Friday Jul, 10 2020 08:09:19 AM

Libingan ready na para sa posibleng mamatay na COVID-19 patient sa Tampakan, South Cotabato

Local News • 09:30 AM Thu Jun 4, 2020
162
By: 
DXOM-AM Radyo Bida

 

TAMPAKAN, South Cotabato - Matapos maipatayo ang kanilang airconditioned isolation facility, sinimulan na rin ng lokal na pamahalaan ng Tampakan, South Cotabato ang paghahanda ng mga libingan para sa mga mamamayan ng bayan na maaring masawi dahil sa COVID-19.

Ayon kay Tampakan Mayor Leonard Escobillo, layon nito na matiyak na mailibing sa loob ng 24 oras ang papanaw na COVID-19 patient.

Ito ay bilang pagsunod na rin sa protocol ng Department of health.

Sinabi ni Escobillo na ito ay bilang kabahagi din ng programa ng lokal na pamahalaan para maprotektahan laban sa COVID-19 ang mga mamamayan ng Tampakan.

Ang libingan para sa mga maaring mamatay dahil sa COVID-19 sa Tampakan ay selyado at inihiwalay sa iba pang mga libingan.

Kaugnay nito isang babae na nagpositibo sa rapid test ang inilagay na isolation facility ng Tampakan LGU.

Maging ang mister at anak ito na negatibo sa test ay isinailalim din sa quarantine.

Nabatid na ang nasabing babae na may travel history sa Cebu at umuwi sa Tampakan dahil sa Hatid Probinsiya program ng pamahalaan.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng lokal na pamahalaan mula sa Department of Health ang Confirmation test sa swab sample ng nasabing babae.

Blast rocks near Maguindanao police provincial office in Shariff Aguak town tonight

SHARIFF AGUAK, Maguindanao - Blast rocked near the town police station here at 8:30 tonight. 

Anwar Kuit Emblawa, secretary to Mayor Marop...

NDBC BIDA BALITA (July 9, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1.  Taga-Pigcawayan, Cotabato, nagpositive sa Covid-19; sa...

3-year-old boy, 5 others new COVID-19 patients in Region 12

KORONADAL CITY - Six new cases of COVID-19 positive, including a 3-year-old boy, have been added to the rising number of coronavirus patients in...

BARMM brings stranded LSI in CDO to Maguindanao

COTABATO CITY - The 499 stranded LSIs in Cagayan de Oro that came originally from Manila and bound for Basilan, Sulu, and Tawi Tawi are now on...

DILG: Back-ride will be allowed starting July 10 but for couples only

MANILA - Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año confirmed today that back-riding in motorcycles will now...