Sunday Jul, 12 2020 04:26:29 AM

Kornadal mayor, may paliwanag sa usapin ng tricycle ban sa national highway

TIMRA Reports • 11:00 AM Wed Mar 4, 2020
477
By: 
ROEL OSANO
Tricycle drivers dumalo sa meeting sa Koroandal City hall, mga tricycle tigil pasa muna. (Photo from city information office)

KORONADAL CITY - May dalawang taon pang transition period ang mga lokal na pamahalaan para paigtingin ang pagbabawal ng mga tricycle, pedicab at motorized pedicab sa mga national highway.

Ito ang paliwanag ni Koronadal Mayor Eliordo Ogena sa harap ng pangamba ng mga tricycle drivers at operators sa lungsod. Ayon kay Ogena, ang 30 days na deadline ay para lamang sa traffic route plan.

Ipinahayag ni Ogena na ayon sa batas may dalawang taon pa ang mga local government units o LGU para sa pagpapatupad ng route plan, road widening at dagdag na mga infrustruktura. Ang mga ito ayon sa alkalde ay popondohan din ng mga LGU, ayon sa inutos ng Department of the Interior and Local Government o DILG.

Ito ang ipinahayag ni Ogena sa consultative meeting na ipinatawag ng lokal na pamahalaan. Dinaluhan ito ng mahigit isang libong mga tricycle drivers at operators, commuters at kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.

Napagkasunduan din sa consultative meeting ang pagkakaroon ng tricycle route plan,at paglalaan ng pondo sa service road ng mga tricycle at pedicab. Palalawakin din ang mga daan mula mga Barangay Santo. Nino patungong San Jose at General Paulino Santos patungong Namnama.

Idadagdag din bilang mga myembro ng tricycle task force ang mga kinatawan mula sa mga commuter, tricycle drivers at operators sa Koronadal City

KBP on denial of ABS-CBN franchise: "Black day for the Broadcast Media"

KBP STATEMENT ON THE DENIAL OF ABS-CBN'S FRANCHISE BY CONGRESS

July 10, 2020

This is a black day not only for ABS-CBN, whose...

DOH-12: Cotabato City has 4 new COVID-19 positive, SoCot has 17 new patients

COTABATO CITY - Twenty-one new Covid-19 patients have been listed, as of today, by the Department of Health in the Soccsksargen region and four of...

MP Esmael assists returning students from Saudi Arabia

COTABATO CITY — Bangsamoro Transition Authority (BTA) Member of Parliament (MP) Abduladzis M. Esmael assisted some fifteen (15)...

Lanao Sur constructing additional holding shelters for LSIs 

COTABATO CITY --- Engineers are setting up additional temporary shelters in Lanao del Sur province for returning Maranaws stranded in regions...

NDBC BIDA BALITA (July 11, 2020)

HEADLINES:

1.  BLOODY FRIDAY, naitala sa Pigcawayan, Cotabato at Sto Nino, South Cotabato

2.  ...