Friday Nov, 22 2019 11:25:09 AM

NDBC BIDA BALITA (11.02.19)

NDBC BALITA • 18:00 PM Sat Nov 2, 2019
211
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. Tatlo katao, kabilang ang dalawang mga bata, nawawala umano matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Makilala, North Cotabato

2. PANGAMBA ng publiko sa pagsabog ng dalawang mga bulkan sa South Cotabato, pinaawi ng gubernador ng lalawigan.

3. PAGGUNITA ng Todos Los Santos, “Generally peaceful and orderly”, ayon sa PNP.

4. China, nagbigay ng 22 million pesos na donasyon para sa mga nasalanta ng lindol sa Mindanao

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

Bumisita at nagbigay na ng tulong pinansyal si Davao City Mayor Sarah Duterte sa mga pamilya na lubhang naapektuhan ng tatlong magakasunod na lindol na tumama sa North Cotabato.

Nakipag-ugnayan ang Davao City Governement sa mga LGU upang matukoy ang mga pamilya na lubos na nangangailangan ng tulong. Isa ang bayan ng Makilala na lubhang naapektuhan ng 6.5 magnitude na lindol kung saan karamihan sa mga bahay at istruktura ay hindi na mapapakinabangan ng mga mamayan.

Apektado na rin ang kanilang pang araw-araw na pamumuhay at marami na ring mga kabataan ang nagkakasakit dahil walang maayos na matutulogan kapag gabi. Bukod sa Makilala ay binisita at binigyan din ng tulong ang mga pamilya na mula sa Tulunan, Mlang at sa Kidapawan City.

Bakas din sa mga residente ang tuwa dahil kahit papaano ay napawi ang kanilang gutom at uhaw. Nagbigay din ng tulong ang iba pang Local government units tulad ng sa President Roxas Cotabato at Bacolod-Kalawi MDRRM team. Nagbahagi na rin ng tulong ang actress na si Angel Locsin sa Tulunan, Makilala at Kidapawan City. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Ilang mga pamilyang apektado ng lindol sa North Cotabato, nananawagan pa rin ng dagdag na tulong

Sa kabila ng pagtugon ng mga local government units o LGU sa pangangailangan ng mga taong nasalanta ng lindol, ay hindi maikakailang marami pa ring mga pamilya ang hindi pa nabigyan ng kanilang pangunahing kailangan.

Karamihan sa kanila ay mas pipiliin ang laminated sacks o trapal, na siyang magiging silungan ng mga ito hangga’t wala pa silang mga tirahan. Ang bayan ng Makilala sa North Cotabato ang lubos na naapektuhan kung saan halos 90% ng pamamahay ay nakitaan ng mga bitak at sobrang dami rin ang hindi na mapakinabangan.

Marami rin sa bayan ng Tulunan sa siyang sentro ng malalakas ng pagyanig at maging sa Kidapawan City. Maliban sa trapal, may ilang pamilya pa rin ang nangangailangan ng pagkain dahil hindi pa naabutan ng tulong.

Sa isinagawang commodity distribution ng NDBC katuwang ang mga volunteer at iba pang mga civil society organization ay namahagi ito ng mga basic commodities gaya ng damit, kumot, bigas, trapal at iba pa. Ang nalikom na mga na commodities ay nagmula sa NDBC, mga organisasyon at indibidwal na nagbigay ng mga ito.

Ilang mga lugar din sa bayan ng Makilala ang binisita ng grupo kung saan nabatid na may iilang pamilya ang dalawang araw nang walang kain dahil nilakad lamang nila papunta sa relocation site mula sa kanilang barangay.

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring nanawagan ang himpilan ng NDBC sa mga nais tumulong na makipag-ugnayan lamang sa DXND Kidapawan. NDBC BIDA BALITA

 

 

-0-

 

Tatlo ka tao kabilang ang dalawang mga bata ang naiulat na nawawala matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Makilala, North Cotabato

Kinumpirma ni Barangay Malasila Chairman Melvin Fortajada na tatlo ka tao ang naiulat na nawawala kabilang na dito ang dalawang mga bata matapos na gumuho ang ilang bahagi ng lupa sa Sitio Balawan, Barangay Malasila, Makilala, North Cotabato sa kasagsagan ng lindol kamakailan.

Nakilala ang mga natabunan na sina Salino Dayday at dalawang mga bata na Frian Tikaw og si Rolando Ancero Jr. na lahat residente ng lugar.

Sinabi ni Fortajada, nakita anya ng isa pa nilang kasamahan ang pangyayari at sinasabing pauwi na sana mula sa kanyang sinasaka si Dayday at maghahanap naman ng pwedeng ibenta na luya ang dalawang bata nang gumuho ang lupa.

Pahirapan din sa pagpasok ang mga rescuers upang maisalba ang mga natabunan pero hindi pa maaring makapasok sa naturang lugar dahil patuloy pa ring nararamdaman ang mga malalakas na aftershocks at banta ng landslide.

Dagdag ng Barangay officials, abot sa 15 hectars na lupa ang gumuho sa lugar matapos ang lindol dahilan para pagbawalan pumasok sa lugar ang mga residente.  

 

-0-

 

 

Pangamba ng publiko sa pagsabog ng dalawang bulkan sanhi ng mga pagyanig pinawi ng Governador ng South Cotabato

Walang kinalaman sa bulkan ang lindol at mga aftershocks na nararanasan sa South Cotabato at karatig lugar. Ito ang nilinaw ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.

Ayon kay Tamayo, peke ang mga kumakalat na impormasyon na pagbabadya ng pagsabog ng bulkan ang mga pagyanig. Paliwanag ni Tamayo, nilindol ngayon ngayon ang malaking bahagi ng Mindanao dahil sa paggalaw ng fault line. Binigyan diin ni Tamayo na wala ring paggalaw sa Mt. Matutum sa bayan ng Tupi at maging sa Mt. Parker sa T’boli, South Cotabato.

Ipinahayag din nito na may mga monitoring device ding iniligay ang Phivolcs sa paanan ng Mt. Matutum kaya agad na mamonitor kahit na ang pinakamahinang paggalaw sa nasabing bulkan.

Kaugnay nito umapela di si Tamayo sa publiko na huwag magpanic at manatiling kalmado sa tuwing may mga pagyanig. Sinabi ni Tamayo na dahil nag-panicked karamihan sa mga isinugod sa ospital sa tuwing may nag-panicked ang mga nag-panickec nag-hyperventilate na mga mamamayan.

Ayon kay Tamayo pinakamabisang sandata pa rin para malayo sa kapahamakan sa panahon ng kalamidad ang panalangin. Voice Clip…Si South Cotabato Governor Reyaldo Tamayo Jr.

 

-0-

 

Labinisang NPA member sumuko sa mga otoridad sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat

Sumuko ang labinisang mga myembro ng New Peoples Army sa mga otoridad sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat dahil sa takot sa kanilang buhay, kahirapan at kawalang ng katuparan ng kanilang mga idelohiya.

Ito ay ayon kay Police Regional Office 12 Director Brig. General Alfred Corpuz. Ayon kay Corpuz isa sa mga sumuko ay babaeng female fighter Ang mga ito ayon kay Corpuz ay mula sa Sitio Sebing, Barangay Midtungok, Senator Ninoy Aquino at kabilang sa grupo ni Ka Mac-Mac ng fron 73 ng NPA.

Sinabi ni Corpuz na ang pagsuko ng mga NPA member na kabilang sa “Milita ng Bayan” o MB ay patunay ng paghina na ng kanilang grupo.

Ang MB ay mga indibidwal na bagamat hindi direktang sangkot sa gyera ay makapagbibigay ng mass support sa NPA bilang kanilang revolutionary forces sa mga barangay.

 

-0-

 

DSWD 12 magdadagdag ng emergency supplies sa mga biktima ng lindo sa Central Mindanao

Magbibigay ng dagdag na relief assistance sa mga mamamayan na biktimang lindol sa Central Mindanao ang Department of Social Welfare and Development o DSWD region 12.

Huling na ng dagdag na mahigit 9,000 na sleeping kits, 11, laminated sacks, 200 solar lamps, may 5,000 kitchen kits at 175 tents si DSWD 12 Disaster Response and Managemeng Division Chief Jackiya Lao. Ayon kay DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo ang mga ito ay nakatakda nang ipadala ng Central Office ng ahensya sa kalakhang Maynila.

Pinasalamatan din ni Espejo ang pamahalaag panlalawigan ng South Cotabato sa mga truck naw ipahirap para sa transportation ng mga relief goods.

Ayon kay Espejo nagsasagawa na ngayon ng assessment at nagbigay ng tulong sa mga biktimang Lindol sa Kidapawan City at karatig lugar ang kanilang Quick Response Team. Sinabi naman ni Lao na para agad na makareponde sa pangangailangan ng mga apektadong mga mamamayan naglagay ng Crisis Intevention Unit sa Kidapawan City ang DSWD 12.

 

-0-

 

Small Scale mining tunnels sa T’boli,iniinspeksyon ng Provincial Environment and Management Office dahil sa lindol at mga aftershock sa South Cotabato

Ipinatigil muna pansamantala ng Provincial Environment and Management Office o PEMO South Cotabato ang Small Scale Mining Operation sa bayanng T’boli, South Cotabato.

Ayon kay Provincial Environment and Management Officer Seigfried Flaviano, ito ay habang nagsasagawa pa sila ng inspection sa small scale mining areas sa nasabing lugar. Ipinahayag ni Flaviano na kasama ng PEMO sa assessment sa mga mining tunnel ang iba pang mga ahensya ng gobyerno. Layun nito na matiyak ang stability at kaligtasan ng mga small scale miners sa T’boli .

Ayon kay Flaviano kailangan nila itong gawin dahil sa malakas na paguanig na sinundad ng mga aftershocks at walang patid na mga pagulan sa South Cotabato nitong mga nakalipas na araw.

Pinaalalahanan din ni Flaviano na sakali mang bubuksan muli, dapat itigil ng mga small scale mining opertors ang kanilang operasyon lalong lalo na tuwing gabi kapag umuulan.

 

-0-

 

INIREKUMENDA ng Cotabato City Public Office na huwag na munang gamitin ang dalawang school buildings at apat na silid aralan sa lungsod.

Hindi na umano ligtas gamitin at kailangan isailalim sa retrofitting ang school building sa Datu Ayunan Elementary School at Notre dame Village High School.

Maging ang tig-iisang classroom sa Datu Ayunan High School, Kimpo Elementary School at dalawang classrooms ng Cotabato City Central Pilot Elementary School

Nakitaan kasi ito ng mga bitak sa flooring, poste, pader at beam ng mga gusali sa isinagawang damage assessment ng Cotabato City Public Office.

Samantala, nanawagan naman si Cotabato city mayor Cynthia Guiani sa Department of Public Works and Highways na huwag ipa sub-contract ang ipinatatayong school buildings at iba pang public infrastructure dahil naa-apektuhan umano ang kalidad ng mga proyekto.

Ayon kay Guiani, nalalagay sa panganib ang mga batang mag-aaral at mga guro na nasa paaralan dahil sa mga sub-standard construction.

Nagpasa din ng resolution ang Sangguniang Panglunsod na humihiling sa DPWH 12 na imbestigahan ang humigit kumulang kalahating bilyong pisong pondo na dapat sana ay ilalanan sa pagtatayo at pagkukumpuni ng school buildings pero hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin ito o hindi pa natatapos.

 

-0-

 

Nakatutok ngayon ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC ng Malungon, Sarangani sa ilang mga lugar na may naitalang flash flood.

Sinabi ni MDRRMO Head Jessie Dela Cruz na maliban sa sunod-sunod na lindol, nararanasan din ngayon sa ilang mga barangay ang flash flood dahil sinasabayan aniya ang pagyanig ng malakas na pag-ulan.

Ayon kay dela Cruz, ito ang unang beses sa kasaysayan ng Maungon na tinamaan ng malakas na lindol.

Kaugnay nito, hindi umano maiwasang makaramdam ng takot ng mga residente sa lugar kaya’t naka-alerto ang iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno sa bayan para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa lugar.

 

-0-

 

NAGPAABOT ng 22 milyong pisong donasyon ang gobyerno ng China sa Pilipinas bilang tulong sa mga biktima ng tumamang malalakas na lindol sa Mindanao.

Nakikisimpatya umano ang gobyerno ng China sa mga apektadong pamilya ng lindol.

Sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas, ipadadala anila ang donasyon para makatulong sa disaster relief operasyon sa rehiyon.

Sa iba pang balita, sinuportahan naman ng Malacañang sa naging desisyon ng Chile na kanselahin ang APEC Economic Leaders Meeting o AELM na magaganap sana ngayong buwan.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na mahirap man ang desisyon para sa Chile ay mas ikinonsidera nito ang interes at kapakanan ng kanilang mga mamamayan sa gitna ng malawakang kilos-protesta.

Magugunitang sumiklab ang kaliwa’t kanang demonstrasyon sa nasabing bansa dahil sa panukalang itaas ang pasahe sa public transportation.

 

-0-

 

“Generally peaceful and orderly” ang paggunita ng All Saints’ Day kahapon, November 1 sa Cotabato city at mga karatig na lugar at inaasahang magtutuloy-tuloy ang magandang sitwasyong ito sa paggunita ng Undas o All Soul’s Day ngayong araw.

Ito ay batay naman sa security assessment ng PNP.

Gayunman, mananatili pa ring alerto ang mga pulis at hinihikayat din nito ang publiko na laging mapagmatyag sa kapaligiran.

Nakahanda rin ang kapulisan na rumesponde sa anumang posibleng mangyari.

Katuwang ng PNP ang militar sa pagpapanatili ng peace and order sa lungsod at maging sa mga karatig na lugar nito.

Samantala, mahigpit namang nagpaalala ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga employer hinggil sa tamang pasahod sa kanilang mga empleyado na papasok sa November 1 at 2 na idineklarang special non-working holidays.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na “No Work, No Pay” para sa mga empleyado na hindi papasok sa November 1 at 2.

Kapag pumasok ang isang empleyado ay may dagdag siyang 30% sa arawang sahod sa unang walong oras at karagdagang 30% naman sa kada oras na overtime.

 

-0-

 

SUMAKABILANG BUHAY na ang alkalde ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao na si Datu Ombra Quesada Sinsuat, Sr.

Kaya naman nagluluksa ngayon ang buong bayan sa pagpanaw ng kanilang alkalde pasado alas kwatro ng hapon kahapon.

Nasawi ang alkalde sa St. Luke's Hospital, Quezon City dahil sa matagal na nitong karamdaman.

Si Datu Ombra ay ama ni Maguindanao Vice Governor Datu Lester Sinsuat.

 

-0-

 

Local………………..

 

HINALAL bilang bagong pangulo ng Metro Cotabato Chamber of Commerce and Industry Foundation Incorporated o MCCCIFI si Conching Mistral o mas kilala ng lahat bilang si Mommy COnching.

Ayon kay Mistral, malaking hamon sa kanya ang maihalal bilang pinuno ng MCCCIFI ngunit sisikapin niya aniyang mapalakas pa ang samahan ng mga negosyante sa Cotabato City para makatulong sa paglago ng ekonomiya ng lungsod at maging globally competitive.

Nais ni Mistral na makapagbigay pa sila ng marami pang mga trabaho sa mga mamamayan ng lungsod, makapagbigay ng dagdag na local taxes sa LGU at makatulong din sa pagsulong ng kapayapaan.

Giit ni Mistral, isusulong din niya ang Corporate Social Responsibility sa bawat business establishment sa lungsod para makatulong lalo na sa mga mahihirap na komunidad.

Samantala, naihalal naman bilang Vice president for Professional si Manny Balabaran habang Vice president for Trade and Commerce si Jose Villacorta at Vice president for Industry si Narciso Yu Ekey.

-0-

 

DA Secretary nakipagkasundo sa isang kompanya para sa pagpapatupad ng kanilang Masaganang Ani 300 program

Nilagdaan kamakailan ni Agriculture Secretary William Dar ang isang Memorandum of Understanding (MOU) sa Agritech Corporation para sa pagpapatupad at pagtataguyod ng Masaganang Ani 300.

Layun ng programa na maibsanang kahirapan sa sector ng agrikultura sa pamamagitanng pagsulong ng hybrid rice. Ang Masaganang Ani 300 ay inisyatibo ng Kagawaran ng Agrikultura upang tulungan ang mga magsasaka ng palay na maging produktibo, at maunlad.

Sa ilalimng kasunduan ang SL Agritach ang maghahanap sa mga magsasaka na makapag-ani ng hindi bababa sa tatlong daang ektaryang kaban kada ektarya upang maparangalan. Ayon kay DA Secretary Willian Dar ito ay magsisilbing hamon sa mga magsasaska kung paapano mapataas ang kanilang produksyon.

 

-0-

 

KINASUHAN NA ng Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA –BARMM ang tatlong mga pulis na nadakip sa drug buy bust operation sa Maguindanao.

Sinampahan ng kasong pagbebenta ng iligal na droga at illegal possession of firearms ang mga tauhan ng Marawi PNP Station na sina Police Master Sgt. Monjel Nassal Aradais; Staff Sgt. Fahmi Bangon Como; at Patrolman Sandiali Mangundacan na pawang mga taga -Lanao del Sur.

Sinabi ni PDEA-BARMM director Juvenal Azurin na nalulungkot siya sa sinapit ng kanilang mga kabaro pero hindi aniya dapat magpatuloy ang iligal na gawain ng mga ito.

Sinabi ni Azurin na ikinagulat nila na mga pulis pala ang mga nadakip na suspected drug pusher.

Nakuha mula sa mga ito ang 50 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng 300 thousand pesos.

Ang mga suspek ay nakakulong pansamantala sa lockup-cell ng PDEA-BARMM sa Cotabato City.

 

-0-

 

 

Man with hand gun caught at Talayan checkpoint

CAMP SIONGCO, Maguindanao – A man in possession of a loaded gun was caught by the Army’s 90th Infantry Battalion at a checkpoint on Monday,...

Search team finds 1 of 2 missing children due to Koronadal flash floods

KORONADAL CITY - One of two children who went missing on Nov. 18 following heavy down pour and flashfloods in a creek in Barnagay Paraiso...

NDBC BIDA BALITA (Nov. 22, 2019)

 

NDBC BIDA BALITA ALAS 7

HEADLINES:

1. BINATILYO, timbog sa buy bust operation ng...

Fire razes homes in quake hit Kidapawan City

KIDAPAWAN CITY - A fire of still unknown origin gutted Friday dawn several homes and business establishments here.

The Bureau of Fire...

2 earthquake-hit towns get solar water systems

DAVAO CITY  - Two North Cotabato towns which were hardest hit by the series of earthquakes recently will each receive one unit of Solar-...