Friday Nov, 22 2019 11:25:24 AM

NDBC BIDA BALITA (11.01.19)

NDBC BALITA • 20:00 PM Fri Nov 1, 2019
166
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

 

1. SIMBAHANG KATOLIKA, may paalala kaugnay ng paggunita ng Undas.

2. Apat katao kabilang ang isang barangay chairman, patay matapos madaganan ng gumuhong covered court bunsod ng magnitude 6.5 na lindol kahapon sa North Cotabato

3. Red alert status, ideneklara ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council kasunod ng mga pagyanig sa Soccksargen

4. Libu-libong sleeping kits at mga tent, ipinadala ng DSWD sa Mindanao

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

Dinagsa ng libo-libung katao ang himpilan ng DXND-NDBC sa isinagawang relief operation kahapon ng hapon. Mahigit sa tatlumpong rolyo ng trapal ang naipamigay kahapon na siyang pinaka kailangan ngayon ng lahat ng biktima ng lindol.

Nabatid na sa bayan ng Makilala, Tulunan at Kidapawan City, maraming mga bahay ang lubhang nasira dulot ng Magnitude 6.5 na lindol. Libo-libong mga pamamahay rin ang totally damage kaya't nagmistulang tent City ang halos lahat ng Barangay sa Makilala, North Cotabato na siyang lubhang apektado.

Kahapon din ay naisugod sa pagamutan ang isang buntis kasagsagan ng paglipat ng mga ito sa relocation site sa Barangay Batasan, Makilala kung saan kita pa ang pagguho ng isang bahagi ng bundok. Sira rin ang mga istruktura at pamamahay sa Barangay Buena Vida at Barangay Buhay, Makilala kung saan nakitaan din ng pagbitak ang sementadong daan.

Sa pag-ikot-ikot ng news team, iisa lang ang hinaing mga taong apektado ng lindol, ito ay ang trapal na siyang gagawing makeshift tent. Kahapon din ay sabay-sabay ring nagsidatingan ang mga tulong mula sa ibat-ibang mga tao, may mga nagbigay ng tulong pinansyal, pagkain, damit, tubig at trapal.

Hanggang ngayon ay tumatanggap pa rin ng tulong ang himpilan ng DXND lalo na ang trapal. Sa ngayon halos hindi pa nabigyan ang lahat ng mga biktima ng nasabing lindol kung saan bakas pa sa kanilang mukha ang takot at pangamba. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Pamunuan ng Energy Development Corporation, nilinaw na walang na trap sa kanilang mga trabahante kasunod ng pagyanig kahapon

Nagpalabas ng opisyal na pahayag ang Energy Development Corporation o EDC geothermal power plants hinggil sa lumalabas na ulat na umano’y may mga trabahante na hindi nakababa dahil nagkaroon ng landslide sa lugar dulot ng pagyanig kahapon.

Una ng kumalat sa mga balita na higit sa isang daan na mga trabahante ang na trap dahil gumuho ang ilang parte ng daan. Sa ipinalabas na pahayag ng pamunuan, sinasabing nasa ligtas na lugar ang lahat ng kanilang mangagawa.

Tanging naapektuhan lamang ay ang M1 and M2 power plants sa Mount Apo pero pansamantalang hindi pa sila makakabalik sa lugar upang masuri din ang integredad ng kanilang mga gusali ang mga power plants.

Nakikipag-ugnayan na rin ang tanggapan sa mga local government units, government agencies, Barangay Emergency Response Team upang mamonitor ang sitwasyon upang mabigyan ng agarang tulong. Samantala, sinabi naman kahapon ni DPWH Information officer 1st DEO Bernard Jason Pacia, ligtas naman anyang daanan ng mga sasakyan ang lahat ng mga daan lalo na ang mga tulay.

Pero may ilang tulay naman sa bahagi ng Makilala na pansamantalang isang lane lamang muna ang ipinagagamit para sa mga sasakyan. Anya, pagkatapos ng nangyaring lindol ay agad nilang ipinasuri ang lahat ng mga tulay upang masigurong ligtas ang mga sasakyang dadaan. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Libu-libong mga bahay at gusali kabilang ang isang malaking condominium sa Kidapawan City at ibang lugar ang nasira dahil sa lindol

Maraming mga bahay at gusali ang tuluyang nawasak matapos maiulat ang pangatlong malakas na pagyanig sa loob lamang ngayong buwan ng oktubre sa North Cotabato at karatig na lugar.

Unang pagyanig ay nangyari noong October 16 ng gabi na naitala ang Magnitude 6.3, sinundan ng 6.6 noong October 29 ng umaga, matapos ang isang araw ay sumunod naman kahapon ng umaga ang Magnitude 6.5 na sentro pa rin ay sa bayan ng Tulunan.

Sa Kidapawan City na nakapagtala ng intensity 7, bumigay sa pinakahuling lindol ang isa sa mga pinakamalaking condominium na Eva’s Hotel na makikita sa tapat ng City hall. Sa impormasyon, wala namang nasugatan sa gumuhong gusali dahil lumabas na ang mga mangangawa sa loob matapos makaramdam ng aftershock bago ang malakas na lindol.

Nagkalanslide na rin at pahirapan ang sitwasyon ng mga residente sa Barangay Bato, Makilala. Halos lahat naman na mga gusali at bahay sa bayan ang hindi na mapapakinabangan at pansamantalang nanatili sa mga evacuation center o sa mga ligtas na lugar ang mga mamamayan. Nanatili rin sa mga evacuation center ang mga pamilya sa Barangay Ilomavis, Kidapawan City na isa sa mga lugar na ikinonsiderang danger zone dahil sa banta ng landlslide at flashflood.

Libu-libong mga pamilya na rin ngayon ang umapela ng tulong lalo na ang kanilang gamit para matutulogan. NDBC BIDA BALITA

 

-09-

 

Apat ka ka tao kabilang ang isang Barangay Kapitan, patay matapos muling tumama ang magnitude 6.5 na lindol sa North Cotabato kahapon

Muling niyanig ng Magnitude 6.5 na lindol ang lalawigan ng North Cotabato at mga karatig na lugar alas 9:11 ng umaga kahapon. Sentro pa rin ng pagyanig ang bayan ng Tulunan, North Cotabato kung saan naramdaman naman ang pinakamalakas na intensity sa Kidapawan City at Makilala, Cotabato.

Sa inisyal na ulat, apat ka tao ang nasawi na mula lamang sa bayan ng Makilala, Cotabato kabilang na si Barangay Batasan Chairman Cesar Bangot.

Ayon sa impormasyon, nagtatali umano ng lubid ang nasawing kapitan para pagsabitan sana ng trapal na gagamiting pansamantalang opisina nang yumanig at gumuho ang gymnasium kung saan siya nakatayo.

Patay din ang isang grade 7 student na ni Job Gabriel Jawud ng Barangay Buena Vida matapos na gumuho ding ang mga hallow blocks, hindi din nakaligtas sa pagyanig ang isang senior citizen na si Prescila Barona ng San Isidro Makilala.

Nasawi din mula sa Barangay Luayon ng bayan ang isang 20 anyos na kinilalang si Rommel Galicia matapos namang mahulogan ng kahoy sa kasagsagan ng lindol. Marami na rin ang naiulat na mga nasugatan na mula sa ibat-ibang bayan ng lalawigan ng Cotabato.

Ayon sa Philvocs, ang 6.5 na lindol kahapon ng umaga ay hindi aftershock kundi panibagong pagyanig.

 

 

-0-

 

NANANAWAGAN ng tulong ang mga himpilan ng Notre Dame Broadcasting Corporation, HAPPY FM at RADYO BIDA para sa mga pamilyang apektado ng malakas na lindol sa iba’t ibang mga bayan sa North Cotabato.

Nasa 14 katao na ang nasawi dahil sa lindol habang nasa higit 200 na ang sugatan.

Umaabot na rin sa mahigit tatlong libong mga pamilya ang apektado na nangangailangan ng tulong ngayon matapos na marami sa mga ito ay nawalan ng tahanan.

Sinabi ni DXND AM Radyo Bida Station Manager Grace Vergara-Tanghal, pangunahing pangangailangan ng mga apektadong pamilya ay mga trapal, pagkain at inumin.

Ayon kay Tanghal, maaaring dalhin ang mga donasyon sa alinmang himpilan ng Happy FM at Radyo Bida na nasa Cotabato city, Koronadal city at Kidapawan city.

 

-0-

 

Samantala, nanawagan rin ng tulong ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Sinabi ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles na dapat ipakita sa panahong ito ang pagkakawanggawa at pagkakaisa.

Kasabay nito, ipinanawagan din ng arsobispo sa publiko na patuloy na ipanalangin ang mga biktima lalo na ang mga nawalan ng mahal sa buhay.

Nabatid na kabilang sa mga nasira ng lindol ay ang mga simbahan sa Diocese of Kidapawan partikular ang mga parokya ng Makilala at Magpet.

Maaaring magbigay ng donasyon sa social service and development ministry ng Simbahang Katolika na Caritas Manila na nasa 2002 Jesus St., Pandacan, Manila.

Sa kaugnay na balita, inatasan naman ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa ang lahat ng police regional directors sa mga lugar sa Mindanao na apektado ng panibagong magnitude 6.5 earthquake na bigyang prayoridad ang pagtulong sa mga biktima.

Kaugnay nito, pinakikilos na ni Gamboa ang lahat ng available units at resources ng PNP sa mga lugar na apektado ng lindol para umalalay sa relief and rescue efforts ng mga local government units at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.

Nanawagan naman si Francisco sa mga mamamayan sa mga apektadong lugar na manatiling kalmado.

Aniya, sa kabila ng pagka-abala ng PNP sa security preparations para sa Undas ay makaka-asa umano ang publiko na ang PNP ay laging handa para tiyakin ang kanilang kaligtasan sa gitna ng anumang kaganapan.

 

-0-

 

DUMADAGSA NA ang mga bumibisita sa mga pangunahing sementeryo sa Cotabasto city simula alas sais kaninang umaga.

Sa abiso ng Traffic Management Unit ng lungsod, magpapatupad ng traffic rerouting sa Sinsuat Avenue para mawaisang magkabuhol-buhol ang trapiko.

Isinasara ang daang patungong Public Cemetery habang sarado rin ang daan patungong Catholic Cemetery.

Ang mga tutungo ng downtown area mula highway ay maaaring kumaliwa sa Sausa Street.

Habang ang mga tutungo naman sa supermarket area at ND Avenue ay maaaring kumanan sa Bormaheco drive.

May mga inilagay ding Public Safety Assistance Booth na maaaring lapitan sa panahon ng emergency.

Nagpaaalala naman si City PNP spokesperson, Police Maj. Rowel Zafra sa lahat ng mga tutungo sa mga sementeryo na laging maging mapagmatyag at tiyakin ding may taong naiwan sa kanilang mga bahay o kaya ay nakakandado ang mga iniwang bahay at walang naiwang appliances na nakasaksak para maiwasang manakawan at masunugan.

Bawal din umano ang magdala ng nakalalasing na inumin, deadly weapons at malalakas na sound system sa sementeryo.

 

-0-

 

Bumuo na ng public help desk at emergency responders ang Kidapawan City PNP sa pangunguna ni PNP Chief Police Lt. Col Ramel Hojilla sa lahat ng mga sementeryo sa lungsod ngayong pagsimula ng undas.

Kahapon pa lamang ay nadeploy na ang mga pulis sa mga sementeryong pagdadausan ng maraming tao na nais bumisita sa kanilang mahal sa buhay na namayapa na. Magkakaroon din ng rerouting ang mga sasakyan ngayon upang maisawan ang matinding trapiko.

Magsisilbing entrance para sa lahat ng motorista ang Bautista Street kung pupunta ng Cotabato Memorial saka lalabas ng Tamayo Street. Ayon sa TMU, may inilaan na parking space ang management sa loob ng sementeryo. Sa mga pupunta naman ng Catholic Cemetery, entrance papunta sa lugar ang Diamond Street at saka lalabas sa Suerte Subdivision.

Magsasagawa din ng inspeksyon ang mga pulis sa mga motorista na pupunta sa mga sementeryo sa lungsod. Muli ding ipinanawagan ng mga otoridad ang pagbabawal sa pagdadala deadly weapons, alak, mga malalakas na sound system, pagsusugal at armas. Hinigingi naman ang kooperasyon ng publiko upang maging maayos at mapayapa sa pangkalahatan ang paggunita ng undas.

 

-0-

 

Samantala, pina-alalahanan din ng simbahan ang mga mananampatayang Katoliko kaugnay sa importasya ng pagdiriwang ng All Saints day at All Souls day

Ayon kay Pastoral staff ng Immaculate Conception  Cathedral Bernard Carmelo, ang pagdiriwang ng undas ay bilang pag-alala sa mga yumaong Mahal sa buhay sa paniniwalang ipinagdiriwang  ang kanilang Muling pagkabuhay kasama Ang diyos

Mahalaga aniya huwag kalimutan ito at maintindihan Ng publiko ang totoong kahalagahan ng undas upang makapaglaan ng kanilang oras sa pagninilay at pagdarasal,

Ngayong umaga ay ginaganap ang banal na misa sa Immaculate Conception Cathedral Parish at susundan ito ng pagbasbas sa mga puntod na nasa catholic cemetery

 

-0-

 

Timbog ang bente anyos na suspected drug pusher matapos makorner ng mga elemento ng Police Station 3 at PDEA-BARMM pasado alas kwatro ng khapon kahapon sa TV Juliano Street, Brgy. Bagua 3, Cotabato city

Kinilala ang suspek na si Mahid Huassain Palamela, single, walang trabaho at taga Kimpo Subdivision, Brgy. RH 13.

Nabatid na matagal na umanong under surveillance ang suspek at kahapon ay nagpositibo sa test buy kaya’t natimbog.

Nakuha kay Palamela ang dalawang medium size sachets ng suspected shabu na may timbang na dalawang gramo at ang 500 Peso bill na nakapatong sa 13 pirasong fake money na ginamit sa buy bust operation.

Sa ngayon ay nakakulong na si Palamela sa lockup cell ng station.

Samantala, kamakalawa ay arestado rin ang isang suspek na lalaki matapos ikasa ang isang buy bust operation sa Bonifacio St. Barangay Poblacion 6, Cotabato City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si NORTON SALIK JUANDAY, alyas “ DIK DIK”, 31 anyos, na taga Purok Masigay, Mother Barangay Bagua.

Nahuli ang suspek sa operasyon na pinangunahan ng Police Station 4 at nakuha sa kanya ang dalawang maliit na sachets ng shabu at ang marked money na ginamit sa operaasyon.

 

-0-

 

Isang ginang mula sa Rajah Buayan, Maguindanao ang nagsilang ng conjoined twin na babae na dalawa umano ang ulo na magkadikit at iisa lamang ang katawan nito.

Sinabi ni IPHO Maguindanao Chief Dr. Elizabeth Samama na hanggang ngayon ay naka-confine pa rin sa kanilang ospital ang nasabing sanggol na ipinanganak sa pamamagitan ng caesarian section noong October 28, 2019, Lunes, bandang alas otso ng gabi.

Ayon pa kay Samama, ito ang unang kaso ng conjoined twin sa Maguindanao at dahil hindi sapat ang pasilidad ng ospital ay nirekomenda nito na dalhin sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City o sa Philippine General Hospital sa Maynila ang sanggol upang masuri ng mga espesyalista.

Samantala, nanawagan naman si Samama ng donasyon para matulungan ang pamilya ng sanggol sa pagpapagamot nito dahil mahirap lamang umano ang mga ito.

 

-0-

 

Public assistance desk bilang pagpapaigting ng seguridad ilalagay ng PNP sa mga sementeryo at iba pang matataong lugar sa Koronadal City Maglalagay ng public assistance desk ang pulisiya sa mga sementeryo, palengke, terminal at iba pang matataong lugar sa Koronadal City.

Layon nito na mapaigting ang seguridad at may mahingan ng tulong ang mga mamamayan sa paggunita ng Undas at Todos Los Santos. Ito ang ipinahayag ni Pol. Lt Joenary Castanares ng Public Coommunity Relations Office ng Koronadal PNP.

Binigyan diin ni Castanares na bawal din sa mga sementeryo ang pagsusugal o pagdadala baraha, nakalalasing na inumin, patalim, malalakas na sound system at iba pang bladed weapon.

Sinabi ni Castnares na magpapadala ng augmentation force para tumulong sa mga personnel ng Koronadal PNP ang Police Regional Office 12.

Ayon kay Castaneres tutulong din sa mga pulis sa pagbabantay sa mga parking areas at daloy ng trapiko ang mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Team ng Koronadal City.

 

-0-

 

Red alert status ideneklara ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council kasunod ng mga pagyanig sa Soccksargen

Inilagay ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC ng Soccksagen ang buong rehiyon sa “red alert” status kasunod ng magnitude 6.6 na lindol sa Mindanao noong Martes. Paliwanag ni Office of the Civil Defense 12 Assistant Regional Director Jerome Barranco, ito ay dahil sa mga after shocks. Kaugnay nito, sinabi ni Barranco na activitated na ang lahat na mga incident command system sa provincial,city at municipal levels.

Ayon kay Barranco naka-standby na rin ang emergency response personnel at search rescue team ng 54 na local government units sa rehiyon. Sinabi ni Barranco na kailangan ngayon ng mga barangay sa North Cotabato na labis na naapektuhan ng mga pagyanig ang temporary shelter materials at shelter kits. Ayon kay Barranco magpapadala ng repair kits at carpentery tools sa mga apektadong local government units ang OCD 12.

 

-0-

 

Provicial government ng South Cotabato tutulong sa mga biktima ng lindol sa lalawigan ng North Cotabato

Balak ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato na maglaan ng two million pesos na pondo para gamiting pantulong sa mga apektado ng magnitude 6.6 na lindol sa North Cotabato.

Ang nasabing pondo ay hiniling mismo ni Governor Reynaldo Tamayo Jr sa SP. Ayon kay Tamayo gagamitin ito sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan ng mga nilindol na mamamayan sa North Cotabato.

Ayon kay Tamayo mas kailangan ng mga apektado ng Lindol sa bayan ng Tulunan ang mga trapal para may temporaryong masilongan ang mga nilindol na mamamayan doon.

Sinabi ni Tamayo na nakipagugnayan na ito sa mga local chief executives ng apektadong mga bayan sa nasabing lalawigan para malaman kung ano ang agarang tulong na kailangan ng mga ito. Ipinahayag ni Tamayo na sisikapin ng pamahalaang panlalawigan na maipadala sa lalong madaling panahon ang nasabing tulong.

Kinumpirma din ni Tamayo na tatlong rescue team ang ipinadala kahapon ng provincial government ng South Cotabato sa Amas Kidapawan City.

Sa kanilang special session kagabi, nagkasundo ang mga myembro ng SP na tatalakayin ang hiling na ito ni Governor Tamayo sa kanilang regular session sa Lunes.

Paliwanag ni Board Member Esther Marin Catorce kahit na ito ay kanilang katigan agad wala ring magagawa ang provincial government dahil sa ilang araw na holiday.

 

-0-

 

DA 12 Magpatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA para makinabang sa Rice Competetiveness Enchance Fund ng Department of Agriculture.

Ito ang panawagan sa mga kwalipikadong magsasaka ni DA Secretary William Dar. Sa pamamagitan kasi ng bagong registration process ay tatanggalinang mga magsasaka o grupo sa kasalukuyang listahgan ng RSBSA. Layon nito na maiaayos ang pagpapatupad ng 10 billion pesos per year program sa ilalim ng RCEF.

Sinabi ni Dar na tuloy tuloy kasi ang updating sa RSBSA kung saan ibabatay ang mga makikinabang sa RCEF. Ang nasabing programa na ipatutupad sa susunod na anim na taon ay pangungunahan ng Philippine Rice Institute, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization,Agricultural Training Insitute at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

 

-0-

 

 

NAGPADALA NA ng libu-libong sleeping kits ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa Mindanao para sa mga nasalanta ng lindol.

Sakay ng military plane, dinala sa Mindanao ang mahigit siyam na libong sleeping kits, 11 libong laminated sacks, 200 solar lamps, 4,800 na kitchen kits at 175 tents.

Matapos tumama ang panibagong 6.5 magnitude na lindol sa Mindanao agad nagpadala ng quick response team ang DSWD para i-assess ang sitwasyon at alamin ang agarang pangangailangan ng mga apektadong residente.

Ayon sa DSWD 12, maliban sa pagkain, higit ding kailangan ng mga apektadong mamamayan ang mga tent na maari nilang pansamantalang masilungan habang hindi pa naibabalik sa normal ang sitwasyon.

Samantala, isang truck na puno ng mga kagamitan naman ang ipinadala ng Philippine National Red Cross o PNRC sa Mindanao.

Laman ng truck ang mga personal hygiene kits, kumot, at tarpaulins na pwedeng gamitin bilang tent, plastic mats, kulambo at iba pang gamit.

Ayon kay Red Cross Chair Richard Gordon galing ang mga suplay sa kanilang warehouse sa Ozamiz kaya mabilis lang itong makararating sa apektadong mga lugar.

Samantala, sa Magsaysay, Davao Del Sur at sa Kidapawan City, North Cotabato ay nagpadala na ang Red Cross ng water bladders para matugunan ang kakulangan suplay ng inuming tubig ng mga residente.

Sa kaugnay na balita, pagdarasal naman umano ang pinakamagandang gawin sa gitna ng lindol, ayon kay Pangulong Duterte.

Sinabi ng pangulo na wala namang makapipigil para mangyari ang lindol o makakahula kung kailan ito magaganap.

Kasabay nito ay pinayuhan ng presidente ang publiko na umiwas sa pagpunta sa mga gusali at istruktura na may mga bitak at tingnan nang mabuti ang kondisyon ng mga ito.

Una nang inatasan ni Duterte ang lahat ng kaukulang ahensya ng gobyerno na magbigay ng tulong sa mga biktima ng lindol.

Man with hand gun caught at Talayan checkpoint

CAMP SIONGCO, Maguindanao – A man in possession of a loaded gun was caught by the Army’s 90th Infantry Battalion at a checkpoint on Monday,...

Search team finds 1 of 2 missing children due to Koronadal flash floods

KORONADAL CITY - One of two children who went missing on Nov. 18 following heavy down pour and flashfloods in a creek in Barnagay Paraiso...

NDBC BIDA BALITA (Nov. 22, 2019)

 

NDBC BIDA BALITA ALAS 7

HEADLINES:

1. BINATILYO, timbog sa buy bust operation ng...

Fire razes homes in quake hit Kidapawan City

KIDAPAWAN CITY - A fire of still unknown origin gutted Friday dawn several homes and business establishments here.

The Bureau of Fire...

2 earthquake-hit towns get solar water systems

DAVAO CITY  - Two North Cotabato towns which were hardest hit by the series of earthquakes recently will each receive one unit of Solar-...