Tuesday Sep, 17 2019 02:30:46 PM

NDBC BIDA BALITA (6.11.19)

NDBC BALITA • 10:00 AM Tue Jun 11, 2019
388
By: 
NDBC NCA

JUNE 11, 2019 (TUE)
7:00 AM

HEADLINES:

1. DALAWA KATAO PATAY, habang isa pa, sugatan sa bakbakan ng dalawang armadong grupo sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.

2. TRICYCLE driver, patay habang anim na iba pa, sugatan sa vehicular crash sa Kidapawan City

3. GRADE 1 pupil, patay nang malunod sa Lake Sebu, South Cotabato

4. Opisina ng mga investment scheme sa GenSan, Tagum, Koronadal, sinalakay ng NBI, CIDG

 

-0-

Local………………..

DALAWA KATAO umano ang nasawi habang isa pa ang nasugatan nang magkasagupa ang dalawang armadong grupo sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.

Sinabi ni Maguindanao PNP Director, Police Col. Ronald Briones na nagkasagupa ang grupo nina Kumander Tommy at Adrex Cali sa plantasyon ng saging sa Barangay Tukanalugong ng naturang bayan.

Dalawa sa mga tauhan ni Kumander Tommy ang nasawi at isa naman ang nasugatan sa grupo ni Adrex Cali na pawang mga miembro umano ng isang Moro Front sa Maguindanao.

Gayunman, nabatid na personal na alitan sa pamilya dahil sa pinag-aagawang lupang sakahan ang dahilan ng bakbakan.

Tumagal ng mahigit isang oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig kaya naman daan-daang mga sibilyan ang lumikas patungo sa mas ligtas na lugar.

Humupa lamang ang engkwentro nang dumating ang mga pulis at sundalo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang mapayapang negosasyon ng mga lokal opisyal sa bayan para resolbahin ang gulo ng dalawang grupo.

 

-0-

 

NAKUBKOB ng mga sundalo ang taguan ng mga matataas na uri ng armas ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Ampatuan, Maguindanao.

Sinabi ni Army’s 6th Infantry Division Commander Major General Cirilito Sobejana na nagpatupad kasi ng Law Enforcement Operation ang Army’s 2nd Mechanized Infantry Battalion sa pangunguna ni Lt. Col. Alvin Iyog sa Barangay Kauran.

Kaya aniya, nadiskubre ng mga sundalo sa dalawang mga bahay na target nang operasyon ang tatlong M16 armalite rifles, dalawang M14 rifles, isang M79 grenade launcher at mga bala.

Ayon kay Sobejana, ang naturang mga armas ay pag-aari umano nina Nords Plantis at Guialil Mohamad Dalundong na pawang mga miembro ng BIFF.

Ang dalawa ay sangkot umano sa illegal drug trade at pambobomba sa iba’t ibang mga lugar sa Central Mindanao.

Ang mga suspek ay patuloy ngayong tinutugis ng Joint Task Force Central matapos na makatakas ang mga ito nang matunugan ang paparating na mga sundalo.

 

-0-

 

MAGSASAMPA ang Securities and Exchange Commission o SEC ng kasong kriminal laban sa mga opisyal ng Kapa Ministry International dahil sa umanoy investment scam na nagkakahalaga ng 50 bilyong piso.

Kasabay ito ng utos ni Pangulong Duterte na total shutdown sa operasyon ng KAPA.

Ayon kay SEC chairman Emilio Aquino, dati ay nag-aalangan ang ahensya na aksuyunan ang KAPA dahil nag-ooperate ito bilang religious organization.

Pero ngayon ay desidido na ang SEC na kasuhan ang mga opisyal ng KAPA.

Samantala, sinalakay ng otoridad ang bahay ng founder ng Kapa Ministry sa General Santos City.

Ang raid sa bahay ni Kapa founder Joel Apolinario ay kasabay ng pagsalakay ng National Bureau of Investigation at Criminal Investigation and Detection Group sa tanggapan ng grupo sa Tagum City at GenSan.

Ang sunod-sunod umanong reklamong natanggap ng Malacañang ang naging basehan ni Pangulong Duterte para ipasara ang operasyon ng Kapa-Community Ministry International.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na maging siya mismo ay nakatanggap ng reklamo ukol sa Kapa.

Sa ilalim ng operasyon ng KAPA, kikita ang isang investor-donor ng 30 percent na tubo sa kanilang “love offering” sa Kapa ministry.

Ayon kay Panelo, batid na ng National Bureau of Investigation at Criminal Investigation and Detection Group kung ano ang gagawin sa KAPA matapos iutos ng Pangulo ang pagpapasara at pagpapaaresto sa mga nasa likod ng operasyon nito.

 

0-0

 

ARESTADO ang isang lalaking drug suspect sa Cotabato city matapos siyang makuhanan ng ilang sachets ng iligal na droga.

Nakilala ang suspek na si JONATHAN PRIETO DEQUIÑA, 33 anyos, single, isang hair stylist na taga Don Teodoro V. Juliano Avenue, Barangay Rosary Heights 12 ng lungsod.

Nadakip si Dequiña matapos na maglunsad ng operasyon ang City PNP Drug Enforcement Unit, at Police Station 2 sa pangunguna ni Police Lt. TEOFISTO FERRER sa Yap Sy Streetm Barangay Rosary Heights 10, pasado alas onse ng umaga kahapon.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang sachets ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng isang libong piso at isang improvised glass tooter.

Nakakulong na ngayon sa nabanggit na himpilan ng pulisya ang nahuling suspek at inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanya.

 

-0-

 

UMARANGKADA NA NAMAN ang mga kawatan sa Cotabato city.

Unang naging biktima ng mga ito ang isang ginang matapos umanong tangayin ng di pa nakikilalang mandurukot ang kanyang pitaka habang nasa loob ng isang establisyemento sa SK Pendatun Extension.

Ayon sa biktimang si MYRNA MAMA ng Nayon Sharif, Barangay Rosary Heights 3, pasado alas dos ng hapon nang madiskubre niyang nawawala na ang kanyang pitaka habang namimili sa loob ng tindahan.

Laman ng kanyang wallet ang mga mahahalagang dukomento at cash na di tinukoy ang halaga.

Makalipas lamang ang ilang minuto isa namang estudyante ang sunod nawalan ng pitaka matapos ding mabiktima ng pinaghihinalaang mandurukot.

Nakilala ang biktima na si GEORGETTE ALQUILAZAS, 21 anyos na taga Upi, Maguindanao.

Aniya, habang nasa loob sya ng establisyemento sa Don Rofino Alonzo Street nang mapansing nakabukas na ang kanyang shoulder bag at nawawala na ang kanyang wallet.

Laman ng kanyang pitaka ang kanyang school ID at cash na nagkaka halaga ng 18 libong piso.

SAMANTALA, biktima naman ng Hold Up si JOAN GARSESA SY, 26 years old, Fast Food Chain Manager, at taga Roales Street, Barangay Rosary Heights 5.

Naglalakad lamang daw ang biktima sa Ilang-Ilang Street, Barangay Rosary Heights 6 pasado alas nuebe ng gabi bang biglang may humintong riding tandem suspects sa kanyang tapat at nagdeklara ng holdup.

Natangay ng mga suspek ang kanyang pitaka na naglalaman ng mga dukomento at cash pati na ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng 14 thousand pesos

 

-0-

 

Tricycle driver patay habang anim na iba pa sugatan sa Vehicular crash sa Kidapawan City

Patay on the spot ang drayber ng pampasaherong tricycle matapos na mabangga ng pick-up truck sa Barangay Paco KM 114, Kidapawan City pasado alas 12:00 ng tanghali kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Bejie Acquisa, 35 anyos, may asawa at nakatira sa Barangay Del Carmen, President Roxas.

Habang sugatan naman ang mga sakay nito na sina Lenie Bendon Magbanua, 57 anyos, Roselyn Acquisa, 33 anyos, negosyante , Rodolfo Magbanua 57 anyos at tatlong mga menor de edad na lahat nakatira sa Barangay Del Carmen. Ang ang drayber naman ng pick-up truck ay kinilalang si Eugene Eugenio Niedo, 47 anyos, isang OFW at residente ng Barangay Patindeguen, Midsayap.

Ayon sa ulat ng PNP, tinatahak ng dalawang mga sasakyan ang national highway na nasa magkasalungat na daan at pagsapit nito sa barangay Paco sa harap ng isang simbahan ay nag-overtake ang forward truck sa isa pang sasakyan dahilan para bumangga sa kasalubong na tricycle. Dahil sa impact, natapon ang dalawa sa malalim na parte ng daan at nasagi pa ng pick-up ang poste ng kuryente.

Agad namang dinala ang mga nasugatan sa pinakamalapit na ospital sa Kidapawan City. Nasa kustudya na ng City PNP si Niedo habang patuloy ang imbestigayson sa insidente.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Provincial Engineering Office, binigyan ng mga bagong ekipo na nagkakahalaga ng P3.4M

Binigyan ng mga bagong road building equipment mula sa provincial government ang Provincial Engineering Office sa Amas, Kidapawan City kamakailan na nagkakahalaga ng P3.4million

Ang nasabing dagdag na mga infrastructure equipment ay ang dalawang vibrating compactors, dalawang air-conditioned motor graders, dalawa ring wheel loaders, tatlong hydraulic excavators, anim na mga 10-wheeler dump trucks, isang asphaltpaver, isang six-wheelers water truck, isang double drum roller at isa ring air-conditioned pneumatic tyre roller.

Nabatid na ang unang procurement nito ay noong 2014 pa kung saan kabuuang P175.3 million-pesos ang pondong ginamit para sa dalawang wheel loaders,tatlong motor graders, anim na vibratory road rollers, dalawang backhoe rollers, anim na 10-wheeler at six-wheeler dumptruck at, isang self-loading truck at isang portable compressor.

Samantala, taong 2015 naman, kabuuang 285.2 million pesos na mga karagdangang heavy equipment naman ang ibinigay sa nasabing tanggapan kung saan mayroon itong labin-dalawang dump trucks, apat na mga bulldozers, isang unit bed trailer, isang boom truck, isang mobile shop truck at dalawang units ng hydraulic excavator.

Habang noong taong 2017 naman, may dagdag ring mga heavy equipment sa nasabing tanggapan na kinabibilangan ng tatlong hydraulic excavators, tatlong motor graders at wheel loader, tatlong light trucks 4x4 double cab na may kabuuang halaga ng P183.4 million pesos. Pinasisiguro naman ng provincial government na iingatan ng engineering office ang nasabing mga ekipo.

Ang turn-over program na isinagawa kamaikailan ay pingunahan ni Rev Fr Hipolito P. Paracha.(Drema Bravo) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

Tanggapan ng ALAMCO investment Scheme sa Koronadal inispeksyon rin ng mga otoridad.

Pinasok ng mga kasapi ng National Bureau of Investigation o NBI ang tanggapan ng investment scheme na Alamco sa Koronadal City.

Kasama ng mga ito ang mga personnel ng Koronadal City PNP. Naging matiwasay naman ang ginawang pag-inspeksyon ng mga ito sa nasabing tanggapan dala ang search warrant ng korte. Bago pa man tumungo sa Koronadal City nauna nang ni-raid ng mga otoridad ang tanggapan ng Kabus Padatuon o KAPA Ministry International sa General Santos City at ALAMCO sa Alabel, Sarangani Province.

Nagbigay naman ng kanya kanya reaksyon sa usapin ang mga investor ng nasabing mga investment scheme, sa Koronadal City. Nananawagan naman ang investor ng KAPA at pastor na isa rin sa mga tumungo sa KAPA Koronadal sa kapwa nito mga investor na maging mahinahon at huwag pairalin ang galit.

May investor rin na nakausap ang radyo Bida Koronadal na umaapela ng panalangin sa kanyang mga kasama

Habang may iba naman na sa kabilang ng ginawa ng mga otoridad ay tila hindi pa rin nawawalan ng pagasa na mabawi pa ang kanilang investment sa nasabing investment scheme. 

Ang pag-raid ng mga otoridad sa nasabing mga tanggapan ay bilang pagtalima na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

-0-

Ilang mga miyembro ng KAPA sa North Cotabato, hindi pabor sa pahayag ni Pangulong Duterte na ipasara ang nasabing investment scheme

Halos hindi na mapakali ang mga miyembro ng KAPA sa North Cotabato matapos ang sabay-sabay na pag-raid ng operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG at National Bureau of Investigation o NBI sa iba’t-ibang mga lugar kung saan nag-ooperate ang nasabing investment scheme.

Nabatid na Sabado ng umaga nang inanunsyo ni Pangulong Duterte ang kanyang mandato sa NBI at CIDG na ipasara na ito at tinawag na isa itong large-scale estafa. Sa kabila nito, naniniwala naman ang halos lahat ng miyembro ng nasabing religious group malaki ang naitulong sa kanila ng KAPA.

Katunayan, dismayado naman ang karamihan sa naging hakbang ng Pangulong Duterte lalo na’t labis umanong maakpektuhan ang mga mahihirap na kagaya nila.

Sa ngayon ay naka-freeze naman ang mga bank accounts na pinaniniwalaang pag mamay-ari ng KAPA matapos itong i-apela sa Court of Appeals ng Anti-Money Laundering Council o AMLC.(Drema Bravo)

 

-0-

 

Private employee na wanted sa batas, arestado sa Matalam, North Cotabato

Inaresto ng PNP ang isang wanted person sa Purok 2, Barangay Kibia, Matalam alas 10:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ang suspek Oriente Montilla Bagsic, 41 anyos at empleyado ng SUMI PRO at nakatira sa nabanggit na lugar. Dala ng PNP ang warrant of arrest laban sa suspek na may kasong paglabag sa section 78 ng PD 705 o FORESTRY REFORM CODE OF THE PHILIPPINES.

Ang warrant of arrest ay inisyu Judge Alandrex Betoya ng RTC branch 12 Kabacan Cotabato na may petsang January 23, 2013. Nasa kustudiya na Matalam PNP ang suspek habang nakatakda namang sampahan ng karampatang kaso sa korte.(Cherry Exim)

 

-0-

Ilang mga bahay sa mlang North Cotabato sinira ng malakas na hangin at ulan

Sampung mga bahay ang lubhang nasira matapos na mapatumba nang manalasa ang buhawi na sinabayan pa ng ulan sa Barangay Buayan Mlang North Cotabato nito lang linggo.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Bernardo Tayong, alas sais nitong linggo nang manalasa ang malakas na hangin dahilan para tangayin ang bubong ng ilang mga bahay. Apat sa mga bahay ang totally damage matapos na matumbahan ng puno ng mangga at niyog.

Dagdag pa ni tayong na makakatanggap ng tulong mula sa LGU ang mga pamilyang nasiraan ng bahay. Sa ngayon ay patuloy na naka monitor ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Mlang lalo na sa mga barangay lalo pa’t ilang araw ng nararanasan ang pag-ulan.(Mark Tayco)

 

 

-0-

 

Online registration hiniling ng DOLE 12 Regional Director sa mga apalikante ng kanilang Job Fair bukas sa Gensan

Mag online register gamit ang QR Code para makaiwas sa mahabang pila sa registration. Ito ang paalala ni Department of Labor and Employment o DOLE 12 Regional Director Sisinio Cano sa mga aplikante ng kanilang Independence Day Job Fair bukas.

Gaganapin ang Kalayaan 2019 Trabaho Negosyo o TNK Job and Business Fairs sa SM Trade Hall ng SM General Santos City.

Ayon kay Cano, ito ay lalahukan ng may 60 lokal na kompanya at 17 overseas companies. Ang mga ito ay magaalok naman ng mahigit 8,000 mga trabaho sa loob at labas ng bansa. Ang mga job seekers ay maari ring makinabang sa mga serbisyo ng iba pang partner agency ng DOLE gaya ng PAGIBIG, Philhealth, SSS, at NBI. Magkakaroon ng Negosyo Center Booth at Learning Sessions sa mga OFW ang DTI at OWWA 12. Habang ang mga isklolar ng TESDA ay magsasagawa naman ng Skills Demo at libreng haircut, massage, manicure o pedicure at bartending.

 

0-0-

 

Grade I pupil patay nang malunod sa Lake Sebu, South Cotabato

Kinilala ng Lake Sebu PNP na pinamumunuan ni Police Major Nathaniel Panaguiton ang biktima na si Peter Paul Olib, 6 anyos, nakatira sa Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na nang hindi makita ang grade 1 pupil na anak paguwi galing trabaho, hinanap agad ito ng kanyang amang si Peter Olib.

Humingi din ng tulong ang ama sa mga kapitbahay. Nakita na lamang ng mga ito ang walang nang buhay na batang biktima sa may pitong talampakang hukay na puno ng tubig.

Tinungo na ng mga personnel ng Lake Sebu PNP ang lugar para magsagawa ng dagdag na imbestigasyon sa insidente.

 

-0-

 

Kampanya para pangalagaan ang Philippine Eagle, pinaiigting ng DENR 12

Mahalaga ang Philippine Eagle bilang simbolo ng Pilipinas kaya pinaiigting ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang kanilang kampanya para ito mapangalagaan.

Ito ang ipinahayag ni DENR 12 Regional Director Nilo Tamoria kaugnay sa Philippine Eagle Week Celebration na nagtapos kahapon. Ayon kay Tamoria namataan sa ilang lugar ng SOCCSKSARGEN ang Philippine Eagle. Patunay ito ayon kay Tamoria na mayaman pa rin ang mga gubat sa apat na mga lalawigan ng region 12.

Ayon kay Tamoria , para makapag-survive, ang magasawang Philippine Eagle ay kailangang mamuhay sa may 1,000 ektaryang lawak ng gubat.

Sinabi ni Tamoria na ,mabusisi ang pagtukoy sa mga lugar na ito para maproteksyonan ang nasabing agila. Kaugnay nito umapela si Tamoria sa mga mamamayan na para hindi tuluyang mawala, tumulong sa pangangala sa mga likas yaman at para maproteksyunan ang mga endemic species.

Ayon naman kay Forester Leonisa Alfaro ng Assistant Division ng Conservation and Development Division ng DENR 12 , dapat mariin ding ipatupad ang maigting na monitoring para matiyak na ligtas ang Philippine Eagle.

 

-0-

 

Warning signs sa mga accident prone areas sa syudad, dadagdagan ng lokal na pamahalaan ng Koronadal

Posibleng madadagdagan pa ang mga warning signs sa mga tabi ng daan ang lokal na pamahalaan ng Koronadal City.

Ito ang ipinahayag ni City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano.

Ayon kay Urbano, malaking tulong sa kaligtasan ng mga commuter ang paglalagay ng maraming warning signs sa mga takaw aksidenteng daan sa syudad.

Binigyan diin ni Urbano na ito ay napapanahon dahil na rin sa dumadaming insidente ng vehicular crash. Umapela din si Urbano sa mga mamamayan na maging defensive driver at sundin ang speed limit sa mga daan.

Ayon kay Urbano kung nagmamaneho sa mga national highway dapat ay 60 hanggang 80 kilometers per hour lamang ang bilis ng pagpapatakbo. Habang 15 hanggang 20 kilometers naman malapit sa mga eskwelahan .

 

0-0

 

Hangin sa Koronadal ligtas pa rin sa air pollution ayon sa regional director ng Environmental Management Bureu 12

Nanatiling malinis pa rin ang hangin sa Koronadal kahit na dumami pa ang mga sasakyan at mamamayan sa syudad. Ito ay ayon kay Environmental Management Bureau o EMB 12 Information Officer Maysheen Natividad.

Ayon kay Natividad, walang dapat ipangamba sa air pollution ang mga mamamayan ng Koronadal. Ipinahayag ni Natividad na ang EMB katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno ay mayroong ginagawa para mapanatiling malinis ang hangin sa syudad.

Kabilang sa kanilang ginagawa ayon kay Natividad katuwang ang lokal na pamahalaan ang pagtanim ng mga puno. Ang maruming hangin kasi ayon kay Natividad ay maaring maging sanhi ng lung cancer, pneumonia at iba pang nakamamatay na sakit.

 

0-0-

 

 

 

NoCot village exec shot dead

KABACAN, North Cotabato  – Two men riding tandem on a motorbike shot dead a village official here on Sunday while he was on his way to his farm,...

Traffic rerouting plan eyed when Quirino Bridge undergo rehab

COTABATO CITY  – The Cotabato City traffic management unit is preparing a rerouting plan to be implemented once the Department of Public...

Armed MNLF men stopped, disarmed by Army in Maguindanao

COTABATO CITY -- Some 37 assorted long and short firearms were confiscated by government military troops Saturday in a gathering of Moro...

144 homes damaged by "Marilyn" in Tawi-Tawi

BONGAO, Tawi-Tawi – Close to 150 homes were damaged by Tropical Depression Marilyn that hit the islands here on Friday and Saturday, local...

Pope Francis to visit Thailand and Japan in November

VATICAN — The Vatican confirmed Friday that Pope Francis will travel to Thailand and Japan in November with stops scheduled in Tokyo,...