Monday Oct, 14 2019 07:17:19 AM

NDBC BIDA BALITA (5.28.19)

Breaking News • 09:45 AM Tue May 28, 2019
266
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST MAY 28, 2019 (TUE)
7:00 AM   

HEADLINES:   

1. BANGKAY ng lalaki na sakay ng isang bangkang mula pa sa Basilan, natagpuan sa Bongo Island, sa Parang, Maguindanao.   

2. PNP North Cotabato, nagpakalat na ng public advisory hinggil sa mga kumakalat na investment scam sa probinsya.   

3. RECORD-BREAKING athlete sa Palarong Pambansa na mula sa Region 12, tatanggap ng house and lot mula sa Deped at provincial government.   

4. Cotabato City police chief, pormal nang naupo.

-0-

PORMAL NANG umupo bilang bagong hepe ng Cotabato City police office si Colonel Portia B. Manalad.

Sa seremonya kahapon, pinalitan ni Manalad si Colonel Michael Lebanan sa seremonya na pinangasiwaan ni PRO-12 deputy regional director for operations na siyang kinatawan ni PRO-12 regional director Police Brig. Gen. Eliseo Tam Rasco, PRO-12 regional director.  

Sa panayam, sinabi ni Colonel Manalad na hindi siya superwoman at kailangan niya pa rin ang suporta ng publiko upang mapanatiling maayos ang lungsod.

Si Lebanan ay itinalaga sa PRO-12 regional office sa Gen. Santos City.

-0-

NABARIL AT NAPATAY ang isang dating OFW sa Cotabato city kagabi.   Nakilala ang biktima na si RAHIMA BALABARAN, 30 years old na taga - Brgy. Datu Balabaran ng syudad.   

Sa inisyal na report ng City PNP, pasado alas siyete kagabi nang pagbabarilin ng riding tandem suspects si Balabaran habang nakaupo lang sa tapat ng kanilang bahay.   

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktima mula sa cal. 45 pistol na ginamit ng mga salarin na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.   

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo sa krimen at ang mga posibleng nasa likod nito.   

-0-

ISANG BANGKAY ng lalaki ang natagpuan sa loob ng isang abandonadong bangka sa karagatang malapit sa Bongo Island, Parang, Maguindanao.   

Sa report ng Parang PNP, natagpuan ng Parang Bantay Dagat at PNP BARMM Maritime Unit ang RRV-3 Light Boat kung saan naroon ang bangkay na nagmula pa sa Sibago Island, Basilan.   

Nakilala naman ang biktima na si Jeorey Pagnete, 31 years old, may asawa at taga Pitogo, Zamboanga del Sur.   

Natagpuan din ng Datu Blah Sinsuat PNP, Philippine Coast Guard - Cotabato Station at PNP BARMM Maritime Unit ang suspek sa pagpaslang sa naturang biktima na nakilalang namang si Bonifacio Segudan Rabe, 43 years old, may asawa at taga Malian, Zamboanga del Sur.  

Ang suspek ay nasagip ng mga otoridad habang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Datu Blah Sinsuat.     Sa imbestigasyon ng Parang PNP, inamin ni Rabe na pinagsasaksak niya hanggang sa mapatay ang biktimang si Pagnete.   

Pagkatapos ay nagpasya siyang tumalon sa dagat at iwan ang bangkay sa naturang bangka hanggang sa mapadpad sa Bongo Island.   

Ang bangkay ni Pagnete ay naroon ngayon sa Cabangon Funeral Home sa Parang, Maguindanao.   

Nakakulong naman sa Parang PNP lockup cell ang suspek habang ang RRV-3 Light Boat ay nasa kustodiya naman ng PCG-Cotabato.  

-0-

MAY BAGO ng hepe ang PNP sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) simula ngayong araw, May 28.   

Papalitan ni Police Brig. Gen. Marni Marcos Jr. bilang hepe ng PNP-BARMM si Police Brig. Gen. Graciano Mijares.   

Si Mijares ay itinalaga naman sa PNP Anti-Cybercrime Group.   

Ang naturang pagbalasa ay regular na ipinatutupad ni PNP Chief, Police General Oscar Albayalde sa lahat ng mga police official sa bansa. 

-0-

MASWERTENG nailigtas ng mga concerned citizen ang dalawang mga babaeng balak sanang sugurin ng dalawang mga lalaking tila nag-a-amok at armado ng bolo at kutsilyo sa Cotabato city.   

Nakilala ang mga biktimang sina TRINA ELAIZA DAGGI at TRICIA MAE DAGGI na parehong mga residente ng Boliao Dos, Mother Barangay Poblacion ng lungsod.   

Kwento pa ng dalawa, pasado alas siyete kagabi habang naglalakad sila sa kanto ng Quezon Avenue at Don Rufino Alonzo Street nang akma silang lapitan ng mga armadong suspek na nakilala lamang sa mga pangalang Jay Ar at Fahad na tila naghahamon.   

Tumakbo papalayo ang mga biktima at tumawag ng saklolo na agad namang tinulungan ng mga tao sa lugar.  

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa di malamang direksyon na ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.

-0-

DINAKIP ng mga tanod at opisyal ng barangay Rosary Heights 4 ang isang ginang na umano ay nanloob sa isang bahay sa Maria Clara Street ng naturang barangay sa Cotabato city.   

Kinilala ng City PNP ang suspek na si SITTIE MABANG PALAWAN, 40 years old ng Mabini Street, Barangay Bagua Tres.   

Base sa report ng City PNP, pasado alas dose ng tanghali kahapon nang wasakin ng suspek ang padlock ng pintuan ng bahay ni JEHAN INTERINO BEDA para makapasok at ninakaw umano nito ang mga mamahaling cellphone, charger at cash na nagkakahalaga ng 47 thousand pesos ng biktima.   

Patakas na sana si Palawan nang makita ng mga kapitbahay ng biktima kaya hinabol siya ng mga ito kasama ang mga tanod hanggang sa mahuli.   Sa iba pang balita, nagtungo naman ang isang ginang sa pulisya para isumbong ang nawawala niyang motorsiklong ninakaw umano ng mga carnapper sa syudad.   

Sabi ni TELIA TIPAS, pasado alas dyes ng gabi kamakalawa nang ipinarada niya malapit sa kanilang bahay sa Barangay Rosary Heights 7 ang kanyang Orange-Black na Euro racing motorcycle na may plakang BF-23613.   

Ngunit ngunit napansin niyang nawawala na ito kahapon ng umaga.  

-0-

Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group o ASG habang apat na iba pa ang sugatan sa engkwentro ng grupo laban sa mga sundalo sa Barangay Sandah, Patikul, Sulu, kahapon ng hapon.   

Ayon sa Western Mindanao Command Public Information Office, nakasagupa nila ang grupo ni Mundi Sawadjaan at napatay ang isa sa mga miyembro nito.   Tumagal umano ng limang minuto ang bakbakan.   

Naniniwala ang militar na mas marami pang ASG members ang nasugatan habang wala namang nasaktan sa kanilang hanay.   

Nakaantabay na rin ang augmenting troops sa mga rutang posibleng daanan ng mga teorista bilang bahagi ng pursuit operations.   Ayon kay Western Mindanao Command chief Lieutenant General Arnel Dela Vega, patuloy na pinalalakas ang operasyon laban sa naturang ekstremistang grupo.  

-0-

 

Isa ka tao patay habang isa pa sugatan sa Vehicular crash sa Kidapawan City Patay ang isang pump boy matapos na masangkot sa vehicular crash habang pauwi sa barangay Amas Kidapawan City alas 6:30 kagabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si John Dua at nakatira ng nasabing lugar. 

Ayon sa ulat ng PNP traffic section, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo nang bigla lang umano itong banggain ng isa pang motorsiklo na minamaneho naman ni Abesar Valentino na residente rin ng lugar at tumilapon ang dalawa sa sementadong daan. 

Dahil sa may kadiliman sa lugar ng aksidente ay hindi ito napansin ng isa pang parating na motorsiklo na minamaneho ni Belly Brenio na taga Kabacan Cotabato at nagulongan umano nito ang katawan ni Dua na naka handusay sa highway.

Isa pang commuter van na minamaneho naman ni Jose Sagon Recel Jr, 48 anyos at residente ng Lower Glad Midsayap ang hindi rin napansin ang nasabing biktima at nagulongan rin nito ang katawan nito.

Naisugod pa sa Provincial hospital si Dua pero inideklara na itong dead on arrival ng mga doktor. Ginagamot narin ngayon ang isa pang motorista na bumangga kay Dua habang nasa kustodiya na ng PNP si Brenio At Recel pati ang kanilang mga sasakyan.

0-0-

 

Sinimulan na ng Cotabato Police Provincial Office ang pagkabit ng public advisory hinggil sa mga naglipanang investment scheme sa North Cotabato o maging sa region 12. 

 Sa naging panayam kay CPPO spokesperson Police Lt Col. Bernard Tayong, sinabi nitong sa ngayon ay hanggang sa paalala o panawagan lang ang hakbang ng mga pulis dahil wala pa naman silang natatanggap na reklamo hinggil dito. 

 Anya, wala din silang mga namomonitor sa kanilang hanay na sumasali sa mga pyramiding scheme dahil strikto ang panawagan ni Provincial Director Maximo Layugan na iwasan ang pagsali dito. 

 Maari ring kasuhan ang mga pulis ng “disobedience” kung mamomonitor na sumasali sa kahit anu mang mga investment scheme. Bukod sa mga tarpaulin na ikinakabit sa pampublikong lugar ay nagpakat din sila ng advisory sa social media.

-0-

 

Simula kahapon ay umarangkada ang department of Education Kidapawan City Division sa Oplan Balik eskwela. 

Sinabi ni Schools Division Superintendent Romelito Flores, katuwang ng DepEd ang PNP sa pagbabantay ng seguridad ng mga mag-aaral, mga barangay Tanod at maging ang mga traffic personnel na nakabantay din sa harap ng mga paaralan. 

Samantala, pinasalamatan naman ni Flores ang lahat na mga guro, estudyante at lahat na mga stakeholdes na nakilahok sa isinagawang brigada eskwela o National Schools Maintenance Week. 

Hinikayat naman ng opisyal ang mga mag-aaral at magulang na magpa enroll na at dalhin lamang ang mga kinakailangan dukomento kagaya ng report card at good moral character form. 

Naging maayos naman at matiwasay ang unang araw ng enrolment sa mga paaralan Kidapawan City kahapon. NDBC BIDA BALITA

0-0-

 

Tinangay ng di pa nakikilalang suspek ang motrsiklo na nakaparada lamang sa loob ng bahay ng isang 35 anyos na drayber sa Purok 3 barangay Poblacion President, Roxas Cotabato. 

Dumulog sa tanggapan ng President Roxas PNP ang isang Paquito Soliva Jr., may asawa at nakatira sa nabanggit na barangay upang ireport ang kanyang nawawalang motorsiklo. 

Sinabi ni Soliva na pinarada nito ang Honda XRM 125 kulay pula na motorsiklo sa loob ng kanilang bahay alas 7:00 ng gabi. 

Habang alas 9:00 na ng gabi nito napansin na nawawala na ang kanyang motorsiklo sa loob ng kanilang bahay. 

At alas 10:00 ng gabi nitong linggo ay narekober ang nasabing motorsiklo sa barangay New Antique, Mlang Cotabato. 

Matapos na maipakita ng may ari ng motorsiklo ang mga dokumento ay itinurn-over ng Mlang PNP ang motorsiklo sa kustodiya ng President Roxas PNP. 

Habang inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang suspek sa pagtangay at pag iwan nito. NDBC BIDA BALITA

-0-

 

Kasabay ng pagpapalabas ng desisyon ng Korte Suprema sa pagtanggal ng Filipino at Panitikan bilang asignatura sa kolehiyo, ay ang pagkadismaya ng iilang mga estudyante sa isang kilalang unibersidad sa Kabacan, North Cotabato. 

Ayon sa iilang mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao o USM-Kabacan, hindi naman kinakailangang tanggalin ang nasabing subject sapagkat kailangan din umano nito ng mga estudyanteng kagaya nila. 

Ayon kay Edmar na isang agriculture student, ang pagtanggal ng naturang subject ay nangagahulugan ring pinapalayo ang loob ng mga estudyanteng Pilipino sa kahalagahan ng wika at panitikan. 

Dagdag naman ni Kurt, isang criminology student, ayaw niya ring tanggalin ang Filipino at Panitikan dahil katumbas na rin umano ito ng pag-aalis ng kakayahang matuto ng husto sa lingwaheng Filipino. 

Hindi rin maitanggi ni Jeric, isang DevCom student ang paghihinayang dahil malaking bagay ang nasabing asignatura sa paglinang ng karunungan ng bawat mag-aaral sa nasabing aspeto. 

Matatandaang nakasaad sa pinal na limang pahinang resolusyon ng Korte Suprema na maaari nang alisin sa kolehiyo ang subject na Filipino at Panitikan (Philippine Literature). Pinaboran ng SC ang memorandum order No. 20 ng Commission on Higher Education (CHEd) na ibaba sa 36 units ang general education (GE) curriculum at tanggalin na ang Filipino at Panitikan. 
 

0-0-

 

Record breaker athlete ng region 12 sa Palarong Pambansa makatatanggap ng house and lot mula sa Deped at provincial government ng South Cotabato 

 Magbibigay ng lote at patatayuan din ng bahay ng Deped 12 at pamahalaang panlalawigagn ng South Cotabato si Hazel Domocum. Ayon kay Deped South Cotabato Sports Coordinator Tyron Jann Villanueva ito ay regalo nila kay Domocum. 

 Si Domocum ay nakapagtala ng bagong record sa long jump elementary girls sa 2019 Palarong Pambansa sa Davao City. Ayon kay Villanueva layunin nito na maalagaan ang mga medalist at record breaker sa nasabing Palaro. Ito ay para hindi makumbinsi na lumipat o ma-pirate ng ibang regional athletic association. 

 Matatandaan na pagkatapos manalo, sinabi ni Domocum na gagamitin nito ang kanyang insentibo sa pagsasaayos ng kanilang bahay sa Barangay Rang-ay, Banga, South Cotabato. 

 Aprubado na rin ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato ang P50,000 na dagdag insentibo para kay Domocom. Ito ay kinuha naman sa aprubado ng Provincial School Board na mahigit P500,000 na pondo para sa insentibo ng mga atleta ng lalawigan na naka-medalya sa Palarong Pambansa. 

-0-

Kaso ng violence against women and children sa South Cotabato bumababa ayon sa PNP 

 Nakapagtala ng 37 na kaso ng pangaabuso sa mga kababaihan at kabataan ang South Cotabato Provincial Police Office o SCPPO mula Enero hanggang Marso ngayong 2019. 

 Mas pababa ito sa 116 na kaso na kanilang naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. 

 Sampu sa mga kaso ng violence against women and children sa South Cotabato ngayong taon ay biktima ng pangagahasa, apat ang acts of lasciviousness at isa ang statutory rape. 

Dalawa naman ang biktima ng child abuse at iba pang uri ng pangaabuso sa mga bata. 

 Ipinahayag ito ni Police Lt. Josie Alog ng Womens Children Protection Desk o WCPD ng SCPPO. Kinumpirma din ni Alog na naisampa na sa korte ang 33 kaso, dalawa ang iniimbestigahan, habang tatlong naman ang gumagawa ng affidavit of disinterested to file case. 

Naniniwala si Alog na ang pagbaba ng mga kababaihan at kabataan na biktima ng pangaabuso sa South Cotabato ay resulta ng mga lecture at seminar ng WCPD personnel sa mga barangay. 

 Itinuturo nila sa mga komunidad ayon kay Alog ang mga karapatan ng mga bata at kababaihan at kung papaano makaiwas sa pangaabuso. 

-0-

Ipinatutupad ng mariin ng Department of Education o Deped South Cotabato ang “No Collection Policy” sa mga pampublikong eskwelahan, South Cotabato. 

 Ibig sabihin nito, ayon kay Deped South Cotabato Schools Division Superintendent Isagani Dela Cruz, hindi requirement sa enrollment ang bayarin sa eskwelahan. 

 Iginiit ni Dela Cruz sa isang pulong balitaan na hindi rin maaring tanggihan sa mga public schools kahit pa ang mayroon mga back accounts. 

 Ayon kay Dela Cruz obligasyon ng mga magulang ang anumang bayarin sa eskwelahan at walang kinalaman dito ang mga estudyante. Dinagdag ni Dela Cruz na target ng Deped na ma-enroll sa South Cotabato para sa school year 2019-2020 ang mahigit 197 thousand na mga kabataan. 

 Ayon kay Dela Cruz isa sa kanilang istratihiya para maabot ito ay ang pagiikot sa mga bahay ng mga guro para kumbinsihin ang mga magulang na ipa-enroll ang kanilang mga anak. 

0-0-

Dalawang driver patay sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Polomolok, South Cotabato. 

 Kinilala ng Polomolok PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col. Samuel Cadungon ang mga biktima na sina Raffy Dal 21 years old driver ng Honda TMX motorcyle at Hassan Abas, driver naman ng Kawasaki Bajah motorcyle. 

Lumabas sa inisyal na pagsisiyaat ng mga pulis na ang dalawang mga motorsiklo ay nagkasalpukan sa Barangay Koronadal, Proper Polomolok, South Cotabato. Dahil sa lakas ng bangaan parehong nakaladkad sa daan ang dalawang mga motorsiklo at mga sakay nito. 

 Ang mga driver na sina Dal at Abas na nagtamo ng matinding mga sugat ay parehong dead on arrival sa ospital. Ang angkas naman ni Abas na si Yuries Gandalibo na sugatan din sa insidente ay dinala sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City. 

Nakaligtas naman ang mga angkas ni Dal na sina Mar-Mar Carbon, 18 years old, Anthony Dal 21 pawang mga nakatira sa Sitio Dal, Barangay Malugong, T’boli, South Cotabato. 

 Ang nagkasalupukang motorsiklo na parehong nasira ang harapan ay ikinustodya ng Polomolok PNP. Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente. 

-0-

Misis ng barangay kagawad natagpuang patay sa Koronadal City 

Patay na nang matagpuan ng kanyang mga kaanak sa isang ginang sa Barangay Topland, Koronadal City. Kinilala ng Koronadal City PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col. Rey Egos ang nasawing misis na si Sherlyn Cahapay. 

Nabatid na si Cahapay ay natagpuan na lamang na nakahandusay sa sahig ng kanyang silid. Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na ang nasabing biktima ay maaring hinampas ng bote sa magkabilang mata na naging sanhi ng pagasawi nito.

Tantiya ng mga otoridad naganap ang krimen kahapon ng madaling araw. Ang biktimang si Cahapay na hiwalay na umano sa mister nitong si Topland Barangay Kagawad Glen Cahapay ay magisa lamang natutulog sa kanyang bahay. 

Hindi pa batid ng pulisiya kung sino ang salarin at ano ang motibo nito sa pagpatay sa biktima.

Cotabato Water District announces low water pressure to no water at all

Water Service Advisory
(Emergency Repair)

Date: October 13, 2019

What: Low Water Pressure to No Water due to Emergency Repair...

Karne mula Bulacan patungong Marbel, pinigil sa Tacloban dahil sa ASF scare

TACLOBAN CITY - Abot sa P1.6 million pesos na halaga ng assorted frozen pork meat products mula sa Bulacan ang naharang pasado alas 10:00...

Once troubled Basilan town now has radio station

BASILAN --- Stakeholders will launch Monday a “peace radio” in the former shabu capital of Basilan province whose municipal government got...

3 Soccsksargen hospitals lose PhilHealth accreditation

GENERAL SANTOS CITY -- The Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) has suspended and withdrawn the accreditation...

NGO spearheads outreach program for IPs in Maguindanao

UPI, Maguindanao – In celebration of Indigenous Peoples (IP) Month this October, local officials and non-government organization organized...