Friday Jul, 10 2020 08:38:37 AM

Koronadal nurse na under quarantine, tumakas, pinaghahanap ng mga otoridad

Local News • 15:00 PM Thu Jun 4, 2020
286
By: 
ROEL OSANO
Photos from

KORONADAL CITY - Nanawagan si Koronadal Acting City Health Officer Dr. Edito Vego sa publiko na tumulong sa paghahanap kay Rolyn Rey Entano.

Si Entano ay ang nurse na tumakas sa isolation facility ng lungsod.

Sinabi ni Vego na obligado si Entano na tapusin ang 14-day quarantine protocol. Siya kasi ayon kay Vego ay dumating noong nakaraang lingo mula sa Davao City na mayroong local transmission ng coronavirus disease o COVID-19. 

Ayon kay Vego nagtungo kasi sa Davao ang nasabing nurse para mag-enroll sa medical school. Nilinaw din nito na walang sintomas ng virus ang nasabing nurse at nasa mabuti itong kalagayan habang naka-quarantine.

Ngunit ayon kay Vego napansin ng mga gwardiya at taga pamahala sa isolation facility ang palagiang paglabas nito ng kwarto na mariin aniyang ipinagbabawal.

Sinabi ni Vego na sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang city health office ng Koronadal sa mga lokal na pamahalaan ng Senator Ninoy Aquino sa lalawigan ng Sulta Kudarat at Iloilo City.

Paliwanag ni Vego nakatanggap kasi sila ng impormasyon na nagtungo na sa nasabing mga lugar ang tumakas na nurse.

Sinabi ni Vego na ngayong nasa public health emergency situation ang bansa dahil sa COVID-19 kailangan nilang isapubliko ang pagkakakilanlan ni Entano.

Bukod dito ayon kay Vego tila nakababalaha na rin ang mga post ni Entano sa social media na maituturing na “police matter.”

Narito ang kanyang FB posts na tila may pagbabanta sa mga otoridad.

Image may contain: 2 people, text and closeup

South Cotabato mayor shot dead

KORONADAL CITY - Unidentified gunmen riding tandem on motorbike shot dead Mayor Pablo Matinong of Sto Nino, South Cotabato early Friday morning....

Red Toyota Innova ambushed in Pigcawayan Friday morning

PIGCAWAYAN, North Cotabato - Two persons were killed in a morning highway ambush along the national highway in Barangay Tubon here.

Some...

Blast rocks near Maguindanao police provincial office in Shariff Aguak town tonight

SHARIFF AGUAK, Maguindanao - Blast rocked near the town police station here at 8:30 tonight. 

Anwar Kuit Emblawa, secretary to Mayor Marop...

NDBC BIDA BALITA (July 9, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1.  Taga-Pigcawayan, Cotabato, nagpositive sa Covid-19; sa...

3-year-old boy, 5 others new COVID-19 patients in Region 12

KORONADAL CITY - Six new cases of COVID-19 positive, including a 3-year-old boy, have been added to the rising number of coronavirus patients in...