Monday Jul, 13 2020 10:02:21 PM

Guro, huli sa entrapment operation ng CIDG sa Kidapawan City dahil sa extortion

Local News • 08:45 AM Sat Jun 27, 2020
336
By: 
Cherry Mae Exim/DXND Kidapawan
Ang suspect na si Teacher Jovanny Daven matapos ang entrapment operation (maroon jacket with cap) . Photo courtesy of DXND/CIDG

KIDAPAWAN CITY - Kulungan ang bagsak ng isang guro sa isinagawang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG sa Osmena, Drive Kidapawan City pasado alas 8:00 ng umaga kahapon.

Nakilala ang guro na si Jovanny Daven, 30 years old, taga Barangay Balite, Magpet at guro ng Kisante National School sa Makilala.

Ayon sa school administrator ng Institute For Motorbikes and Auto Mechanics Incorporated na isang Technical Vocational School, dalawang beses na anya ito ginawa ng guro at napagakasunduan nilang may 1,000 pesos siya at 1,000 pesos naman para sa kanyang adviser sa bawat enrollee na mag-aaral para pambili ng gamit sa paaralan.

Sa panig naman ng guro, inosente anya siya dahil ginawa lamang nito ang kanyang trabaho bilang coordinator ng Joint Delivery Voucher Program at ang perang kanyang malilikom ay mapupunta para sa pagsasaayos ng kanilang paaralan at nilinaw na hindi sa kanyang sariling bulsa.

Nang inabot ang marked money kay Daven, agad siyang inaresto ng mga operatiba ng CIDG. 

Sa ngayon nasa kostudiya na ng CIDG-Kidapawan ang guro at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Anti-red tape law and extortion.

ASF sa Magpet, North Cotabato dulot daw ng "chorizo"

Isa ang processed meat na Chorizo sa itinuturong dahilan sa pagkalat ng African Swine fever o ASF sa Magpet North Cotabato.

Sa panayam kay...

Hosts found intact in Manila church ravaged by fire

MANILA - A ciborium with consecrated hosts was found intact amid the rubble from the fire in the Sto. Niño Church in Manila’s Pandacan district,...

8 new coronavirus positive reported in BARMM

COTABATO CITY (July 12) -- Eight new coronavirus disease COVID-19 cases were recorded in the Bangsamoro Region.

Of the eight cases, seven...

Good news: No new COVID-19 case in Soccsksargen

KORONADAL CITY - The Department of Health in the Soccsksargen region today said no new case of COVID-19 was recorded as of today, July 12, Sunday...

Pigcawayan mayor nanawagan ng pagkakaisa dahil isang kababayan positibo sa Covid 19

PIGCAWAYAN, North Cotabato - Umapela si Mayor Jean Dino Roquero sa lahat ng mga kababayan nito na makipagtulungan sa local governrment unit...