Thursday Oct, 17 2019 01:55:52 PM

NDBC BIDA BALITA (10.10.19)

NDBC BALITA • 16:00 PM Thu Oct 10, 2019
208
By: 
NDBC NCA

HEADLINES:

1. Cotabato City council, humiling kay Rep. Sinsuat na ipanukala ang hiwalay na congressional seat para sa lungsod

2. NEGOSYANTE, patay habang sugatan naman ang pamangkin nito sa panibagong insidente ng pamamaril sa Cotabato city

3. Kidapawan City, idineklarang 100 percent drug-cleared ng PDEA 12.

4. Bangkay na natagpuan sa Tantangan, South Cotabato, nakilala na

 

ANG DETALYE NG MGA BALITA….

 

-0-

 

PATAY ang isang negosyante habang sugatan naman ang pamangkin nito matapos silang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Purok Pag Asa, Rosales Extension, barangay Rosary Heights 6, Cotabato City pasado alas syete kagabi.

Nakilala ang nasawi na si ALLAN BENITO, 43 years old habang sugatan naman na si DATU PRINCE BALAO na parehong mga taga San Vicente Street, Cotabato City.

Sa inisyal na report ng City PNP, ipinaparada umano ng mga biktima ang kanilang sasakyan sa lugar nang lapitan sila ng suspek at pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol.

Nagtamo ng tama ng bala sa mukha at dibdib si Benito na sanhi ng kanyang agarang pagkasawi.

Habang sa tiyan at hita naman ang tama ni Balao na ngayon ay patuloy na ginagamot sa ospital.

Natagpuan naman ng mga otoridad sa crime scene ang walong mga basyo ng cal. 45 pistol, isang glass tooter at 500 pesos na cash.

Patuloy ang imbestigayon ng mga pulisya hinggil sa motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek sa naturang pamamaril.

 

-0-

 

ARESTADO ang lima katao kabilang na ang asawa ng isang wanted na drug dealer nang sinalakay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-BARMM ang isang drug den sa Sultan Kudarat, Maguindanao kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng mga otoridad ang isa sa mga nadakip na si Lanie Datumanong Ali na taga-Barangay Kabuntalan, Sultan Kudarat Maguindanao na umano ay misis ng wanted na drug dealer sa lugar.

Nabatid na target sana ng naturang operasyon ang mister nitong kinilala lamang sa alyas na “Banoh”

Ngunit nakatakas umano si Banoh dala ang isang kulay asul na bag na pinaniniwalaang naglalaman ng mga baril at granada

Gayunman, nakumpiska mula kay Ali ang 170 thousand pesos na halaga ng pinaniniwalaang shabu at dalawang mga granada

Maliban Kay Ali, naaresto rin ang apat pang mga lalaki na hindi pa pinapangalanan ng otoridad matapos maabutan silang nagpa-pot session sa nasabing lugar.

 

-0-

 

NAGPASA ng Resolusyon sa Kongreso ang Sangguniang Panlungsod ng Cotabato sa Kongreso bilang suporta sa Panukalang Batas na inihain ni Maguindanao 1st District with Cotabato City Representative Roonie Sinsuat na magkaroon ng Lone Congressional District ang Cotabato City.

Sinabi ni Vice Mayor Graham Dumama na kwalipikado naman ang lungsod na maging hiwalay na congressional district kung populasyon, Land Area at Income ang pag-uusapan.

Ayon kay Dumama, sakaling magkaroon ng Sariling kinatawan sa Kongreso ang Cotabato City ay mas matutukan at mailalaan sa lungsod ang mga nararapat na Proyekto at programang tiyak na mapapakinabangan ng mga mamamayan ng syudad.

Tiwala naman si Dumama na susuportahan ng mga kapwa nito mambabatas ang panukala ni Sinsuat na matagal na ring hinahangad ng mga mamamayan ng lungsod.

 

-0-

 

ARESTADO ang isang wanted sa kasong homicide matapos itong maharang sa isang checkpoint sa Parang, Maguindanao.

Kinilala ang nadakip na suspek na si WAHAB MACAPEGES RAMALAN, 40 years old, may asawa at taga- Matanog, Maguindanao

Sa report ng Parang PNP, nadakip ang suspek pasado alas dyes ng umaga kahapon sa national highway na bahagi ng barangay Poblacion 1, sa Parang.

Dinakip si Ramalan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni RTC branch 14 judge BANSAWAN IBRAHIM.

 

-0-

 

 

Huli ng PNP ang isang tricycle driver na sumasideline sa pagbebenta ng iligal na droga sa pina-iigting na anti-illegal drug operation ng mga pulis sa Barangay New Cebu, Makilala, North Cotabato ala 1:00 ng hapon kahapon.

Sa ulat ng Makilala PNP, nakilala ang suspek na si Roberto Pelarios Sercanlao alyas Boltron, 44 anyos, isang tricycle driver at residente ng Purok 3, Barangay Taluntalunan, Makilala North Cotabato.

Ang buy-bust operation ay isinagawa ng Makilala PNP at ng Municipal Drug Enforcement Agency laban sa naarestong suspek. Nakuha sa kanya ang dalawang mga sachet ng pinaghihinalaang shabu at buy bust money na1, 000 peso bill at maging kanyang motorsiklo.

Nasa custodial facility na ng Makilala PNP ang suspek at kakaharapin ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Cherry Exim) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

Maglalaan ng abot sa P20 million pesos ang Department of Public Works and Highways o DWPH First Engineering District sa pamamagitan ng pagpapalawak ng lane sa rotunda ng Kidapawan City.

Ito ay upang mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko at maiwasan ang mahabang pila ng mga sasakyan tuwing rush hour.

Ipinaliwanag ni Engineer Sheen Alfred Noro ng DPWH na magdadagdag ng karagdagang lane kung saan abot naman sa 100-meters ang haba ng idadagdag dito mula sa center point ng nasabing rotunda.

Ayon pa sa ahensiya na malaking ginhawa na sa mga motorista ang pagpapalawak ng radius ng rotunda at ang karagdagang 60-meter additional lane.

Samanatala mananatiling 4 lanes naman ang highway papuntang Magpet, North Cotabato at pababa ng Ninoy Aquino Road, Kidapawan City. Aminado naman ang DPWH na hindi dumaan sa feasibility study ang nasabing rotunda, na isa dapat sa mga requirement bago ang paglalagay nito sa mga national highway.

Aasahang sisimulan ang pagpapalawak sa nabanggit na highway sa susunod na taong 2020 at aasahang magtatapos sa kapareho ring taon.

 

-0-

 

 Tulong para sa mga mamamayan na nasiraan ng bahay sanhi ng malakas na hangin sa bayan ng Banga, tiniyak ng Operations and Warning Chief ng PDRRMO South Cotabato

Nakapagbigay na ng paunang tulong na relief goods ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO sa mga mamamayan na biktima ng malakas na hangin sa Banga, South Cotabato. Ipinahayag ito ni PDRRMO Operations and Warning Chief Rolly Doanne Aquino.

Ayon kay Aquino, ang mga mamamayan na nasiraan ng bahay ay pawang mga nakatira sa Sitio Highway, Barangay Rizal, Banga. Ipinahayag din ni Aquino na magbibigay ng shelter assistance ang PDRRMO sa mga apektadong pamilya. Ito ay kapag nakapagsagawa na ng final assessment sa mga biktima ang lokal na pamahalaan ng Banga.

Ang pananalasa ng malakas na hangin kasabay ng malakas na ulan sa Barangay Rizal pasado alas dos ng hapon kamakalawa ay sumira din sa ilang mga pananim.

Ipinahayag ni Aquino na ilang mga bahay ang nawalan ng bubong. Ayon kay Aquino naghihintay pa ng datus sa danyos ng kalamidad mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Office o MDRRMO Banga ang PDRRMO South Cotabato.

Samantala, ipinahayag din ni Aquino na nakapagbigay din sila ng tulong sa isang pamilya na biktima ng Landslide sa Lake Sebu kamakalawa.

Natulungan na rin nila ayon kay Aquino ang mga apektado ng hailstorm sa mga Barangay ng Dajay at Libertad sa Surallah noong nakaraang lingo. Nananawagan din si Aquino sa mga mamamayan ng South Cotabato na para makaiwas sa sakuna, maging mapagmatyag sa tuwing umuulan ng malakas sa kanilang lugar.

 

-0-

 

Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-12 ang Kidapawan City bilang drug cleared City dahil sa pinalalakas na kampanya ng kontra sa iligal na droga at bilang pagtupad sa isinusulong ng pamahalaan.

Muli kasing nag validate ang PDEA-12 sa apat-napung mga barangay ng lungsod kung saan lumalabas na ang 38 naunang drug cleared barangays ay napanatili ang status, habang ang 2 natirang barangay na sumailaim sa validation ay na cleared narin. Pinakahuling mga barangay na isinailalim sa validation ay ang Barangay Poblacion at Sudapin.

Ikinagalak naman ni Mayor Joseph A. Evangelista ang pagiging 100 percent drug cleared ng lungsod, kasunod ang apila sa mga barangay officials na dapat ay mapanatili ito sa mga susunod pang mga buwan. Iprenesenta din ng PDEA-12 ang dokumento na nagpapatunay na nakapag comply nga ang lahat ng mga barangay sa panuntunan ng Dangerous Drug Board (DDB) hingil sa deklarasyon ng pagiging drug cleared status.

Kabilang sa mga batayan ng PDEA 12 ang walang record na may nagsu-supply ng iligal na droga sa barangay, walang drug laboratory at taniman ng marijuana at higit sa lahat ang aktibong Barangay Drug Abuse Council (BDAC) sa kampanya kontra sa droga.

Kumpiyansa ng alkalde na ipagpapatuloy ng mga barangay officials ang ganitong mga programa lalo pa at puspusan din ang isinasagawang paglilinis ng mga awtoridad sa mga nagbebenta at gumagamit ng droga. Nangako ang alkalde na susuportahan niya ang lahat ng mga programa laban sa iligal na droga at nakahanda anya siyang magbigay ng ayuda sa mga opisyal na magpapatupad nito.

 

-0-

 

Aplikasyon para sa pagkuha ng mga dokomento sa Philippine Statistics Authority, ipo-proseso ng Provincial Planning and Development Office ng South Cotabato ngayong National Statistics Month

Tatanggap ng aplikasyon para sa pagproseso ng ng mga dokumento mula sa Phililippine Statistics Authority o PSA ang Provincial Planning and Development Office o PPDO South Cotabato hanggang sa October 31.

Kalakip sa mga ito ang authenticated copy ng birth, marriage, death at certificate of no marriage o CENOMAR. Ibig sabihin nito, hindi na kailangan pa ng mga mamamayan sa lalawigan na pumunta sa tanggapan ng PSA sa General Santos City para makakuha ng nasabing mga dokumento. Kaugnay nito, umapela si Eleazar Abella ng PPDO South Cotabato sa mga may pakay sa PSA na makipagugnayan sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Abella, kailangan lamang ng mga ito na magdala ng isang valid ID, 205 pesos processing fee para sa birth, marriage at death certificate at 260 pesos naman sa mga nais kumuha ng CENOMAR. Ito ay kaugnay sa National Statistics Month Celebration ngayong Oktobre.

 

-0-

 

Urban gardening isinusulong ng isang city councilor sa Koronadal

Layon ng pagsulong ng lokal na pamahalaan sa urban gardening ay upang mapakinabangan ang mga bakanteng lote sa Koronadal.

Kasunod ito ng pagsailalim sa basic urban gardening seminar ng 35 mga mamamayan sa lungsod. Ayon kay City Councilor Junnette Hurtado itinuro sa mga ito ang farming techniques, seed growing, vermicomposting, at container gardening.

Sa pamamagitan nito ayon kay Hurtado ay maisusulong din ang pagkakaroon ng healthy lifestyle, physical activity, at magandang samahan sa mga komunidad.

Umaasa si Hurtado na makatutulong ang natutunan ng mga participant sa training para magkaroon ng tourist destination na community-based garden ang Koronadal.

Isa sa mga resource speaker sa nasabing training si Ian Castaneda na ginawa nang kabuhayan ang hilig nito sa pagtatanim sa pamamagitan ng pagtatag ng sariling urban farm. Ayon kay Castaneda hindi kailangan ang malaking espasyo sa Urban Gardening.

Sa halip pwedeng gamitin para dito ang mga alley, garahe, at mga container. Ayon kay Castaneda,tanging kailangan lamang ng mga urban gardener ay ang magandang lupa na mapagtamnan ng kanilang mga produkto.

 

-0-

 

Bangkay na natagpuan sa Tantangan, South Cotabato, tukoy na ng PNP

Kinilala mismo ng kanyang mga kaanak ang biktima na si Ariel Malayon alyas “Ariane.” Ito ay ayon kay Tantangan Acting Chief of Police, Captain Romeo Albano Jr. Ang bangkay ni Malayon ay unang natagpuan ng isang concerned citizen sa Purok Silang, Barangay Tinongcop, Tantangan, South Cotabato mag-aalastres ng madaling araw noong Martes.

Ayon kay Albano, ang biktimang si Malayon na myembro ng LGBT Community ay may mga tama din ng bala ng baril na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.

Sinabi ni Albano na si Malayon ay nakatira sa General Santos City at tumungo lamang sa Tantangan para makipagkita umano sa kanyang textmate. Narekober ng mga pulis malapit sa bangkay ng biktima ang dalawang basyo ng 45 pistol.

Pero ayon kay Albano ang nasabing biktima ay posible ring pinatay sa ibang lugar at itinapon na lamang sa Tinongcop. Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang salarin at ano ang motibo nito sa pagpatay sa biktima.

 

-0-

 

Driver patay sa bangaan ng dalawang motorsiklo sa Tupi, South Cotabato

Dead on arrival sa Tupi Municipal Hospital ang isa katao matapos masangkot sa vehicular crash sa, Tupi, South Cotabato.

Kinilala ng Tupi PNP na pinamumunuan ni Police Major Andres Sumugat ang biktima na si Rondon Dingan, 25 years old, nakatira sa karatig barangay ng Lampitak, Tampakan.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na nabangga ng motorsiklo na minamaneho ni Dingan ang kasalubong ring motorsiklo na wala umanong headlight.

Ito ay habang binabaybay ang kahabahaan ng provincial road sa Barangay Poblacion, Tupi. Ang biktimang si Dingan ay nagtamo ng matinding mga sugat na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi.

Ang driver naman ng motorsiklo na nakabangaan nitong si Mark Ocariza, 23 years old ng Poblacion, Tupi ay nagpapagaling pa sa isang pribadong ospital sa Koronadal City.

 

-0-

 

Ika- 65th founding anniversary ng bayan ng Makilala, North Cotabato, ipinagdririwang ngayong araw

Ibat-ibang mga aktibidad ang tampok ngayong araw sa pagdiriwang ng ika-65th foundation anniversary na SINNABADAN festival sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Alas 7:00 ngayong umaga ang Sinbaddan Festival dance Parade elementary and high school category, alas 9:00 naman ang Araw ng Makilala proper program, alas 10:00 hanggang alas 12:00 ng tanghali ang Sinabbadan Festival Showdown.

Habang ala-una naman ng hapon ang championship games of Mayor Armando Quibod sports fest 2019 at alas 6:00 ng gabi ang battle of the bands tampok ang J brothers concert.

Pinuno naman ng hiwayan ng mga taga suporta ang Makilala gymnasium kagabi matapos rumampa ang labindalawang mga kandidata ng Mutya ng Makilala 2019. Kanya-kanyang pasiklaban ng kanilang mga kasusotan ang mga andidata na mula sa ibat-ibang barangay ng bayan.

Hinirang namang Mutya ng Makilala 2019 si Diane Pampura na pambato ng New Israel, Makilala; 1st runner up si Shiela Mae Secretaria ng Barangay Kisante; 2nd runner up si Nathalene Dublan, Malasila; 3rd runner up si Maryfil Lina ng Barangay Conception at 4th runner up si Mariel Cabanilla ng Barangay Saguing.

Iniimbitahan naman ng lokal na pamahalaan ang publiko hindi lamang ang mga taga Makilala na makisaya sa mga inihandang aktibidad sa naturang selebrasyon. Samantala, sinisiguro naman ng PNP, AFP, BPAT at iba pang mga force multipliers ang seguridad na pagdadausan ng aktibidad ngayong araw.

 

-0-

 

Dating Barangay Kagawad at negosyante, patay sa magkahiwalay na pamamaril sa North Cotabato

Dead on arrival ang isang Barangay Kagawad at isang babaeng negosyante matapos na pinagbabaril ng di pa nakikilalang suspek sa sa Matalam at Antipas, North Cotabato kahapon.

Unang binaril ang isang babaeng negosyante na kinilalang si Marissa Bautista, 46 years old, isang negosyante at nakatira sa Barangay Poblacion, Matalam North Cotabato. Ayon sa ulat ng Matalam PNP, nagpanggap pa umanong bibili ng sigarilyo ang suspek bago pinagbabaril ang babaeng biktima pasado alas 6:00 ng umaga kahapon.

Nagtamo ng sugat mula sa tama ng bala si Bautista sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan dahilan ng kanyang agarang pagkamatay. Samantala, patay din ang dating Barangay Kagawad matapos ding pagbabarilin sa Purok 2 Santan, Barangay Malangag, Antipas, Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Nemisio Alave Castor, 65 years old at nakatira sa nasabing lugar. Ayon sa Report, naka upo lang ang biktima sa kanilang terrace nang biglang dumating ang suspek naka suot ng kulay itim na jacket at naka face mask.

Sa di pa malamang dahilan ay bigla nalang binaril ng suspek ang biktima na tumama sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan. Naigusod pa ang biktima sa Antipas Medical Specialist pero idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon ay wala pang matukoy na motibo ang PNP maging sa pagkakakilanlan ng suspek na responsable sa nasabing pamamaril.(Cherry Exim/Mark Tayco) NDBC BIDA BALITA

 

-0-

 

NATIONAL NEWS………………….

KABILANG sa 30 pinakamagagandang mga isla sa buong mundo ngayong taon ang ilang tourist destinations sa Pilipinas.

Sa listahan ng international travel magazine na Condé Nast Traveler, nangibabaw bilang pinakamagandang isla sa Asya ang Boracay.

Sinundan naman ito ng "Cebu and Visayas Islands" na nasa ikalawang posisyon.

Nasa ikaapat na pwesto naman ang Palawan, na tahanan ng Puerto Princesa Subterranean River, isang UNESCO World Heritage Site.

Kapansin-pansin naman na wala sa Top 5 ng Asya ang numero uno sa kontinente noong 2018 na Siargao.

Sa iba pang balita, pinagtibay ng Korte Suprema ang probisyon ng Philippine Nursing Act of 2002 na nagtatakda ng mas mataas na salary grade para sa mga nurses.

Idineklara ng Supreme Court na “valid” ang Section 32 ng Philippine Nursing Act kung saan itinatakda sa salary grade 15 ang minimum na pasahod sa mga nurse mula sa kasalukuyang salary grade 11.

Gayunman, hindi pinagbigyan ng SC ang hiling ng petitioners na agad ipatupad ng pamahalaan ang probisyong ito ng batas.

Kailangan pa kasing magpasa ng batas ang Kongreso para sa pondong gagamitin sa implementasyon ng mas mataas na sahod para sa mga nurse.

Sa kabilang dako pa, aarangkada na simula sa Lunes, October 14 hanggang October 27 ang door-to-door supplemental vaccination laban sa polio sa Metro Manila, Laguna, Marawi City, Lanao del Sur, Davao City at Davao del Sur.

Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na kasama sa mass vaccination ang “monovalent vaccines” para sa Type 2 vaccine-derived poliovirus.

Mula anya ang mga bakunang ito sa World Health Organization headquarters sa Switzerland at dumating sa bansa kamakalawa.

Target ng DOH na mabakunahan lahat ng bata edad lima pababa kahit na nabakunahan na ang mga ito noon.

NDBD BIDA BALITA (10.17.19)

HEADLINES:

1. LIMA katao, nasawi matapos ng naranasang malakas na lindol kagabi sa iba’t ibang mga lugar sa...

Cotabato Light power distribution normal despite Magnitude 6.3 quake

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announces today that its power distribution capacity remains normal despite the quake that...

Large-scale shabu peddler arrested in Malabang

COTABATO CITY  --- Anti-narcotics agents seized more than P900,000 worth of shabu from a  trafficker who fell in an entrapment in Malabang...

PDEA-BARMM, Marines seize P3.4-M worth of shabu, nab peddler in Lanao

COTABATO CITY – At least P3.4 million worth of suspected shabu were seized from a big time drug peddler during joint law enforcement...

More images of Gaisano Mall of GenSan fire

GEN. SANTOS CITY - Fire fighters from this city, nearby towns and from as far as Davao City are still fighting the blaze the engulfed the Gaisano...