Thursday Oct, 17 2019 01:15:51 PM

NDBC BIDA BALITA (10.5.19)

NDBC BALITA • 17:30 PM Sat Oct 5, 2019
200
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. Sampung Large-scale shabu dealers, arestado sa iba't ibang mga lugar sa South-Central Mindanao.

2. Kampanya laban sa iligal na “Banlas Mining” pinaigting ng alkalde ng Tampakan, South Cotabato

3. Iba’t ibang mga aktibidad bilang pagkilala sa sakripisyo ng mga guro, tampok sa World Teachers day celebration sa Kidapawan City

4. Mahigit 100 health centers, naipatayo ng DSWD sa buong Region 12.

5. Pitong MILF patay sa labanan sa Maguindanao kontra BIFF.

 

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA…. 

 

PITONG MGA MIEMBRO ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang iniulat na nasawi sa labanan kontra IS linked Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Sa report ni 57th Infantry Battalion commander Lt. Colonel Ernesto Gener na nagsimula ang labanan ng MILF national guard at BIFF na pinamumunuan ni Salahuddin Hasan sa Barangay Dasawao, Shariff Saydona Mustapha noong Biernes at nagpatuloy hanggang kaninang madaling araw.

Iniulat na apat din ang nasawi sa panig ng BIFF.

Kanila ring tinangay ang armas ng mga nasawi MILF at miembro ng MILF Task Force Ittihad (Peacekeeper).

Patuloy pa ang manaka-nakang putukan sa pagitan ng dalawang grupo sa Liguasan marsh.

 

 

-0-0

 

Arestado ang sampung large-scale shabu peddlers, kabilang na ang isang babae sa dalawang araw na operasyon ng PNP-12 sa iba't ibang mga lalawigan sa South-Central Mindanao

Ayon sa PNP-12, kabilang sa mga nahuli ang isang babae at dalawa pang dealers na mula sa Polomolok, South Cotabato

Kinilala ang mga suspek na sina Ailyn Celiz, Mark Jil Espanola at Alfredo Pescasiosa na kasalukuyan ng nakakulong

Habang sina Kim Henjie Rafael Sadiang At Michael Permeates Dequina naman ay naaresto sa magkahiwalay na raids sa kalapit na bayan ng Tantangan

Naaresto din sina Bualan Salaysay at Cerado Morales na nagmula sa Malapatan, Sarangani at Kidapawan City

Nahulog din sa isang entrapment operation sa Kidapawan City Si Mark James Pama Villaruz

Arestado naman si Jonathan Viray sa isinagawang buy bust operation sa Cotabato City

Sinabi ni PNP 12 Chief information officer Lt. Col. Lino Capellan na ang sampung mga nahuli ay sasampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive dangerous drugs act of 2002 base na rin sa mga ebidensyang nakuha mula sa kanila.

 

-0-

 

ARESTADO ang dalawa katao sa buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Datu Odin Sinsuat PNP, PDEA BARMM, 1401st at Regional Mobile Force Battalion 14 sa Sitio Siawan, Brgy. Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao pasado alas singco ng umaga kahapon.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Nasser Udong Karim alyas Nash at Norodin Kansi Sinsuat Jr. alyas Jun-Jun, pawang may mga asawa, walang mga trabaho at parehong residente ng nasabing lugar.

Nakuha sa kanila ang isang medium size na sachet na naglalaman ng shabu, siyam na piraso ng small heat sealed plastic sachets ng shabu, buy bust money na 200 pesos, at mga drug paraphernalia.

Ang mga naarestong suspek ay nasa custodial facility ng PDEA BARMM at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa Lunes.

 

-0-

 

TUMANGGAP ng tig-isang daang libong piso ang apat na centenarians sa Cotabato city bilang cash incentives mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 at lokal na pamahalaan ng lungsod.

Mismong si Cotabato city mayor Cynthia Guiani ang nag-abot ng cash gifts sa mga centenarian sa isang simpleng programa kahapon sa city hall.

Kabilang sa mga nabigyan ng 100 thousand pesos sina Pagegian Utto Kayampao, Salamat Banlitong Nanding, Laga Makakena Damang at Adtong Etekan Utto na pawang edad 100 taong gulang o higit pa.

Sinabi ni mayor Guiani na malaking tulong ang naturang halaga para pambili ng Maintenance Medicine ng centenarian at mga pagkain at iba pang pangangailangan ng mga ito sa araw-araw.

Bukod sa pera ay binigyan din ang mga ito ng Certificate at liham mula kay P. Duterte.

Nabatid na ang apat na centenarian ay dumaan sa Monitoring at Validation ng City Social Welfare and Development Office at isinailalim sa dental and oral tests.

 

-0-

 

 

INAALAM PA RIN hanggang ngayon ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng bangkay ng lalaki na natagpuan sa baybaying-dagat ng Sitio Marikit, Barangay Limbayan, Bongo Island, Parang, Maguindanao.

Sa report ng Parang PNP, ang naturang bangkay ng lalaki ay may suot na Green T-shirt at maong short pants.

Nasa state of decomposition na ang naturang bangkay nang matagpuan ng mga residente sa lugar kamakalawa ng umaga.

Pinaniniwalaang namatay sa ibang lugar ang naturang lalaki o kaya ay nalunod saka inanod ng dagat hanggang mapadpad sa baybayin ng Bongo Island.

Nabatid na inilibing na lamang ng mga sundalo, pulis at barangay official ang naturang na-aagnas na bangkay matapos na walang mga kaanak na kumilala at kumuha dito.

 

-0-

 

Nagsagawa ng public consultation ang Philippine Commission on Women at Plan International Global Humanitarian Development Organization para sa pagpapatupad ng Republic Act No. 11313 o “ang safe spaces act”

Ito ay para mapatibay at mabigyang-pansin ang country’s legal framework against sexual harassment na nilagdaan para maging batas noong April 17, 2019 at naging ligal noong August 2, 2019.

Ang nasabing batas ay proteksyunan ang lahat ng tao na nakararanas ng sexual harassment sa mga pampublikong lugar at maging sa kahit anumang online platforms.

Kasunod din ng batas na ito ang Republic Act no. 7877 o “anti-sexual harassment law of 1995” o pagdaranas ng sexual harassment sa trabaho, educational institutions at training environments.

Dumalo sa nasabing programa si Senator Risa Hontiveros, na principal author at sponsor ng naturang batas.

Samantala, magkakaroon din ng programa ang Plan International na “day of girl” sa Upi, Maguindanao sa darating na October 11

 

-0-

 

PNP at Municipal Advisory Council, pinangunahan ang isinagawang Color run for a cause sa Makilala, North Cotabato

Daan-daang mga residente sa bayan ng Makilala, North Coatabato ang nakilahok sa isinagawang “color run for a cause” sa bayan alas 5:00 ng madaling araw kanina.

Ito ay bukas din hindi lamang para sa mga taga Makilala kundi pati na rin sa mga kalapit na bayan na nais ding makisali at lumahok sa aktibidad.

Ang “color run for a cause” ay pinangunahan ng Municipal Advisory Council at tauhan ng Makilala Municipal Police Station. Ito ay 3K kilometer run na nagsimula sa Municipal hall at umikot sa public market ng bayan.

Ayon kay Makilala PNP Chief Police Major Arniel Melocotones, 50 pesos lamang ang registration fee upang makaya ng mga estudyante. Anya ang kanilang ma-iipon na pera ay para sa kanilang planong community outreach program tulad ng pamimigay ng mga school supplies at feeding program sa mga paaralan na lubos na nangangailangan. 

 

-0-

 

Ibat-ibang aktibidad, tampok ngayong World Teachers day celebration sa Kidapawan City

Naghanda ng ibat-ibang aktibidad ang student supreme government officers bilang pakilala, kontribusyon at sakripisyo ng mga guro sa Kidapawan City kasabay ng World Teachers Day celebration ngayong araw.

Ang mga guro sa Pilipinas ay espesyal sa puso ng mga tao, dahil sila ang unang tao sa labas ng tahanan na humubog sa isip ng mga bata sa paaralan.

Ayon kay Kidapawan City Schools Division Superintendent Rommelito Flores, nagsagawa ng ibat-ibang school based activities kahapon na inorganisa ng PTA officials at student leaders sa bawat paaralan ng lungsod.

Ibinigay na rin kahapon ang World Teachers Day cash gift sa lahat ng mga guro sa Department of Education, Kidapawan City Division na 1 Thousand pesos na inihulog sa kani-kanilang mga ATM accounts. VC- FLORES Si Kidapawan City Schools Division Rommelito Flores.

Samantala, ngayong araw naman gagawin ang culmination day ng teachers month ng Deped sa Cagayan De Oro City. Binibigyang pugay ang mga guro dahil sa mahalagang kontribusyon ng mga ito sa pagkakaloob ng dekalidad na edukasyon sa lahat ng antas at pagtulong sa paghubog sa pagpapabuti ng pandaigdigang lipunan. Sa lahat ng mga guro kay teacher kay maam kay sir, Happy world teachers day sa inyong lahat. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Pagkaltas sa arawang sahod ng mga STL ushers, ipinaliwanag ng STL administrator sa North Cotabato

Ipinaliwanag kahapon ni North Cotabato Small Town Lottery o STL administrator Rodolfo Gantuangco ang dahilan ng pagkaltas ng arawang sahod ng mga ushers sa buong probinsya.

Ito matapos na makatanggap ng reklamo ang DXND-Radyo BIDA hinggil sa ibinabawas na 30 pesos bawat araw sa mga ushers.

Ayon sa nagreklamo, sinabi sa kanila na ang 30 pesos na ibabawas sa kanilang arawang sahod ay para sa kanilang ginagamit na gadget gayung natapos naman nila itong bayaran na abot sa 9,500.

Sinabi naman ni STL administrator Gantuangco, ang 20 pesos ay gagamitin pambayad sa kanilang internet connection at ang 10 pesos naman ay gagamitin para sa maintenance ng kanilang ginagamit na gadget.

Sinabi nitong dati nililibre na ang pambayad sa kanilang internet connection pero dahil nagbayad ang STL na pinapatakbo ng Miracle Pick gaming Corporation ng mahigit sa 70Miilion pesos na cash bond ay ang usher na ang nagbabayad sa ngayon.

Anya, ang bagong kasunduan ay ipatutupad sa lahat ng STL outlet sa buong North Cotabato. Regular din anya ang isinasagawang inspection at monitoring ng PCSCO sa kanilang opisina. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Lalaki, huli sa pinaiigting na anti-illegal drug operation ng mga pulis sa Kidapawan City

Inaresto ng mga pulis ang isang drug suspek na dating carwash boy sa isinagawang buy-bust operation sa Bautista St. 2nd Block, Kidapawan city alas 2:30 ng hapon kahapon

Kinilala ang suspek na si Jeffer Ardales Balihon “alyas Jonathan”, 26 anyos na residente ng Purok 6, Barangay Magsaysay ng lungsod. Nakuha mula sa kanya ang isang sachet ng iligal na droga at ang 500 peso bill na siyang ginamit bilang marked money.

Aminado naman ang suspek na gumagamit siya ng iligal na droga pero itinanggi niyang nagbebenta siya nito. Kulong na ngayon si Balihon sa custodial facility ng City PNP at nakatakdang sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Supply ng kuryente sa Makilala, Cotabato magiging sapat na matapos pasinayaan ang dagdag na power transformer ng COTELCO

Siniguro ng Cotabato Electric Cooperative na magiging sapat na ang supply ng kuryente sa kanilang Service area sa Bayan ng Makilala, North Cotabato.

Ito matapos na pasinayaan kahapon ang 10 MVA Power transformer sa Bagong Silang, Barangay San Vicente Makilala.

Ayon kay Cotabato Electric Cooperative o COTELCO General Manager Engr. Godofredo Homez na hindi na kasi kinaya ng 5 MVA power transformer ang kinakailangang demand ng Kuryente sa bayan. Ilan sa mga may malaking demand ng kuryente sa bayan ay ang mga Rubber at Banana Processing Plants.

Sa bagong transformer ay sapat at sobra pa umano sa kinakailangang demand sa bayan ng makilala ang hatid ng bagong transformer. 

Tinatrabaho narin ngayon ayon kay Engr Homez ang pagdagdag ng isa pang sub-station sa bayan ng Carmen sa North Cotabato. Sisikapin aniya na matapos ngayon taon ang nasabing substation. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Kampanya laban sa iligal banlas mining pinaiigting ng alkalde ng Tampakan, South Cotabato

Pagsasagawa ng tuloy- tuloy na operasyon ang solosyon para masawata ang matagal nang problema sa iligal na banlas mining operation sa bayan ng Tampakan, South Cotabato.

Ipinahayag ito mismo ni Tampakan Mayor Leonardo Escobillo. Sinabi ni Escobillo na inaatas na nito sa PNP na magsagawa ng regular na anti banlas mining operation sa mga bundok ng Tampakan.

Aminado si Escobillo na walang nahuhuling illegal banlas miner sa kanilang anti-illegal mining operation ang mga otoridad. Pero ang mahalaga ayon kay Escobillo, matitigil din ito kapag nakumpiska at nasira na ang lahat na mga gamit ng mga banlasero.

Sinabi ni Escobillo na sa kabila ng mga ginawa noon ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng kabuhayan ang mga illegal banlas miner tuloy pa rin ang illegal banlas mining operation sa Tampakan. Kaya ang nakikita nitong solosyon para maresolba ang nasabing problema ay ang pagpapaigting ang anti illegal banlas mining operation sa mga bundok ng Tampkan.

 

-0-

 

Mahigit 100 health centers na ipinatayo ng DSWD napakinabangan na ng mga mamamayan sa mga liblib na lugar ng region 12

Abot na sa mahigit isang daang health center ang naipatayo na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa region 12. Ito ay sa pamamagitan ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS.

Ang nasabing mga health centers na nagkakahalaga ng mahigit 108 million pesos ay naipatayo sa pagtutulungan ng mga community volunteers.

Ito ay ayon kay DSWD 12 Regional Director Cezario Joel Espejo. Ayon kay Espejo layun nito na mapunan ang kakulangan sa serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan lalong lalo na sa mga liblib na lugar. Sinabi ni Espejo na ang mga health centers na naipatayo ng DSWD ay napakinabangan ng mahigit 42 thousand na mga mamamayan sa Soccksargen buhat noong 2014.

Umapela din si Espejo sa mga mamamayan ng rehiyon na pakinabangan ang serbisyo ng kanilang mga health center. Kasunod ito ng panawagan ng pamahalaan sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak matapos ideklara ng Department of Health o DOH ng dengue outbreak sa bansa.

Ang Kalahi-CIDSS project ng DSWD ay pinondohan ng Wrold Bank. Ipinatutupad ang mga sa mga bayan ng Alamada, Aleosan, Banisilan, Pikit at Carmen sa North Cotabato. Napapakinabangan din ito ng mga mamamayan sa liblib na lugar sa mga bayan ng Bagumbayan, Isulan, Kalamansig, Lambayong, Lebak, Lutayan, Palimbang at Senator Ninoy Aquino sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Saklaw din ng proyekto ang mga bayan ng Maasim, Maitum, Glan at Kiamba sa Sarangani.

 

-0-

 

Pagsunod sa drug clearing program ng pamahalaan iniutos na rin sa mga barangay officials ng Provincial Director ng DILG South Cotabato

Inatasan na rin ni Department of the Interior and Local Government o DILG South Cotabato Provincial Director Atty. Rochelle Mahina-Sero ang mga barangay sa lalawigan na sumunod sa drug clearing program ng pamahalaan.

Ipinahayag ito ni Sero dahil sa kabiguan pa rin ng maraming mga barangay sa South Cotabato na magsumite ng kaukulang mga dokumento. Binigyan diin ni Sero na ang datus mula sa mga barangay ay mahalaga para sa bepirepikasyon ng PNP ng mga illegal drug related cases.

Ayon kay Sero ang mga barangay officials mismo kasi ang nakakaalam sa mga mamamayan na nakatira sa kanilang lugar. Hiniling din ni Sero sa PNP na tulungan ang mga barangay officials sa paghahanda ng kanilang mga datus na isasailim sa review ng Oversight Committee.

Sinabi ito ni Sero nang dumalo sa katatapos lang na tatlong araw na orientation sa Philippine anti-Drug Abuse Strategy o PADS. Bahagi din ng orientation ang pagbuo ng Local Anti-Drug of Action o LAPDA.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan sa Lake Sebu ng Provincial Anti Drug Abuse Council o PADAC South Cotabato. Matatandaan na ang pagtalima sa drug clearing program ng pamahalaan ay nauna nang ipinagutos ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa 51 mga barangay sa South Cotabato.

 

-0-

 

Kaligtasan ng lungsod sa Polio virus, tiniyak ng OIC City Health Officer ng Koronadal

Ligtas pa rin sa pinangangambahang polio virus ang Koronadal City. Tiniyak ito ni Koronadal City OIC Health Officer Dr. Edito Vego sa question hour ng city council.

Ito ay sa kabila ng pagdeklara ng Polio outbreak ng Department of Health o DOH sa bansa. Bunsod ito ng pagpositibo sa polio ng mga lalawigan ng Laguna, Lanao at Davao City. Ito ay matapos ang 19 na taon na pagdeklara ng World Health Organization o DOH sa bansa bilang polio-free.

Ipinahayag ni Vego na para matiyak na mananatiling ligtas sa polio ang Koronadal, sisimulan ng city health office ang kanilang massive anti polio vaccination sa dalawamput pitong barangay ng Koronadal sa October 14.

Kasunod naman ito ng panawagan sa publiko ni South Cotabato Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr sa mga magulang na pabakunahan kontra polio ang kanilang mga anak na nasa limang taong gulang pababa. Iginiit ni Aturdido na ligtas at libre ang bakuna kontra polio sa mga health centers.

 

-0-

 

Monitoring sa armyworms na nanalasa sa mga maisan sa sampung bayan ng rehiyon, pinaigting ng DA 12

Kailangan ng Department of Agriculture o DA 12 na paigtingin ang surveillance at iba pang aktibidad para maprotektahan sa mga peste ang mga maisan sa rehiyon.

Ito ay ayon kay DA 12 Regulatory Division Chief, Dr. John Pascual. Sinabi ito ni Pascual matapos kumpirmahin ang After Fall Armyworm o FAW infestation sa ilang mga bayan sa Soccksargen.

Kaugnay nito pinulong na DA 12 ang mga kasapi ng FAW Technical Working Group para mapigilan ang pagkalat ng mga pesteng army worn sa region 12.

Base sa tala ng DA 12 apektado ng armyworms ang ilang mga maisan sa sampung mga lugar sa rehiyon. Ang mga ito ay mga bayan ng Polomolok at Koronadal City sa South Cotabato; Alamada, Kabacan at Carmen sa North Cotabato; Bagumbayan, Esperanza at Tacurong City sa Sultan Kudarat; Maasim sa Sarangani; at General Santos.

 

 

NDBD BIDA BALITA (10.17.19)

HEADLINES:

1. LIMA katao, nasawi matapos ng naranasang malakas na lindol kagabi sa iba’t ibang mga lugar sa...

Cotabato Light power distribution normal despite Magnitude 6.3 quake

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announces today that its power distribution capacity remains normal despite the quake that...

Large-scale shabu peddler arrested in Malabang

COTABATO CITY  --- Anti-narcotics agents seized more than P900,000 worth of shabu from a  trafficker who fell in an entrapment in Malabang...

PDEA-BARMM, Marines seize P3.4-M worth of shabu, nab peddler in Lanao

COTABATO CITY – At least P3.4 million worth of suspected shabu were seized from a big time drug peddler during joint law enforcement...

More images of Gaisano Mall of GenSan fire

GEN. SANTOS CITY - Fire fighters from this city, nearby towns and from as far as Davao City are still fighting the blaze the engulfed the Gaisano...