Saturday Feb, 29 2020 05:06:57 AM

Malakas na hangin tumama sa Banga, SoCot, ilang mga bahay nasira

Local News • 10:30 AM Wed Oct 9, 2019
268
By: 
ROEL OSANO
Photos courtesy of PDRRMO - South Cotabato

KORONADAL CITY - Sinira ng malakas na hangin na nanalasa sa Barangay Rizal, Banga South Cotabato pasa do alas dos kahapon ang ilang mga bahay.

Ito ang ipinahayag ni South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRMO Operations and Warning Chief Rolly Doanne Aquino.

Ayon kay Aquino,karamihan sa mga bahay na natangayan ng bubong ay pawang gawa sa light materials tulad ng mga kawayan at kahoy.

Ilang mga puno din ang nabuwal sanhi ng malakas na hangin.
Hindi rin nakaligtas sa bagsik nito ang ilang mga tindahan.

Ayon kay Aquino, napinsala rin ng malakas na hangin ang ilang mga agricultural crops sa nasabing lugar.

Sa ngayon ayon kay Aquino ay nagpapatuloy pa ang assessment ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO Banga sa pinsala at danyos ng nasabing kalamidad.

Ayon kay Aquino nagpadala na ng inisyal na relief assistance sa mga apektadong mamamayan ang PDRRMO.

Tiniyak din ni Aquino na magbibigay ng shelter assistance ang PDRRMO kapag natapos na ang final assessment ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya.

NDBC BIDA BALITA (Feb. 28, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. DRUG SUSPECT, patay matapos manlaban sa mga otoridad sa President Quirino,...

Mlang mayor officiates mass wedding to 49 couples

MLANG, North Cotabato -- At least 49 pairs of couples on Friday tied the knot in a mass wedding facilitated and sponsored by the local government...

BDA: New hanging bridge to improve life in Lanao Sur's isolated community

MARAWI CITY – Life in a remote village in Lanao del Sur is expected to improve with the completion and expected turnover of a hanging bridge that...

Basilan gov’t building “peace bridge” in former Abu hideout

COTABATO CITY --- The provincial government of Basilan is constructing a bridge connecting a former lair of the Abu Sayyaf to trading centers in...

Cops uproot some P400k worth of marijuana plants in SoCot-SK borders

TAMPAKAN, South Cotabato – Close to 10,000 fully grown marijuana plants, estimated to cost more than P400,000, were uprooted by police authorities...