Thursday Feb, 20 2020 06:22:54 PM

Hogs in Koronadal remain safe for consumption despite ASF infection, Agri chief says

HEALTH • 07:15 AM Sat Feb 8, 2020
151
By: 
Roel Osano/Radyo/Bida Koronadal

DA Secretary may paliwanag kung bakit ligtas pa rin sa ASF ang Koronadal sa kabila ng pagpositibo dito mga baboy galing Sulop, Davao Del Sur na dinala sa lungsod

Nilinaw ni Department Agriculture Secretary William Dar na ligtas pa rin sa ngayon sa African Swine Fever o ASF ang Koronadal City.

Sa kabila ito ng pagkumpirma ni Dar na positibo sa ASF ang labinisa sa apatnaput dalawang mga baboy na pinatay at inilibing sa Barangay Zone IV sa lungsod kamakailan lang. Kasunod ito ng pagkamatay ng isa sa kanila.

Paliwanag ni Dar napigilan kasi ng lokal na pamahalaan ang pagkalat ng ASF. Ito ay sa pamamgitan ng pag-disinfect sa lugar. Ayon kay Dar pagkatapos ng tatlumpung araw agad na susuriin ng mga kinuukulan ang lugar kung saan namatay ang nasabing mga baboy.

Ito ay upang malaman kung tuluyan nang ligtas sa ASF ang lungsod. Sinabi ni Dar na lumabas din sa blood samples ng mga baboy na kinuha sa ibang lugar sa Koronadal na negatibo ang mga ito sa ASF.

Ayon kay Dar , ito ay patunay na ang mga baboy lamang na nagpositibo sa ASF ang mga galing sa Sulop sa Davao Del Sur na aniya ay nagmula din sa Don Marcelino sa Davao Occidental, ang unang lalawigan sa Mindanao na nagkaroon ng ASF.

Ang nasabing mga baboy ay dinala sa Koronadal noong Disyembre. Sa kanyang pagtungo sa Koronadal City kahapon sinabi ni Dar na bawat baboy na papatayin dahil sa pangamba sa ASF ay may katumbas na limang libong piso. Ito ay bilang tulong na rin ng DA sa mga apektadong hog raisers.

NDBC BIDA BALITA (Feb. 19, 2020)

NEWSCAST

7:00 AM

HEADLINES:

1. MGA OPISYAL ng BARMM PNP, sumailalim sa mandatory surprise drug testing....

Buntis na patungo ng ospital nanganak sa isang tricycle sa Koronadal

KORONADAL CITY, South Cotabato- Hindi na umabot sa ospital ang isang ginang matapos abutan ng panganganak sa loob mismo ng isang tricycle sa...

Basilan gov’t, 6 LGUs pass 2019 GFH evaluation

COTABATO CITY --- Five now peaceful Basilan towns the Abu Sayyaf pestered for decades until four years ago have passed the national government’s...

106 more MILF fighters decommissioned 

COTABATO CITY --- More than a hundred more members of the Moro Islamic Liberation Front got decommissioned Tuesday based on its peace deal with...

Drug suspect who tossed grenade at lawmen slain in Cotabato City

COTABATO CITY  – For resisting arrest and for tossing a hand grenade against law enforcers, a suspected drug peddler was killed in a shootout...