Saturday Nov, 16 2019 07:29:06 AM

NDBC BIDA BALITA (10.15.19)

NDBC BALITA • 15:45 PM Tue Oct 15, 2019
268
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. KAWANI ng BARMM Ministry of Education, patay sa pamamaril ng riding tandem suspects sa Cotabato city.

2. PhilHealth 12, nagpaliwanag hinggil sa pagbawi ng accreditation ng ilang mga ospital sa Koronadal city at General Santos City

3. CPP-NPA-NDF, idineklarang pesona non grata ng lokal na pamahalaan ng Columbio, Sultan Kudarat

4. Department of Education, may abiso na kaugnay ng mas pinaagang Christmas break ng mga mag-aaral sa Kindergarten hanggang Grade 12.

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA

 

PERSONAL GRUDGE at maaari rin umanong may kinalaman sa trabaho ang tinitingnang motibo ng mga otoridad sa pagbaril at pagpatay sa isang kawani ng MINISTRY OF EDUCATION - BARMM sa Cotabato city

Sa report ng City PNP, dead on the spot ang biktimang si Mingko Marohom Ebrahim, 32 anyos, single at taga- Purok Matigkel, Barangay Rosary Heights 7 ng lungsod.

Pasado alas otso ng gabi kamakalawa habang minamaneho umano ni Ebrahim ang ina-arkilahang motorsiklo nang bigla siyang dikitan ng di pa nakikilalang motorcycle-riding tandem suspects at agad siyang pinagbabaril sa bahagi ng Gonzalo Javier Street.

Nagtamo ng tatlong mga tama ng bala ang biktima sa dibdib at dalawa sa hita na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Agad namang kinuha ng kanyang mga kaanak ang labi ng biktima para bigyan ng maayos na libing na naaayon sa tradisyon ng Islam.

 

-0-

 

SUMUKO sa Army’s 49th Infantry Battalion ang isang dati umanong miembro ng Maute Group sa Barangay Poblacion Bayabao, Butig, Lanao del Sur pasado alas dyes ng umaga kahapon.

Nakilala ang sumuko na si Saifoden Macaraya Maute, 36 anyos, at taga Barangay Tagoranao, Sultan Dimalundong, Lanao del Sur.

Isinuko rin ni Saifoden ang kanyang dalang M-79 Grenade Launcher at isang 40mm High Explosive.

Ayon kay Saifoden, nahikayat siyang sumali sa ektremistang grupo ng kanyang kamag-anak na si Mohammad Khayam Romato Maute alyas Otto na sub-leader ng Maute Group at may ugnayan sa ISIS at Dawla Islamiyah.

Nabatid na kabilang din si Saifoden sa mga nakipagbakbakan sa tropa ng gobyerno noong naglunsad ng focused military operations ang Army’s 103rd Infantry Brigade sa lalawigan.

 

-0-

 

UMAABOT umano sa 6.5 million pesos ang utang ng Matanog LGU sa Maguindanao Electric Cooperative o MAGELCO na dahilan kaya halos isang buwan nang walang kuryente ang buong bayan.

Sinabi ni Magelco General Manager Ashary Maungco na wala siyang magagawa kundi ipatupad ang power shutdown sa bayan hangga’t hindi nito nababayaran ang malaking pagkakautang sa kooperatiba.

Kaugnay nito, inaasahang makikipagpulong ang mga LGU official ng bayan sa pamunuan ng MAGELCO para matugunan ang naturang problema.

Una rito, nanggagalaiti na ang mga residente ng Matanog matapos silang putulan ng kuryente ng MAGELCO.

Ayon kay Matanog mayor Mohammad Ali "Kits" Guro, hindi sila nabigyan ng abiso ng MAGELCO bago isinagawa ang power shutdown sa bayan.

Sabi pa ni alkalde, ilang beses na rin niyang sinubukang tawagan para kausapin ang MAGELCO manager pero nabigo ito.

 

-0-

 

LIMA KATAO, kabilang ang limang taong gulang na bata, ang sugatan sa magkakahiwalay na vehicular crashes sa Maguindanao at North Cotabato.

Duguang isinugod sa ospital ang dalawang mga lalaki matapos magbanggaan ang isang payong-payong at motorsiklo sa national highway na sakop ng Pikit, North Cotabato.

Nakilala ang mga sugatan na sina MAMDOH MAMONDAS,36 years old at DATU MAMA SALDY, 25 na mga residente rin ng nabanggit na bayan.

Pauwi na umano ang dalawa sakay ng kanilang motorsiklo pasado alas dyes ng umaga kahapon nang makasalubong at makabanggaan ang humaharurot na payong-payong.

Samantala, makalipas naman ang ilang oras ay sunod na isinugod sa pagamutan ang mag-asawang sugatan matapos maaksidente sa Buldon, Maguindanao.

Nakilala ang mga ito na sina SALIK ROMOMBA at misis na si SAHARA ROMOBA, pawang mga residente ng Brgy. Oring, Buldon.

Nawalan umano ng balanse habang magka-angkas sa motorsiklo ang mag-asawa makaraan iwasan nila ang payong-payong na nag-overtake sa kanila.

Sumemplang ang mga mag-asawa at tumama sa sementadong kalsada kaya magtamo ng malulubhang sugat sa katawan.

 

-0-

 

ISANG GRANADA ang ang natagpuan sa loob ng compound ng St. Therese Parish Church sa Sitio Kalubihan, Barangay Poblacion, Datu Piang, Maguindanao.

Sa naantalang report ng Datu Piang PNP, natagpuan ng isang church volunteer ang improvised hand grenade pasado alas siyete ng umaga nitong Sabado.

Agad namang nagresponde ang mga pulis at sundalo at tiniyak din ng Explosives and Ordnance Disposal team na hindi sasabog ang naturang granada.

Nagsagawa na rin ng clearing operation ang mga otoridad sa lugar.

Ang natagpuang granada ay nasa pangangalaga na ngayon ng Army’s 32nd EOD Team.

Inaalam pa ng otoridad kung sino ang nag-iwan ng naturang granada sa simbahan.

 

-0-

 

Flower Farm sa Tupi, South Cotabato, bibigyan ng accreditation para maging Agri-tourist destination ng Department of Tourism 12.

Gagawing Agri-tourism site ng Department of Tourism o DOT 12 ang Eden’s Flower Farm sa Sitio Lemblesong, Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato. Ipinahayag ito ni DOT 12 Tourism Officer I Richielyn Delos Santos sa soft opening nito noong Sabado.

Matapos inspeksyonin ng mga taga DOT, sinabi ni Delos Santos na handa na para sa accreditation ng ahensya ang lugar. Sinabi ni Delos Santos na patuloy sa pagunlad ang turismo sa Tupi dahil sa dami ng mga binuksang tourist destination.

Ang may limang ektaryang pataniman ng Malaysiam mums ay nagbibigay din ng kabuhayan sa Indigenous People o IP Community sa Sito Lemblesong. Ito ayon kay Delos Santos ay kanila ring ikinatuwa.

Inaasahan ang pag full-bloom ng mga bulaklak sa Eden’s Flower Farm sa October 20 hanggang 29. Pero ayon sa Operations Manager nitong si Nova Montenclar napilitan silang buksan ito ng maaga dahil na rin sa kahilingan ng publiko.

Isa sa maagang dumayo sa lugar si Lolita Mayang Quino na sinabing sulit ang ibinyahe nito mula sa Carmen, North Cotabato sa ganda ng lugar at malamig nitong klima.

 Ang magandang tanawin sa Eden’s Flower Garden ay mae-enjoy ng mga mamamayan sa regular entrance fee na eighty pesos, at 60 pesos sa mga estudyante, senior citizens at persons with disability. Inaasahan naman ang pag-ani ng mga bulaklak dito ilang araw bago mag Undas.

Una nang na-accredit ng DOT 12 sa Tupi para maging Agri-tourism site ang Mariano’s Blooming Agri- Tourism Park na dinarayo dahil sa malawak nitong sunflower plantaion.

 

-0-

 

Philhealth 12 nagpaliwanag sa pagbawi ng accreditation ng dalawang ospital sa Koronadal at pag-suspinde ng isa pa sa General Santos City.

Alleged fraud o katiwalian .

Ito ang dahilan na tinukoy ni Philippine Health Insurance Corporation o Philhleaht 12 Acting Regional Vice President Dr. Antoniette Ladio sa pagbawi nila sa accreditation ng dalawang mga ospital sa Koronadal City at suspension ng isang pang ospital sa General Santos City.

Ayon kay Ladio pinadalhan nila ng withdrawal o revocation ng Philhealth accreditation ang Dr. Arturo P. Pingoy Medical Center o DAPPMC at Allah Valley Medical Specialists Center Inc. O AVMSCI sa Koronadal.

Habang sinuspinde naman ang General Santos City Doctors Hospital Incoporated o GSDHI dahil sa paglabag sa National Health Insurance Act of 2013.

Ang two counts of suspension naman sa GSDHI ay sa October 21,2019 hanggang January 18,2020 at April 19,2020 hanggang April 17,2020 o may anim na buwan. Epektibo naman ang pagbawi ng Philhealth accreditation ng DAPPMC at AVMSCI noong October 10.

Binigyan diin in Ladio sa isang pulong balitaan na tanging may alam lamang sa mga sangkot na personalidad at anong uri ng anomalya na kinsangkutan umano ng nasabing mga ospital ang kanilang central office. Kinumpirma ni Ladio ang desisyon sa motion for reconsideration na inihain ng DAPPMC at AVMSCI ay nakaatang na sa accreditation committee ng Philhealth Central Office. Habang ang GSDHI naman sa Gensan naman ay kailangang dumaan sa re-accreditation process. 

Pero sa ngayon tanging maipapayo lamang ng Philhealth sa mga apektadong mamamayan,magpa-confine sa iba pang mga Philhealth accredited hospitals.

 

-0-

 

CPP-NPA-NDF idineklara ng lokal na pamahalaan bilang pesona non grata sa Columbio, Sultan Kudarat

Tugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdeklara ng Sanggniang Bayan bilang persona non Grata sa Communist Party of the Philippines,New Peoples Army, National Democractic front o CPP-NPA-NDF sa bayan ng Columbio, Sultan Kudarat.

Sinabi ito ni Columbio Municipal Councilor Datu Zair Mamalinta na siya ring Chairman ng Peace and Order Committee ng konseho.

Ayon kay Mamalinta ang resolosyon ng SP ay bilang suporta na rin sa deklarasyon ng Municipal Peace and Order Council ng Columbio noong Agusto.

Tiniyak ni Mamalinta na bago ito naipasa, pinagaralan ng maigi ng konseho kung ano ang magiging epekto ng dekalrasyon sa nasabing rebeldeng grupo bilang persona non grata sa kanilang lugar.

Bilang tanda ng mariing pagbabawal sa CPP-NPA-NDF sa Columbio ,nanguna sa pagsunog sa flag ng mga ito ang mga lokal na opisyal at mga opisyal ng militar at PNP.

Binigyan diin ni Mamamalinta na dapat ay matuldukan na ang anumang karahasan ng nasabing rebeldeng grupo sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak din ni Mamalinta na sa kabila ng banta sa kanilang seguridad bunsod ng nasabing deklarasyon, tuloy pa rin ang serbisyo ng mga lokal na opisyal sa mga mamamayan ng Columbio sa tulong ng PNP at militar.

 

-0-

 

Provincial Health Officer,kinumpirma ang muli na namang pagtaas ng dengue cases sa South Cotabato

Mula sa below alert threshold noong Setyembre, umakyat muli sa above alert treshold ang dengue cases sa South Cotabato sa unang linggo ng Oktobre.

Ito ay ayon kay South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr. Ayon kay Aturdido para mapigilan pa ang pagkalat nito, mariin ngayong minomonitor ng integrated provincial health office o IPHO at iba pang ahensya ng gobyerno ang dengue cases sa lalawigan. Ipinahayag ni Aturdido na sa ngayon nagpapatuloy ang dengue preventive measures ng iba’t ibang sangay ng provincial government.

Kalakip dito ang misting operation ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO sa mga mga barangay na may pinakaraming dengue cases. Nilinaw ni Aturdido na dahil sa pinangangambahang second wave o muling pagdami ng dengue cases tuwing Oktobre, nanatili pa rin ang State of Calamity sa South Cotabato.

 

-0-

 

One-stop-shop para sa renewal at application ng firearms license bukas sa provincial capitol ng South Cotabato hanggang ngayong araw

Nagsimula kahapon sa Provincial Capitol ng South Cotabato ang One-stop-shop para sa application at renewal ng lisensya ng mga armas. Ito ay magtatapos naman ngayong araw. Ayon kay Provincial General Service Officer Leizel Gazo, ang unang araw ng one-stop-shop kahapon ay para sa mga barangay at government officials.

Ngayong araw maaring mag-apply ng renewal o permit to purchase or own firearms ang mga pribadong indibidwal. Saklaw din nito ang gun safety seminar, neuro at drug test. Ayon kay Gazo naka-standby din sa kapitolyo ang mga kasapi ng National Bureau of Investigation o NBI at PNP para sa mga kukuha ng clearance.

Ayon kay Gazo ang mga nais mag-apply sa one-stop shop maaring magdala ng mga sumusunod : Duly notarized application form, dalawang government ID, drug test result, at gun safety seminar certificate, NBI at Police Clearance, neuro psychiatric clearance, PSA birth certificate o passport, proof of billing o barangay clearance, at proof of income.

Makukuha naman ang application form sa PGSO South Cotabato. May pakiusap naman si Gazo sa mga interesadong aplikante lalong lalo na ang mga nakatira sa ibang lugar. Voice Clip… si South Cotabato Provincial General Services Officer Leizel Gazo.

 

-0-

 

State of the Division Address o SODA ni Kidapawan City SDS Flores, tampok sa isinagawang Teachers day celebration kahapon

Iprenisenta ni School Division Superintendent o SDS Romelito Flores ang mga nagawa ng Department of Education sa Kidapawan City Division mula noong taong 2017 hanggang October 2019. Ito ang tampok sa isinagawang State of the Division Address o SODA ni Flores kasabay ng Division wide Teachers day celebration kahapon sa Kidapawan City Gymnasium.

Kabilang sa mga inihayag ni SDS Flores ang mga major accomplishment ng Deped Kidapawan tulad ng Construksyon ng 2 storey buiding ng Division office na nagkakahalaga ng mahigit sa 25Million pesos, pagproseso ng International Standards Organization o ISO journey, Construction of Student center at SDS office, striktong pagpapatupad ng No Collection policy at tinaasan sa 400 pesos ang PTA subsidy ng kada mag-aaral, naging third runner up sa 2019 SOCCSARGEN Regional Meet kung saan nakakuha ng tatlumpit siyam na gold medals ang kalahok mula sa lungsod, paglaan ng 15Million pesos na pambili ng lupa para sa ipinatayong Senior High School building at maraming iba pa.

Kasabay ng naturang aktibidad ang oath taking ceremony ng newly hired na mga Teaching and Non- teaching personnel ng Deped Kidapawan City Division.

Ang pagdiriwang ng Division wide teachers day kahapon sa Kidapawan City ay pagbibigay pagkilala at pagbibigay pugay sa mga guro dahil sa mahalagang kontribusyon sa dekalidad na edukasyon. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Mahigit isang daan na mga magsasaka sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, nakatanggap ng halos P700, 000 na crop insurance mula sa PCIC

Umabot sa 183 farmers ang nakatanggap ng tulong mula sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Ayon sa Muncipal Agriculture office, ang mga magsasakang nakabenispisyo ay mula sa Barangay Kilagasan, Simone Katidtuan, Lower paatan, Cuyapon, Malamote, Osias, Dagupan, Bannawag, Pisan at Salapungan sa bayan Nasa 658,935 pesos ang natanggap na crop insurance ng mga magsasaka mula sa PCIC.

Nabatid na marami ng mga magsasaka sa buong North Cotabato ang nagpa ensured ng kanilang pananim sa PCIC sa pagsimula ng El nino noong mga nakaraang buwan.

Kung saan g mga produkto na kabilang sa maaring ma-avail sa programa ng PCIC ay ang mga magsasakang may tanim na palay, mais, high value crops at maging ang mga non-crop agricultural asset na nasira dahil sa natural na kalamidad upang maaring maibalik ang kanilang ginastos.

Pinayuhan naman ang iba pang mga magsasaka na nais makabesnipisyo sa serbisyo at programa ng PCIC ay maaring sumangguni sa mga City o municipal agriculture office sa inyong lugar. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

Pasahero ng tricycle na umanoy sangkot sa pagnanakaw, patay matapos barilin sa Kidapawan City

Dead on the spot ang isang lalaki na sakay ng tricycle matapos na pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa alas 8:15 kagabi sa National Higwahy sa Quezon Boulevard Poblacion, Kidapawan City

Sa ulat ng City PNP, nakilala ang biktima na si John Ray Jefferson Adlaon Ballano, nasa hustong gulang at nakatira sa Barangay Singao, Poblacion ng lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga pulis na pinagbabaril ang nasabing biktima habang sakay sa harapang bahagi ng tricyle na nakaparada lang sa gilid ng National Highway.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan at ulo ang biktima dahilan ng kanyang agarang pagkamatay. Dagdag pa sa ulat, base sa record ng PNP sangkot din umano sa serye ng pagnanakaw sa lungsod ang biktima at palipat-lipat ng tirahan kung saan siya makakakita ng magiging kaibigan.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng caliber 45 pistol na ginamit na naturang pamamaril. Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente ng pamamaril sa lungsod. NDBD BIDA BALITA

 

-0-

 

Serbisyo Caravan launching na bahagi ng Executive order 70 ni President Duterte, gagawin sa dalawang Barangay sa Magpet, North Cotabato

Magsasagawa ngayong araw ng Serbisyo Caravan ang Department on Interior and Local Goverment o DILG katuwang ang Provincial Task Force na bahagi ng Executive Order Number 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngayong araw gagawin ang Serbisyo Caravan sa Barangay Balite sa Magpet North Cotabato at Barangay Basak naman ngayong darating na huwebes na siyang Pilot Areaa sa naturang programa.

Dito dadalhin ang lahat ng serbisyo ng gobyerno para matugunan ang kinakailangang serbisyo at hinaing ng mga mamayan sa barangay na una ng tinukoy at resulta ng Community Support program ng Army's 19th Infantry battalion.

Una naring binuo ang Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa pangunguna ni Acting Governor Emmylou Mendoza. Batay sa Executive Order 70 na nilagdaan ng Pangulo, ini-institutionalize ang Whole Nation Approach Policy para magkaroon ng kapayapaan at tapusin na ang bakbakan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at rebeldeng NPA.

Ayon sa EO, uunahin at aayusin ang pagbibigay ng basic services at social development packages sa mga conflict areas at vulnerable communities sa bansa. Sinabi ni Mendoza, kabilang sa mga isyu na dapat matugunan ay ang matagal ng problema sa mga pinag-aagawang lupa at ang lumalalang presyo ng mga produkto ng mga magsasaka.

Ngayong darating na biyernes ay gagawin naman ang launching ng naturang programa sa barangay kabalantian sa Arakan North Cotabato. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Gang War na kinasasangkutan ng mga Out of School Youth patuloy na minomonitor ng Kidapawan City Government

Patuloy ngayong tinututukan ng Kidapawan City government ang nangyayaring gang war sa Kidapawan City na kinasasangkutan ng mga out-of-school-youth na karamihan ay mga menor de edad.

Ito’y matapos kinumpirma ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na dalawang grupo ng mga gang ang patuloy pa ring sangkot sa krimen gaya ng panggugulpi kung saan pinakahuli rito ay ang karudumal-dumal na pagpatay sa isang batang lalaki sa overpass ng lungsod noong Setyembre a-24.

Ayon kay Evangelista, ang nangyaring pagpatay sa nasabing menor edad ay isang resbak mula sa nangyaring gulo noon sa isang KTV Bar sa lungsod na kinasasangkutan ng alitan ng nasabing mga grupo.

Dagdag pa ng alkadle na wala aniyang dapat ikabahala dahil gumagawa na ng hakbang ang city government upang hindi makapasok ang nasabing grupo sa mga eskwelahan para makapag-recruit ng miyembro. Karamihan aniya sa mga miyembro ng mga nabanggit na gang ay hindi taga Kidapawan City.

Dagdag pa sa ulat na ang grupong ‘WASALAK’ o ibig sabihin ‘Walang Sawa sa Alak’ ay patuloy na nang-eengganyo at siyang pumapalit sa grupong Azukarap, rason kung bakit patuloy pa rin ang gang war sa lungsod.

Samantala, patuloy namang nagpapagamot ngayon ang isang 15 anyos na menor de edad matapos na hampasin ng bato ng mga hindi pa kilalang mga suspek na hinihinalang myembro rin ng Gang.

Ayon sa kwento ng kanyang ina na si Rowena, papauwi na umano ang bikitma na di kinilala sa report papunta sa kanilang bahay alas 9:40 ng gabi kamakalawa pero pagdating nito sa bahagi ng Barangay hall ng Poblacion ay bigla itong nilapitan ng dalawang mga batang lalaki at pinaghahampas ng bato sa ulo.

Wala rin umanong kaaway ang kanyang anak at naniniwala itong napagtripan lang ang kanyang mga anak. Hindi rin kilala ng biktima ang mga lalaking nanghampas sa kanya.

 

 

 

-0-

 

NATIONAL NEWS………………….

TULUYAN nang bumaba sa puwesto si PNP Chief Police General Oscar Albayalde matapos ulanin ng kaliwa’t-kanang kontrobersiya tulad ng sa ‘ninja cops’ at recycling ng mga iligal na droga.

Mula kahapon ay epektibong nasa non-duty status na si Albayalde na mas maaga nang tatlong linggo sa kaniyang pormal na pagreretiro sa serbisyo.

Sinabi ni Albayalde na ang kaniyang desisyon ay naglalayong bigyang daan ang pormal na pagpili ni Pangulong Duterte ng susunod na hepe ng PNP.

Si Albayalde ay nakatakda sanang magretiro sa November 8 pagsapit ng kanyang ika-56 taong kaarawan.

Inamin naman ni DILG Secretary Eduardo Año na nais na ni Albayalde na sumailalim na sa Non-Duty Status simula pa noong nakalipas na linggo bunga na rin ng pagdadawit sa kanya sa iba’t ibang mga isyu.

 

-0-

 

Sa iba pang balita, pormal nang inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP kahapon ang nakatakdang paglulunsad sa 20-peso new generation currency coin.

Sinabi ng BSP na madaling matutukoy ang P20 coin kumpara sa mga kasalukuyang barya. Gayunman, pananatilihin sa bagong P20 coin ang ‘major elements’ ng P20 banknote.

Target mailabas at maisama sa sirkulasyon ang bagong barya sa 2020 habang unti-unting tinatanggal ang banknote.

Sa kabilang dako pa, muling nagpaalala ang Department of Education o DepEd hinggil sa Christmas break ng mga mag-aaral sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Sa school calendar para sa taong panuruan 2019-2020 itinakda na ang Christmas break simula December 15 at babalik ang klase sa January 6, 2020.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, hindi apektado ang Christmas break schedule ng dami ng class suspensions na ipinatupad sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Bahala na anya ang DepEd regional at division levels maging ang mga paaralan kung paano magsasagawa ng ‘adjustments’ sa mga nawalang araw.

 

NDBC BIDA BALITA (Nov. 15, 2019)

HEADLINES:

1. DAILY MINIMUM WAGE sa Bangsamoro Autonomous Region, tinaasan.

2. SAMPUNG EKTARYANG lupain na...

IED, firearms found in Sultan Kudarat

SULTAN KUDARAT -- Soldiers defused an improvised explosive device and seized firearms and ammunition in separate operations in Barangay Bagumbayan...

Army shells Dawlah Islamiya lairs in Maguindanao

MAGUINDANAO ---- Three more members of the Dawlah Islamiya terror group were reported killed as the Army bombarded with artillery its...

2 abus yield, hand over HPFAs

Two Abu Sayyaf Group members yield to the troops of the 44th Infantry Battalion in Imelda, Zamboanga Sibugay at 8:30am today, November...

Bishop to BECs: Take Gospel to needy

DAVAO CITY - A huge gathering of Basic Ecclesial Communities workers ended Thursday with a missionary mandate to work for justice and for...