Friday Nov, 22 2019 11:23:54 AM

NDBC BIDA BALITA (11.07.19)

NDBC BALITA • 16:30 PM Thu Nov 7, 2019
214
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

 

1. APAT KATAO, arestado sa magkakahiway na buy bust operations sa Cotabato city; 170 thousand pesos na halaga ng iligal na droga, nasamsam.

2. Anim na buwang sanggol, patay dahil sa matinding dehydration sa Makilala, North Cotabato

3.   Relief goods para sa mga biktim ang lindol sa North Cotabato, patuloy na dumataing; MinDA Tienda, binuksan para matigil ang overpricing ng basic commodities

4. MIEMBRO ng Provincial Security Unit ng South Cotabato, patay sa pamamaril sa Koronadal City

 

 

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

 

 

 

-0-

 

Anim na buwang sanggol, patay dahil sa matinding dehydration sa Makilala, North Cotabato

Patay ang anim na buwang sanggol na bakwit dahil sa matinding dehydration sa Purok Lubi New Bulatukan, Makilala, North Cotabato.

Sinabi ni Municipal Health officer Dr. Georgina Sorilla, nitong linggo ay nakitaan anya ng mga rushes at nagtatae ang bata na nakilalang si Windcesz Arella Piala. Agad naman siyang nilapatan ng gamot hanggang sa isinugod na nila sa ospital kahapon pero ideneklarang patay ng mga doctor.

Nabatid na pansamantalang nakatira ang kanyang pamilya sa tent matapos na masirang kanilang bahay dulot ng pagyanig. Ayon sa mga doctor, severe dehydration ang sanhi ng pagkamatay ng anim na buwang sanggol na babae.

Samantala, apela naman ngayon ni Sorilla lalo na sa mga nasa evacuation center na makipagtulungan sa kanila at kung makakaramdam ng sakit ay agad na makipag-ugnayan o lumapit sa mga doctor na nasa incident command post post ng LGU upang agad na malapatan ng lunas.

Sa ngayon anya ay patuloy nilang tinututuukan ang kalusugan lalo na sa mga kabataan na nasa ibat-ibang mga evacuation center ng bayan.

 

-0-

 

Hindi lang tao pati mga alagang hayop ay na-trauma din sa mga naranasang lindol sa North Cotabato.

Nabatid na nang lumikas ang libo-libong mga pamilya mga bayan ng Makilala, Mlang, Tulunan at Kidapawan City ay maraming mga alagang hayop ang naiwan ng mga ito.

Kaya naman pagala-gala na lamang ang mga alagang hayop sa mga barangay na sinalanta ng lindol.

May ilan din namang mga alagang aso, pusa ,manok, kambing, kalabaw, baka at baboy ang isinama ng mga may-ari sa evacuation sites.

Ngunit dahil sa limitado ang suplay ng pagkain at tubig, pati mga aso at pusa ay nakakaranas na rin ng pagkagutom at uhaw.

Kaugnay nito ay nanawagan naman sa mga pet lover ang lokal na pamahalaan ng mga bayang apektado ng lindol na mamahagi rin ng pagkain para sa mga alagang hayop.

Maaari rin umanong mag organisa ang mga beterinaryo ng medical mission para sa mga hayop na apektado rin ng kalamidad.

Samantala, nagbayanihan naman ang samahan ng mga pribadong kumpanya sa bansa para tulungan ang mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Pinangunahan ito ng Philippine Disaster Resilience Foundation o PDRF, isang private sector para sa mga disaster management sa pangangasiwa ni Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Manuel Pangilinan at Jaime Augusto Zobel de Ayala.

Ayon kay Zobel, naglabas na ang PDRF ng inisyal na listahan ng mga kumpanya at foundation na tutulong para sa mga apektadong pamilya.

Taong 2009 ng itaguyod ang nasabing grupo para matulungan noon sa mga nasalanta ng ‘Ondoy’.

 

 

-0-

 

SAMANTALA, Ikinuwento ng isang ginang mula sa Barangay Bato, Makilala ang kanilang naging karanasan nang dumagundong ang lindol sa kanilang lugar.

Isa si Aling Mercy Akak sa mga nagsilikas mula sa nasabing lugar at ngayon ay pansamantalang nasa evacuation site ng Barangay Bulakanon, partikular sa compound ng Elementary at High School. Sinabi ni Aling Mercy, naghahanda anya sila ng kanilang lulutuin upang ipakain sa mga bisita para sa kanilang piyesta sa Barangay nang yumanig ng malakas noong umaga ng Oktubre 29.

Nagsitakbuhan sila at tumungo sa mas ligtas na lugar. Nang huminto ang lindol nakita nila ang malaking bahagi ng bundok ang gumuho kung saan kasama sa mga natabunan ang pinsan nito na si Freddie Bago ng magka-lanslide sa lugar at ilan sa mga bahay ang natabunan.

Ayon kay aling Mercy nasa 19 katao ang sinasabing natabunan ng gumuho ang malaking bahagi ng bundok sa barangay Bato.

Dala ang buong pamilya ay agad na lumikas ang mga taga Barangay Bato dahil sa takot na masundan pa ng panibagong landslide ang kanilang lugar. Sa ngayon nagsisiksikan sila sa tolda na kanilang ipinatayo gamit ang trapal sa evacuation center. Nagtitiis din sila sa init ng trapal kung tanghali at malamig na panahon kung gabi. Gayunpaman pasalamat pa rin sila dahil sa patuloy na pagdagsa ng tulong ng gobyerno, NGO, grupo at ilang mga pribadong sektor. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Sa layuning matulungan ang mga mamimili sa pagtaas ng presyo ng basic commodities sa mga lugar na tinamaan ng lindol, binuksan ng Mindanao Development Authority (MinDA) ang MindaTienda, mga outlet sa pagbebenta ng pangunahing bilihin sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Ayon kay MinDA Chair Manny Piñol, alas 9:00 ng umaga kahapon ng ito’y buksan sa harap ng Notre Dame School sa nasabing bayan.

Ang “Minda Tiendas” ay pinondohan ng mga pribadong grupo na nagbebenta ng mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa tamang presyo.

Hindi rin itinanggi ni Makilala town planning officer Lenard Legarda ang bahagyang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin kasunod ng nangyaring lindol.

Sinabi pa ni Piñol na mabibili ang mga ito sa farm gate price kung saan nagmula pa ang mga isda sa lungsod ng General Santos, sardinas mula sa Zamboanga City, gulay na mula sa Bukidnon at mga karneng baboy mula sa mga karatig lugar.

Samantala, susunod namang isasagawa ang MindaTienda sa mga bayan ng Tulunan, Magpet sa North Cotabato, Bansalan, Matanao, Magsaysay at ibang bahagi ng Digos City sa Davao del Sur- mga lugar na matinding tinamaan ng lindol.

 

-0-

 

Emergency employment program ng DOLE mapapakinabangan ng mga biktima ng lindol sa North Cotabato Makikinabang sa mahigit 2.7 million pesos na employement program Department of Labor and Employment o DOLE region 12 mga biktima ng lindol sa North Cotabato.

Ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged o TUPAD Program ng DOLE ay mapapakinabangan ng mahigit pitong raang mga mangagawa sa formal sector sa Tulunan at Kidapawan City. Ang mga benepisyaryo ng TUPAD ay mabibigyan ng sampung araw na emergency employment .

Ang mga ito ay makatatanggpan ng 311 pesos na minimum na arawang sahod. Ayon kay DOLE 12 Regional Director Sisinio Cano, mas pinaigting pa ng ahensya ang pagbibigay ng proteksyon at tulong sa mga mangagawa na sinalanta ng kalamidad.

Matatandaan na abot naman sa 105 na mga mangagawa sa nasunog na Gaisano Grand Mall sa General Santos City ang nabigyan ng certification ng DOLE para makakuha ng unemployment insurace sa Social Security System o SSS. Nagsagawa rin ng Job Fair para sa apektadong mangagawa ang DOLE at lokal na pamahalaan kung saan walumput limang mga aplikante ang hired-on-the spot.

 

-0-

 

Hepe ng Pambansang Pulisya, nagpa-abot ng tulong sa mga biktima ng lindol sa North Cotabato

Abot sa dalawang milyong pisong halaga ng relief goods ang ipinamahagi ng pambansang pulisya sa mga apektado ng lindol sa evacuation sites ng mga barangay ng Bulatukan at Malasila ng Makilala, North Cotabato kahapon ng umaga.

Mismong si Acting Philippine National Police o PNP Chief Lt. Gen Arthur Gamboa ang nanguna sa pamimigay nito sa mga pamilyang bakwit. Unang tinungo ng opisyal ang incident command post ng Makilala LGU at saka tinungo ang compound ng municipal hall habang sinuri rin ang pinsala ng lindol sa Makilala Police Station.

Sa kabuuan abot sa 2, 500 mga balde na naglalaman ng limang bote ng tubig, isang pack ng biskwit, dosenang kape, mga delata, noodles at limang kilong bigas ang naipamahagi ng PNP. Maliban sa mga bakwit, mamamahagi rin na cash assistance si General Gamboa sa mga pulis sa North Cotabato at sa rehiyon dose na apektado ng lindol.

Isang milyong piso naman ang nakatakdang ibigay ng PNP national headquarters sa mga pulis mula sa Davao del Sur at Rehiyon Onse na apektado rin ng mga pagyanig. Ayon kay Gamboa na layon ng kanyang pagbisita na personal na makita ang mga istasyon nila sa North Cotabato at Davao del Sur na sinira ng matinding pagyanig.

Nabatid na nakitaan ng maraming bitak ang Makilala PNP at maglalaan ito ng pondo upang ma-repair ang mga sira rito. Kasama ni General Gamboa kahapon ang iba ring opisyal ng PNP na sina PMGen Edwin Roque, PBGEN Alfred S. Corpus siyang Regional Director ng PRO12 at Provincial Director PCOL. Maximo C. Layugan ng North Cotabato PNP

 

-0-

 

Pagbawi sa rekomenasyon na pagdeklara ng State of Calamity dahil sa lindol sa lalawigan, ipinaliwanag ng Operation and Warning Chief ng PDRRMO South Cotabato

Binawi na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ang rekomendasyon nito na pagdeklara ng State of Calamity sa South Cotabato dahil sa mga pinsala ng lindol. Paliwanag ni PDRRMO Warning ang Operation Chief Rolly Doanne Aquino irere-align na lamang nila ang 26 million pesos na disaster fund ng lalawigan noong 2018.

Ayon kay Aquino ang dalawang milyong pisong bahagi ng pondo ay ilalaan para sa mga nilindol na mamamayan sa North Cotabato. Habang ang iba naman ay gagamtin sa pagsaayos sa mga school buildings at ilang pangangailangan sa disaster preparedness ng lalawigan.

Matatandaan na dahil sa kakulangan ng datus, hindi inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan sa kanilang special session noong Byernes ang rekomendasyon ng State of Calamity ng PDRRMO. Sa kabila nito ayon kay Aquino nakapagbigay pa rin ng inisyal na tulong sa mga biktimang lindol sa mga bayan ng Tulunan at Makilala ang PDRRMO sa pamamagitanng donasyon ng mga mamamayan ng South Cotabato.

 

-0-

 

APAT KATAO ang arestado sa magkakahiwalay na buy bust operations sa Cotabato city.

Huli ang dalawang mga lalaki pasado alas siyete kagabi sa Sinsuat Avenue, Barangay Rosary Heights 10.

Kinilala ang mga nadakip na sina Melvin Baches, 21 anyos, single, carwash boy at taga Spring site barngay Bagua 3, at si Jeffrey Magbanua, 22 anyos, single, dating security guard at taga Barangay Rosary Heights 10.

Nadakip ang dalawa sa inilunsad na Anti Illegal Drug Operation ng pinagsanib na pwersa ng Police Station 2, sa pangunguna ni Police Captain Rustom Pastolero at PDEA BARMM.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang pakete ng hinihinalaang shabu at 500 peso bill na ginamit bilang marked money.

Samantala, bago ito, naaresto rin ng mga otoridad ang isang mekaniko pasado alas singko ng hapon kahapon sa Sinsuat Avenue, Mother Barangay Rosary Heights.

Kinilala ang nadakip na si Ryan Rakim, 32 dos anyos, may asawa at taga Barangay Poblacion 8

Inilunsad ng pinagsanib na pwersa ng Police Station 3, sa pangunguna ni Deputy Chief of police, Police Captain Canda Camsa, 1404th Company RMFB 14 BARMM sa pangunguna ni Police MAJOR ARTURO RIVERA JR., at PDEA BARMM dahilan ng pagkakahuli ng suspek.

Nakuha mula kay Rakim ang isang pakete ng hinihinalaang shabu at one thousand pesos na marked money.

Una rito, timbog din sa inilunsad na buy bust Operation ng mga operatiba ng PDEA BARMM ang isang lalaki sa kanto ng Magallanes Street at Quezon Avenue, Barangay Poblacion 5, Cotabato City pasado alas diyes ng umaga kahapon.

Base sa Report mula kay PDEA BARMM Regional Director, Juvenal Azurin, nakilala ang naarestong suspek na si Nasrullah Panalunsong alyas Nash, 29 anyos, walang trabaho at taga Barangay Katuli, Sultan Kudarat Maguindanao.

Nakuha sa kanyang posisyon ang isang pakete ng hinihinalaang shabu na may timbang na 25 Grams na nagkakahalaga ng 170 Thousand pesos, marked money, cellphone at LTO student drivers License.

 

-0-

 

 

TULUYAN NANG PUMANAW ang isa sa dalawang mga magkaibigang biktima ng pananaksak sa loob ng isang restaurant sa Don Rofino Alonzo Street, Barangay Poblacion 6, Cotabato City.

Nakilala ang mga biktima na sina VICTOR ESMAEL, 29 years old, taga barangay Katuli, Sultan Kudarat, Maguindanao at JUNIOR ANDOC, 30 anyos na taga Barangay Kalanganan ng lungsod.

Maalalang base sa report ng pulisya, pasado alas otso ng gabi kamakalawa habang nag-iinuman ang mga biktima nang bigla umanong lapitan ng suspek na nakilalang si BOBBY CASUYO ang kanilang kasamang babae na ikinagalit ng mga biktima.

Lumabas ng restaurant ang suspek at ng bumalik ay may dala na itong patalim at bigla na lamang pinagsasaksak ang mga biktima.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang dalawa ngunit binawian din ng buhay si ANDOC makalipas ang ilang oras sa tindi ng tinamong sugat sa dibdib, habang patuloy na nilalapatan ng lunas si ESMAEL na nasa malubha pa ring kondisyon.

Patuloy naman ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa suspek na si CASUYO na mabilis umanong tumakas matapos ang pananaksak sa mga biktima.

 

-0-

 

Dalawang magsasaka ang naiulat na nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan makaraang barilin ng di pa nakikilalang suspek sa G. Baynosa, Tulunan, Cotabato alas 6:00 kagabi.

Kinilala ng Tulunan PNP ang mga nasawi na sina Juanito D. Gulaya, at Pablito A. Dulay, habang ang mga nasugatan ay sina Julito E. Mangalin, 34 anyos, may asawa , driver at Loreto G. Villar Jr., 25 years old, kapwa mga magsasaka at lahat residente ng nasabing lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulis, sinasabing, sinundan umano ang mga biktima ng suspek na pauwi na sana sa kani- kanilang bahay galing sa isang meeting sa bahay ni Datu Antonio Dalunan na kanilang IP representative ng kanilang Barangay.

Nagtamo ng ibat- ibang sugat sa katawan ang mga biktima dahilan ng agarang kamatayan ng dalawa at ikinasugat ng dalawang iba pa. Nagpapagaling na ngayon ang dalawang sugatang biktima habang nagpapatuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo ng mga responsable sa pamamaril.

Samantala, duguang isinugod naman sa pagamutan ang isang lalaki matapos na barilin ng riding in tandem suspek sa Purok Bangkal, Barangay Ladtingan, Pikit Cotabato 9:25 ng umaga kahapon. Nakilala ang biktima na si Greggy QuiranteTambagan, 35 anyos, may asawa at nakatira sa naturang lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Pikit PNP, lumalabas na sakay ng kanyang motorisklo ang biktima patungo sa Barangay Poblacion nang pagsapit sa lugar ay dito na siya pinagbabaril ng di pa nakikilalang mga suspek.

Nagtamo ng sugat si Tambagan sa kanyang tiyan dahilan para isugod siya sa Cruzado Medical Clinic and Hospital para sa agarang medikasyon. Habang mabilis namang tumakas ang mga suspek patungong Barangay Manaulanan Pikit matapos gawin ang krimen.

Hanggang sa nagyon ay di pa tukoy ng PNP ang motibo sa pagbaril sa nasabing biktima. Pagsapit ng alas 6:20 din kagabi ay isang foreman naman ang pinagbabaril sa Ubaldo street, Poblacion, Pikit, Cotabato. Kinilala ang biktima na si Elpidio Ferenal, 57 years Old at residnete ng davao City.

Ayon sa mga pulis, pauwi na sana ng kanilang bahay ang sugatang biktima nang pagbabarilin ng mga suspek na tumama sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan. Narekober sa crime scene ang apat na mga basyo ng caliber 45 pistol na siyang ginamit ng mga suspek sa pamamaril, inaalam na din ngayon ng pulisya ang motibo sa nasabinmg pamamaril.

 

-0-

 

Binaril ang nasawing biktima habang nakahinto ang minamanehong kotse sa traffic lights sa Gensan Drive, Koronadal City mag-aalas syete ng umaga kahapon.

Ito ang lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Koronadal PNP na pinamumunuan ni Police Lt.Col Joefel Siason. Kinilala ng mga katrabaho nito an biktima na si Roberto Corneta II, 40 anyos, binata at kasapi ng provincial security unit o PSU ng provincial government ng South Cotabato.

Si Corneta na dati ring jail guard ay binaril ng malapitan ng umanoy riding tandem suspect. Siya ay agad na binawian ng buhay sanhi ng matinding mga tama ng bala ng baril sa mukha .

Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang mga suspek at ano ang motibo ng mga ito sa pagbaril sa nasabing biktima.

 

-0-

 

TESDA 12 Regional Director may babala sa kanilang mga training center na mayroong ghost scholar

Babawian ng scholarship program , ito ang banta ni Technical Education and Skills Development Authority o TESDA 12 Regional Director Rafael Abrogar II sa kanilang mga training center na mapapatunayang mayroong mga ghost trainee o scholar.

Ayon kay Abrogar, ang pagkakapili sa kanila bilang training center ng ahensya ay prebelihiyo ng mga eskwelahan. Kaya ayon kay Abrogar hindi sila magdadawalang isip na mabawian nito at makasuhan kapag meron nilabag sa mga programa ng TESDA.

Ito ang ipinahayag ni Abrogar matapos kumpirmahan ang imbestigasyon na isinasagwa ngayon ng TESA 12 sa ilang mga eskwelahan sa General Santos City. Binigyan diin ni Abrogar na dapat ay maging tapat din ang mga ekswelahan na napili para maging training center ng TESDA sa pagpapatupad ng kanilang mga programa.

Ito ay bilang pagtalima na rin sa utos ng pamahalaan na masawata ang korupsyon na isinusulong din ng nasabing ahensya.

 

-0-

 

Tulong ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagsuri sa kanilang mga gusali pagkatapos ng lindol, hiniling ng alkalde ng Koronadal City

Suriin ang kanilang mga gusali bilang tulong na rin sa lokal na pamahalaan . Ito ang hiling ni Koronadal Mayor Eliordo Ogena sa mga opisyal at kawani ng mga ahensya ng pamahalaan sa lungsod. Kasunod ito ng mga pagyanig na narasan sa Central Mindanao.

Layun nito na masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan. Aminado si Ogena na dahil sa dami ng mga humihiling ng kanilang serbisyo, hirap ang city engineers at building officials na suriin ang lahat ng mga gusali sa syudad. Ayon kay Ogena prayoridad ng lokal na pamahalaan na masuri ang lahat ng mga pampublikong paaralan at gusali na pinondohan ng city government.

Matapos makitaan ng mga bitak bunsod ng mga pagyanig may mga silid aralan sa Koronadal na ipinaabandona ng lokal na pamahalaan. Naging positibo naman ang tugon ng mga kinatawan ng mga Regional Line Agencies at National Line Agencies sa pagpupulong na ipinatawag ng alkalde. Ipinagutos din ni Ogena ang paghihigpit ng LGU sa pagkuha ng fire certificate at annual building certificate sa permit renewal ng mga establisemento sa Koronadal City.

 

-0-

 

NATIONAL NEWS………………….

Pormal nang tinanggap ni vice president Leni Robredo ang hamon ni Pangulong Duterte na pangunahan ang kampanya kontra iligal na droga sa gitna ng kanyang mga kritisismo rito.

Ayon pa kay Robredo, tinatanggap niya ang tungkulin bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD kung ito umano ang pagkakataon para matigil ang patayan ng mga inosente, at mapanagot ang mga dapat managot.

'Yan ay kahit una nang sinabi ng kanilang kampo na nagdududa sila sa pagiging sinsero ng presidente, gayong hindi naman daw nag-eexist ang posisyong "co-chair" ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs sa Executive Order 15.

Dahil dito, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na welcome si Robredo na dumalo sa cabinet meeting.

Ang nasabing hakbang ni Robredo ay patunay din aniyang mas matalino siya kaysa sa mga unang nagpayo na huwag niyang tanggapin ang posisyon.

Samantala, suportado naman ng Liberty Party ang pagtanggap ni Robredo ng naturang posisyon.

Tiwala ang LP na gagawa ng hakbang ang bise presidente na base sa isinasaad ng batas.

Kaugnay nito ay naniniwala naman ang Department of the Interior and Local Government na magiging asset si Robredo sa kampanya kontra sa iligal na droga ng administrasyon.

Sinabi ni DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na magiging asset si Robredo sa pagnanais na mabawasan ang demand sa iligal na droga mula sa publiko lalo na sa mga kabataan.

Maaari kasi aniyang makapagbigay ng alternatibong istratehiya ang bise presidente sa pamamagitan ng kaniyang karanasan bilang public servant at koneksyon sa ilang organisasyon.

 

-0-

 

Sa iba pang balita, bumaba ang net satisfaction rating ng national government para sa third quarter ng taon batay sa resulta ng survey ng Social Weather Stations o SWS na inilabas kagabi.

Mula sa ‘excellent’ na positive 73 nitong June, bumagsak sa positive 67 na nasa kategoryang ‘good’ na lamang ang net satisfaction ng Duterte administration.

Batay sa survey, 77% ng adult Filipinos ang nasisiyahan sa pamamalakad ng administrasyon, 11% ang hindi tiyak kung nasisiyahan o hindi at 10% ang hindi nasisiyahan.

Sa kabilang dako naman, anim na warning flares ang pinakawalan ng China laban sa military planes ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay AFP Deputy Chief of Staff for intelligence Maj. Gen. Reuben Basiao, pinaputok ang warning flares mula sa mga islang okupado ng China sa teritoryo mula noong Enero hanggang Hunyo.

Bukod sa warning flares, dumami pa umano ang barko ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon sa militar, bagama’t hindi sandata ang warning flares, maaari pa rin itong makapaminsala kapag direktang tumama sa aircraft.

Gayunman,sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi ‘cause of concern’ ang pagpapakawala ng warning flares ng China sa mga eroplano ng bansa.

Ayon sa kalihim, warning signal lamang ito upang ipaalam kung nasaan ang Chinese military at hindi naman tunay pagbabanta.

 

Man with hand gun caught at Talayan checkpoint

CAMP SIONGCO, Maguindanao – A man in possession of a loaded gun was caught by the Army’s 90th Infantry Battalion at a checkpoint on Monday,...

Search team finds 1 of 2 missing children due to Koronadal flash floods

KORONADAL CITY - One of two children who went missing on Nov. 18 following heavy down pour and flashfloods in a creek in Barnagay Paraiso...

NDBC BIDA BALITA (Nov. 22, 2019)

 

NDBC BIDA BALITA ALAS 7

HEADLINES:

1. BINATILYO, timbog sa buy bust operation ng...

Fire razes homes in quake hit Kidapawan City

KIDAPAWAN CITY - A fire of still unknown origin gutted Friday dawn several homes and business establishments here.

The Bureau of Fire...

2 earthquake-hit towns get solar water systems

DAVAO CITY  - Two North Cotabato towns which were hardest hit by the series of earthquakes recently will each receive one unit of Solar-...