Wednesday Aug, 05 2020 03:53:07 AM

Fogging kontra Chikungunya, isinagawa sa Tampakan, South Cotabato

HEALTH • 11:00 AM Fri Jan 31, 2020
407
By: 
ROEL OSANO

TAMPAKAN, South Cotabato  - Nagpatupad ng fogging operation ang municipal disaster risk reduction and management council o MDRRMC ng Tampakan, South Cotabato para mapigilan ang pagdami ng kaso ng Chikungunya sa nasabing bayan.

Ayon kay Tampakan MDRRM Officer Stela Pascua ang mahigit apatnapung kaso ng Chikungunya ay naitala ng municipal health office sa Purok 3 at 4 ng Barangay Maltana sa nasabing bayan.

Sinabi ni Pascua na para matiyak na mapigilan ang pagkalat ng nasabing karamdaman nagsasagawa din sila ng fogging operation sa karatig purok. Ayon kay Pascua Disyembre pa noong nakaraang taon ay may ilang kaso na ng Chikungunya ang kanilang namonitor sa Tampakan.

Ito ayon kay Pascua ay unti unting dumami ngayon Enero kaya nagdesisyon ang lokal na pamahalaan na magsagawa ng fogging operation.

Paliwanag ni Pascua ang Chikungunya ay isa ring uri ng mosquito-borne disease o sakit na sanhi rin ng lamok na namumuhay sa mga stagnant water at sagingan na malawak sa Barangay Maltana.

Tulad ng dengue mga sintomas din ng Chikungunya ang pagkakaroon ng rashes, mataas na lagnat at matinding pananakit ng ulo. Pinaka-prominenteng sintomas nito ayon kay Pascua na kadalasan ay lumabas pagkalipas ng tatlong araw ang panghihina at pananakit ng joints o kasu-kasuan.

Pero nilinaw ni Pascua na hindi kasing mapanganib ng dengue ang Chikungunya. Sa katunayan ayon kay Pascua ang mga nagkasakit ng Chikungunya sa Tampakan ay nagagamot na sa kanila pa lamang municipal health office.

Nananawagan din si Pascua sa mga mamamayan ng Tampakan na para masawata ang mga lamok na nagdadala ng Chikungunya virus, panatilihin ang kalinisan sa kapaligaran. Voice Clip…Si Tampakan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Stela Pascua

IPHO Maguindanao registers 101% completion in anti-polio drive

COTABATO CITY – The Integrated Provincial Health Office in Maguindanao has reported a 101-percent completion of its “Sabayang Patak Kontra Polio...

COVID WATCH: COVID-19 cases in Region 12 breach 300 mark with 7 new cases

COTABATO CITY - Seven new cases of novel coronavirus disease (COVID-19) have been added to the rising number of COVID-19 patients in the Soccsksargen...

Cotabato Light announces on-line power bill payment scheme

ACCREDITED PAYMENT CENTERS: Here are the easiest and fastest ways to settle your bills in the comfort of your own home thru online app via PayMaya...

“Serbisyong DAR TO DOOR” kicks off in North Cotabato

KIDAPAWAN CITY - The Department of Agrarian Reform in North Cotabato recently kicked-off the “Serbisyong DAR TO DOOR,” a door to door delivery of the...

Mom says slain soldier-son a hero, not coward

KIDAPAWAN CITY - ‘MAUNA NA KAYO, COVER KO KAYO’- Ito ang mga huling salita na narinig ng kanyang mga kasamahan mula kay Corporal Raymund Canlog ng...