Friday Nov, 22 2019 11:24:39 AM

NDBC BIDA BALITA (11.04.19)

NDBC BALITA • 16:00 PM Mon Nov 4, 2019
257
By: 
NDBC NCA

HEADLINES 

1. PANGAMBA ng mga mamamayan ng Cotabato city hinggil sa umano ay presensya ng ISIS, pinawi ng alkalde ng lungsod.

2. Mahigit sampunglibong mga bahay at istruktura sa North Cotabato, napinsala bunsod ng tatlong magkakasunod na pagyanig sa lalawigan; bilang ng mga nasawi, umakyat pa sa 17 katao.

3. Deped 12 Regional Director iniutos ang paginspeksyon sa mga school building na apektado ng lindol sa Central Mindanao

4. DOLE, naghahanda na ng tulong para sa mga manggagawa sa Mindanao na apektado ng lindol.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

-0-

 

Mahigit sa 10,000 na mga bahay at istruktura ang napinsala sa buong North Cotabato dulot ng tatlong magkasunod na lindol sa lalawigan habang bilang ng mga nasawi umakyat na sa 17 ka tao

Mas lalo pang lumobo ang bilang ng mga nasirang bahay at mga gusali dahil sa halos magkasunod na pagyanig na tumama sa malawak na bahagi ng Mindanao kamakailan.

Sa panayam kay Office of the civil defense spokesperson Joremae Balmediano, karamihan sa mga nasirang bahay ay mula sa Makilala, Tulunan at sa Kidapawan City. Sa buong SOCCKSARGEN region, ang nabanggit na mga bayan ang lubhang naapektuhan dahil sa mga naitalang pagyanig simula noong October 16, 29 at 31.

Umakyat na din sa labin-pito ka tao ang binawaian ng buhay, marami ang mga nasugatan at marami din ang mga natabunan dahil sa pag guho ng lupa. Sa kabuuan nasa 26, 895 na mga pamilya ang apektado at halos sa kanila ay mula sa ibat-ibang mga bayan sa North Cotabato.

Giit pa ng opisyal na wlang kakulangan ng supply ng tulong para sa pamilya na apektado ng kalamidad tulad ng mga relief goods, laminated sacks at mga gamot.

Nakikipag-ugnayan na rin ngayon ang OCD sa iba pang mga line agencies tulad ng Philippine red cross, DSWD, DOST at iba pa. Samantala, ipagbabawal na ng Provincial Government ang panghihingi ng tulong sa mga National Highway sa Makilala Cotabato, ipagbabawal na Ito ang tiniyak ni North Cotabato Acting Governor Emmylou Talino- Mendoza.

May ilan kasi na nanghihingi ng tulong na sinasamantala na ang pagkakataon. Nang mag-imbestiga ang pulisya sa mga nanghihingi ng tulong kagaya ng bigas, tubig at iba pa sa National Highway sa bayan ng Makilala,sobra-sobra ang tulong na kanilang natatanggap.

Nakaimbak din umano ang mga sobra-sobrang tulong na mula sa ibat-ibang ahensya at iba pang mga Sa ginawang imbestigasyon ng mga otoridad ang kanilang mga evacuation center kung saan doon ay tumambad na animoy nag-iimbak sila ng sobra-sobrang pagkain at tubig.

Bawal na rin na mamimigay ng tulong sa National Highway at kailangan na anyang dumaan sa Command Center na bawat bayan at siyudad para maayos ang pamamahagi ng tulong sa dapat tumanggap ng tulong. Nilinaw ng gobernadora napakadilikado sa national highway ang mag-abot ng tulong sa mga bakwit ilan sa kanila ay nadidisgrasya,nagdulot ng traffic at bangaan ng mga sasakyan. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Isang bakwit patay matapos na saksakin ng kapwa bakwit dahil lamang umano sa isang trapal sa Makilala, North Cotabato

Boluntaryong sumuko na sa mga pulis ang isang lalaki na suspek na pananaksak sa kapwa nitong bakwit matapos na magkaroon ng mainit na pagtatalo dahil lamang sa isang trapal sa Barangay Indangan, Makilala, North Cotabato.

Ito mismo ang kinumpirma ni Barangay Indangan Chairman Napeleon Inggo nitong araw ng sabado. Kinilala ang nasawi na si alyas Michael habang ang sumukong suspek ang nakilalang si Eric Matanggo.

Sinabi ng Barangay official, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang biktima at ang suspek dahil hindi anya nakakuha ng trapal si Matanggo na galing sa DOLE stanfilco.

Ang halos na mga bahay sa Barangay Indangan ay hindi na mapapakinabangan pa at maraming mga kabataan na rin at mga buntis ang nagkakasakit dahil walang maayos na matutulogan kapag gabi. Problema din ng mga residente at mga bakwit ang kakulangan ng tubig maiinom kung kaya’t apela naman ngayon ng mga residente ang agarang tulong mula sa gobyerno.

 

-0-

 

Pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa Kidapawan at Cotabato Division, suspendido pa rin hanggang ngayong araw

Suspendido pa rin mula ngayong araw hanggang sa biyernes ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa Cotabato Division. Ito ang kinumpirma kahapon ni North Cotabato Schools Division Superintendent o SDS Omar Obas. Upang bigyan ng pagkakataon na masuri ng mga structural engineer ang mga paaralan at masigurong ligtas ang mga papasok.

Sa Kidapawan City Divison sinabi naman ni City Mayor Joseph Evangelista, suspendido pa rin ang pasok sa lahat ng antas pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw. Ayon kay SDS Romelito Flores maraming mga paaralan din na nasira at hindi ligtas para sa mga mag-aaral dulot na rin ng mga magkasunod na lindol.

Ayon kay Flores, karamihang nasira na mga paaralan ay mula Lake agco, sa sayaban, Datu Umpan, Datu Igwas, Integrated school sa Barangay Perez. Plano din nilang magtayo ng temporary learning centers para sa mga bata dahil hindi na maaring gamitin ang nasabing mga silid-aralan.

Kung kaya’t nanawagan naman ang Department of Education sa Kidapawan City Division na sa mga nais magbahagi ng mga tent upang pansamantalang magagamit ng mga mag-aaral. Samantala, suspendido rin ngayong araw ang pasok ng mga estudyante, faculty and staff ng University of Southern Mindanao, Kabacan main campus.

Ayon kay USM President Francisco Gil Garcia tanging mga miyembro ng Admin Council ang magrereport dahil magpupulong sila kaugnay pa rin sa tinamong pinsala ng paaralan dulot ng lindol. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Philvocs, nilinaw na hindi maaapektuhan ang Mount Apo dahil sa mga nararamdamang pagyanig

Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nananatiling normal ang kondisyon ng Mt. Apo sa kabila ng magkakasunod na pagyanig sa North Cotabato at mga karatig na lugar kamakailan.

Ayon sa Phivolcs, walang dapat ikabahala ang publiko dahil hindi konektado sa bulkan ang mga fault line na gumalaw sa North Cotabato. Ito matapos na maiulat at sa mga kumakalat na rin na balita sa social media na umano’y puputok na ang bulkan dahil sa mga nararamdamang lindol na siyang ikinabahala naman ng maraming mga mamamayan.

Pero ayon sa nasabing ahensya, kahit pa nasa pagitan lang ng Davao del Sur at Kidapawan City ang bulkan ay wala silang mararamdaman na aktibidad mula rito na posibleng maghudyat ng pagsabog. Tiniyak naman ng ahensya na patuloy ang kanilang mahigpit na monitoring sa volcanic activity ng bundok Apo dahil may hiwalay na active fault line na malapit dito.

Ayon sa pamunuan ng Philvocs, potentially active ang bundok Apo pero may posibilidad ding maging active pero sa matagal pang panahon. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Ilang mga Barangay sa bayan ng North Cotabato, tinukoy na hindi na maaring tirhan pa ayon sa Philvocs matapos ang lindol

Tinukoy ng PHIVOLCS ang ilang mga Barangay at Sitio sa tatlong mga bayan at isang lungsod na hindi ligtas tirhan at kailngan ng lisanin ng mga residente.

Sa isinagawang Inter Agency Meeting kahapon sa Provincial Command post sinabi ni Jeffrey Perez na siyang Supervising Science Research Specialist ng PHIVOLCS na hindi na aniya ligtas ang mga mga sumusunod na Barangay at Sitio matapos ang kanilang inspection.

Sa Makilala, Barangay Bato, Buhay, Cabilao, Luayon, Sto. Niño (Purok 1 and 2), Malabuan (Purok 12 Sitio Basak, 6), Barangay Poblacion (Purok 7, purok Malaang) at Barangay Malungon (Purok 2 and 7) Sa Bayan naman ng Tulunan ay hindi na ligtas ang mga Barangay ng Daig at ilang parte ng Barangay Bacong. Barangay New Esperanza (Sitio Biyao) sa Mlang at ang Sitio Agco ng Barangay Ilomavis sa Kidapawan City.

Dagdag ni Jimenez na maari pa namang magsaka o magpatuloy ang mga negosyo sa lugar kagaya ng plantasyon pero hindi aniya maaring tulogan ng mga residente ang nabanggit na mga lugar. Kumunti naman aniya ang mga aftershocks pero nandyan parin ang posibilidad ng malakas na lindol. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Deped 12 Regional Director iniutos ang paginspeksyon sa mga school building na apektado ng lindol sa Central Mindanao

Matapos ipagutos ang regular na pagsagawa ng earthquake at fire drill sa mga public at private schools tuwing Byernes, ipinagutos din ni Deped 12 Regional Director Allan Farnazo ang pag-inspeksyon sa mga school buildings sa rehiyon.

Kasunod ito ng lindol na sinundan ng mga aftershocks sa Central Mindanao. Ayon kay Farnazo mariin nitong ipinagutos sa mga District Supervisor at Deped Divison personnel na agad na inspeksyunin ang mga school building na apektado ng lindol.

Binigyan diin ni Farnazo na mariing ipatupad ng Deped 12 ang “No Clearance, no Occupancy” lalong lalo na sa mga matataas na gusali sa pagpapatuloy ng klase ngayong araw.

Kaugnay nito nagdeklara naman ng suspension of classes ang lokal na pamalaan ng Koronadal sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa syudad ngayong araw at bukas.

Ito ang napagkasunduan sa pagpupulong kahapon na ipinatatawag ni Mayor Eliordo Ogena sa mga mga kasapi ng local school board, Deped at building officials sa lungsod.

Ayon kay Ogena layon na matiyak ang kaligtasan ng magaaral at magkaroon ng sapat na panahon ang mga guro na mailipat ang kanilang mga gamit at maihanda ang pansamantalang magiging silid aralan ng mga apektadong mga estudyante.

Ang mga pagyanig nitong nakalipas na araw ay sumira kasi sa mahigit isang daang mga silid aralan sa 54 na school campuses sa Koronadal at hindi na ligtas sa mga magaaral at mga guro.

Ito ang resulta ng inspection na ginawa ng mga building officials sa mga eskwelahan sa Koronadal City Maliban sa Koronadal suspendido din ngayong araw ang klase sa bayan ng Tampakan, South Cotabato. Ito ay para bigyan daan ang post quake evaluation feedbacking na pangungunahan ng lokal na pamahalaan ngayong umaga.

 

-0-

Koronadal at iba pang local government units at tanggapan ng gobyerno sa South Cotabato tutulong sa mga biktima ng lindol sa North Cotabato

Magbibigay ng inisyal na tulong pinansyal na 150 thousand pesos sa mga biktima ng lindol sa North Cotabato at 50 thousand sa Davao Del Sur ang lokal na pamahalaan ng Koronadal.

Ito ang napagkasunduan sa pagpupulong ng mga myembro ng City Disaster Risk Reduction and Management Council.

Maliban sa Koronadal City nakapaghatid na rin kahapon ng paunang tulong na mahigit isang libong food packs sa North Cotabato ang lokal na pamahalaan ng Tampakan.

Ayon kay Tampakan Mayor Leonard Escobillo karamihan sa mga ito ay ibinigay ng mga mamamayan sa donation center na kanilang inilagay sa public cemetery noong Undas at Todos Los Santos.

Pinasalamatan naman ni South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Operations Warning Chief Rolly Doanne Aquino ang mga mamamayan na walang patid na nagdadala ng tulong sa kanilang operation center.

Sa ngayon ay tuloy din sa paglikom ng tulong para sa North Cotabato ang ang iba pang local government units sa South Cotabato.

Maging ang mga kawani ng Philhealth 12 Office ay naghatid na rin ng tulong sa mga nilindol na mamamayan sa North Cotabato.

Ayon kay Philhealth 12 Information Officer Hannah Naanep nag-ambagan ang mga kawani ng nasabing ahensya para pambili ng mga relief goods sa mga nilindol na mamamayan.

Samantala ang Radyo Bida 963 at 91.7 Happy FM sa Koronadal ay tumanggap pa rin ng tulong sa mga biktima ng lindol sa North Cotabato.

 

-0-

 

33 katao inaresto ng mga pulis dahil sa illegal fishing sa Sarangani Bay.

Inihahanda na ng mga pulis ang kaukulang kaso sa 33 katao na kanilang inaresto dahil sa illegal fishing sa bayan ng Alabel, Sarangani Province.

Ayon kay Alabel Chief of Police, Major Rey Salgado,ang mga mangigisda na lulan ng apat na mga fishing boat ay inaresto matapos mahuling gumagamit ng fishing net na may maliliit na butas.

Sangkot din umano ang mga ito sa “Likom” fishing o ang pagamit ng kawayan para takutin at maitaboy ang mga isda papunta sa mga fishing net. Ayon kay Salgado ang mga ganitong uri ng pangigisda ay paglabag sa lokal na ordinansa ng Alabel.

Ipinahayag ni Salgado na nalaman nila ang illegal fishing activity sa malapit sa baybayin ng Barangay Ladol, Alabel sa tulong ng mga concerned citizens. Ang lugar ay kabilang sa mahigit 200 thousand ektaryang Sarangani protected seascape.

Kasama ng mga pulis na umaresto sa mga suspek ang mga personnel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.

 

-0-

 

Pulisiya may mga suspek na sa panunog sa isang IP school sa Malapatan, Sarangani

Nagpapatuloy pa ang hot pursuit ng militar sa mga myembro ng New Peoples Army na sumunog umano sa ginagawang school building ng Sitio Lanao IP Elementary School sa Barangay Sapu Masla,Malapatan, Sarangani Province . Ito ay ayon kay Sarangani Police Spokesperson, Lt.Col. Teody Condesa.

Ayon kay Condesa ang tatlong mga ginagawa pang silid aralan ay sinunog ng hindi bababa sa sampung mga NPA member na pinamumunuan ng notorious na mga “Dawang brothers.” Kinilala ni Condesa ang mga ito na sina Willie at Bagil Dawang. Sinabi ni Condesa na maging ang mga construction materials para sa paggawa ng school buildings na nakaimbak sa lugar ay hindi rin pinaligtas ng mga ito.

Ayon kay Condesa nakalulungkot ang insidente dahil ang sinunog na mga classroom ay para sana sa mga katutubong magaaral.

Ang sinunog na school building ay pinondohan ng Kapitbisig Laban sa Kahirapan _Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o Kalahi-CIDSS na pinondohan ng Workd Bank. Ang Malapatan ay isa sa mga lugar sa Region 12 na prayoridad ng Kalahi-CIDSS na ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ayon kay Condesa abot naman sa mahigit 2.5 million pesos ang halaga ng mga sinunog na mga silid aralan at construction materials. Sinabi ni Condesa na hindi pa batid ng mga pulis ang motibo ng ng mga NPA members sa panunog .

Inaalam din ng PNP kung sino pa ang ibang suspek sa insidente na makakasuhan ng arson and destruction to property.

 

-0-

 

Tulong sa mga magsasakang biktima ng lindol sa North Cotabato tiniyak ng DA 12

Nakapagpadala ng inisyal na tig dalawang food packs at water container para sa mga bikima ng lindol sa North Cotabato ang Department of Agriculture na pinamumunuan ni Secretary William Dar.

Nanguna sa pamimigay ng mga ito si DA 12 Regional Executive Director Milagros Casis kasama ang top regional officials at mga kawani ng ahensya. Kaugnay nito inalam din ni Casis sa mga lokal na opisyal kung anong tulong ang mas kailangan ng mga apektadong mga magsasaka at mangigisda sa nasabing lalawigan. Pero sa ngayon ayon kay magbibigay ang DA ng tubig at pagkain na mas kailangan ng mga nilindol na mamamayan.

Sinabi ni Casis na agad na magbibigay ng kaukulang tulong sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng lindol ang DA kapag nakakuha na sila ng datus sa mga local agriculture officers.

Ang DA 12 ay naglagay na rin ng command center sa kanilang research and experiment station sa Barangay Balindog, Kidapawan City na handang tumanggap ng relief items at maging ng mga ready to eat meals, malinis na tubig at maraming iba pa.

 

-0-

 

 

TINIYAK ni Cotabato city mayor Cynthia Guiani na nakahanda at mahigpit na nagbabantay ang lokal na pamahalaan ng lungsod katuwang ng mga pulis at sundalo kasunod ng balitang mayroong presensya ng armadong grupo na pinaniniwalaang miembro ng ISIS sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sinabi ni Guiani na tinututukan nila ang seguridad ng mga mamamayan ng lungsod kaya’t walang dapat ikatakot at sa halip ay makipagtulungan sa mga otoridad para matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Ayon kay mayor Guiani, bagaman at hindi pa natukoy ng mga otoridad ang pakay ng armadong grupo ay mas mabuti aniyang handa ang lahat, maging ang mga mamamayan ng lungsod sakaling may masamang balak ang mga ito.

Pakiusap lamang ng alkalde sa mga Cotabateño, maging mapagmasid, mag-ingat at sabay-sabay na maging alerto para hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga masasamang-loob na makapaghasik ng karahasan sa lungsod.

 

-0-

 

PATAY ang isang murder suspect nang manlaban sa mga otoridad na naglunsad ng operasyon para siya ay madakip sa Palma Street, Barangay Poblacion 6, Cotabato City

Nakilala ang nasawing suspek na si Esmael Inalugan alias Mael na mayroong standing warrant of arrest na inisyu ni Regional Trial Court Branch 27 Judge, Kasan Abdulrakman.

Nabatid na si Inalugan ang itinuturong responsable umano sa ilang mga insidente ng pamamaril sa lungsod kung saan ang mga biktima nito ay pawang mga sundalo o pulis.

Isisilbi lamang sana ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-BARMM at City PNP ang warrant of arrest laban kay Inalugan pasado alas diyes ng umaga kamakalawa pero nanlaban ang suspek kaya’t nabaril ng mga otoridad.

Nakuha mula kay Inalugan ang isang cal. 45 pistol na may mga bala.

 

-0-

 

Arestado naman ang isang payong-payong driver sa Cotabato city na wanted kaugnay ng kasong illegal possession of firearms at paglabag sa COMELEC gun ban.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 15 ay nadakip kamakalawa ng hapon ang suspek na si Marlon Kasan Avela alyas Marlon Abo, 26 anyos, may asawa at taga Mabini Street, Barangay Poblacion 6 ng lungsod

Nagsagawa ng manhunt charlie operation ang pinagsamang pwersa ng Police Station 1, police Station 4 at CIB CCPO dahilan para madakip si Avela.

Naaresto ang suspek dahil namataan umano ito ng tracker team sa lugar.

Kasalukuyan ng nakapiit sa costudial facility ng CIDG BARMM ang suspek

 

-0-

 

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang apat katao matapos na masangkot sa magkahiwalay na vehicular crash sa Cotabato city.

Duguan ang dalawang mga babae nang isugod sa pagamutan matapos na magtamo ng mga sugat nang maaksidente sila habang nagmomotorsiklo sa Bormaheco Drive, Barangay Rosary Heights 2 ng lungsod.

Nakilala ang biktima na si CHRISTINE LIGUTOM, at kaibigan nito na di kinilala sa ulat, mga nasa hustong gulang, at pawang mga residente rin ng lungsod.

Base sa kwento ng kaanak ng isa sa mga biktima, pasado alas dyes ng gabi kamakalawa habang magkaaangkas ang dalawa at pauwi na sana mula sa isang kasiyahan nang mawalan sila ng balanse at natumba.

Tumama sila sa kongkretong kalsada dahilan para magtamo ng maraming sugat sa katawan at ulo.

SAMANTALA, malubha at halos walang malay din nang dalhin sa ospital ang mag asawang nag-momotorsiklo matapos umanong masangkot sa banggaan sa Gov. Guttierez Avenue, barangay Rosary Heights 10.

Nakilala ang mag asawang biktima na sina SAMSON KAMSA at misis nitong si FATIMA KAMSA

Base sa ulat magkaangkas ang mag asawa sa kanilang motorsiklo patungong downtown pasado alas singko ng umaga kahapon nang makasalubong umano nila ang isang kulay itim na pribadong sasakyan at makabanggaan nila ito.

Sa lakas ng salpukan ay tumilapon ang mag asawa at bumagsak sa sementadong kalsada.

 

-0-

 

NILINAW ng lokal na pamahalaan ng Shariff Aguak, Maguindanao na hindi nila ipinagbabawal na manirahan o mamuhay sa kanilang lugar ang mga miembro ng LGBT.

Sa facebook post ni Shariff Aguak councilor Ato Aguak, sinabi nito na nais lamang umano nilang bigyang pansin at maitama ang pagsusuot ng mga lalaking Muslim ng damit na pambabae at paglalagay ng makeup na nararapat lamang sa mga kababaihan at ganun na rin sa mga babaeng Muslim na kumikilos o umaastang lalaki.

Giit pa ng konsehal, nais lamang nilang itama bilang mga mananampalataya ng Islam ang hindi tugmang pagkilos sa kani-kanilang kasarian bilang mga lalaki at babae.

Gayunman, umani ng sari-saring komento ang hakbang na ito ng Shariff Aguak LGU.

May ilang mga netizen ang pabor sa ganitong patakaran sa bayan pero may ilan namang nagsabing paglabag ito sa karaparang pantao na ginagarantiya ng konstitusyon ng Pilipinas.

 

-0-

 

NATIONAL NEWS………………….

INIHAHANDA NA ng Department of Labor and Employment o DOLE ang tulong na ibibigay sa mga manggagawa sa Mindanao na apektado ng lindol.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nagdulot kasi ng job displacement ang pagyanig matapos masira ang ilang pabrika at mga gusali ng mga kumpanya.

Aalamin din umano ng DOLE kung sumunod sa safety protocol ang mga kompanya para na rin sa kaligtasan ng mga manggagawa doon.

Giit ni Bello, kailangang matulungan ang mga naapektuhan lalo na ang mga manggagawa na umaasa lamang sa kakarampot na sahod para sa kanilang pamilya.

Sa iba pang balita, tiniyakl ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na prayoridad ng Senado sa pagpapatuloy ng sesyon sa susunod na linggo ang pagpasa ng 4.1 trillion pesos na proposed 2020 budget.

Aniya, mahalagang maipasa ang 2020 budget upang hindi na maulit ang reenacted budget sa unang mga buwan ng 2019.

Bukod sa 2020 budget ay target ng Senado na matapos ang debate sa 8 panukalang batas.

Sa kabilang dako pa, nanawagan si Pangulong Duterte sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN at United Nations na magtulungan para sa tuluyang pag-unlad ng Southeast Asian region.

Sa kanyang intervention sa 10th ASEAN-UN Summit sa Thailand, idiniin ng presidente ang pagpapalakas sa kakayahan ng ASEAN at UN sa usapin ng pagsulong sa papel ng kababaihan sa conflict prevention, peace-building at post-conflict rehabilitation.

Ayon sa pangulo, kailangan ding magtulungan ng ASEAN at UN para tugunan ang climate change at resolbahin ng ASEAN at UN ang problema sa terorismo.

 

Man with hand gun caught at Talayan checkpoint

CAMP SIONGCO, Maguindanao – A man in possession of a loaded gun was caught by the Army’s 90th Infantry Battalion at a checkpoint on Monday,...

Search team finds 1 of 2 missing children due to Koronadal flash floods

KORONADAL CITY - One of two children who went missing on Nov. 18 following heavy down pour and flashfloods in a creek in Barnagay Paraiso...

NDBC BIDA BALITA (Nov. 22, 2019)

 

NDBC BIDA BALITA ALAS 7

HEADLINES:

1. BINATILYO, timbog sa buy bust operation ng...

Fire razes homes in quake hit Kidapawan City

KIDAPAWAN CITY - A fire of still unknown origin gutted Friday dawn several homes and business establishments here.

The Bureau of Fire...

2 earthquake-hit towns get solar water systems

DAVAO CITY  - Two North Cotabato towns which were hardest hit by the series of earthquakes recently will each receive one unit of Solar-...