Saturday Nov, 16 2019 07:14:34 AM

Karne mula Bulacan patungong Marbel, pinigil sa Tacloban dahil sa ASF scare

Local News • 06:15 AM Mon Oct 14, 2019
213
By: 
Wilnard Bacelonia
Photos courtesy of Tacloban City Infomration Office

TACLOBAN CITY - Abot sa P1.6 million pesos na halaga ng assorted frozen pork meat products mula sa Bulacan ang naharang pasado alas 10:00 nang umaga kamakalawa sa Tacloban City bilang bahagi ng umiiral na total ban ng pork-related products sa lungsod na nagmumula sa Luzon sa gitna ng African Swine Fever Scare.

Ang delivery van ng Marby Food Ventures na may kargang 700 crates ng frozen meat products ay naharang sa Veterinary Quarantine Checkpoint sa San Juanico Bridge.

Ayon kay Tacloban City Veterinarian Dr. Eunice Alcantara, nakumpiska ang nasabing meat products dahil sa hindi kompletong mga dokumento.

Aniya, resibo lang ng produkto mula sa Bulacan na ikinokonsiderang “ground zero” ng ASF kaya agad nilang kinompiska ang nasabing mga karne.

Nakasaad sa mga resibo na ang mga karne ay dadalhin sana sa mga tindahan sa Tacloban, Ormoc, Digos City, Iligan City, San Francisco City, Koronadal City, Butuan, at Surigao.

Ang mga nakumpiskang produkto ay nakatakdang ilibing sa Tacloban City Sanitary Landfill sa Barangay San Roque ng lungsod.

Una nang pinatunayan ng Koronadal City Veterinary Office na nananatiling ASF free ang lungsod sa pamamagitan ng sabayang pagkain ng pork barbecue at pagtuloy sa "Pigdiriwang" Lechon Festival noong kasagsagan ng 19th Charter Anniversary Celebration ng syudad.

Hindi naman nakasaad sa report kung anong partikular na tindahan sa Koronadal City ang bumili ng pork meat mula sa Bulacan.

NDBC BIDA BALITA (Nov. 15, 2019)

HEADLINES:

1. DAILY MINIMUM WAGE sa Bangsamoro Autonomous Region, tinaasan.

2. SAMPUNG EKTARYANG lupain na...

IED, firearms found in Sultan Kudarat

SULTAN KUDARAT -- Soldiers defused an improvised explosive device and seized firearms and ammunition in separate operations in Barangay Bagumbayan...

Army shells Dawlah Islamiya lairs in Maguindanao

MAGUINDANAO ---- Three more members of the Dawlah Islamiya terror group were reported killed as the Army bombarded with artillery its...

2 abus yield, hand over HPFAs

Two Abu Sayyaf Group members yield to the troops of the 44th Infantry Battalion in Imelda, Zamboanga Sibugay at 8:30am today, November...

Bishop to BECs: Take Gospel to needy

DAVAO CITY - A huge gathering of Basic Ecclesial Communities workers ended Thursday with a missionary mandate to work for justice and for...