Saturday Dec, 07 2019 11:48:00 AM

NDBC BIDA BALITA (11.27.19)

NDBC BALITA • 09:00 AM Thu Nov 28, 2019
120
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. Mahigit 35 libong mga kabataan, nabigyan ng Oral Polio Vaccine sa unang araw ng “Sabayang Patak Kontra Polio” sa Cotabato city at Maguindanao.

2. BAGONG provincial administrator ng North Cotabato, kinumpirma na.

3. Region 12 delegation, humakot ng panalo sa 2019 Vismin Zonal Skills Competition ng TESDA sa Davao City

4. 110 milyong mga Pinoy, target ng Philippine Statistics Authority na mabigyan ng Philippine Identification System ID sa 2022.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

UMAABOT sa mahigit 35 libong mga kabataang edad zero to 59 months old ang matagumpay na nabigyan ng oral polio vaccine sa Cotabato city at Maguindanao kaugnay ng programang “Sabayang Patak Kontra Polio” ng pamahalaan.

Sa Cotabato city, sinabi ni City Health Officer Dr. Meyasser Patadon na umabot sa kabuuang seven thousand, 366 na mga bata ang nabakunahan sa unang araw pa lamang ng Immunization Program o Katumbas ng 20 porsyento sa kanilang target na 36 thousand, 826 na mga kabataan.

Tiwala si Patadon na makakamtan nila ang target sa loob ng dalawang linggo dahil maganda naman ang pagtanggap dito ng mga magulang.

Dagdag pa ni Patadon, sapat din ang suplay nila ng Polio Vaccine at katunayan ay mayroon pa nga silang inihandang buffer stock sakaling sumobra ang bilang ng mga magpapabakuna.

Samantala, sa Maguindanao naman sinabi ni IPHO – Maguindanao Chief Dr. Elizabeth Samama na base sa kanilang record, umaabot na sa kabuuang 28 libong mga kabataan ang nabakunahan sa ilalim ng massive immunization program ng pamahalaan laban sa Polio.

Katumbas aniya ito ng 15 percent ng kanilang kabuuang target na 195 thousand, 68 na mga kabataang mababakunahan sa loob ng dalawang linggo.

Sa ngayon, ayon kay Samama, mayroong 560 Teams na naglilibot sa iba’t ibang mga bayan sa Maguindanao para magsagawa ng House to House Vaccination.

Kampante din si Samama na maaabot nila 95 to 100 Percent na Immunization Coverage sa loob ng dalawang linggo.

 

-0-

 

KALABOSO ang dalawang mga babae at isa pang lalaki na nadakip sa inilunsad na buy bust operation ng mga otoridad sa Purok 6, Esteros site Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City pasado alas sais kagabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Samson Blah Bido, 37 years old, Beth Arip Inalugan, 41, at Mary Grace Bansil, 44, na pawang mga taga Barangay Bagua 3 ng lungsod.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Police Station 3 sa pangunguna ni Police Lieutenent Canda Camsa, 1404th, RMFB 14-BARMM, PDEA BARMM at ng mga barangay official.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang pakete ng pinaghihinalaang shabu, 500 pesos genuine bill at limang photocopied 500 peso bill na ginamit nilang marked money.

Samantala, sa Sultan Kudarat, Maguidanao naman, huli rin ang dalawa katao sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng mga otoridad sa Barangay Gang, pasado alas tres ng hapon kahapon.

Kinilala ng Sultan Kudarat PNP ang mga suspek na sina Norben Rahaman, 37 anyos, driver at residente ng Barangay Gang at si Julhamin Piang Akmad, 26 anyos, driver at taga Brgy. Bulalo ng bayan.

Nakuha mula sa dalawang mga suspek ang sampung plastic sachets ng suspected shabu, drug paraphernalia at marked money.

Sa kabilang dako naman, hawak na ngayon ng mga otoridad ang apat na high value drug suspects kabilang ang isang myembro ng CAFGU sa ilalim ng Army’s 30th Infantry Battalion, matapos silang maaresto sa isinagawang operasyon sa Esperanza, Sultan Kudarat.

Sa report ng Esperanza PNP, nahuli sa aktong nagpa-pot session ang mga suspek sa isang residential house sa Purok Bagong Silang, Silyaw, Esperanza.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Daryl Salbalosa, Ian Dexter Maporo, Julito Monte Alegre at Rany Aben, na pawang mga taga -Maguindanao.

Nakuha mula sa mga ito ang apat na empty sachets na pinaniniwalaang pinaglagyan ng shabu, improvised lighter at malalaking sachets na hindi pa nabubuksan na pinaghihinalaang naglalaman ng shabu.

 

 

-0-

 

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang isang binatilyo na nagtamo ng malubhang sugat matapos tamaan ng holen gun sa Barangay Tanuel, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si ALONTO USOP DAUD, 19 anyos, at taga barangay Poblacion 1, Cotabato City.

Base sa ulat, nagtungo umano ang biktima sa nabanggit na lugar upang dumalaw sa kanyang mga kamag-anak, pasado alas nuebe ng umaga kahapon.

Nagpapahinga umano ang biktima sa duyan sa ilalim ng puno nang dumating ang tyuhin nito na may dalang holen gun at pinaglaruan ito.

aksidenteng nakalabit ng kanyang tiyuhin ang gatilyo ng baril kaya pumutok ito at tinamaan ng holen sa mata ang biktima.

 

-0-

 

ARESTADO ang 42 anyos na lalaking nahaharap sa kasong attempted homicide sa Upi, Maguindanao.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni na inisyu ni RTC Branch 14 Judge Cader Indar ay nadakip ng mga otoridad ang suspek na si Roderick Saligumba, 42 years old, may-asawa at taga Centro Uno, Brgy. Kabakaba ng bayan pasado alas tres ng hapon kamakalawa.

Sa ngayon ay nasa custodial facility na ng Upi PNP ang suspek at nakatakda na siyang ipresenta sa korte ngayong linggong ito.

 

-0-

 

Kidapawan Water District, patuloy ang pagkumpuni ng mga nasirang water pipes dahil sa lindol

Pinagssisikapan na ngayon ng Metro Kidapawan Water District o MKWD na makumpuni ang lahat na mga nasirang water pipes sa kanilang service area dala ng tatlong malalakas na lindol.

Ayon kay MKWD Assistant General Manager Engineer Sandy Alqueza, ginagawan na nila ng paraan na maibalik ang supply ng tubig kahit 50 percent sa kanilang member consumers. Sa ngayon kasi, nakakaranas pa rin kakulangan ng tubig ang malawak na lugar na siniserbisyuhan ng MKWD simula nang maitala ang huling pagyanig.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos na marami na ring reklamo ang natatanggap ng Radyo- BIDA hinggil sa kakulangan ng supply ng tubig mula sa ibat-ibang lugar na sakop pa ng MKWD.

Upang hindi na rin mahirapan sa pag-igib ang mga konsumante sa ibat-ibang mga water refilling stations, nagbibigay na ng supply ng tubig ang MKWD sa kanilang konsumante ng hanggang sa apat na oras bwat araw dahil kulang pa rin sa ngayon ang supply ng tubig. 

Dagdag pa niya, malaking pinsala ang idinulot ng lindol sa mga linya ng tubig dahilan para mawala ang supply ng tubig sa ilang mga water concessioners. Bago sumapit ang taong 2020, bagaman hindi 100 percent na maibabalik sa normal ang supply ng tubig ay kahit man lamang 75 percent ng mga member consumers ang masusuplyan ng tubig. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

277 na mga pulis sa North Cotabato na-promote sa tungkulin

Nasa 237 na mga PNP Personnel ang napromote mula sa North Cotabato matapos ang isinagawang Mass Oathtakting and Donning of Ranks Ceremony sa Police Regional Office o PRO 12 Parade Ground, General Santos City nitong November 25, 2019.

Sa nasabing bilang, 58 ang napromote bilang Police Executive Master Seargeant, 13 sa Police Chief Master, 55 ang Police Senior Master Sergeant, 43 na Police Master Sergeant, 43 rin na mga Police Staff Sergeant at 25 na mga Police Corporal.

Ang oath taking ceremony at donning of ranks ay batay na rin sa tradisyon sa hanay ng pulisya sa pagbibigay pagkilala sa mga bagong promote na PNP personnel dahil sa kahusayan sa pagganap sa kanilang tungkulin bilang tagabantay ng seguridad.

Pinuri naman ni North Cotabato Provincial Director Col Maximo Layugan ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO ang lahat ng kanyang mga tauhan na bagaman nakararanas ng kalamidad ang lalawigan sa nagdaang buwan ay nagampanan pa rin maayos ang kanilang tungkulin at naabot ang pamantayang itinakda ng promotion board.

Sa kabuuan abot sa 1, 500 mga pulis ang nabigyan ng one-rank-higher sa buong rehiyon. Samantala, hininikayat pa nito na mas pagbutihin pa ang pagtatrabaho at pinaalalahanan na habang tumataas ang kanilang ranggo at sahod ay lumalaki rin ang kanilang responsibilidad sa taumbayan. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mahigit 500 na mga rice farmers mula sa ibat-ibang bayan ng North Cotabato, nakakabenispiyo na sa SURE aid program ng Department of Agriculture

Mahigit limang daang magsasaka ng palay mula sa lungsod ng Kidapawan, at mga bayan ng Arakan at Makilala ang makakabenepisyo na sa Survival and Recovery Assistance o SURE aid program ng Department of Agriculture.

Pinangunahan nina City Mayor Joseph Evangelista at Department of Agriculture 12 Executive Director Milagros Casis ang pagbibigay ayuda sa kasalukuyang pangangailangang pinansiyal ng mga magsasaka dulot ng mababang presyo sa mga pamilihan dahil sa Rice Tariffication Law.

Tumanggap ng tulong pinansyal ang mga magsasaka na nagtatanim at nag-aani ng palay sa lupang isang ektarya pababa. Sila rin yaong mga navalidate at napasali sa Registry System for Basic Sectors for Agriculture ng National Statistics Office.

Cash card na naglalaman ng P15,000 na babayaran ng mga magsasaka sa loob ng walong taon na zero interest ang binigay ng Land Bank of the Philippines sa mga farmer beneficiaries.

Kapwa aminado ang alkalde at Director Casis na labis na apektado ang mga magsasaka sa mababang presyuhan ng palay kaya tama lamang ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay ang karampatang tulong para maalalayan ang sektor sa kanilang pamumuhay.

Makakatulong din anila, lalo na yaong mga rice farmers na biktima ng nakaraang mga lindol ang tulong mula sa DA. 279 sa nasabing bilang ay mga rice farmers mula sa Kidapawan City habang 199 naman ang nagmula sa Arakan at 90 sa Makilala. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Atty. Marasigan kinumpirma na bilang bagong Provincial Administrator ng North Cotabato

Opisyal nang kinumpirma ng Sangguniang Panlalawigan bilang Provincial Administrator ng North Cotabato si Atty. Nicholas Marasigan kahapon ng umaga.

Ang kumpirmasyon ang isinagawa kasabay ng ika-20th regular session ng SP Hall ng provincial capitol na pinangunahan ni Vice-Governor Lala Taliño-Mendoza. Si Marasigan ay naging legal officer ni North Cotabato Governor Nancy Catamco. Kaugnay nito, sinabi naman ni Marasigan magpapatuloy ang kanilang pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan ng North Cotabato sa ilalim ng pamumuno ni Catamco.

Nabatid na bago ang nasabing kumpirmasyon ay sinuri muna ng Sanggunian ang mga credentials at dokumento ni Marasigan na pasok naman sa itinakdang requirements ng Civil Service Commission kabilang na ang transcript of records at certification mula sa Supreme Court na pasado ito sa bar exam.

Nagpasalamat naman si Marasigan sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Sangguniang Panlalawigan. Ang Provincial Administrator ay siyang inaatasan upang makatulong sa pagpapatupad sa mga hangarin ng provincial government at maging sa pagpapatupad ng mga proyekto sa pag-unlad at paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa lalawigan. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Sikat na mascot ng isang fast food chain sa Kidapawan City, nagbigay ng kasiyan sa mga batang bakwit sa bayan ng Makilala, North Cotabato

Pinagkaguluhan at naghihiyawan sa saya ang mga kabataan na nasa evacuation center sa Makilala, North Cotabato nang lumabas ang mascot ng isang kilalang fast food chain sa Kidapawan City kahapon.

Maliban sa mga bata na mula sa Barangay Malabuan, nakisaya din ang mga magulang kasama na ang mga matatanda dahil sa munting saya na handog ni Jolibee.

Ito ay paraan din ng Provincial Government ng North Cotabato na kahit papaano ay nabigyan ng tuwa ang mga kabataan na natrauma din dahil sa kalamidad. Nakita din sa kanilang mga mukha ang kaligayan na hatid ng naturang mascot matapos na sumayaw sa kanilang harapan.

Bago natapos ang araw ay nagsagawa rin ng parlor games ang mga bata at pinakain ng inihandang pagkain ni Jolibee.

Nabatid na isa ang bayan ng Makilala na lubhang naapektuhan ng tatlong magkasunod na pagyanig at maraming mga kabataan din ang hindi pa nakabalik sa klase dahil ginamit ang kanilang paaralan bilang evacuation centers ng mga bakwit habang nagpapatuloy pang naghahanap ng paglilipatan ang Makilala LGU.

 

-0-

 

Region 12 delegation humakot ng panalo sa 2019 Vismin Zonal Skills Competition ng TESDA sa Davao City

Nakasungkit ng labindalawang gold medal, at tig iisang silver medal, bronze medal at medal of excellence sa katatapos lang na 2019 Vismin Zonal Skills Competition na ginanap sa Davao City ang mga pambato ng region 12. Nanguna ang rehiyon sa Information Technology Solution for Business, Cookery at Web Technology.

Ito ay ayon kay Technical Education and Skills Development Authrority 12 Regional Director Rafael Abrogar II.

Ayon kay Abrogar humanga sa katatagan ng mga delegado ng region 12 sa nasabing skills competition ang mga pambato ng ibang rehiyon. Sinabi ni Abrogar na ang tagumpay ng SOCCKSARGEN sa Vismin Zonal Skills Competition ay patunay na malakas pa rin ang technical vocational education o Tekbok sa rehiyon.

Ayon kay Abrogar ang mga delegado na humakot ng medalya at nakakuha ng mataas na score sa Vismin Zonal Skills Competition ay sasanayin sa loob ng limang buwan sa kalakhang Maynila. Ito ay upang maihanda sa ASEAN Skills Competition sa Singapore sa 2020.

 

-0-

 

Paglaban sa epekto ng kalamidad paguusapan sa National Science and Technology Week celebration ng Department of Science and Technology 12

Mangunguna sa National Science and Technology Week na gaganapin sa General Santos City sa December 3 hanggang 5 ang Department of Science and Technology o DOST 12.

Paguusapan dito ang Disaster Risk Reduction management kasunod ng mga kalamidad na nanalasa sa Mindanao lalong lalo na sa malaking bahagi ng SOCSKARGEN. Ayon kay DOST 12 OIC Engineer Mahmud Kingking, tatalakayin sa forum ang mga inisyatibo at paghahanda ng ahensya sa tinatawag na “Big One” o malakas na lindol, Climate change at epekto nito sa ekonomiya at kapaligiran.

Ipinahayag ng nasabing DOST official na ang nasabing ahensya ay nakapag-develop ng mga teknolohiya na maaring magamit sa panahon ng kalamidad, at mga tool at sistema para maibsan ang masamang epekto ng mga ito.

Sinabi ni Kingking na tampok din sa tatlong raw na aktibad ang Regional Invention Contest and Exhibit o RICE. Lalahukan ito ng limampung mga inventor na magpapakita ng kanilang mga obora. Ang mga magwawagi dito ang magiging kinatawan ng region 12 sa national level sa susunod na taon.

Tema ng 2019 National Science and Technology Week ang “Science for People: Enabling Technologies for Sustainable Development.”

 

-0-

 

Firecracker related injury maagang imo-monitor ng provincial health office ng South Cotabato

Sisimulan ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit o PESU ng provincial health office ang monitoring nila sa mga firecracker related injury sa South Cotabato sa December 1. Ito ay ayon kay PESU Head Cecile Lorenzo ay mas maaga sa December 21 na pagsisimula ng monitoring ng national government.

Ayon kay Lorenzo, layon ng pinaagang monitoring na magkaroon sila ng batayan para lalo pang mapaigting ang kanilang “Oplan Paputok Campaign” sa South Cotabato. Katuwang ng provincial health office sa pagpapatupad nito ang iba pang ahensya ng gobyerno.

Sinabi ni Lorenzo na para sa mas mabilis na monitoring magpapatupad ng online reporting sa mga firecracker related injury ang labinisang mga ospital sa lalawigan.

Magtatagal ito hanggang sa January 5 sa susunod na taon. Nilinaw ni Lorenzo na dahil hindi kaagad malalaman, tatagal naman ang monitoring nila sa mga biktima ng tetanus infection sanhi ng mga paputok hanggang sa January 28.

 

-0-

 

Magsasaka patay sa vehicular crash sa T’boli, South Cotabato

Kinilala ng T’boli PNP na pinamumunuan ni Police Major Bernie Faldas ang biktima na si Tammy Abnaway, 42 years old, magsasaka. Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na nag-overshoot sa kanal sa kanilang lugar sa Barangay Lambangan T’boli, South Cotabato ang minanehong motorsiklo ni Abnaway .

Ito ay habang binabaybay ang daan mula sa nasabing barangay patungo sa karatig Barangay ng Simbo sa bayan ng Tupi.

Ang biktimang si Abnaway ay agad na nasawi. Sanhi ito ng matinding sugat sa ulo at iba pang parte ng katawan matapos tumilapon sa minanehong motorsiklo.

Ang Skygo motorcycle ng nasawing biktima ay ikinustodya ng T’boli PNP habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

 

-0-

 

Farmer’s Field School ng DA napakinabangan ng mahigit 30 mga corn farmers sa Koronadal City

Nagtapos sa Farmers Field School o FSS ng Department of Agriculture ang dalawamput walong mga magsasaka sa Sitio Si-ok, barangay Mabini sa Koronadal City.

Itinuro sa mga ito sa loob ng labin anim na lingo ang corn production. Kaugnay nito ipinahayag ni Koronadal Mayor Eliordo Ogena na sisikapin ng lokal na pamahalaan na maitaas ang pondo para sa sector ng agrikultra.

Ipinahayag din ng alkalde na nakahanda ito sa anumang pagbabago para makapagpatupad ng mga programa na lalo pang makatutulong sa pagunlad ng kabuhayan ng mga magsasaka sa lungsod. Layon ng FSS sa corn production ng DA na maturuan ng makabagong teknolihiya sa paglaban ng mga peste ang mga corn farmers. Ito ay sa pamamagitan ng Integrated Pest Management o IPM approach.

Ayon naman kay Agricultural Technologist Jany Ruiz, itinuro din sa mga participant ang Sustainable Corn Production sa mga sloping areas. Sa pamamagitan nito ayon kay Ruiz ay matutulungan ang mga magsasaka sa Si-ok na mapataas ang kanilang produksyon kahit na sa mga bulubunduking lupain gamit ang organic o balance fertilization.

 

 

 

8th fire hits Kabacan, North Cotabato in 6 days

KIDAPAWAN CITY  – A fire of still unknown origin razed to the ground four business establishments and a boarding house in Kabacan, North...

Livelihood training in poorest Mindanao provinces slated in 2020

DAVAO CITY -- A team of agriculture experts will conduct a lecture series on livelihood projects targeting Mindanao's poorest provinces,...

New 602nd Brigade chief vows intensified drive vs. terrorists

CAMP LUCERO, North Cotabato – A seasoned military officer from the office of Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana has...

In Maguindanao, Sen. Bong Go opens 53rd Malasakit Center

DATU HOFER, Maguindanao (Dec. 6) – Another “Malasakit Center” has been added to a pro-poor health program that aims to prove the...

Soldiers seize another Dawlah Islamiya arms cache

MAGUINDANAO --- Soldiers seized Thursday assault rifles, an anti-tank rocket and explosives scattered in an abandoned Dawlah Islamiya lair...