Tuesday Sep, 17 2019 02:26:30 PM

NDBC BIDA BALITA (6.10.19)

NDBC BALITA • 08:00 AM Mon Jun 10, 2019
464
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

JUNE 10, 2019 (MON)
7:00 AM

HEADLINES:

1. DRUG SUSPECT, patay habang isa pa, arestado sa buy bust operation ng mga otoridad sa Midsayap, North Cotabato.

2. MOTORCYCLE THIEF na napatay sa shootout sa  Koronadal city, isa palang pugante sa North Cotabato District Jail.

3. Mga sundalong sumasali sa mga pasugalan sa North Cotabato, pwedeng masibak sa pwesto, ayon sa pamunuan ng Army’s 39th Infantry Battalion

4. Truk nawalan ng preno sa pababang bahagi ng highway sa Makilala, North Cotabato: Isa patay, isa sugatan

 

0-

Local………………..

PATAY ang isang pugante ng Maguindanao Provincial Jail matapos na manlaban sa mga otoridad na naglunsad ng buy bust operation sa Sitio Adteban, Barangay Olandang, Midsayap, North Cotabato.

Sa report ng Midsayap PNP, kinilala ang nasawing suspek na si Torag Sandalan alyas Erick Pasanggalang Torag na nakaulong dahil sa iligal na droga at kilala ring tauhan ng wanted na si Kumander Lastikman.

Arestado naman ang kasamahan nitong si Nasser Macabangen Usman na nakuhanan ng baril at mga bala.

Sa operasyon ng PDEA-12, Army’s 34th Infantry Battalion at Midsayap PNP ay nabitag si Sandalan at Usman.

Ngunit sa halip na sumuko ay nakipagbarilan umano sa mga otoridad si Sandalan kaya siya napatay sa shootout.

Nakuha mula sa kanya ang cal. 45 pistol  at dalawang sachets ng pinaniniwalaang shabu.

 

-0-

Local………………….

POSIBLENG PERSONAL umano ang motibo sa pagbaril at pagpatay sa isang internet café attendant sa Cotabato city pasado alas siyete ng gabi kamakalawa.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng cal. 45 pistol sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktimang si Geomla Manamba Ali, 27 anyos, single, at taga Purok Nayon Shariff, Barangay Rosary Heights 3 ng lungsod.

Sa report ng City PNP, nagbabantay lamang umano sa isang internet café sa Anacleto Badoy Street, Barangay Poblacion Tres si Ali nang pasukin ng di pa nakikilalang suspek at agad na pinagbabaril.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.

Ito na ang ikatlong insidente ng pamamaril sa lungsod ngayong buwan lamang ng Hunyo.

 

-0-

 

 

Itinanggi ng Talitay PNP ang bali-balitang mayroong namataang armadong grupo sa lugar bago nasunog ang ilang mga classroom sa Pageda Elementary School kamakalawa ng hapon.

Sinabi ni Talitay PNP Chief, Police Lt. Karl Vincent Centinaje na batay sa kanilang pag-iibestiga ay wala namang lumabas na ganung report mula sa mga residente sa lugar.

Dagdag pa ni Centenaje, imposible ring makapasok ang mga lawless element sa lugar dahil may detachment ang Task Force Ittihad ng MILF-BIAF at military ilang metro lamang ang layo sa naturang paaralan.

Samantala, ayon kay Maguindanao I Schools Division Superintendent Alibai Benito Aleuden na nagsasagawa na sila ng sariling imbestigasyon para matukoy kung sino ang may kagagawan ng panununog sa paaralan at kung ano0 ang motibo ng mga ito.

Gayunman, tiniyak naman ni Pageda Elementary School Principal Abdulgani Mamaluba na tuloy ang pasok ng higit 200 mga mag aaral sa naturang eskwelahan sa kabila ng nangyaring sunod dahil gagamitin nila ang kanilang covered court bilang temporary classroom.

Una rito, nais ni BARMM Education Minister Mohagher Iqbal na matutukan ng mga otoridad ang insidente para makumpirma kung sinadya ang sunog sa apat na mga silid-aralan.

Magpapadala umano ng investigation team si Iqbal sa lugar para makakuha ng sapat na impormasyon.

 

-0-

 

HULI ang dalawa katao sa joint drug buy bust operation ng mga Cotabato City PNP, Datu Odin Sinsuat PNP at PDEA-BARMM pasado alas dos ng hapon kamakalawa sa Mintex, Barangay Awang, sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Isa sa mga nadakip ang drug suspek na si Jimmy Sinsuat na matagal ng nasa watchlist ng Police Station 3 ng Cotabato city PNP.

Nahuli sa aktong nagbebenta ng iligal na droga ang suspek matapos na mabentahan nito ang isang police asset na nagkunwaring buyer.

Nabatid na sinubukan pa umanong tumakas ng suspek at ng kasamahan nitong nagsilbing watcher ngunit hindi na sila nakawala pa sa mga otoridad.

Nakuha mula sa kanila ang isang pakete ng shabu, cellphones at ang marked money.

Nakakulong na ngayon sa Police Station 3 lock up cell ang mga suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito.

 

-0-

 

Mahigpit na ipinagbabawal para sa mga government employeeparticular na para sa mga sundalo na sumali o pumasok sa kahit anumang pasugalan.

Ito ay ayon kay 39Th Infantry battalion commanding officer Lt. Col Rhodjun Rosales sa naging panayam ng Radyo-BIDA.

Sinabi ni Rosales, maaring masibak sa trabaho ang mga sundalong mapapatunayan na sumali sa iligal na gawain kahit paman off-duty depende sa nakalahad na regulasyon. Lalo pa at ito ay may dalang armas at lango sa nakakalasing na inumin.

Una ng nakatanggap ng reklamo ang himpilan ng Radyo - BIDA na umano’y may isang sundalo umano sa Kidapawan City ang pumasok sa isang sabungan at ikinasa ang kanyang dalang armas. (Cherry Exim)

 

-0-

 

 

Focal person ng senior citizen sa North Cotabato, nagpaliwanag hinggil sa pagkaantala sa pamimigay ng social pension sa mga senior citizen

Ipinaliwanag sa Radyo-Bida ni North Cotabato senior citizen Focal person Lavinia Saraw ang dahilan ng pagkaantala sa pagbigay ng social pension ng mga senior citizens sa North Cotabato.

Sinabi ni Saraw, dapat anya ay nito buwan pa ng abril ibibigay ang benepisyo ng mga senior citizen pero anya ini-update pa nila ang dating listahan mula sa lungsod at mga bayan sa North Cotabato. Dagdag pa nitong kailangan evalidate ng DSWD na ang benepisyaryo ay indigent o yaong walang mga natatanggap ng benepisyo mula sa SSS, GSIS at iba pa.

At kung matatapos na anya nila sa pag encode sa kanilang bagong sistema ay maari na nilang mae-release ang pension o 500 pesos kada buwan para sa mga senior citizen.

Nilinaw din ng opisyal na wala pang budget ang DSWD 12 hinggil sa pagbibigay din ng dagdag na benepisyo sa mga senior citizen na edad 80 hanggang 90 anyos. Dahil sa ngayon anya ay ang mga centenarian pa lamang ang nakakatanggap ng benepisyo mula sa DSWD.(Cherry Exim)

 

-0-

 

Helper patay, drayber sugatan sa vehicular crash sa Makilala, North Cotabato Patay ang helper ng ten wheeler truck habang sugatan naman ang drayber nito matapos na tumaob pasado alas 5:00 ng umaga nitong sabado sa National highway na nasa hangganan ng Sitio Patulangon, Malasila at Purok 11-B barangay Poblacion, Makilala Cotabato.

Kinilala ang drayber ng naturang sasakyan na si Marcelino Salvacion, 59-anyos at ang nasawing helper na si Dionesio Tibat, kapwa nakatira sa Esperanza, Sultan Kudarat.

Sa panayam kay Makilala PNP Chief Police Major Johhny Rick Felongco Medel, sinabi nitong posibleng nagmalfunction ang sasakyan sa pakurbadang daan hanggang sa tumaob ito sa naturang lugar. Naipit ang helper ng truck sa tumaob na sasakyan.

Unang narescue ng mga residente sa lugar ang drayber habang pahirapan naman ang pagkuha ang naipit na helper. Habang naisugod pa sa ospital si Tibat pero ideneklarang patay ng mga attending physicians.(Rhod Benez)

 

0-0-

 

Special Civillian Armed Forces Geographical Unit member at STL employee, sugatan sa pamamaril sa Kidapawan City

Sugatan ang dalawa katao matapos na pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa Sitio Maligaya Purok 7 Barangay Balindog Kidapawan City alas 5:10 ng umaga kahapon.

Kinilala ng Kidapawan City PNP sa pangunguna ni PNP Chief Police Lt Col Ma. Joyce Birrey ang biktima na sina Gerry Mee Alforque Makilang 37 anyos, isang STL employee at nakatira sa Sitio Maligaya at Edwin Puntungan, 29 anyos , SCAA member ng 39th IB at residente ng Dalag, Marilog District, Davao City.

Ayon sa naging imbestigasyon ng City PNP, pinagbabaril ng gunman na sakay ng Ford Ranger Pick-up truck kulay puti ang dalawang biktima na lulan naman ng Kawasaki bajaj na motorsiklo.

Nagtamo ng sugat mula sa tama ng baril ang dalawang biktima sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan na mabilis namang naisugod sa Kidapawan Doctors Hospital, Incorporated.

Narekober sa crime scene ang tatlong mga basyo ng caliber 45 pistol. Personal grudge ang isa sa mga sinusundang anggulo ng pulisya sa pamamaril sa dalawang biktima.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Magnanakaw umano ng motorsiklo na napatay sa shootout sa Koronadal,napagalaman ng mga pulis na nakatakas sa Jail break sa North Cotabato

Kinilala ng Koronadal City PNP na pinamumunuan ni Police Col. Rey Egas ang umanoy magnanakaw ng motorsiklo na napatay sa shootout noong Huwebes ng gabi sa syudad na si Henry Salinogan Pendatun.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na si Pendatun na kilala ring Patok Dawata at nakatira sa SK Pendatun, Maguindanao ,ay isa sa mga preso na nakatakas sa Jail Break sa North Cotabato District Jail noong January 4, 2017.

Siya ay may mga kasong Illegal Posession of Firearms sa North Cotabato at Carnapping sa Koronadal City. Suspek din umano si Pendatun sa pagtangay sa motorsiklo na nakaparada malapit sa traffic light ng Koronadal March 3 noong nakaraang taon.

Matatandaan na si Pendatun na tumangay umano sa motorsiklong nakaparada sa harap South Cotabato Provincial ay dead on arrival din sa nasabing ospital. Ito ay matapos mabaril ng mga pulis na humabol sa kanya sa Purok Spring, Barangay, Morales , Koronadal. Ang motorsiklo umanong tinangay nito ay naibalik na ng Koronadal PNP sa may ari na si Reynold Braca ng Tacurong City, Sultan Kudarat. Nakuha na rin ng kanyang mga kaanak ang mga labi ni Pendatun.

 

0-0-

 

Pagpapatupad ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education sa rehiyon, aayusin ng CHED region 12

Magpapatupad ng reporma para sa mas maayos na pamimigay ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFAST ang Commission on Higher Education o CHED region 12.

Ayon kay CHED 12 OIC Rolando Levita, dapat masolosyonan ang mga naging aberya sa inisyal na pagpapatupad ng UniFAST noong nakaraang taon. Matatandaan na iniimbestigahan ng CHED ang pitong mga kolehiyo at unibersidad sa region 12 na umano ay hindi ibinigay ang malaking bahagi ng pondo ng UniFAST sa mga benepisyaryo.

Sinabi ni Levita na mamadaliin ng CHED ang pagbibigay ng subisidy na matatanggap ng buo ng mga benepisyaryo. Ang mga UniFAST benefeciary ay makatanggap ng tig P60,000 na tulong kada taon o tig P30,000 kada semester. P20,000 dito ay nakalaan sa tuition fee at ibang pang bayarin sa eskwelahan at P40,000 para sa stipend at iba pang kahalintulad na bayarin.

Pero may nagreklamo sa CHED na may mga college insitutions na binawasan ng hanggang P20,000 ang allowance ng mga benepisyaryo.

Sinabi ni Levista na ang mga eskwelahan na ito na sa South Cotabato at Sarangani ay sumunod na sa utos ng CHED na ibigay ng buo ang allowance ng mga UniFAST benefeciary. Ang UniFAST ay napakinabangan ng mahigit 14,000 na mga college students sa 75 mga college institutions na katuwang ng CHED sa pagpapatupad nito.

Sinabi ni Liveta na kailangan ng mga college institution na iproseso ang aplikasyon ng mga posibleng benepisyaryo sa centralized online portal ng UniFAST.

Ang mga pangalan ng qualified na aplikante ay ipadadala sa kanilang mga eskwelahan at regional office ng CHED na magsasagawa ng validation sa kanilang mga requirement.

Binigyan diin ni Levita na imomonitor ng mariin ng CHED ang pag-release sa mga benepisyaryo ng UniFAST. Ayon kay Levita obligado rin ang mga unibersibad at kolehiyo na i-liquidate ang UniFAST fund.

 

0-0-

 

Philhealth 12 magtatayo na rin ng tanggapan sa regional center sa Koronadal City

Lumagda ng kasunduan ang mga opisyal ng Koronadal sa Philhealth 12 para sa mahigit 2,000 square meter na lote na pagtatayuan ng tanggapan ng nasabing ahensya sa syudad. Nanguna sa signing ng Memorandum of Agreement sina Koronadal Mayor Peter Miguel at Philhealth 12 Assistant Vice President Marjorie Cabrieto.

Ayon kay Cabrieto ang kanilang mahigit P200 million na gusali ay ipatatayo sa regional center sa Barangay Carpenter Hill.

Ipinahayag ni Cabrieto na ito ay inaasahang matatapos sa loob ng 18 buwan. Ito ayon kay Cabrieto ay isa sa pinakamalaking gusali ng ahensya ng gobyerno sa regional center. Ang pagtatayo ng nasabing gusali ay bilang paghahanda ng pagpapatupad ng Universal Philhealth na nangangailangan ng mas malaking espasyo para sa mga kliyente ng Philhealth 12.

 

0-0-

 

Mag-ingat sa mga manloloko na ginagamit ang pangalan ng Department of the Interior and Local Government o DILG at Local Government Academy o LGA para magkapera. Ito ang paalala sa publiko ni Koronadal City Local Government Operations Officer Atillah Baynosa.

Ayon kay Baynosa, may mga mamamayang nagiikot sa mga barangay ng syudad at naghihingi ng bayad kapalit ng pagproseso ng mga papeles para umano maka-loan sa DILG.

Ipinahayag ni Baynosa na para makapanloko gumagamit pa umano ng ang mga suspek ng form na may mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nilinaw ni Baynosa na hindi nagpapautang ang DILG. Binigyan diin nito na wala silang inutusang magiikot sa mga bahay at mamigay ng form at hindi rin sila naniningil ng bayad sa kanilang mga kliyente.

Sinabi ni Baynosa na bagama’t wala pa itong alam na nabiktima ng nasabing modus sa syudad, mahalaga pa rin na mag-iingat ang publiko. Hiling nito sa mga mamamayan ng Koronadal ang sinumang may alam na gumagagawa nito ay maaring itawag 228-9457 number ng DILG.

 

0-

 

Pilipinas ibebenta ang surplus na produksyon ng manga sa Japan Bibili ng mahigit 100,000 kilo ng mangga sa Pilipinas ang bansang Japan.

Kasunod ito ng pahayag ni Pangunlong Rodrigo Duterte na ang bansa ay may mahigit dalawang milyong kilo na surplus ng nasabing prutas ngayong harvest season.

Ayon kay Pinol ang Diamond marketing na nagooperate sa bansa simula pa noong 1987 ay naghahanap ng mabibiling carabao mango sa bansa. Sinabi ng kalihim na ang nasabing kompanya ay matagal ng nagi-import ng papaya, pinya, at saging .

Ayon kay Pinol tutulong ang DA para magkita at magpulong ang mga magsasaka ng manga sa Luzon at Japanese importers. Sinabi ni Pinol na dahil sa sobrang produksyon dumadaing ng mababang presyo sa kanilang mangga ang mga magsasaka sa bansa.

Ayon naman kay DA Agribusiness and Marketing Director Bernadette San Juan, maliban sa Luzon, ,malaking bulto ng manga na ipapadala sa Japan ay mula sa mga magsasaka ng Mindanao.

 

NoCot village exec shot dead

KABACAN, North Cotabato  – Two men riding tandem on a motorbike shot dead a village official here on Sunday while he was on his way to his farm,...

Traffic rerouting plan eyed when Quirino Bridge undergo rehab

COTABATO CITY  – The Cotabato City traffic management unit is preparing a rerouting plan to be implemented once the Department of Public...

Armed MNLF men stopped, disarmed by Army in Maguindanao

COTABATO CITY -- Some 37 assorted long and short firearms were confiscated by government military troops Saturday in a gathering of Moro...

144 homes damaged by "Marilyn" in Tawi-Tawi

BONGAO, Tawi-Tawi – Close to 150 homes were damaged by Tropical Depression Marilyn that hit the islands here on Friday and Saturday, local...

Pope Francis to visit Thailand and Japan in November

VATICAN — The Vatican confirmed Friday that Pope Francis will travel to Thailand and Japan in November with stops scheduled in Tokyo,...