Thursday Feb, 20 2020 11:16:50 PM

MP Candao umapela sa publiko na iwasan ang maling impormasyon hinggil sa coronavirus

Breaking News • 17:45 PM Thu Feb 6, 2020
338
By: 
Lhoy Rosario
MP Bai Maleiha B. Candao (contributed photo from office of MP Candao)

COTABATO CITY – Nanawagan si Bangsamoro Transition Authority (BTA) Member of Parliament Bai Maleiha Bajunaid Candao sa mga mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na huwag magpakalat ng maling impormasyon tungkol sa novel coronavirus (2019-nCoV), lalo na sa social media.

Ginawa ni MP Candao ang apela matapos na kumalat ang mga maling impormasyon sa Facebook hinggil sa 2019-nCoV at may mga nagsasabing meron na daw sa BARMM pero tinatago.

“Please, iwasan po natin magpakalat ng maling impormasyon. Mas makabubuti sa lahat kung sundan natin ang mga ulat mula sa World Health Organization, BARMM Ministry of Health, Department of Health 12 dahil ito ang mga ahensyang may sapat na kaalaman tungkol sa naturang sakit,” pahayag ng mambabatas.

Sa BTA, nagpasa ng resolution si MP Zia Adiong na humihikayat sa mga tanggapan ng BARMM lalo na ang MOH upang mapigilan ang pagpasok ng virus sa rehiyon.

Nangako naman ng agarang pagkilos si BARMM Health chief Dr. Saffrullah Dipatuan upang maprotektahan ang Bangsamoro mula sa naturang sakit.

Sa ngayon, tatlong Pinoy sa bansa na ang kumpirmadong positibo sa coronavirus at maraming iba pa ang under observation.

Naniniwala si Candao na malalampasan rin ng bansa ang problemang ito.

Payo niya sa publiko ay laging maghugas ng kamay, gumamit ng face masks at wraparound eyeglasses dahil ang entry points ng virus ay nasa mucosal membranes ng isang tao.

Ayon kay Candao, tiniyak ni BARMM interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim na ginagawa ng kanyang pamunuan ang pwedeng gawin upang mailigtas ang Bangsamoro sa naturang sakit.

NDBC BIDA BALITA (Feb. 19, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. MGA OPISYAL ng BARMM PNP, sumailalim sa mandatory surprise drug testing....

Buntis na patungo ng ospital nanganak sa isang tricycle sa Koronadal

KORONADAL CITY, South Cotabato- Hindi na umabot sa ospital ang isang ginang matapos abutan ng panganganak sa loob mismo ng isang tricycle sa...

Basilan gov’t, 6 LGUs pass 2019 GFH evaluation

COTABATO CITY --- Five now peaceful Basilan towns the Abu Sayyaf pestered for decades until four years ago have passed the national government’s...

106 more MILF fighters decommissioned 

COTABATO CITY --- More than a hundred more members of the Moro Islamic Liberation Front got decommissioned Tuesday based on its peace deal with...

Drug suspect who tossed grenade at lawmen slain in Cotabato City

COTABATO CITY  – For resisting arrest and for tossing a hand grenade against law enforcers, a suspected drug peddler was killed in a shootout...