Thursday Feb, 20 2020 11:29:34 PM

Kuwaiti employer ni Jeanelyn Villavende, nag alok ng P59-M blood money, pamilya tumanggi

Local News • 10:15 AM Fri Jan 24, 2020
304
By: 
Roel Osano
Ang ama ni Jeanelyn na si Abelardo (white shirt) habang kausap ang mga kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

NORALA, South Cotabato - Hindi nagtapos sa paghatid kay Jeanelyn Villavende sa kanyang huling hantungan kahapon ang paghangad ng hustisya ng kanyang pamilya sa pagkasawi nito sa bansang Kuwait.

Sa katunayan ayon sa ama ni Jeanelyn na si Avelardo tatanggihan ng kanilang pamilya ang mahigit P59 million na alok na blood money ng mga kaanak ng employer na suspek sa pagpatay sa kanyang anak.

Ayon kay Avelardo hindi pera kungdi hustisya ang gusto ng kanilang pamilya sa brutal na sinapit ng kanyang anak sa kamay ng kanyang mga employer. 

Maliban sa mga kaanak at mga kabarangay nito na sumama sa paghahatid kay Jeanelyn sa kanyang huling hantungan sa Norala, Public Cemetery, nagabang din sa mga daan ang mga mamamayan bilang pakikiramay sa pamilya Villavende.

Kaugnay nito sinabi naman ni Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Administrator Leo Hanz Cacdac na hangad nitong masampahan na ng kaso ang mga employer ni Jeanelyn.

Ipinahayag din ni Cacdac na pupulungin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga naulila ni Jeanelyn para magabayan sa kanilang mga dapat gawin.

Dinagdag din nito na pagtuloy din ang imbestigasyon ng Philippine Overseas Workers Welfare Administration sa recruitment agency ni Jeanelyn na kasalukuyang nakasuspinde. Matatandaan na ang 26 anyos na si Villavende ay tumungo bilang domestic helper sa Kuwait, Hulyo noong nakaraang taon.

Napatay umano ito ng kanyang babaeng employer noon December 28 ngunit nalaman ng kanyang mga kaanak ang kanyang sinapit noong December 30.

NDBC BIDA BALITA (Feb. 19, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. MGA OPISYAL ng BARMM PNP, sumailalim sa mandatory surprise drug testing....

Buntis na patungo ng ospital nanganak sa isang tricycle sa Koronadal

KORONADAL CITY, South Cotabato- Hindi na umabot sa ospital ang isang ginang matapos abutan ng panganganak sa loob mismo ng isang tricycle sa...

Basilan gov’t, 6 LGUs pass 2019 GFH evaluation

COTABATO CITY --- Five now peaceful Basilan towns the Abu Sayyaf pestered for decades until four years ago have passed the national government’s...

106 more MILF fighters decommissioned 

COTABATO CITY --- More than a hundred more members of the Moro Islamic Liberation Front got decommissioned Tuesday based on its peace deal with...

Drug suspect who tossed grenade at lawmen slain in Cotabato City

COTABATO CITY  – For resisting arrest and for tossing a hand grenade against law enforcers, a suspected drug peddler was killed in a shootout...