Thursday Oct, 17 2019 01:55:40 PM

NDBC BIDA BALITA (10.11.19)

NDBC BALITA • 20:15 PM Fri Oct 11, 2019
168
By: 
Edwin O. Fernandez

HEADLINES:

1. MGA NAKOLEKTANG multa ng Cotabato city LGU mula sa mga traffic violator sa loob lamang ng dalawang buwan, umaabot na sa higit 800 libong piso.

2. Binata at byuda na nakuhanan ng mahigit 100 libong pisong halaga ng iligal na droga, arestado sa Koronadal City

3. Pikit LGU, maglalaan ng tig-200 libong pisong pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon sa mga suspek ng pamamaril sa dating barangay chairman at dalawang iba pa sa bayan

4. PhilHealth, may dagdag-singil sa kontribusyon dahil sa Universal Health Care Law

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA…. 

 

-0-

UMAABOT na sa mahigit 800 libong piso ang nakokolekta ng lokal na pamahalaan ng Cotabato city mula sa mga multa ng mga traffic violator.

Sinabi ni City Public Safety Office Chief Rolen Balquin na ang naturang halaga ay nakolekta mula nitong Agosto hanggang ngayong buwan sa nasa 1, 198 traffic violators.

Ayon kay Balquin, madalas na violation ng mga ito ay illegal parking, counterflowing, driving without license, expired vehicle registration at iba pa.

Nabatid na bukod sa pagbabayad ng multa ay kailangan ding sumailalim ang mga traffic violator sa kalahating araw na seminar sa city hall bago mabawi ang mga nakumpiska nilang driver’s license.

 

Simula Agosto ay mahigpit nang nagpatupad ng traffic rules and regulations ang Traffic Management Unit sa harap naman ng nararanasang problema sa daloy ng trapiko sa lungsod.

 

-0-

 

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki dahil sa mga tinamong grabeng sugat matapos na maaksidente habang nagmomotorsiklo sa Parang, Maguindanao.

Nakilala ang nasawing biktima na si ABDULAZIZ MOHAMAD, 22 anyos, estudyante at residente rin ng nabanggit na bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, pasado alas dos ng hapon kahapon nang lumabas si Mohamad sa kanilang bahay gamit ang kanilang motorsiklo.

Matulin umano ang pagpapatakbo ni Mohamad ng motorsiklo kaya nabalitaan na lamang ng kanyang pamilya na naaksidente ito.

Nasawi si Mohamad makaraang sumemplang at mabagok ang ulo sa kongretong kalsada.

 

-0-

 

ARESTADO ang isang drug suspect na miembro umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa ikinasang buy bust operation ng PNP Drug Enforcement Unit ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ang suspek na si Moctar Kasan, 33 years old, single, taga- Brgy. Kitango ng nabanggit na bayan at miembro umano ng BIFF sa ilalim ng Karialan Faction. 

Nadakip ang suspek pasado alas tres ng hapon kahapon matapos nitong mapagbentahan ng iligal na droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu, 500 peso bill at isang rifle grenade.

Nabawi rin mula rito ang 500-peso marked money na ginamit sa operasyon.

Nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso ang suspek ngayong araw.

 

-0-

 

ARESTADO ang isang construction worker sa inilunsad na buy bust operation ng PNP sa loob ng isang lodging house sa Barangay Rosary Heights 13, Cotabato city.

Kinilala ang naaresto na si Hassan Abdul Nasser, 32 anyos, walang asawa at taga Zenaida Subdivision, Barangay Rosary Heights 8 ng lungsod.

Ang operasyon ay inilunsad ng pinagsanib pwersa ng Police Station 1 at PDEA BARMM pasado alas dos hapon kamakalawa.

Sinabi ni Police Station 1 Commander, Major Glenn Mar Avisa na napagbentahan kasi ni Nasser ng dalawang sachets ng pinaniniwalaang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer kaya tuluyang nadakip ang suspek.

Bukod sa dalawang sachets ay nakumpiska rin mula kay Nasser ang isang pang pakete ng hinihinalaang shabu at nabawi mula sa kanya ang 500 peso bill na ginamit bilang marked money.

Ayon kay Avisa, dalawang linggong isinailalim sa surveillance ang suspek bago ikinasa ng mga otoridad ang operasyon.

 

-0-

 

HULI ang isang lalaki matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng solvent sa Cotabato City.

Kinilala ang inarestong suspek na si Kali King Bidangan, nasa tamang gulang at taga Barangay Datu Balabaran ng lungsod.

Sa report ng police station 1, isang concerned citizen ang dumulog sa kanilang himpilan para i-report ang suspek na sumisinghot umano ng solvent.

Agad namang tinungo ng mga pulis ang lugar at naabutan ng mga Ito si Bidangan na sumisinghot ng solvent at nakuha mula sa kanya ang isang 825ml solvent

Kaagad siyang inaresto ng mga otoridad at ngayon ay nakapiit sa lockup cell ng Police Station 1.

 

-0-

 

Estudyante, patay sa panibagong kaso ng pamamaril sa Pikit, North Cotabato

Ideneklarang dead on arrival ang isang college student makaraang pagbabarilin ng di pa kilalang mga suspek sa Barangay Batulawan, Pikit, Cotabato alas 8:20 ng umaga kanina.

Nakilala ang biktima na si Rasul Baaban, 19 anyos, isang college student at residente ng Barangay Talitay, Pikit.

Ayon sa ulat ng Pikit PNP, naglalakad lamang ang nasabing biktima sa gilid ng National Highway sa naturang lugar nang pagbabarilin ng maraming beses dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Naisugod pa si Baaban sa Cruzado Medical Hospital pero ideneklarang patay ng mga attending physician habang narekober sa crime scene ang limang mga basyo ng caliber 45 pistol na siyang ginamit sa naturang pamamaril.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na lulan ng motorisklo patungo Barangay Balatican. Patuloy pa ang hot pursuit operation ng PNP sa pinakabagong kaso pamamaril sa nasabing bayan. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Senior citizen, natagpuang patay sa isang ilog sa Makilala, North Cotabato

Bangkay na nang matagpuan ang isang lolo matapos umanong malunod sa ilog sa Purok Indang, Barangay Indangan, Makilala North Cotabato kahapon.

Sa ulat ng Makilala PNP, nadiskubreng wala ng buhay si Edwardo Agbay Ranada, 61 anyos, isang laborer at nakatira sa nasabing lugar alas 6:00 ng umaga kanina.

Nakita pa umano ito ng kanyang kapatid alas 10:00 ng umaga noong miyerkules na lango sa nakakalasing na inumin bago natagpuang patay sa ilog. Sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulis, posibleng nakatulog malapit sa ilog ang senior citizen dahil na rin sa kalasingan at pinaniniwalaang na out balance hanggang sa napadako sa naturang ilog at nalunod.

Naniniwala naman ang pamilya na walang foul play habang patuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng Makilala PNP sa nasabing insidente. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Limang mga wanted person kabilang na ang tatlong mga rape suspek arestado ng PNP sa magkakahiwalay na lugar sa North Cotabato

Limang mga wanted person ang naaresto ng PNP sa magkakahiwalay ng lugar ng North Cotabato kahapon.

Una rito, arestado ng Carmen PNP ang isang rape suspek matapos namataan ng PNP pasado ala-una ng hapon kahapon sa Mega Market ng Poblacion, Carmen, North Cotabato.

Kinilala itong si Kenneth Ortiz Pagatpatan, 29 –anyos, may asawa, isang tricycle driver, dating nakatira sa Brgy. Manongol, Kidapawan City, at ngayon ay nasa Brgy. General Luna, Carmen, Cotabato Ayon sa ulat ng pulisya na namataan ang nasabing suspek habang nagmamaneho ng kanyang tricycle sa Mega Market ng nasabing bayan at dito na ito inaresto ng PNP.

Si Pagatpatan ay may warrant of arrest dahil sa kasong rape na may criminal case number 377-2009 na inisyu ni Rogelio R Narisma, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 23, Kidapawan City. Samantala, huli rin ng Kidapawan City PNP ang isa ring rape suspek na si Romulo Empoc, 42-anyos, single na residente ng Brgy Balabag ng lungsod, alas 8:30 ng umaga kahapon.

Si Empoc at may warrant of arrest dahil sa kasong 2 counts of statutory rape na may criminal case numbers 5283-2019 at 5282-2019 na inisyu ni Judge Jose Tabaosares ng RTC Branch 23, Kidapawan City na may petsang September 20, 2019. Kasong rape din ang kinakaharap ng isang Brainne Bandoja, 21-anyos, single, laborer na residente ng Purok Camia, Brgy Poblacion, Matalam.

Nahuli ito habang nasa labas ito ng kanyang pamamahay alas 2:00 nitong hapon. Ang kanyang warrant of arrest ay inisyu naman ni Judge Jose Tabaosares, Presiding Judge ng RTC 12, Branch 16, Kabacan na may criminal case number 19-229 na may petsang September 17, 2019. Sa iba pang mga balita, arestado naman ng Kidapawan City PNP ang isa pang wanted person na si Wilfredo Taro, 62-anyos,may asawan na residente ng Brgy San Roque, Kidapawan City, alas onse ng umaga kahapon.

Ang suspek ay may kasong estafa na may criminal case number 17, 433-19 na inisyu ni Judge Rebecca Elena De Leon ng MTCT Kidapawan City na may petsang July 22, 2019. Habang isa ring wanted person ang hindi na nakapalag pa matapos ding isilbi ang warrant of arrest pasado alas otso ng umaga kahapon dito rin sa lungsod.

Kinilala ang suspek na si Paul June Padilla, 51-anyos, may asawa na nakatira sa Brgy Sudapin ng lungsod. Si Padilla ay nahaharap sa kasong grave threat na may criminal case number 17, 491-19 na inisyu ni Judge Rebecca Elena De Leon ng MTCT Kidapawan City na may petsang July 22, 2019.

Ang limang mga wanted person ay kulong na ngayon sa custodial facility ng PNP at hinihintay na lamang ang commitment order ng korte. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Pikit LGU maglalaan ng Php200, 000 sa makakapagbigay ng impormasyon sa mga suspek ng pamamaril sa dating Brgy Chairman at dalawa pa sa nasabing bayan

Maglalaan ng abot sa P200, 000 ang lokal na pamahalaan sa bayan ng Pikit, North Cotabato sa makakapagbigay ng impormasyon at makakapagturo ng responsabe sa pamamaril at pagpatay sa isang dating punong barangay, incumbent brgy kagawad at isang BPAT member sa nasabing bayan.

Ito ang kinumpirma sa Radyo Bida ni Pikit Mayor Sumulong Sultan para sa mabilisang pagresolba sa nasabing krimen at para na rin mabigyan ng hustisya ng pagkamatay ng tatlong mga biktima.

Dagdag pa ng alkalde, nagkasundo ang LGU at iba pang kasapi ng Municipal Peace and Order Council o MPOC meeting kasama ang kapulisan,sundalo at iba pang ahensya ng pamahalaan para magpalabas ng naturang pondo.

Matatandaang pinagbabaril sa harap ng isang tindahan sa tabi ng National Highway ng Barangay Takepan ang mga biktimang sina dating Barangay Chairman Andrew Lumibao,pinsan nitong si incumbent kagawad Robert Cayona at isang myembro ng BPAT na kinilalang si Michael Arroyo mga resindente ng nabanggit na barangay noong Setyembre a 28,

Sinasabing pinagbabaril ng di pa nakikilalang suspek na sakay ng kulaay gray na sasakyan ang mga biktima habang nag-iinuman lamang sa harap ng isang tindahan sa naturang lugar. Nagtamo ng ibat-ibang sugat sa katawan ang mga biktima mula sa bala ng di pa matukoy na uri ng armas dahilan ng kanilang pagkamatay habang tumakas naman ang mga suspek sa Barangay Batulawan.

Hanggang sa nagyon ay hindi pa batid ng PNP kung ano ang motibo ng mga suspek sa pagbaril at pagpatay sa mga biktima. Patuloy pa ang pursuit operation ng Pikit PNP upang mahuli ang responsible sa pamamaril sa tatlo.

Kaugnay nito, mariin namang kinondena ng lokal na pamahalaan ang nasabing krimen at nananawagan sa mga nakasaksi sa naturang insidente na makipagtulungan sa mga otoridad. NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

 

Lalaki, sugatan matapos na pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Kidapawan City

Patuloy na nagpapagamot ngayon ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa Purok Mangga, Barangay Paco, Kidapawan City alas 8:15 kagabi.

Sa naging panayam kay Kidapawan City PNP Chief Police Lt Col Ramel Hojilla, nakilala ang biktima na si Romy Aminipot at residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na pinagbabaril ang nasabing biktima sa loob ng kanilang bahay habang siya ay nanunuod lamang ng telebsiyon. Mabilis na isinugod sa pagamutan sa lungsod ang biktima para sa agarang medikasyon. Isa din sa mga sinusundang anggulo ng City PNP sa pamamaril ay Love Triangle pero patuloy ang imbestigasyon sa nasabing kaso ng pamamaril. 

 

-0-

 

Ordinansa na magbibigay proteksyon sa mga mamamayan sakali mang matuloy ang open pit mining operation, isusulong ng lokal na pamahalaan ng Tampakan, South Cotabato

Protektahan ang mga mamamayan laban sa posibleng pangaabuso sakali mang matuloy ang kontrobersyal na open pit mining operation sa Tampakan, South Cotabato.

Ipinahayag ito ni Tampakan Mayor Leronardo Escobillo. Ayon kay Escobillo wala rin kasing magagawa ang local government kapag pangulo na mismo ang magbibigay ng permiso para sa copper-gold Tampakan project.

Pero ayon kay Escobillo pwedeng gumagawa ng ordinansa ang lokal na pamahalaan para mapunan ang mga loopholes o gray areas sa Philipine Mining Act of 1995 at maging sa Environment Code ng South Cotabato.

Sinabi ni Escobillo na sakali mang matuloy ang nasabing proyekto dapat na mapatupad ang maigting na monitoring sa water at air quality ng Tampakan at maging ang pamumutol ng mga puno.

Naantala ang nasabing mining project sa Tampakan, matapos lagdaan noon ni dating South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes ang Environment Code ng lalawigan. Ang nasabing ordinansa na nagbabawal sa opet pit mining operation ay idinulog na ng mga pro-mining groups sa korte.

Sa ngayon ay nanatili pa rin ang ban sa open pit mining na ipinatupad ni dating Department of Environment and Natural Resources Secrtary Gina Lopez. Nagpahayag na rin ng kanyang mariing pagtutol sa proyekto si Diocese of Marbel Bishop Cerilo Allan Casicas.

 

-0-

 

Hepe ng PNP traffic unit, may paliwanag kung bakit problema pa rin ang maraming kaso ng vehicular crash sa Koronadal City

Overspeeding ang tinukoy na dahilan ni Koronadal PNP Traffic Unit Chief Police Senior Master Seargeant James Gervacio na pangunahing sanhi ng mga vehicular crash sa lungsod. Ito ang ipinahayag ni Gervacio sa special session ng Sangguniang Panglungsod o SP.

Ayon kay Gervacio kadalasan naging sanhi ng vehicular crash sa Koronadal ang bad overtaking at bad turning. Ito ay maliban pa sa pagmamaneho ng lasing, self accident, hit and run, mechanical defect, stray animals at maraming iba pa.

Kinumpirma din ni Gervacio na nagungunang accident prone areas sa Koronadal ang Alunan Avenue at national highway sa barangay Saravia. Ito ay matapos maitala sa nasabing mga daan ang limamput dalawang vehicular crashes simula noong Enero hanggang Setyembre.

Ipinahayag din ni Gervacio na maraming vehicular crash sa Koronadal tuwing araw. Para maibsan ang nasabing problema, isinusulong ng city traffic unit ng PNP ang maigting na pagpapatupad ng Anti-Drunk Driving Law at paghuli sa mga nakamotorsiklong walang helmet.

Balak din ng konseho na bumalangkas ng ordinansa para mapaigting ang mga batas trapiko sa Koronadal City. Nabatid na abot sa 1,358 na mga vehicular crash ang naitala sa Koronadal noong 2018. Ito ay ikinasawi naman ng tatlumpung mga biktima. Ang city traffic office ng Koronadal ay nakapagtala naman ng 883 na mga vehicular crash sa lungsod mula Enero hanggang Setyembre nitong taon. Ikinasawi naman ito ng limamput anim katao.

 

-0-

 

Programang pangkabuhayan ng DOLE 12 mapapakinabangan ng mahigit 100 mamamayan sa T’boli,South Cotabato

Mabibigyan ng pansamantalang trabaho ang mahigit isang daang mga mamamayan sa bayan ng T’boli, South Cotabato. Ang mga ito ay pawang mga benepisyaryo ng Tulong Pangkabayuhan para sa mga Disadvantaged at Unemployed Workers o TUPAD. Ito ang isang programa ng Department of Labor and Emplopyment o DOLE para sa mga nangangailangan, tulad ng mga senior citizens, solo parents, at out of school youth.

Ang mga benepisyaryo ay isinailalim na sa orientation kahapon ng local government ng T’boli sa pangunguna ni Vice Mayor Ronnie Dela Pena. Ayon kay Dela Pena ang mga Tupad beneficiary ay magtatanim at maglilinis sa kanilang mga barangay sa loob ng sampung araw.

Tatanggap naman ang mga itong tig tatlong daang pisong arawang sahod.

 

-0-

 

Binata at Byuda na may mahigit P100,000 na iligal na droga inaresto ng mga pulis sa dalawang barangay sa Koronadal City

Kinilala ng Koronadal City PNP na pinamumunuan ni Police Lt.Col Joefel Siason ang inarestong drug suspect na si Jay-Ar Abraham Carin alias “JR”, 29 years old, binata.

Si Carin ay inaresto ng mga pulis na nagsagawa ng anti-illegal drug operation sa kanila mismong lugar sa Purok New Leganes, Barangay Zone I, Koronadal.

Nakuha ng mga kasapi ng City Police Drug Enforcement Unit o CPDEU mula sa nasabing drug suspek ang tatlong pakete ng pinaghihinalaang shabu . Ang mga ito ay nagkakahalaga ng mahigit 85 thousand pesos. Nakumpiska din ng mga pulis kay Carin ang limang daang pisong marked money, at motorsiklo na ginagamit umano sa kanyang illegal drug transaction.

Inihahanda na ng mga pulis ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa inarestong si Carin.

Samantala, arestado din sa drug buy bust operation ng CPDEU sa Purok Spring I, Barangay Morales Koronadal ang byudang si Isabelita Apura, 63 years old.

Nakumpiska ng mga pulis kay Apura ang siyam na sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng nine thousand pesos at one thousand pesos marked money.

Ang dalawang mga inarestong drug suspek ay pareho lamang nakalabas ng kulungan noon matapos makapagpyansa dahil din sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

 

-0-

 

Forum sa marketing ng mga produkto ng mga magsasaka pinangunahan ng DA 12 sa Koronadal City

Layon ng Market Forum na pinangunahan ng Department of Agriculture sa Koronadal City na mapalawak pa ang market ng mga produkto ng mga magsasaka.

Ito ay sa pamamagitan ng paguugnay sa kanila sa mga potential buyers. Dumalo sa sa nasabing aktibidad ang grupo ng mga magsasaka at kooperatiba sa region 12. Nabigyan ng pagkakataon ang mga ito na makipagugnayan sa mga kinatawan ng mga mall at supermarket, marketing officers ng mga ospital at caterer sa Koroinadal City.

Ang mga ito kasi ang maaring maging pangunahing tagapag-angkat ng mga produkto ng mga magsasaka. Ito ay ayon kay DA 12 Agribusiness and Marketing Division o AMAD Chief Dr. John Pascual. Nagtagumpay naman ang mga magsasaka dahil marami ang bumil ing kanilang mga produkto. Nagkaroon din ang mga magsasaka ng pagkakataon na makipag negosasyon sa mga potential buyers ng kanilang mga produkto.

 

NATIONAL NEWS………………….

 

Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na tataas ng .25 percent ang premium contribution sa PhilHealth bunsod ng implementasyon ng Universal Health Care o UHC Law. Ito umano ang pinakamababang dagdag-singil pero ramdam naman anya ang benepisyo ng publiko.

Samantala, tiniyak ni PhilHealth President Ricardo Morales na ligtas at hindi mawawaldas ng pera ng kanilang mga miyembro.

Sa iba pang balita, nagpatupad ang PNP ng balasahan ng mga opisyal kabilang si NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar na promoted sa pang-apat na pinakamataas na posisyon.

Kinumpirma ni PNP chief General Oscar Albayalde ang pagkatalaga kay Eleazar bilang Chief of the Directorial Staff sa PNP Headquarters sa Camp Crame.

Ang balasahan ay bunsod ng nakatakdang pagreretiro ni Lt. Gen. Fernando Mendez Jr., ang kasalukuyang Deputy Chief for Administration o ang pangalawang pinakamataas na posisyon sa PNP.

Ang pangatlo namang pinakamataas na opisyal sa PNP na si Lt. Gen. Archie Gamboa, kasalukuyang Deputy Chief for Operations ang papalit kay Mendez.

Samantala, sinabi ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac na si Lt. Gen. Camilo Cascolan, Chief of Directorial Staff ang papalit kay Gamboa.

Si Eleazar ay papalitan naman ni Brig. Gen. Debold Sinas, ang police director sa Central Visayas.

Sa kabilang dako pa, ikinalungkot ng pamunuan ng Catholic Bishop of the Philippines o CBCP ang pagpapasara ng Department of Education sa mga paaralan ng mga lumad sa Mindanao.

Ayon kay CBCP Chair for Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education at San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, dapat inimbestigahan muna ng mabuti ng DepEd ang nasabing hakbang.

Sa halip anya na ipasara, dapat nag-isip ng ibang paraan upang mapabuti ang sistema ng edukasyon sa mga paaralan ng mga lumad.

Iginiit ni Mallari na dahil sa nasabing hakbang ay maraming kabataang lumad ang maaapektuhan ang pag-aaral.

 

 

 

 

NDBD BIDA BALITA (10.17.19)

HEADLINES:

1. LIMA katao, nasawi matapos ng naranasang malakas na lindol kagabi sa iba’t ibang mga lugar sa...

Cotabato Light power distribution normal despite Magnitude 6.3 quake

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announces today that its power distribution capacity remains normal despite the quake that...

Large-scale shabu peddler arrested in Malabang

COTABATO CITY  --- Anti-narcotics agents seized more than P900,000 worth of shabu from a  trafficker who fell in an entrapment in Malabang...

PDEA-BARMM, Marines seize P3.4-M worth of shabu, nab peddler in Lanao

COTABATO CITY – At least P3.4 million worth of suspected shabu were seized from a big time drug peddler during joint law enforcement...

More images of Gaisano Mall of GenSan fire

GEN. SANTOS CITY - Fire fighters from this city, nearby towns and from as far as Davao City are still fighting the blaze the engulfed the Gaisano...