Tuesday Nov, 19 2019 08:28:35 AM

Dating Barangay Chairman ng Maguindanao, patay sa pamamaril sa Tacurong City

Local News • 07:00 AM Mon Jun 24, 2019
388
By: 
Roel Osano

TACURONG CITY - Patay ang isang dating barnagay official ng Gen. SK Pendatun, Maguindanao habang namimili ng prutas sa fruitstand ng Tacurong City kahapon.

Ito ay ayon kay Tacurong Chief of Police, Lt. Col. Joel Siason sa panayam ng Radyo Bida Koronadal. 

Kinilala ni Siason ang biktima na si Edwin Guiamalon, dating Punong Barangay ng Midpandakan, General Salipada K Pendatun Maguindanao.

Ang nasabing biktima ay kasalukuyang nakatira sa Barangay New Isabela, Tacurong. Si Guiamalon ay agad na binawian ng buhay dahil sa matinding mga tama ng bala ng baril.

Ayon kay Siason, hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang mga salarin at ano ang motibo ng mga ito sa pagpatay sa biktima.

Ngunmit matatandaan na ang biktimang si Guiamalon ay nahuli sa anti illegal drug operation ng Tacurong PNP at ng Anti-Illegal Drug Special Operation Task Force Group sa New Isabela sa nasabing syudad noong 2016.

Matatandaan na patay din ang isang may ari ng internet Café at electrician na taga Poblacion, Buluan, Maguindanao sa magkasunod na insidente ng pamamaril sa Tacurong City noong nakaraang lingo.

Ayon kay Siason, dahil bigla na lamang nawawala sa tuwing hinahabol ang mga suspek, inaalam din ng mga pulis kung mayroong hideout ang mga ito sa nasabing syudad.

Noong July 22, 2016, naaresto si chairman Guiamelon sa isang anti-drug operations na isiniagawa ng Tacurong City PNP at ng Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group o (RAIDSTOG) sa Purok Salukag, Barangay New Isabela.

Huli din sa naturang operasyon si Mohammad Gandang Upan. Nanlaban pa sa otoridad ang mga suspek na ikinasawi naman ni Jack Enggal Kamilan. Si Kamilan ang ideneklarang dead on arrival matapos na isinugod sa pinakamalapit na Hospital.

Habang nakatakas naman ang isang Bong Lataban sa isinagawang operasyon. Narekober sa mga suspek ang matataas na uri ng baril, bala at ilang drug paraphernalia.

 

Classes suspended anew due to tremor

COTABATO CITY --- The local government unit here suspended classes in all school today (Nov.19) following the magnitude 5.9 earthquake...

More than 50 aftershocks follow magnitude 5.9 quake in Bukidnon

COTABATO CITY -- At least 50 aftershocks were recorded by Philippine Institute of Volcanology and Seismology after the magnitude 5.9 quake...

Magnitude 5.9 quake jolts mainland Mindanao

KIDAPAWAN CITY - A magnitude 5.9 quake jolts mainland Mindanao tonight at 9:22 p.m. with the epicenter traced in Kadingilan, Bukidnon, the...

2 sets of equipment bought by LGUs in Visayas, 1 acquired in 2016

Latest Update from Region 8

2 SETS OF EQUIPT BOUGHT
BY LGUs, 1 ACQUIRED 2016

A few minutes ago, I received a copy of the...

Piñol denies acquisition of defective equipment during DA stint

DAVAO CITY -- Former Agriculture Secretary Emmanuel Piñol clarified in a Facebook post on Monday that all equipment procured and...