Thursday Jun, 20 2019 02:57:08 AM

Look: Cargo truck helper patay, driver sugatan sa aksidente sa North Cotabato

Local News • 16:00 PM Sat Jun 8, 2019
198
By: 
Rhoderick Benez

KIDAPAWAN CITY – Patay ang helper ng ten wheeler truck habang sugatan naman ang drayber nito matapos na tumaob ang nasabing sasakyan sa national highway sa Makilala, North Cotabato kanina.

Ayon sa report, nawalan ng preno ang cargo truck na may kargang semento hangganan ng Sitio Patulangon, Malasila at Purok 11-B barangay Poblacion, Makilala North Cotabato.

Kinilala ang drayber ng naturang sasakyan na si Marcelino Salvacion, 59-anyos at ang nasawing helper na si Dionesio Sibag, kapwa residente ng Esperanza, Sultan Kudarat.

Sinabi ni Makilala PNP town police chief Police Major Johhny Rick Felongco Medel na posibleng nag-malfunction preno ng sasakyan sa pakurbadang daan hanggang sa tumaob ito sa naturang lugar, pasado alas-5:00 ng umaga.

Kapwa naipit ang drayber at helper ng truck sa tumaob na sasakyan.

Unang na-rescue ng mga residente sa lugar ang drayber hanggang sa nakalabas ito at isinugod sa ospital habang pahirapan naman ang pagkuha sa naipit na helper.

Naisugod din sa bahay pagamutan si Sibag pero ideneklarang dead on arrival.

Ayon sa mga nakasaksi mula pa sa mataas na bahagi ng highway ay nawalan na umano ng preno ang sasakyan kaya walang humpay ang busina ng drayber hanggang sa nahulog na lamang ito sa inaayos na kalsada sa lugar.

Metro Cotabato Water District announces water supply interruption for June 21-22

Water Service Advisory

What: Water Service Interruption

WHY: Repair of leaking 16" steel pipe transmission line along national...

2 patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Tacurong City

TACURONG CITY- Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa dalawang kaso ng pamamaril sa Barangay Poblacion, Tacurong City kaninang umaga...

Reforming drug dependents in Malungon bouncing back

SARANGANI --- Thirty reforming drug dependents have completed livelihood skills training facilitated by the Malungon municipal government and the...

Cotabato Light open on June 20 (Araw ng Cotabato)

COTABATO CITY -- The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) is openm to serve its clients on June 20, Thursday, a special non working...

Lola patay matapos mabundol ng passenger van sa Kidapawan

KIDAPAWAN CITY – Patay ang isang 66-anyos na lola makaraang mabundol ng isang pampasaherong Toyota D4D HiAce van sa national highway, Barangay...