Wednesday Sep, 30 2020 12:59:42 PM

Mom says slain soldier-son a hero, not coward

Local News • 10:15 AM Tue Aug 4, 2020
730
By: 
NDBC NCA

KIDAPAWAN CITY - ‘MAUNA NA KAYO, COVER KO KAYO’- Ito ang mga huling salita na narinig ng kanyang mga kasamahan mula kay Corporal Raymund Canlog ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army bago ito tinamaan ng bala sa ulo at namatay sa engkwentro na naganap sa Datu Salibo Maguindanao nitong nagdaang linggo.

Patunay ito na hindi duwag kundi isang bayani si CPL Canlog, ayon sa kanyang ina na si Ginang Jean Canlog, nang makapanayam ni Radyo BIDA.

Bago kasi ito nasawi ay sinabihan itong duwag sa isang national television dahil sa umano’y pag-atras nito sa kasal ng kanyang nobya.

Dagdag pa ni Ginang Canlog, namatay ang kanyang anak nang hindi man lang nalinis ang kaniyang pangalan sa akusasyon sa kanya ng kanyang nobya na nagpasaklolo kay Raffy Tulfo.

Isa rin ito sa dahilan ng pagiging balisa at kulang sa konsentrasyon ng nasabing sundalo habang sinusuong ang operasyon laban sa kanilang naka-engkwentrong BIFF.

Sinabi ng kanyang ina na isang patunay ang pagbuhis ng buhay ng kaniyang anak upang iligtas ang kanyang kasamahan na noon ay naiipit na sa labanan.

 

 

MinDA assists groups, coops to avail of loans, financing

'Project Diskarte Lang!' KIDAPAWAN CITY - The Mindanao Development Authority (MinDA), even with a minuscule budget of P176-M, has initiated...

NDBC COVID WATCH: 28 patients recover, 30 new cases

COTABATO CITY - May 30 panibagong kaso ng Covid-19 ang naitala sa Region 12 hanggang kagabi. Dahil dito, abot na sa 1,404 na ang total confirmed...

Another anti-COVID-19 facility up 

COTABATO CITY --- Officials inaugurated Tuesday the 100-bed COVID-19 isolation facility built by the Bangsamoro government beside the Datu Blah...

SC clears NoCot guv, ex-hubby of criminal charges

COTABATO CITY – North Cotabato Governor Nancy Catamco on Tuesday said she felt vindicated by the Supreme Court ruling dismissing the criminal...

Let my prayer come before you, Lord

Reading 1 JB 9:1-12, 14-16 Job answered his friends and said:I know well that it is so; but how can a man be justified before God? Should one...