng pagbibigay kaalaman sa mga magulang ng mga kabataan hinggil sa nasabing usapin. Namimigay din sila ng mga school supplies sa mga kabataang nakikitang nagtatrabaho at tumutulong sa magulang imbes a mag-aral. 

Nagsasagawa na rin ang DOLE ng routine inspection sa lahat ng establisyemento upang masigurong lahat ng nagtatrabaho ay nasa tamang edad. Dagdag pa ng opisyal, kung may mamonitor na kahalintulad na insidente ay mariing i-report lamang sa kanilang tanggapan upang mabigyan agad ng kaukulang aksyon.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

0-0

 

Professional Regulation Commission o PRC satellite office sa Kidapawan, tumatanggap na ng LET applicants para sa September 2019 examination

Nagsimula na sa pagtanggap ng aplikasyon para sa September 2019 Licensure Examination for Teachers ang Satellite Office ng Professional Regulations Commission sa Kidapawan City.

Ginawang mas maaga ang filing ng LET upang maiwasan na magka aberya ang mga kukuha ng pagsusulit sa nabanggit na buwan. Pinayuhan naman ang mga aplikante na mag “online registration” bago tumungo at magproseso ng kanilang aplikasyon sa nasabing tanggapan.

Ito ay upang makakuha ng ‘slots’ for application ang mga examinees ng LET. Maliban sa online registration, kinakailangan din na magdala ng mga pertinenteng dokumento gaya ng transcript of records at iba pa ang mismong kukuha ng LET.

Hanggang July 31, 2019 na lamang ang application ng LET sa PRC Kidapawan. Posibleng isasagawang muli ng City Government ang LET sa lungsod gaya ng mga naunang exams noong 2017 at 2018. Bukas ang PRC Kidapawan 8am-5pm mula Lunes hanggang Biyernes.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

 

0-0-

 

Lalaking tumangay sa motorsiklo ng isang guro sa Kabacan, North Cotabato, nahagip ng CCTV camera

Tinangay ng di pa kilalang lalaki ang motorsiklo ng isang guro na pinakabagong biktima ng motorcycle-theft sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Ayon sa biktimang si Sarah Jane Wagia na taga Barangay Simone, Kabacan, sampung minuto lamang anya niya iniwan ang kanyang Honda XRM 125 na motorsiklo na nakaparada sa harap ng USM Hospital ala 1:45 ng hapon kahapon. Pumasok siya sa nasabing ospital at nang balikan niya ito ilang minuto ay wala na ang kanyang motorsiklo sa lugar kung saan niya ipinarada.

Samantala, nakita naman sa Close Circuit Televsion o CCTV camera ang suspek nang tangayin nito ang motorsiklo ng biktima. Panawagan naman ng biktimang guro sa Kabacan PNP na mas paigtingin pa ang pagbabantay dahil marami na anya ang sunod-sunod na biktima ng motorcycle theft sa nasabing bayan.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Lalaki na may kinakaharap na kaso sa Negros Occidental, huli ng PNP sa Midsayap, North Cotabato

Arestado sa operasyon ng PNP ang isang wanted person sa Poblacion 3, Midsayap Cotabato ala 1:00 ng hapon kahapon. Kinilala ang suspek na si Danvert Evangelista Isaran, 37 anyos at nakatira sa Barangay Pisong, La Libertad, Negros Occidental.

Ang operasyon ay isinagawa sa pinagsanib persa ng Guinhulgan at Midsayap PNP. Dala ng PNP ang warrant of arrest na may dalawang kaso ng paglabag sa Republic Act 9262 o VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN na may petsang September 18, 2018 na inisyu ni RTC Branch 24 Judge Mario Trinidad ng Negros Occidental.

Nasa kustudiya na ng Midsayap PNP ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya. Samantala, huli din ang isang wanted person na may kasong homicide sa Alamada, North Cotabato Kinilala ang suspek na si Agner Calambro Cabilla, 34 anyos, magsasaka at nakatira sa Sitio Papandayan, Brgy. Bao, Alamada Cotabato.

Isinagawa ang operasyon alas 4:30 ng umaga kahapon sa nasabing lugar. Dala ng PNP ang warrant of arrest na may kasong Homicide na inisyu ni Judge Rainera Osua ng RTC Branch 28, Midsayap na may petsang December 19, 2018. Nakapiit na ang suspek sa loc up cell ng Alamad PNP habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mahigit P5.5 million pesos na tulong pangkabuhayan ng DOLE mapapakinabangan ng mahigit 400 mamamayan sa region 12

Namigay ng mahigit P5.5 million na halaga ng livelihood checks para sa mga benepisyaryo ng kanilang programang pangkabuhayan sa rehiyon ang Department of Labor and Employment o DOLE region 12. Ayon kay DOLE 12 Regional Director Sisino Cano, ito ay mapapakinabangan ng mahigit 400 benepisyaryo sa SOCCSKSARGEN.

Nabatid na mahigit P1.2 million pesos na halaga ng tseke ay ibinigay sa local government ng Alamada at may P600,000 sa Pigcawayan, North Cotabato. Nabigyan naman ng mahigit P900,000 ang Barangay Poblacion sa Malungon, at Paraiso sa Alabel, Sarangani.

Tumanggap naman ng mahigit P900,000 ang lokal na pamahalaan ng Tacurong at P500,000 ang Tacurong Terminal Vendors Association. Ayon kay Cano kalakip sa mga proyekto na napili ng mga benpisyaryo ang yacon wine processing, coffee processing, motor parts and motor servicing, water refilling station at maraming iba pa. Isinabay ng ahensya ang pamimigay sa nasabing tulong kanilang Kabuhayan 2019 Trabaho, Negosyo, Kabuhayan o TNK Job Fair sa General Santos City.

Kaugnay nito, na hired on the spot naman ang 30 mga aplikante sa nasabing job fair. Isa sa mga ito ang 21 years old na si Carmelle Moreno na nagsabing handa siyang magtrabaho bilang sales assiciate sa isang kompanya sa Gensan.

Ang 20 mga hired na benepisyaryo ng Government Internship Program ay magtatrabaho bilang mga enumerator, date encoder, at community facilitators. Ito ay sa ilalim naman ng Child Labor Prevention and Elimination Program nagsasagawa ng profile ng mga child laborers sa region 12.

 

 

-0-

 

Mga employer sa rehiyon na bigong bayaran ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado, kakasuhan ng Philhealth 12

Abot sa may 40 mga employer sa rehiyon ang kakasuhan ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth 12.

Ito ay dahil sa hindi umano pagbayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado. Ipinahayag ito ni Philhealth 12 Collection Section Chief Lorelie Bonilla.

Ayon kay Bonilla dahil sa kabiguan na bayaran ang Philhealth premium ng kanilang mga empleyado kinasuhan na ng Philhealth ang dalawang mga employer sa Koronadal City at General Santos City.

Ang mga ito ayon kay Bonilla ay maaring madadagdagan pa sa susunod na linggo. Binigyan diin ni Bonilla na sa kabila ng pagkaltas sa kanilang sweldo, bigo pa rin ang nasabing mga employer na bayaran ang premium ng kanilang mga empleyado.

Matatandaan na iniimbestigahan na rin ng Philhealth 12 ang umanoy sabwatan ng isang doktor na taga Koronadal City at tatlong mga ospital. Ito ay dahil sa maanomalya umanong Philhealth claim

 

-0-

 

Apat katao sugatan sa vehicular crash sa Surallah, South Cotabato

Sugatan ang apat katao matapos araruhin ng sinasakyang SUV Ford Escape ang welcome rotonda na mas kilalang roundball sa bayan ng Surallah, South Cotabato, pasado ala una ng madaling araw kahapon. Matapos ipagbigay alam ng isang concerned citizen, sa kanila ang insidente agad namang rumesponde ang rescue team ng Bureau of Fire Protection o BFP sa nasabing bayan.

Nabatid na ang mga biktima mula sa kanilang lugar sa Alicia, Zamboanga Sibugay at patungo sanang General Santos City nang maganap ang vehicular crash. Kinilala naman ng Surallah PNP ang mga biktima na sina Nickanor Sevilla Sr., 60 years old, anak nitong si Nickanor Jr, 30 years old, Gange Sevilla, 46 years old, Barangay Kagawad at driver ng nasabing sasakyan na si Alfredo Sevilla 48 years old.

Ang mga sugatang biktima na pawang nagtamo ng minor injury ay dinala ng rescue team sa Upper Valley Community Hospital sa Surallah.

 

-0-

 

Clean up drive sa Sarangani Bay, suportado ng mga diver sa rehiyon, ayon sa regional director ng DENR 12

Nangako ng suporta para sa mga susunod pang under water clean up driver sa Sarangani Bay ang mga volunteer divers ng mga ahensya ng gobyerno, local government units, non government organizations at pribadong kompanya.

Kasunod ito ng pagkolekta nila ng mahigit 60 kilograms ng basura sa may anim na ektaryang coral reef sa Barangay Gumasa, Glan, Sarangani Province. Kaugnay ito sa katatapos lang na selebrasyon ng World Oceans Day at Coral Initiative Triangle Day.

Layunin nito na paigtingin pa ang ugnayan ng mga diver sa rehiyon na handang tumulong sa pangangalaga sa mga yamang tubig. Ito ay ayon kay Department of Environment and Natural Resources o DENR 12 Regional Executive Director Nilo Tamoria.

Kaugnay nito ikinabahala naman ni DENR marine biologist Cirilo Lagnason Jr., ang pagdami ng starfish na Crown-of-Thorns o COT sa Sarangani Bay. Ayon kay Lagnason kapag hindi kasi makontrol ang pagdami ng mga ito maaring maging sanhi ito ng pagkamatay ng mga coral.

Makaapekto din ito sa huli ng mga mangigisda sa nasabing lugar. Kaya maliban sa mga basura kasama rin sa mga inalis ng mga diver sa dagat ang nasabing starfish. Ang malawakang clean up drive at paghuhuli sa COT ang isa sa mga proyoridad ngayon ng DENR 12 para mapanatili ang kalinisan at mapangalagaan ang Sarangani Bay.

 

-0-

 

DA Secretary Pinol inabswelto sa korupsyon ng Presidential Anti-Corruption Commission

Inabswelto sa anumang korupsyon at iregularidad ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC si Department of Agriculture Secretary Manny Pinol. Ayon kay Pinol ipinagpasalamat nito ang naging desisyon ng Anti-Graft Commission pitong buwan matapos isumite para sa imbestigasyon ang kanyang sarili.

Matatandaan na si Pinol ay inakusahan noong nakaraang taon na nakikinabang sa rice importationd deal. Ito ay matapos ibalik sa DA ang pamamahala ng National Food Authority o NFA. Ayon sa kalihim para patunayan na hindi siya sangkot sa anumang anomalya, nagpa-lifestyle check siya sa PACC.

Ipinahayag ni Pinol na binigyan nito ang PACC ng otoridad na buksan ang kanyang mga bank accounts,sundan ang kanyang mga financial transactions, magsagawa ang bacground checks at I-tap ang kanyang mga telepoono.

Sinabi ng kalihim na bagama’t hindi siyang perpekto mangagawa ng gobyerno at akusahan ng pagiging incompetent, walang maaring kumwestyon sa kanyang dedikasyon at ethics sa trabaho.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Agri and fisheries top industries in the proposed BARMM investments list

COTABATO CITY  -  Agriculture and Fisheries are top industries which the Bagnsamoro region can offer to investors both foreign and local...

Pope names new Sorsogon bishop

SORSOGON - Pope Francis has appointed Fr. Jose Alan Dialogo of the Manila archdiocese as the new bishop of Sorsogon.

The...

Bishops push for greater mining accountability

KIDAPAWAN CITY - Mindanao bishops have joined the initiative for the government to hold mining firms accountable for the environmental and...

The Word of God is living and effective

Reading 1ROM 1:16-25

Brothers and sisters:
I am not ashamed of the Gospel.
It is the power of God for the...

MILF infighting sends civilians fleeing

DATU MONTAWAL, Maguindanao  – A long standing territorial dispute between members of Moro Islamic Liberation Front in Maguindanao erupted...