Tuesday Sep, 17 2019 02:38:47 PM

NDBC BIDA BALITA (5.31.19)

NDBC BALITA • 23:15 PM Fri May 31, 2019
397
By: 
NDBC NCA

 

NEWSCAST MAY 31, 2019 (FRI)
7:00 AM   

HEADLINES:   

1. SULTAN KUDARAT LGU, handang magbigay ng pabuya para sa ikalulutas ng mga kaso ng pamamaril sa bayan.   

2. New People’s Army, idineklarang persona non grata kasabay ng peace rally kahapon sa Arakan, North Cotabato.   

3. DTI -South Cotabato, pinag-iingat ang publiko sa pagbili ng school supplies ngayong pasukan.   

-0-

HANDANG MAGBIBIGAY ng pabuya ang lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat, Maguindanao sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na ikalulutas sa sunod-sunod na mga kaso ng pamamaril sa bayan.   

Sinabi ni Sultan Kudarat mayor Datu Shameem Mastura na hangad nila ang kapayapaan at kapanatagan ng loob ng kanilang mga mamamayan kaya handa ang LGU na makipagtulungan sa mga otoridad sa anumang paraan.  

Pinakahuling biktima ng pamamaril sa Barangay Rebuken, Sultan Kudarat ang legal consultant ng Pagalungan, Maguindanao na si Dayaba Kafi, 67 anyos at ang driver nitong si Danny Apostol, 40.   

Patungo sana ng Davao city ang mga biktima sakay ng Toyota Wigo nang paulanan sila ng bala ng mga suspek na nakasakay ng Toyota Innova.   

Ayon kay Sultan Kudarat PNP Chief, Police Major Julhamin Asdani, sa ngayon ay patuloy pa nilang tinitingnan ang lahat ng mga anggulo.   Posible aniyang may kinalaman sa trabaho ang krimen o maaari rin umanong politically-motivated.   

Bago ito, dalawa pang mga insidente ng pamamaril ang naitala sa nabanggit ding barangay na lubos ngayong ikinababahala ng mga residente sa lugar.       

Kaugnay nito ay hinimok ni mayor Mastura ang mga kababayan na makipagtulungan sa mga otoridad upang maresolba ang mga nangyayaring krimen sa kanilang lugar.   

Sa ngayon ay pinahaba pa ng Sultan Kudarat PNP ang oras ng kanilang pagroronda at pina-igting din ng mga ito ang mga isinasagawa checkpoint. 

0-0-

ARESTADO sa buy bust operation ang 19 na taong gulang na binata sa Midsayap, North Cotabato.   

Kinilala ng Midsayap PNP ang nadakip na drug suspect na si JOEL NAMORO BENTING, 19 years old, driver at taga- Barangay Bual Sur, Midsayap.   

Sa report ng pulisya, nadakip ang suspek sa inilunsad na operasyon ng Midsayap PNP – Drug Enforcement Unit katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12.   

Pasado alas nuebe kagabi nang mabentahan ng iligal na droga ng suspek ang isang PDEA agent na nagkunwaring buyer sa bahagi ng Quezon Avenue, Barangay Poblacion 1.   

Nakuha mula sa suspek ang dalawang sachets ng hinihinalang Shabu at ang 500 pesos na marked money.   Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang suspek ngayong araw.   

-0-

MABILIS NA nagsumbong sa mga pulis ang isang ginang matapos umanong tangayin ng kanilang driver ang kanilang sasakyan habang nakaparada sa loob ng kanilang compound sa Barangay Bagua Dos, Cotabato City.   

Nakilala ang inirereklamong suspek na si ACMAD SARIP MACAPODI, nasa tamang gulang at taga ng Ganasi, Lanao Del Sur.   

Base sa Kwento ng biktimang si ROGAYA SAMANUDIN POLAO, isang government employee, nagulat na lamang sila nang tangayin ng kanilang driver ang pag aari nilang Toyota HiAce Van na Silver Metallic, at may plakang 120103 MV nitong nakalipas na linggo pa.    

Humingi umano ng halagang 100 libong piso ang suspek kapalit ng nasabing sasakyan.   Ngunit walang maibigay na pera ang mga biktima kaya nagpasya na ang mga ito na i-report sa pulisya ang insidente.   Si MACAPODI ay tuluyan ng sinampahan ng kasong carnapping.

Samantala, BIKTIMA naman ng mga mandurokot sa Cotabato city ang estudyanteng si TAN TAN SEMNDAD, nete dos anyos, at taga Tamse Road, Barangay Poblacion Dos ng lungsod.   

Nagulat na lamang umano ang biktima nang madiskobre niyang nawawala na ang kanyang pitaka matapos tangayin ng isang di pa nakikilalang suspek habang nasa loob siya ng peryahan pasado alas dyes ng gabi kamakalawa.     
Laman ng kanyang pitaka ang mga mahahalagang dokumento at cash P2,600.

-0-

HINARANG ng mga sundalo mula sa Army’s 37th Infantry Battalion ang dalawang cargo trucks na may lulang 1,832 board feet ng mga punong-kahoy sa Sitio Kalilangan, Barangay Lamin, Barira, Maguindanao.  

Ayon kay Army’s 37th Infantry Battalion - Bravo company commander First Lt. Ric Pitallano, tatlo katao rin ang kanilang dinakip na kinabibilangan nina Rudtha Fanares, Marju Elias at Bacve Morog na pawang mga taga Barangay Lipawan, Barira, Maguindanao.   

Nakatakas naman ang dalawang mga driver ng isang Mazda Titan na pag-aaari ni Noria Baruto Taguya at Mazda Bongo na pag-aari naman ni Saadudin Marangit Bauntong.   
Kasama din sa mga nakuha mula sa mga suspek ang isang unlicensed cal. 22 rifle, isang magazine at anim na rounds ng mga bala.

-0-

 

Tinangay ng di pa kilalang suspek ang motorsiklo ng isang estudyante na nakaparada lamang sa harap ng isang boarding house sa General Luna Street barangay Osias, Kabacan North Cotabato. 

Ayon sa salaysay ng biktima na si Dandy Peroy Pillado, 21 anyos at nakatira sa Purok 1, barangay Lika Mlang, pinarada umano nito ang kanyang Kawasaki CT-100 Bajaj na motorsiklo sa nasabing lugar ala-1:00 ng hapon kahapon. Nang balikan niya ito pasado na alas 5:00 ng hapon ay wala na ito sa lugar kung saan niya ipinarada. 

Habang agad namang nagsagawa ng pursuit operation ang PNP sa posibleng pagkadakip at pagkarekober ng motorsiklo. Iniimbestigahan nadin ngayon ng Kabacan PNP ang sunod-sunod na kaso ng pagnanakaw ng mga motorsiklo sa bayan nito lamang buwan ng Mayo. NDBC BIDA BALITA

-0-

 

Hanggang sa ngayon ay wala pang pagkakakinlanlan ang lalaking pinagbabaril sa barangay Basak, Magpet Cotabato alas 12:30 ng madaling araw kahapon. 

Ayon sa ulat na nakarating sa Magpet PNP, pinagbabaril ng di pa kilalang suspek ang biktima habang naglalakad patungo sana sa barangay Mahongkog ng nasabing bayan. 

Nang pagsapit sa lugar na pinangyarihan ng insidente ay dito na siya pinagbabaril sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay. 

Ang biktima ay nasa katamtaman ang laki, tinatayang nasa edad 25 hanggang 30 anyos, 5”2 ang taas at may tattoo sa kanyang kanang kamay. Nakahimlay naman ngayon ang bangkay ng biktima sa Fantonial Funeral Homes sa Kidapawan City. NDBC BIDA BALITA

-0-

 

Labin-anim ka tao ang namamatay kada oras sa buong Pilipinas dahil sa tobacco related diseases para sa taong 2018. 

Ito ay ayon kay DOH 12 Regional Tobacco Prevention and Control Program Manager Jenny Panizales sa panayam ng Radyo-Bida. 

Kasabay ng paggunita ngayong araw ng World No Tobacco day ay nagpaalala muli ang Department of Health o DOH region 12 sa mga gumagamit ng sigarilyo na maraming mga sakit ang idinudulot ng pag gamit ng sigarilyo sa katawan. 

Ilan na lamang dito ay ang cancer, hypertension at sakit sa puso na numero unong dahilan na pumapatay sa mga Pilipino. 

Base sa kanilang datus noong taong 2017 ay abot lamang sa sampu ang namamatay kada oras dahil sa paninigarilyo mas mataas kumpara sa 16 para sa taong 2018. 

Sinabi ni Panizales na may malaking epekto din ang panukalang naglalayong pataasan pa ang buwis ng sigarilyo upang hindi na makakabili ang mga gumagamit at matulungan silang huminto sa paggamit nito. 

Aminado din ang opisyal na tumataas ang bilang ng mga kabataang gumagamit ng sigarilyo sa bansa bagaman bumaba na ang bilang ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na droga. 

Lumalabas sa pag-aaral na dalawa sa bawat limang kabataan ang naninigarilyo na at anim na taong gulang ang pinakabatang naitalang naninigarilyo. Habang mataas din ang bilang ng mga secondhand smokers o mga nakakalanghap ng usok mula sa mga naninigarilyo. 

-0-

 

 Nagsagawa ng peace rally ang mga residente ng barangay Binoongan sa bayan ng Arakan, Cotabato at ang pagdedeklara ng persona non grata ng New People’s army sa lugar. 

Ang aktibidad ay isinagawa sa covered court ng barangay alas 8:00 ng umaga kahapon. Ito ay sinimulan ng parada at simpleng programa sa pagdedeklara sa pamamagitan ng barangay resolution. 

Isinagawa din ang paglagda ng pledge of commitment ng mga residente ng nasabing lugar bilang patunay sa pagsuporta dito. 

Ayon kay barangay chairman Julito Jungco na ang desisyon ng mga mamamayan ay dahil na rin sa takot na maipit sa gulo at bunga ng Community Support Program ng Philippine Army. 

Ang programa ay dinaluhan ng PNP, militar ibat-ibang ahensya ng gobyerno at sector upang tuluyan ng makamtam ng mga mamamayan ang tunay na kapayapaan. NDBC BIDA BALITA

-0-

 

Dalawang mga drug suspek, huli sa magkahiwalay na operasyon ng PNP North Cotabato 

Arestado ang dalawang mga dru suspek sa isinagawang anti-illegal drug operation ng pulisya sa Matalam at Makilala, North Cotabato. 

 Unang nahuli si Marlon Tingson na nakatira sa Kidapawan City sa barangay Saguing sa bayan ng Makilala alas 8:00 kagabi. Nakuha sa suspek ang dalawang mga pinaghihinalaang shabu ang 500 peso bill na siyang ginamit na marked money sa operasyon. 

Sa bayan ng Matalam, North Cotabato, huli din ang isang Roger Ambel Quinto alyas antilino 24 anyos at taga Purok 6 Kilada Matalam. Nakuha din sa kanya ang dalawang mga sachets ng suspected shabu at 500 peso bill na marked money. 

Nakapiit na ang dalawang mga suspek sa lock up cell at nakatakdang sampahan ng karampatang kaso sa korte. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Sinimulan kahapon ang 2019 Sarangani Bay o “SarBay” Festival sa pamamagitan ng 15 kilometer swim relay mula sa baybayin ng bayan ng Maasim hanggang sa bayan ng Glan. 

 Ito ay nilahukan ng mga nagungunang swimming teams sa Region 12 at Davao Region. 

 Ayon kay Sarangani Governor Steve Chiongbian Solon, inaasahan nilang lalagpas sa target na 100,000 katao ang dadagsa sa tatlong araw na aktibidad. Dinagdag din nito na aasahan ng mga mamamayan ang mas masaya at mas magarbong SarBay Festival ngayong taon. 

 Tampok sa ika 11th SarBay Festival ang SarBay Strongman, Beach Volleyball Tournament, Beach Football Tournament, Skim Boarding Competition, Jetski Competition, Mountain Bike Challenge, Planet Camp, Fire Dancing Exhibition, Pinta sa Baybayon, Zumba fest at maraming iba pa. 

 Darating din para makisaya sa night parties ang ilang sikat na banda mula kalakhang Maynila. Ayon namnan kay Sarangani Provincial Tourism Council Chair, Michelle Solon tutukan ng SarBay Festival ngayon ang mga programa ng pamahalaang panlalawigan para protektahan ang Sarangani Bay. 

 Sinabi ni Solon na mayroon na silang mga istratehiya para hikayatin ang mga turista na maging responsableng mamamayan para gawing pamantayan sa sustainable festival ang SarBay. 

 Ayon kay Solon ang bawat dadalo sa festival ay kailangang magbayad ng P30 na environmental fee. Mabibigyan din ng token ang makakakolekta ng hindi bababa sa limang kilo ng basura. 

 Dinagdag ni Solon na gagamit na rin sila ng mga sako sa halip na plastic container sa pangongolekta ng mga basura. Alinsunod ito sa ordinansa na nagbabawal ng single-use plastic sa lugar. 

-0-

Tacurong City, Sultan Kudarat unang LGU sa bansa na Hall of Famer sa Health Governance Excellence Awards 

Patunay ng pagsusumikap ng lokal na pamahalaan at kanilang mga stakeholder ng pagbibigay ng dekalidad na serbisyo ang 2019 Champion for Health Governance o CHG award na natanggap ng Tacurong City, Sultan Kudarat. 

Ito ang ipinahayag ni Tacurong Mayor Lina Montilla kasunod ng pagkakahirang sa syudad bilang kauna unahang local government unit na Hall of Famer sa Health Governance Excellence Award. 

 Ang parangal na ibinibigay lamang kada dalawang taon ay nakuha din ng Tacurong noong 2013, 2015 at 2017. Tumanggap ng plake at P100,000 cash incentive para sa Tacurong sa awarding ceremony na ginanap kamakalawa sa Quezon City si Montilla. 

 Ang CHG ay iginagawad sa mga LGU na may pinakamaganda at pinaka epektibong health programs na naayon sa Sustainable Development Goals ng United Nations. 

 Ito ay inorganisa ng Kaya Natin Movement for Good Governance and Ethical Leadership, Jesse Robredo Foundation, at Association of Municipal Health Officers of the Philippines. Suportado din ito ng Department of the Interior and Local Government, at Department of Health. 

 Maliban sa Tacurong City tumanggap din ng CHG Award ang Kidapawan City. 

-0-

Manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines, nagpaliwanag sa pagkaantala ng rehabilitasyon ng Gensan International Airport 

Kakulangan ng manpower at delay sa importasyon ng mga bakal at fabricated materials galing China. 

 Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP General Santos City Manager Egardo Cueto ito ang mga dahilan ng paghiling ng extension ng mga contractor sa expansion at rehabilitasyon ng General Santos City International Airport. 

 Ipinahayag ni Cueto na ang mga trabahante na kinomisyon ng mga construction firm ay umalis isang linggo lamang matapos magtrabaho ng walang maliwanag na dahilan. Sinabi ni Cueto na base sa kanilang assessment matatapos ang proyekto sa susunod na taon na lagpas sa inaahasan nilang Hunyo ngayong taon. 

 Ayon kay Cueto, kinatigan ng Department of Transportation o DOTr ang hiling na tatlong buwang extension sa nasabing proyekto ng dalawang mga contractor. 

 Gayunpamnan ayon kay Cueto kung pagbabatayan ang progreso ng development project, malabong matatapos nila ito sa Setyembre. 

 Sinabi din ni Cueto na dahil sa mahigpit na security requirement ng CAAP sa mga mangagawa naantala rin ang pagsisimula ng rehabiliation project sa nasabing paliparan. Dinagdag din nito na marami sa mga trabahante ang hindi na bumalik matapos mamonitor ng National Bureau of Investigation o NBI ang kanilang derogatory record. 

 Ipinahayag ni Cueto na nakapagsumite na rin ng catch-up plans sa naantalang proyekto sa DOTR ang kanilang mga contractor. Ang mahigit P500 million pesos na rehabilitation at expansion ng passenger terminal building sa Gensan Airport ay kabahagi ng mahigit P900 million funding na aprubado ng DOTr. 

-0-

Suriing mabuti ang mga bibilhing school supplies para sa kaligtasan ng mga kanilang mga anak. 

 Ito ang palalala sa mga mamamayan ni Department of Trade and Industry o DTI South Cotabato Consumer Welfare Division Chief Elbert Capicio. 

 Ayon kay Capicio may mga school supplies kasi, lalong lalo na ng crayola na mataas ang lead content at banta sa kalusugan ng mga gagamit nito. Payo ni Capicio sa mga mamimili bilhin ang mga matagal na o kilalang brand ng mga school supply. 

 Paliwanag ni Capicio mas nasisiguro kasi na tumalima ang mga ito sa mga panuntunan ng Food and Drug Administration o FDA. Matatandaan na isang brand ng crayola na hindi aprubado ng FDA ang nakapasok sa bansa noong nakaraang taon. 

Sinabi din ni Capicio na dahil sa mayroong sapat na supply walang masyadong pagtaas sa presyo ng mga school supplies sa South Cotabato. 

-0-

Hiniling ng National Economic Develoment Authority o NEDA sa Department of Budget and Management o DMB na I-release na ang pondo na laan para matulungan ang mga rice farmers na apektado ng El Nino Phenomenon. 

 Ayon kay DA Secretary Manny Pinol, taliwas naman ito sa mga kumakalat na maling paggamit ng ahensya sa Rice Competetiveness Enhancement Fund o RCEF. Nabatid na mahigit isang bilyon piso lamang mula sa P10 billion pesos na budget para sa RCEF ang available ngayon sa Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines. 

 Ayon naman kay DBM undersecretary Janet Abuel mahigit limang bilyon lamang sa natitirang siyam na bilyon ang inisyal na maire-release ngayong planting season. Pero ayon kay Pinol ito ay nagdulot ng kalituhan sa kabuuang halaga na ire-release ng DBM. 

 Ayon kay Pinol nakapag-release na rin kasi ang DBM ng may limang bilyong piso bilang suporta sa National Rice Program ng DA noon December 2018. 

 Nabatid na isang bilyon piso sa nasabing pondo ay iniliaan para sa Agricultural Credit Policy Council o ACPC ng DA. Pero ayon kay Pinol ang isang bilyon piso na laan sana sa pautang ay ibinigay sa LBP at DBP para sa Credit Program ng RCEF. 

 Ayon kay Pinol mandato ng Rice Tarrification Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglaan ng P10 billion sa RCEF. 

 Saklaw nito ang P5 Billion para sa Farm Mechabization ng Philmech, P3 billion sa Inbred Seeds ng Philrice, at tig P1 billion para sa pautang at pagsasanay ng mga magsasaka sa TESDA .

20 die in South Cotabato highway mishap

20 die in South Cotabato highway mishap Edwin O. Fernandez

T'BOLI, South Cotabato  – At least 20 persons were killed, 15 of them on the...

NoCot village exec shot dead

KABACAN, North Cotabato  – Two men riding tandem on a motorbike shot dead a village official here on Sunday while he was on his way to his farm,...

Traffic rerouting plan eyed when Quirino Bridge undergo rehab

COTABATO CITY  – The Cotabato City traffic management unit is preparing a rerouting plan to be implemented once the Department of Public...

Armed MNLF men stopped, disarmed by Army in Maguindanao

COTABATO CITY -- Some 37 assorted long and short firearms were confiscated by government military troops Saturday in a gathering of Moro...

144 homes damaged by "Marilyn" in Tawi-Tawi

BONGAO, Tawi-Tawi – Close to 150 homes were damaged by Tropical Depression Marilyn that hit the islands here on Friday and Saturday, local...